Chapter 12

3390 Words
THIRD PERSON'S POV BATID na ng reyna ng Questhora na sinLady Aurea ang sinapit ni Loie Auxworton sa paggamit nito ng dalawang salamangka nang sabay. Nag-aalala man ay hindi niya pinakita ang tunay na emosyon dahil hindi iyon naaayon sa kaniyang katungkulan sa kaharian. Dahil para sa kaniya, ang pag-aalala, pag-iyak at pagdamdam ay isang senyales ng kahinaan. At iyon ang hindi niya hahayaan. Isang beses niya lang ipinakita ang kaniyang pagiging mahina. Noong nandoon lang sila sa templo ng Atramentous dahil hindi kinaya ng kaniyang damdamin ang sinapit ng kaniyang mahal sa buhay. Hanggang ngayon, kahit ilang dekada na ang lumipas ay sariwa pa rin ang sugat sa puso niya nang dahil sa mapait na nakaraan. At iyon ang hindi na niya hahayaang maulit pa. Hindi na muling papatak ang kaniyang mga luha dahil nawala sa kaniya ang mga mahahalagang nilalang sa buhay niya. Naniniwala siyang sa huli ay aanib pa rin ang kagustuhan ng pinakamataas na bathala na sila ay magtatagumpay. Habang naglalakad sa pasilyo ng Questhora, habang naririnig ang yapak ng kaniyang metal na sapin sa paa ay hindi niya maiwasang hindi malungkot. Ngunit tinago niya iyon sa likod ng kaniyang mga ngiti dahil mayroon siyang kasamang mga magigiting na kawal sa kaniyang likuran at ang iba naman ay nasa kaniyang harapan. Pinalilibutan siya at pinoproktehan kahit nasa loob siya ng kaniyang tahanan— ang Questhora. Hindi niya kasi maiwasang hindi balikan ang mga panahon kung saan, musmos pa lang siya at wala pang alam sa nangyayari. Ang nais niya lamang ay maglaro. Ngunit naudlot iyon nang i-anunsyo ng kaniyang mga magulang na kailangan niyang magsanay upang matutong makipaglaban at pumalit sa pwesto nila. Noon ay wala pa siyang naiintindihan, kaya ginawa niya lang laro ang pagsasanay. Ngunit nang mawala ang mga ito ay doon niya napagtantong kailangan niyang gawin ang lahat upang hindi masayang ang pinaghirapan ng kaniyang mga magulang. Kailangan niyang itama ang mga maling nagawa niya. Kailangan niyang palayain ang sarili sa mga kamalian na hanggang ngayon ay pinagbabayaran ng kaniyang kaharian. "Lady Aurea!" Lumingon siya nang marinig ang boses ni Aryll Schyler na nasa harap ng pinto kung saan naroon si Loie Auxworton. Agad naman niyang dinaluhan ang magandang binibini at ngumiti siya rito. "How was Loie?" tanong niya. Ngunit hindi siya sinagot ni Aryll, iminuwestra sa kaniya ng dalaga na pumasok siya sa loob ng silid ng binata upang tingnan ang kalagayan nito. Na siya namang ginawa niya. Nagulat man ay hindi niya pinahalatang rumehistro iyon sa kaniyang mukha. Alam niya ang sinapit ng binata. Alam niya ang magiging resulta ng ginawa nito ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang nakitang lapnos sa balat nito mula sa kamay nito hanggang sa balikat. Mabuti na lamang at kanang bahagi lang ng braso nito ang naapektuhan. Kabaliktaran ng reaksyon ng reyna ang reaksyon ng anak nitong si Czearine Quvriesh na lubhang nag-aalala sa sinapit ng matalik niyang kaibigan. Hindi niya maitago ang inis sa tuwing babalik sa alaala niya ang nangyari kanina. Hindi naman siya naiinis sa bagong saltang salamangkera na galing sa Verphasa. Naiinis siya kay Loie dahil inabuso na naman nito ang kapangyarihan niya. Sadyang kanina ay hindi na siya nakapag-isip nang maayos at nasigawan niya si Lorrine. Pero wala siyang dapat na ikabahala roon dahil naniniwala siyang sa mga salitang iyon ay pagtitibayin niyon ang loob ng dalaga. Kailangan lang nitong tumanggap ng kritikong mula sa katulad niya na walang kinikilingan. "He is still unconscious, Lady Aurea," saad niya at naramdaman niya ang mainit na kamay ng ina sa kaniyang balikat. "But I am sure he will wake up soon." Naniniwala siya roon dahil iyon ganoon katapang ang lalaki sa paningin niya. Para sa kaniya, ito ang pinakamagiting na lalaki sa buhay niya. Walang papantay rito. Iyon ang paniniwalaan niya. Kaya ang nangyaring ito kay Loie, hindi magtatagal ay mawawala rin. "Check him from time to time, okay?" ani Lady Aurea sa anak na nakaupo sa gilid ng kama ng binatang mahimbing na natutulog. "Yes, Lady Aurea." "Excuse me po but I need to go first." Napalingon ang lahat nang magsalita si Aryll Schyler. Ngumiti sa kaniya ang reyna at nagtanong. "Make sure she is safe, okay?" Tumango si Aryll bilang sagot sa reyna. "Masusunod po, Lady Aurea." Yumuko ang binibini bago umalis sa harapan ng reyna at ng mga kaibigan niya. Kailangan niya kasing umalis nang masigurong magiging mabuti na ang kalagayan ni Loie lalo pa't naroon na ang reyna. Kailangan niyang hanapin at sundan si Lorrine dahil sigurado siyang nalulungkot ito. Sigurado siyang hindi maayos ang kalagayan nito. Lumabas siya ng silid ni Loie at ganoon na lang ang gulat niya nang sa paglalakad ay may umakbay sa kaniya. "Samahan na kita." Napangiti ang dalaga nang makitang ang matalik niyang kaibigan na si Nyx Blaustein ang siyang umakbay sa kaniya. "Let's go!" ARYLL'S POV I AM IN A DEEP sadness right now. Hindi ko alam kung saan hahanapin si Lorrine at hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya ngayon. Aminin ko man o hindi, kahit likas na sa kaniya ang pagiging matapang, alam kong nasasaktan din siya. Lalo na sa mga sinabi at ipinaramdam sa kaniya ni Czearine. That is why I decided to leave them there and start looking for our friend. And still, I have my best friend with me. Nag-aalala kasi ako kay Lorrine ngayon. Hindi naman niya kasi kasalanan na napadpad siya rito sa Questhora pero parang siya ang may kasalanan kung bakit siya narito. Pakiramdam ko, iniisip niya ngayon na parang siya ang nagbabayad ng kasalanan na ginawa ng tinuturing niyang kapatid na hindi naman niya sala. Naiintindihan ko kung masama ang loob niya sa amin. Maging sa akin dahil mas sinamahan ko si Loie kaysa sa kaniya. Paano kung masama rin nga ang loob niya sa akin? Paano ko muli makukuha ang tiwala niyang hindi ko alam kung naipagkatiwala na nga sa akin? I can't help but to overthink. Nag-aalala kasi ako sa pwede niyang maramdaman. Ayokong isipin niya na binabalewala namin ang nararamdaman niya. Ayokong isipin niya na tulad ni Czearine, naiinis din kami sa kaniya dahil hindi. Hindi kami naiinis sa kaniya. In fact, gusto ko ngang mag-sorry dahil iniwan ko siyang mag-isa. Baka pakiramdam niya, mag-isa na lang siya ngayon. And I don't want her to feel that she is all alone. Pero mali ko rin dahil pinaramdam ko iyon sa kaniya. Ngayon, hindi ko alam kung saan siya hahanapin. "Tingin mo, saan nagpunta si Lorrine?" I asked Nyx who's beside me. Umiling siya kaya napabuntong-hininga ako. "I think magandang ideya kung lilibutin na lang natin ang buong Questhora." Nanlaki ang mga mata ko nang sulyapan ko siya. Ano raw ang kaniyang sinambit? Lilibutin namin ang buong Questhora? Hindi ko alam ngunit tila nasisiraan ng ulo ang aking matalik na kaibigan. Nang hindi makabawi sa gulat at pagtataka ay narinig ko ang kaniyang pagtawa. Tuloy ay sumimangot ako sa kaniya at nagpauna sa paglalakad. "Hey! I was just joking." "Nagtatanong kasi ako nang maayos," nagmamaktol kong saad at mas binilisan pa ang paglalakad habang siya naman ay hinahabol ang paglakad ko. Hindi naman ako naiinis sa kaniya. Sadyang gusto ko lang makita ang nag-aalala niyang mukha sa tuwing kunwariang nagtatampo ako. "Oo na po. Sorry na nga po." And with that, humarap ako sa kaniya at hinintay ang paglapit niya sa akin. Nang nasa tabi ko na siya ay ikinawit ko ang braso ko sa braso niya at sabay kaming naglakad. LORRINE'S POV I TOOK A DEEP breath before knocking on the porch of our little house. But I smiled when I heard her angelic voice. Oh, I missed her so much. Na-miss ko ang lahat dito. Ang simoy ng hangin, ang malamyos na tunog ng mga punong sumasayaw, ang mga huni ng maliit na ibon at ang lagaslas ng maliit na ilog sa tabi ng aming munting tahanan. "Sino 'yan?" Rinig ko ang langitngit ng kahoy dahil sa yapak ng mga paa senyales na paparating na siya sa gawi ko. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang makalapit sa gawi ko at labasin ako. Habang papalapit sa akin ay hinanda ko ang isang matamis na ngiti. At nang sa wakas ay buksan niya ang pinto, sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. "Inay..." Finally... I'm home. Gustong tumulo ng mga luha ko nang sandaling maramdamang muli ang yakap ni Inay. Tuloy ay naramdaman kong tama ang desisyon kong umuwi sa lugar kung saan talaga ako nabibilang. Sa lugar kung saan, walang nang-aapi sa akin. Walang nang-iinsulto sa akin. Kung saan, alam kong tanggap ako at hindi kailanman ipaparamdam sa akin na naiiba ako. Ngunit nawala ang masiyang pakiramdam sa akin nang bigla ay tanggalin niya ang mga braso kong nakapulupot sa kaniya. Kasunod niyon ay humiwalay siya sa pagkakayakap ko. "Lorrine? Ano'ng ginagawa mo rito?" Kumunot ang noo ko nang makita sa kaniyang mata na hindi niya nagustuhan ang pagbabalik ko ng Verphasa. Ramdam kong kinuha ni Inay Serra ang aking braso saka mahigpit na hinawakan. Sa isang iglap ay narating namin ang gubat nang hilahin niya ako. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan. "Inay, bakit?" Naguguluhan kong tanong dahil nahihinuha kong hindi niya nais na narito ako. Bakit? Sa anong dahilan? "Hindi ka na dapat pang bumalik dito!" may galit sa kaniyang tono na lubha kong ikinatakot at ikinalungkot. Tila bumalik ang lahat ng nararamdaman kong sakit dahil sinabi ni Inay. Bakit ba ayaw nila akong makasama? Bakit imbes na pananabik ang maramdaman niya ngayong nakabalik na ako, eh, tinataboy niya ako? Pati ba siya ay galit sa akin? Sinabi ba ni Nhykira na kasalanan ko kung bakit niya nagawang paslangin anf mga kawal ng Questhora kaya pati si Inay Serra ay galit sa akin? Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Hindi nais ng mga tao sa Questhora na naroon ako. Ngayon naman, ang inaasahan kong kaisa-isang tatanggap sa akin nang buo, tinataboy ako. "Inay, ayoko na po sa Questhora. Nais ko na pong manatili rito. Nais ko nang maging malaya." Halos manginig ang buo kong katawan dahil sa pagpigil kong maluha. Pero kahit na ano ang gawin kong pagpipigil, hindi ko maiwasang hindi pangiliran ng luha. Lubha akong nasasaktan sa lahat ng nangyayari ngayon. "Bumalik ka na ng Questhora," malamig na tugon nito saka marahan akong itinulak. "Hindi ka nababagay rito sa Verphasa. Bumalik ka na roon!" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ako nababagay rito? Hindi rin ako nababagay sa Questhora? Saan ako nababagay? Saan ba ako dapat pumunta? Saang bayan ba ako karapatdapat? Gusto kong sumuko pero nais ko rin ipilit ang gusto ko. Gusto kong manatili rito sa Verphasa kahit hindi na ako makikitira kina Inay Serra kung ayaw na niya akong masakasama. Pero ayoko nang bumalik ng Questhora. Ayoko rin. Ayoko sa mga taong hindi tanggap ang pagkatao ko. Hindi tanggap na makasama ako at sinusuka ang makasama ako. "Inay, ayoko na po ro'n! Dito lang ho ako sa ayaw at sa gusto ninyo!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Hindi ko matanggap na ganito ang itatrato sa akin ni Inay. Ang inaasahan ko'y pananabik ang isasalubong niya sa akin. I wanted to feel sorry for myself but I tried not to. To hold my tears, once again, I took a deep breath. Bakit ganito? Bakit ayaw sa akin ng lahat? Bakit sinusuka ako ng lahat? Masama ba ako? Bakit ayaw nila sa akin? "Huwag nang matigas ang ulo mo, Lorrine! Kailangan mong bumalik doon!" Napapikit ako sa inis. Gumapang ang kakaibang inis sa aking ulo at hindi matanggap ng sistema ko ang pagtrato nila sa akin. "Ayaw ko nga, Inay! Kung hindi ninyo po nais na narito ako sa inyong tahanan, hindi ko po pagpipilitan ang sarili ko. Pero hinding-hindi rin po ako babalik sa Questhora na 'yon!" Nanlaki ang mata ni Inay na tila namangha sa sinabi ko. Ngunit ang reaksyon na iyon ay napalitan ng galit. Unti-unti ay nagbagong muli ang kulay ng kaniyang mata. Doon ay nakaramdam ako ng takot. "Huwag mong hintayin na gumawa ako ng paraan upang makabalik ka roon," mariin niyang saad na may halong galit. Huminga ako nang malalim. Pilit pinipigilang bumagsak ang luhang kanina ko pa sinusubukang huwag tumulo. Ngunit kaunti na lang ay mabibigo ako. "B-Bakit ho ba ayaw ninyo sa akin? I-Inay, hindi ninyo na ho ba ako m-mahal? B-Bakit ganito ninyo na ho ako kung t-tratuhin? A-Ano ho bang ginawa kong m-mali?" Doon na bumagsak ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Halos mawalan ako ng hininga dahil sa paghikbi. Hindi ko matanggap na pinagtatabuyan ako ng mahal ko sa buhay. Siya na nga lang ang pamilya ko, siya ang alam kong unang mananabik na makita ako, ngunit bakit niya ako pinalalayo sa kaniyang buhay? Bakit nila ito ginagawa sa akin? No'ng una, ang pagpaparatang sa akin ni Nhykira sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Kung sabihin niya ang mga katagang iyon, para bang hindi ako naging mabuting kaibigan sa kaniya. Nang gawin niya iyon sa akin, hindi manlang ba siya magdalawang-isip na isisi sa akin ang isang bagay na hindi ko ginawa? No'ng mga panahon na iyon, labis na akong nasaktan. I never thought, she would do that to me. Of all people, sila ang hindi ko inaasahang gagawa nito sa akin. Pangalawa, ang pagkunsinti ng kapatid niyang si Miandro. Nais kong intindihin na ginawa niya lamang iyon para hindi makulong sa Horristhora ang kaniyang kapatid. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Mas pinili nilang magsinungaling upang hindi maparusahan. Mas pinili nilang ako ang pahirapan para hindi sila mahirapan. And yet, I stayed in Questhora to save them. I love them so much to the point that I can forget what they did to me. At ngayon, ang pagtataboy sa akin ni Inay Serra ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Ang kaisa-isang taong unang-unang tatanggap sa akin at mananabik, lumalayo na sa akin. Hindi ko mapigilan ang mag-isip kung mayroon ba akong nagawang kasalanan sa kanila para saktan ako nang ganito? "Maniwala ka sa akin, ginagawa ko itong lahat para sa iyo," ani Inay Serra na naging malumanay ang boses. Tila ba nangungumbinsi ang tinig nito't nagmamakaawang pakinggan ko. "Ngunit mas masaya ako rito, Inay. Mas malaya pa ako sa mga ibon kung naririto ako't kasama kayo. Hindi ko na nais pang manatili sa lugar na iyon. Hindi ko na sila masikmurang kasama," pagsusumamo ko. Muli kong naalala ang mga oras na sinisigaw-sigawan ako ni Czearine. Ang mga masasakit na salitang binitawan niya. Ang pagpapamukha ni Loie sa akin na hindi nila ako kailangan. Hindi ko ugali ang pagpilitan ang isang bagay na alam kong hindi naman ako gugustohin. At napapagod na akong intindihin sila. "Maiintindihan mo rin ang lahat, anak. Hindi pa ngayon, ngunit sana'y huwag na huwag mong kakalimutan na walang ibang nais ang Ina kun'di ang mas makakabuti sa kaniyang anak," pahayag nito saka nagpakawala ng matamis na ngiti. Hilam ang mga mata kong tumingin kay Inay Serra at mapait na ngumiti. Bahagyang kumalma ang nananakit kong damdamin bagama't may pagtutol pa rin sa mga iyon. Ibinaba ko ang tingin saka umiling, "Hindi ko alam kung tatanggapin pa nila akong muli, Inay. Tumakas lang po ako sa Questhora. Sinaktan ko ang mga kawal upang makalabas," malungkot kong turan. Nabibigla naman niya akong hinarap at pinagpantay ang tingin namin. She sighed. "Matatanggap ka nila, anak," paniniguro nito. Pagak akong napatawa. "Heto na naman ang paninigurado mo, Inay. Noong huling ginawa mo sa akin ito, nagkatotoo ang tinuran mo. Kaya naman, hahayo na po ako't babalik ng Questhora." Binigyan ko siya nang isang matamis na ngiti. "Sandali, anak. Maghintay ka rito," anito saka pumasok sa bahay at nang lumabas, may dala na ito isang hindi kahabaang bagay. "Isama mo ito sa iyo." Iniabot niya sa akin ang bagay na iyon. At nabigla ako nang maging pamilyar ang hitsura nito. "Bakit ninyo ako binigyan ng punyal, Inay?" "Magagamit mo iyan, anak. Sige na. Umalis ka na." "Hindi ko ho bang puwede makausap sina Nhykira? Nananabik na ho akong makita sila." Yinakap niya ako at muling pinagpantay ang tingin namin. "Hindi muna maaari, anak. Nagpapasalamat ako't hindi ka nagtatanim ng galit sa iyong kapatid." "Hindi ko yata magagawa ang magalit sa kanila, Inay." "Sige na, humayo ka na. Mag-iingat ka," anito saka ako bahagyang tinulak. Nais ko pa sanang patagalin ang oras na magkasama kaming dalawa ngunit tila nagmamadali ang aking Ina na paalisin ako. Sa huli ay wala akong nagawa kun'di ang unti-unting humakbang papalayo sa kaniya. "Mag-iingat kayo, Inay," saad ko habang paatras na naglalakad papasok ng gubat. "Mag-iingat ka rin, Lorrine... anak." Muli kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib nang makita itong kumaway sa akin. Naging maagap ang pagtalikod ko sa kaniya upang ilabas ang aking mga luha. Babalik na naman ako sa Questhora na isinusuka na ako. Ilang araw na naman ang lalakbayin ko upang makabalik ng Questhora. Sa ilang araw kong paglalakad upang makauwi ng Verphasa ay hindi ko naramdaman ang pagod. Ngayon lang na, batid kong hindi ako sasaya sa pupuntahan ko. Mabilis akong naglakad upang mas maging maikli ang araw ng paglalakbay ko. Kung kaya ko lang ang ginagawa nilang paglalaho ay ginawa ko na. Para naman hindi mapagod ang mga paa kong hindi manlang nakatikim ng pahinga. Ilang sandali pa ang lumipas, malayo-layo na rin ang aking nalalakad nang mapahinto. Nakarinig ako ng kaluskos galing sa madilim na paligid, animo'y malapit lang ito sa akin. Kakaibang kaba ang idinulot niyon sa akin. Hindi pa ako handang makipaglaban ngayon. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. 'Please... not now.' Patuloy ang pagbulong ko sa sarili ng salitang iyon na para bang mapapahinto niyon ang salamangkerong magtatangka sa aking buhay. Ngunit walang nangyari, mas lumalakas ang kaluskos at para bang hindi nag-aalinlangan na marinig ko iyon. "Sino ka? Lumabas ka kung nais mo ng magandang laban," malakas kong saad. "Hindi mo ako masisindak sa pagtatago mo. Huwag mo nang gamitin ang tuyot na dahon upang magpapansin sa akin. Lumabas ka sa iyong pinagtataguan kung gusto mo ng laban na walang kapantay," matapang ko pang dagdag. Hinawakan ko nang mahigpit ang mahabang punyal na ibinigay sa akin ni Inay Serra saka inilibot ang paningin. Palinga-linga ako't hinahanap kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. "Saan ka tutungo, salamangkera ng Verphasa?" Mula sa dilim ay unti-unting naglakad palabas ang isang lalaki na may suot na kapa. Malalim ang kaniyang boses at natatakpan ng tabing ang mukha nito. Tanging ang nakikita lang sa kaniya ay kaniyang mapupula at nanlilisik mata. "Ano'ng kailangan mo sa akin?" Ngunit sa halip na sumagot ay tumawa ito nang malakas, nakakatakot at nakakanindig balahibo. Muli siyang nagtago sa dilim. Hahabulin ko na sana siya nang may tumawag sa akin. "Anak, bakit narito ka pa?" Napatingin ako sa gawing likuran ko nang marinig ang boses ni Inay. At nang humarap ako'y hindi ako nagkamali. Narito nga ang Inay. Agad akong lumapit sa kaniya't yumakap. "Inay Serra? Bakit ninyo ho ako sinundan? Akala ko po ba'y pinababalik ninyo na ako ng Questhora?" Ngunit nagulat ako nang ngumisi siya sa akin at nag-iba ang kulay ng kaniyang mata. Ganoon na ganoon sa matang nakita ko kanina sa lalaking iyon. Hinawakan ako nito sa aking braso. Naging malubha ang pagkahigpit niyon dahilan upang manakit nang todo ang aking braso. Sa pagkakataong iyon ay lumabas ang tunay na katauhan ng aking kaharap. Nalinlang niya ako. Agad kong ipinikit ang aking mata saka mabilis na nag-isip ng pupuwedeng ipanglaban sa kaniya. Ngunit hindi ko iyon napagtagumpayan nang mabilis niya akong sipain palayo. Sa sobrang lakas niyon ay tumilapon ako sa isang malaking puno at nabitawan ang punyal na hawak. Namilipit ako sa sobrang sakit at tila doon na malalagutan ang aking paghinga. Sinikap kong ibalik sa huwisyo ang aking lakas ngunit bigo ako. Agad nagdilim ang paningin ko't parang anomang oras ay babawian ako ng buhay. "S-Sino k-ka b-ba?" Naging mahirap sa akin ang pagsasalita. Hindi na niya nasagot ang aking tanong nang bigla ay may bolang apoy ang sumulpot na tumama sa kaniya. Naging dahilan iyon para siya naman ang tumilapon sa isang puno. Hindi angkop sa oras na ito ngunit isang salamangkero ang pumasok sa isip ko. Napapikit ako dulot ng paglaho ng liwanag sa aking paningin. Unti-unti ay bumabagsak ang talukap ng aking mata. Ngunit bago ako tuluyang mawala sa ulirat, isang lalaki ang nakita kong lumapit sa akin at binuhat ako. 'L-Loie...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD