Chapter 8

3764 Words
LORRINE'S POV PAGKATAPOS kong 'magpakilala' ayon sa term na ginamit ni Miss Felirha ay pinaliwanag niya sa akin ang kapangyarihang mayroon ako. Kung ano ang kalakasan at kahinaan nito. Sinabi niya sa akin na masyadong matindi ang kapangyarihang mayroon ako dahil kahit sa utak ko lang, kaya ko na itong paganahin. Ngunit ang magiging kahinaan ko, ay ang salamangkang makakapagbasa ng isip ko. Kaya naman, sa pagtagal-tagal ko raw dito ay tuturuan niya akong isara ang ang force na iyon. Kumbaga, kailangan may gawin ako para harangan ang salamangkerong magtatangkang basahin ang isipan ko. Ngunit hindi daw iyon ganoon kadali. Isa sa pinakamahirap at malakas na salamangka lang ang makapagbasa ng isip, galaw, maging ang susunod na gagawin ng isang salamangkero. Ngunit mahirap ding pigilan na mabasa ito ng isang kalaban, lalo na kung masyado itong makapangyarihan at malakas. Bago kami nagpaalam kay Miss Felirha ay sinabihan niya akong tumungo sa kinaroroonan ni Lady Aurea upang ipaliwanag sa akin kung gaano kalaki ang responsibilidad na tatahakin namin. At kung bakit kinakailangan naming maging pinakamakapangyarihan. Sa una ay kinabahan pa ako, ngunit noong nakita kong kalmado lang ang mga kasama ko, nawala na rin ang kaba sa dibdib ko. Sa postura kasi nila, tila hindi mo kakikitaan ng habag at takot, kaya naman, ganoon ang ginagawa ko. Kung hindi sila natatakot, dapat hindi rin ako. Hapon na rin kaya't sinamahan ako ng apat na magtungo sa kinaroroonan ni Lady Aurea dahil batid nilang hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot dito sa Questhora. Sa paglalakad naman ay nauuna si Loie at Czearine kung kaya nagkaroon kami ng panahon na mag-usap nina Aryll at Nyx na nasa likuran nila. Ang labis na pagtataka ko ay siyang nagdala sa akin ng lakas ng loob para magtanong. Buhat kasi nang makarating ako rito sa Questhora ay hindi ko pa nakikita ang reyna. Tanging si Lady Aurea lang ang nakikita ko na siyang pakiwari ko'y makapangyarihang salamangkera dito sa kaharian na ito. Ni ang hari ay hindi ko pa nasisilayan. Mayroon bang hari at reyna ang kaharian na ito? Ang natatandaan kong narinig ko sa pag-uusap ng mga servus, wala raw hari at reyna sa kaharian na ito. Ang pinagtataka ko ay kung bakit. At kung mayroon, nasaan sila? Nagtatago ba sila? May pribadong kuwarto ba para sa kanila? O… masyado silang pribado kaya makakapangyarihang salamangkera lang ang nakakakita sa kanila? "Bakit nga ba walang hari at reyna dito sa Questhora? At kung mayroon man, nasaan sila?" nagtatakang tanong ko. Tumingin sa akin si Nyx at tumawa nang bahagya. Hindi ko maitatangging maganda ang pagkakahubog ng mukha ng salamangkerong ito. Ang mga ngiti niya'y patulad ng mga ngiti ni Aryll na talagang nakakahawa. Kapag ngumiti siya, pati ang mga mata niya ay nangungusap sa tuwa. Kapag tumatawa siya, alam mo talagang masaya siya. At kapag nagseseryoso siya, mukhang hindi totoo iyon dahil hindi bagay sa mukha niya ang maging seryoso. O siguro, hindi lang ako sanay sa pagiging seryoso niya dahil mas nakilala ko ang palabirong uri ng ugali niya? "May reyna pero walang hari. Lady Aurea is the queen of Questhora. Pero hindi siya pumapayag na tawagin siyang reyna o queen," si Nyx ang sumagot. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin, si Lady Aurea ang kinikilala nilang reyna? Kung gayon, nasaan ang hari niya? At bakit hindi queen ang tawag sa kaniya? "Bakit naman?" Ngumiti siya nang tipid at nagkibit-balikat. Bumuntong-hininga naman si Aryll. "Hindi ko alam, eh, nasta ang sabi kasi ng mga servus, sinabi raw ni Lady Aurea na hindi daw siya maaaring maging reyna kung wala ang kaniyang hari," malungkot naman na kuwento ni Aryll. "Wala bang kabiyak si Lady Aurea?" Mas nahihimigan sa akin ang pagiging tsismosa. Ibig bang sabihin niyon ay hindi nakapag-asawa si Lady Aurea kaya hindi siya hinirang bilang reyna? Pero ang sabi ni Nyx, siya ang reyna ng Questhora at ayon naman kay Aryll, ayaw daw maging reyna ni Lady Aurea kung wala ang hari? Ibig sabihin, mayroon. Pero nasaan? Gulong-gulo na ang utak ko at parang pinagsisisihan ko na tinanong ko pa ito. Ngayon ay tila hindi ako patutulugin hangga't hindi ko nalalaman ang tunay na rason kung bakit ayaw niyang tinatawag siyang reyna. "Actually, mayroon!" Napatingin ako kay Aryll. "Ayan nga oh. Nabuo si Czearine," segunda naman ni Nyx saka muling tumawa. "Pero ang sabi kasi ay isang araw, nawala na lang ang ama niya tapos hindi na nakita pa." Napatingin ako kay Czearine na taas-noong naglalakad at para bang hindi man lang kayang yumuko ng kaniyang ulo. Pati sa paglalakad ay tuwid na tuwid ang kaniyang pagkakatayo. Maging sa paglalakad ay halata sa kaniya ang pagiging perfectionist. Tuwid ang paglalakad niya. Nasa bilang ang bawat hakbang ng mga paa. Diretso ang tingin niya. Bakas ang pagiging matapang, gayon na rin ang pagiging mataray niya. Hindi na ako magtataka kung lahat ng Servus ay ilag sa kaniya. "Eh, bakit hindi nila hinanap?" "Siyempre hinanap muna nila. Pero hindi na nga nakita," Tila nawawalang pasensiyang sabi ni Aryll saka bumuntong-hininga. "Pero nalungkot talaga ako sa sinabi ng servus na sinabi raw ni Lady Aurea... 'A queen will never be a queen without her king.' Aww. That is so sad!" aniya pa na humawak sa kaniyang puso na tila totoong nasasaktan. Nagtuloy-tuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa hindi namin namalayan na narito kaming muli sa bulwagan, kung saan ako dinala ni Aryll kanina. Nasa tapat kami ng malaking pinto at si Czearine ang nangunguna. "Czearine Quvriesh... Atramentous," banggit nito sa kaniyang pangalan tsaka ang salitang binanggit din ni Aryll nang magpunta kami rito. "Ano ba ang Atramentous?" mahinang tanong ko. Sinisikap na hindi marinig ng dalawang pinagkaitan ng pagmamahal ngunit nagkamali ako nang isiping hindi nila ito maririnig. Sabay silang matalim na tumingin sa akin saka tinalikuran ako at nauna na namang naglakad. Nakahinga ako nang maluwag nang dahil do'n. Magkakasama kaming dumaan sa makipot na daanan bago makapunta sa silid kung saan naroon si Lady Aurea. Hindi manlang nag-atubiling kumatok si Czearine. Basta na lang itong pumasok at yumuko sa kaniyang ina saka sumalampak sa upuan. Ang silid na iyon ay parang kaniyang opisina. May kung ano-anong nakalagay sa ibabaw ng lamesa. May bookshelves at iba pa. "Maupo kayo," saad niya nang maramdamang nakatayo lang kami at hindi gumaya kay Czearine. "May ideya na ba kayo sa ating tatalakayin?" Nagkamali ako nang isiping ako lang ang kakausapin ni Lady Aurea. Hindi naman sumagot ang lahat, kabilang na ako. "Sa tingin ko'y hindi pa. Halika kayo, sumunod kayo sa akin." Dinig kong padabog na tumayo si Czearine ngunit hindi iyon masyadong halata. Para bang ganoon kabigat ang katawan niya para tumayo nang maingay. Hindi naman iyon pinansin ng mga kasama ko kung kaya't gano'n na rin ang aking ginawa. Pumasok kami sa isang pinto sa loob ng silid na iyon. Saka inilabas ni Lady Aurea ang kaniyang kanang kamay, ikinumpas mula sa taas hanggang pababa. Paulit-ulit niya iyong ginawa kasabay niyon ang pagsasalita niya sa isang wikang hindi ko maintindihan. At doon, nasilaw ako sa kung ano'ng naging resulta ng ginawa niya. Isang hugis pinto, nakasisilaw ang nagliliwanag na ilaw sa kabuuan nito, hindi kataasan iyon, sapat na upang hindi mauntog ang sinumang dadaan doon. "Sumama kayo sa akin," ani Lady Aurea na nangunang pumasok sa pintong iyon. Bagaman may pag-aalinlangan sa dibdib ko ay pumasok akong kasama nila. Napahawak pa ako sa braso ni Aryll na para bang may lalapa sa aking mabangis na hayop pagkalabas sa pintong iyon. "Relax, Lorrine. Tutungo lang tayo sa isang templo," humahagikgik pa na saad ni Aryll. Bumitaw naman ako sa pagkakahawak ko sa kaniya. Nang makalabas sa pintong iyon ay muling napaawang ang bibig ko nang bumulaga sa amin ang hindi kalakihang templo. Hindi nawala ang mangha sa aking mukha habang inililibot ng pangin ko ang kabuuan nito. "Ang hilig mong magmanman," pang-aasar sa akin ni Nyx saka inakbayan pa ako upang makasabay niya sa paglalakad. Hindi ko siya inimik, patuloy kong pinagmamasdan ang paligid. Hindi ko alam kung karugtong ito ng lawa sa labas ng Questhora ngunit mayroon din itong lawa. Nakatutuwa ang ganda ng tulay. Parang gusto kong magtungo roon. Mas tumalon pa ang puso ko sa saya nang maramdaman ang paglipad ng iba't ibang kulay na paru-paro sa paligid. Nakaka-relax ang ganitong tanawin. Kung pupunta ka rito nang mabigat ang problema mo, siguradong mawawala agad. Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng templo. Doon tumambad sa amin ang isang iba't-ibang estatwa na gawa sa ginto. May itsurang hayop at itsurang salamangkero. "Ito ang templo ng Atramentous," pagsasalaysay ni Lady Aurea. "Ang nakikita ninyong estatwa na gawa sa ginto ay dahilan kung bakit ang Questhora ang tinawag na pinakamalakas na kaharian sa ating mundo. Batid kong ang iba sa inyo ay alam na ang tungkol dito. Ngunit nais kong magtapat sa inyong lahat kung kaya ko kayo pinapunta sa akin." Atramentous? Hindi ba't iyon ang binanggit ni Aryll at Czearine?' Tahimik ang lahat, nakatuon lang ang atensyon sa palakad-lakad na si Lady Aurea habang emosyonal na tiningnan isa-isa ang mga estatwa. "Dalawampu't limang taon na ang nakakalipas nang magkaroon ng digmaan laban sa Questhora at Thadelux. Ang grupong Atramentous ang inatasan na manguna rito. Sila-sila ang nagplano, nagsagawa at tunay na nakipaglaban para sa Questhora. Ang estatwang hugis mabangis na hayop... ay ang lola ni Aryll." Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Aryll. It's her grandmother. "Hindi ito lingid sa aking kaalaman, Lady Aurea. Isang karangalan na maging apo ng isang magiting na salamangkera," napapaluhang saad ni Aryll. Sa huli ay yumuko siya upang hindi tumulo ang nagbabadya niyang luha. Mabuti na lamang at inakbayan siya ni Nyx. Hindi ko maiwasang hindi maawa kay Aryll. Sa nakikita kong reaksyon ni Aryll, halatang malapit ang loob niya sa kaniyang lola. Kung kaya naman, hindi ko maiwasang damhin ang lungkot na nararamdaman niya. Para bang nasasaktan din ako sa sinapit ng lola ni Aryll. Wala nga lang akong lola, hindi ko kilala. Pero kung sakali mang nakilala ko iyon noon, siguro masasaktan din ako na mawala ito. "Sa labanang iyon ay buhay sa buhay ang naging batayan, bawat isang salamangkerong malalagas sa Thadelux ay ganoon din sa Questhora. Nais sakupin ng Thadelux ang mundong ito upang maging pinakamalakas. Nakipagtulungan pa sila sa Horristhora upang tuluyang pabagsakin ang ating kaharian. Ngunit hindi nagpadaig ang Atramentous, ginawa nila ang lahat upang maprotektahan ang Questhora laban sa Thadelux. Isa iyong madugo at nakakatakot na labanan. Noong panahong iyon, nakakapit pa ako sa saya ng aking ina. Habang ang aking ama ay binuwis ang buhay para sa Questhora." Doon tuluyang bumigay si Lady Aurea. Kitang-kita ang sunod-sunod na malalaking patak ng luha sa kaniyang mata. Ramdam na ramdam ang kalungkutan na nababalot sa kaniyang puso. At humahanga ako dahil hindi siya nahihiyang ipakita iyon. Nakita ko ring pasimpleng nagpunas ng luha si Czearine ngunit agad niyang pinagkunot ang kaniya noo upang magpanggap na hindi siya umiiyak. "Nagtagumpay naman ho sila, 'di ba?" Hindi ko na napigilan ang sumabat at makialam. Ngumiti sa akin si Lady Aurea saka marahang tumango. "Tama ka, Lorrine. Nagtagumpay sila. Natalo nila ang Thadelux. Ngunit..." Mayamaya pa ay nawala ang kaniyang ngiti at napalitan ng galit na hitsura. "... isang sumpa ang iniwan ng Thadelux na hanggang ngayon ay nagpapahirap sa atin." "Ano ho 'yon?" "Sila ang dahilan kung bakit walang umaga at pulos kadiliman ang ating mundo. Sila rin ang dahilan kung bakit may harang ang Questhora at hindi maaaring gamitin ang kapangyarihang maglaho upang makalabas ng ating kaharian. Nang sa gayon ay kayang-kaya nila tayong pasukin nang hindi tayo nakakalabas nang agaran. Dahil isa iyon sa lamang natin sa kanila, kakayahang maglaho at magtungo sa kung saan." Natahimik ang lahat sa narinig. Kahit ako ay hindi magawang umimik. Ngayon, paunti-unti ay naiintindihan ko na ang dahilan ng mga ito. At malakas ang pakiramdam kong tungkol sa nakaraang digmaan ang dahilan kung bakit ako narito. "Hindi ako kailanman natakot sa lahat ng aking nakalaban. Hindi kailanman sumagi sa pagkatao ko ang takot na baka sa susunod, ay ako naman ang bawian nila ng buhay. Hindi ako kailanman natakot para sa aking buhay. Ngunit natatakot ako para sa Questhora. Dahil isang pagbabanta ang iniwan sa atin ng Thadelux, sa ika-dalawamput limang taon, muling maghaharap ang tayong maghaharap-harap. Muling magbabalik ang bangungot. Muling magbabalik ang ating katunggali. At sa ikatlong pagkakataon, muling sisilay ang digmaan sa pagitan ng Questhora at Thadelux." Napalingon kami sa isa't isa. Kapwa nanlaki ang aming mga mata, nagtaka, natakot at nangamba. At isa lang ang sigurado ako, lahat kami ay kinakabahan sa pupuwedeng mangyari. Ngayon ang ika-dalawampu't limang taon, hindi ba? Tama nga ba na manatili ako rito sa Questhora? Tama nga bang umanib ako sa grupo nila? "At ang grupo ninyo ang inaasahan ng lahat na mangunguna..." ARYLL'S POV MATAPOS naming marinig ang lahat ng iyon kay Lady Aurea ay pare-pareho kaming tulala. Kami lang nina Nyx at Lorrine. Samantalang sina Loie at Czearine naman ay tahimik lang din habang magkakasama kaming naglalakad sa kawalan. Oo, hindi namin alam kung saan pupunta. Basta lang kaming naglakad nang sandaling iwan kami ni Lady Aurea. Kapwa kami gulat sa narinig. Hindi maproseso ng utak namin ang mga sinabi ni Lady Aurea kanina. It is not that we are scared or something. I just don't know how to react. I mean, yes. I am grateful that I am one of the Atramentous— the historical group of Questhora. Pero hindi ko maiwasang mangamba. Lalo na nang muling maging sariwa sa akin ang katotohanan na napaslang ang mga mahal ko sa buhay dahil sa digmaan na iyon. Paano kung ako naman ang mamatay this time? Am I ready to sacrifice my life? Am I ready to fight and win this battle? Maybe yes. Since mula nang magka-isip ako, para na ako sa grupong 'to. Para na ako sa Atramentous. Para na ako sa Questhora. Ang buhay ko ay nasa kahihinatnan na ng Questhora. Kami nina Loie, Nyx, at Czearine. Nabuhay kami para sa kaharian na ito. Ang kapalaran namin ay umiikot sa lugar na ito. Pero handa na nga ba ako? Handa na ba kaming harapin ang kapalaran na iyon? Siguro sila, oo. Pero ako? Hindi ko alam kung ito ba talaga ang rason para isakripisyo ko ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging mabigat na dahilan ko para isakripisyo ang buhay ko para sa Questhora dahil sa totoo lang, natatakot ako na matulad ang kapalaran ko sa kapalaran na naranasan ng mga ninuno ko. "What's bothering you?" I heard Nyx's voice so I looked at him and smiled a bit. Umiling ako at bumuntong-hininga. "You sure?" Huminga ako nang malalim atsaka iniwas ang tingin sa kaniya. "Can you make me an ice cream?" This time, he laughed. Para bang may nakakatawa talaga sa sinabi ko. Ginulo naman niya ang buhok ko pagkatapos niyon. "Tara, ihatid muna natin si Lorrine sa kanyang silid. Batid kong tulad mo ay nawindang din siya sa kaniyang narinig." Hindi na ako tumutol sa sinabi ni Nyx. All I want right now is to rest but I need ice cream more. I want to go to my parents to talk to them and have some advice from them. But I want ice cream first. I talked to Lorrine and she's really shocked from what she had heard. Unlike me, may ideya na talaga kami sa ganito. Atramentous ba naman ang pangalan ng grupo namin. Sinong hindi magkakaroon ng ideya? Hindi ko lang talaga alam ang dapat kong gawin. Hindi ko rin alam na malapit na pala ang digmaan. Kaya pala puspusan na rin ang pagsasanay ng ibang grupo. At kaya pala, kinuha nila si Lorrine. Ngayon batid ko na. Kahit walang konpirmasyon galing kay Lady Aurea, nalaman ko na. Na kaya nila kinuha si Lorrine at kaya niya pinasundo sa amin si Lorrine sa Verphasa ay dahil alam na nila ang taglay na kapangyarihan ng bagong saltang salamangkera. At talagang mapapakinabangan ang babae sa darating na digmaan. Masyadong malakas ang kapangyarihang mayroon si Lorrine. Nasaksihan at napagtanto ko iyon kanina nang magpakilala siya kay Miss Felirha. But I really don't know if she's aware of her strength. Para kasing nagugulat pa siya na nagawa niya ang isang bagay. Isa pa sa pinagtataka ko. Pakiramdam ko, naiintindihan niya ang mga salitang nabibigkas at naiintindihan lang ng isang salamangkerang may dugong maharlika. Kumbaga, iyon ang pinagkaiba ng mga hindi matataas na uri ng salamangkera kaysa sa mga salamangkerang nasa mababang uri. Dahil sa natatandaan kong ikinuwento sa akin ng mga magulang ko, pagkasilang daw sa isang sanggol, binabasbasan na raw ito. Kasama sa basbas na iyon ang maintindihan ang mga hindi maintindihan na salita ng mga mabababang uwi ng salamangkero. At ang basbas ay para lang sa mga matataas na uri katulad namin. Katulad ng mga salamangkerong nakatira at lumaki rito sa Questhora. Puno ng konklusyon ang isip ko. Dinadala ako niyon sa mas malalim pang kuryosidad kaya napatingin ako kay Lorrine na nasa gilid ng napapagintaan naming si Nyx. Nakayuko lang siya habang naglalakad. Tahimik at mukhang malalim ang iniisip. Hindi kaya? Iniisip niya rin kung sino talaga siya? Kung sakali mang isa siya sa amin, kaninong anak siya? Saang pamilya siya nabibilang? Hindi kaya, kapatid ko siya? O ni Nyx? O ni Czearine? O ni Loie? O ng iba pang salamangkero sa ibang grupo? Lubhang mahiwaga sa akin ang katauhan ni Lorrine dahil sa mga naiisip ko. Mas pinalalala niyon ang kuryosidad ko na kilalanin pa ang bagong nilalang sa grupo namin. At mukhang hindi naman ako mahihirapan doon sapagkat gusto ko naman talaga siyang maging kaibigan. Iyon nga lang, bahagyang umiiwas siya sa amin. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya, naiilang or what? Ah, basta. Gusto ko talaga siyang kaibiganin. At isang paraan ang naisip ko. Ang mas maging malapit sa kaniya sa magandang intensyon. "Hey!" Napapitlag ako at kumurap nang paulit-ulit nang kurutin ni Nyx ang pisngi ko. "Aray. Ang sakit n'on," angal ko habang hinihimas ang pisngi kung saan ako kinurot ng lalaking kasama namin ngayon ni Lorrine. Wala na sa paligid namin sina Czearine at Loie dahil nagpaalam kaming ihahatid na namin si Lorrine sa kwarto niya. Silang dalawa ay hindi na namin niyaya dahil alam ko namang tatanggi sila. Hindi ko alam kung bakit sila nagagalit kay Lorrine, eh, ang bait-bait nga niya. Minsan lang kasi, parang ang taray ng mukha niya. Sa unang tingin, aakalain mong masungit siya. Minsan, akala mo lagi ka niyang tinataasan ng kilay pero ganoon lang talaga ang hitsura niya, matapang. But when she smiles, para siyang pusa sa sobrang amo ng mukha niya. Parang hindi niya kakayaning makipaglaban dahil nananalaytay sa mukha niya ang natural na mukha ng pagiging mabait. Pero kapag hindi na siya nakangiti, hayun na naman at tila tigre ang kaniyang hitsura. Kung tumingin siya minsan ay pailalim. At kapag sumeryoso naman siya, nakakatakot. Kasi parang wala siyang sasantuhin. Inalis ko ang hood ng suot kong kapa at masamang tiningnan si Nyx. "Bakit ba bigla ka na lang nangungurot diyan?" asik kong tanong sa kaniya. "Bakit ang lalim ng iniisip mo?" Napanguso ako nang imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nagtanong din siya. "Wala. Iniisip ko lang kung anong flavor ng ice cream ang ibibigay mo sa akin." Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Talk as if I am not your childhood friend." Bumuntong-hininga ako. Wala akong maitatago kay Nyx dahil totoo naman ang sinabi niya. His parents and mine were really close. Kaya nga halos buwan lang ang pagitan simula nang ipanganak si Nyx, ako na ang sumunod. Sabay kaming lumaki, gumapang, humakbang, naglakad, nagka-isip at natuto. Kaya nga wala akong maitatago kay Nyx dahil mas kilala niya ako kaysa sa sarili ko. Minsan nga, pakiramdam ko, wala na akong pribadong buhay dahil lahat, alam niya. Though, okay lang naman siya sa akin. Wala rin naman akong dapat na itago sa kaniya. Bumuntong-hininga ako. "I think we should include Lorrine with us," saad ko dahil iyon naman ang gusto kong mangyari. Hindi lang dahil sa gusto kong malaman ang tungkol sa kaniya at sa pagkatao niya kundi dahil ayokong maramdaman niya na mag-isa siya… na wala siyang kaibigan… na hindi siya pinahahalagahan. But we are here. We can be her friend. We can be her someone to rely on. I can be her shoulder to cry on. She can rant, she can do whatever she wants. And she can be whoever she wants to be. And I think it will only happen if we can show and feel her that we will accept whoever and whatever she is. "That is what I am saying. You are not listening, aren't you?" Tumawa si Nyx pagkatapos. And yes, I am aware that I am spacing out. But it was not my intention to not hear what he was saying. I covered my face for being ashamed. "Sorry, okay?" Inakbayan niya ako, naramdaman ko ang mabigat niyang braso sa balikat ko pagkatapos niyon ay narinig ko siyang tumawa. "Lorrine, oh! Ayaw ka yatang isama ni Aryll," kunwaring sumbong niya kay Lorrine kasunod ng pagtawa niya muli nang malakas. Hinampas ko naman nang malakas ang balikat niya pero hindi niya iyon ininda. "Nakakaasar ka!" Binalingan ko ng tingin si Lorrine. "Huwag ka makikinig diyan sa snowman na 'yan, Lorrine. Binibilog niya lang ang iyong ulo." Tumawa si Lorrine kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko matandaan kung ito ba ang unang beses niyang tumawa at heto, manghang-mangha ako sa paraan ng pagtawa niya dahilan para bumuka ang labi ko sa pagkagulat. Maging si Nyx ay huminto sa pagtawa, nakangangang tiningnan si Lorrine habang namimilog naman ang mga mata niya dahil din sa pagkagulat. "Oh My God! D-Did you just laugh?" nagugulat pa ring tanong ko. Hindi naman sumagot sa akin ang babae, bagkus ay muli itong tumawa. Mas malakas kumpara kanina kaya lalo akong nagulat. What's with this woman? Bakit kakaiba ang tawa niya? Oo nga't tunay na masaya ang mukha niya habang tumatawa siya. Pero bakit kinikilabutan ako? Bakit hindi pangkaraniwan ang tawa niya sa pandinig ko. At kung hindi man ito ang unang beses na narinig ko siyang tumawa, bakit ngayon ko lang napansin na may kakaiba sa paraan niya ng pagtawa? O kung ito man ang unang beses, hindi kataka-taka para sa akin ang mahiwagaan pa sa kaniya. Sino ba talaga siya? Sino ba ang Lorrine Kirschtein na sinundo namin mula sa Verphasa? Anong hiwaga ba ang bumabalot sa kaniya? And my curiosity rose again because of that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD