Chapter 7

2834 Words
LORRINE'S POV "ALAM MO, kung wala kang sasabihing matino, manahimik ka na lang!" asik ko sa kaniya at dinaluhan ang mga kuneho na sige pa rin sa pagtalon-talon. Tuwang-tuwa akong pinagmamasdan ang mga kuneho ngunit sinisira ng nilalang na ito ang magandang nararamdaman ko ngayon dahik heto na naman siya, pinipilit na naman akong umalis na rito sa Questhora. "Umuwi ka na ng Verphasa," malamig niyang saad ngunit hindi ko na siya pinansin. Nakipaglaro ako sa mga kuneho na para bang wala siya sa likuran ko. "Umuwi ka na sabi ng Verphasa," ulit na naman niya. Hindi ba siya napapagod? Ako kasi, pagod na pagod na ang tainga ko sa mga sinasabi niya. Naririndi na ako dahil sa paulit-ulit niyang pagpapa-uwi sa akin sa Verphasa. Eh, sa ayaw ko nga. Oo, hindi ko pinangarap makatungtong dito sa Questhora. Hindi ko rin naman gustong manatili rito dahil maganda ang lugar na ito. May kailangan lang ako gawin. At iyon ay ang palayain nila sa Nhykira kapalit ng pananatili ko rito. Kahit kasi ganoon ang ginawa sa akin ni Nhykira, hindi ko pa rin maitatanggi sa puso ko na kaibigan ko siya. At bilang isang kaibigan, gagawin ko ang lahat para hindi siya mapahamak. At kung tatanungin ako ng ilan kung bakit ginagawa ko ito sa kabila ng ginawa sa akin ng salamangkera na iyon, isa lang ang sagot ko. Mahal ko ang pamilyang mayroon ako sa Verphasa. "Wala ka bang balak umalis?" Napapikit ako sa inis nang muli na naman siyang magsalita. "Wala," maikling sagot ko. Mula nang lumisan kami sa kuwarto sa bulwagan ay napagpasyahan kong magpasama kay Aryll dito sa hardin. Nais ko sanang madama ang ganda ng kalikasan. Nais kong mayakap ang sariwang hangin at magagandang tanawin. Para kahit minsan man lang, maramdaman ko na maswerte ako dahil nakatapak ako sa kaharian na ito. Na hindi lahat ng salamangkera ay nakakarating ito. Lalo na sa mga tulad naming taga-Verphasa. Malabo pa sa malabo ang makatungtong dito. Ngunit heto ako ngayon. Ninanamnam ang katotohanang… may isang taga-Verphasang nakarating dito sa Questhora. Maganda na sana ang pakiramdam ko. Ngunit nang sundan kami ng lalaking ito at paalisin si Aryll upang makapag-usap kaming dalawa ay hindi ko na nagawa pang masiyahan sa nakikita. Nababalutan kasi ng itim niyang awra na para bang humahalo sa hangin. Ang sariwang hangin ay naging malansa na sa akin. "Umalis ka na sabi." "E, kung ayoko nga? Bakit ba mapilit ka?" tanong ko nang hindi pa rin humaharap sa kaniya. Umupo ako sa damuhan upang mas mahawakan ang mga kuneho. Ngunit naging mas mailap ang mga ito sa akin. Tch. Ayaw ninyo sa maganda? Kausap ko sa mga kuneho sa isip ko. Pero hayun at talagang umalis ang mga kuneho. Ibig bang sabihin niyon ay hindi talaga ako maganda? "Hindi ka namin kailangan dito." Napapikit ako sa inis dala ng malamig niyang boses. At dahil naririndi na rin ang mga tainga ko. Inis ko siyang hinarap atsaka sinamaan ng tingin. "Oh, eh, bakit ninyo pa ako dinala rito kung hindi pala ako kailangan?" Bakit pa sila nag-aksaya ng oras na hulihin ako sa kagubatan ng Verphasa kung gayong hindi naman pala nila ako kakailanganin? Si Lady Aurea na ang nagsabi, kailangan kong manatili rito bilang kaanib nila. Kapalit niyon ay mapapawalang-bisa ang pagkakadakip kay Nhykira. At iyon ang gagawin ko. "Ayaw ka namin dito." This time, hindi na talaga ako makatiis. Gusto kong tirisin nang tirisin ang lalaking ito dahil sa sobrang kulit. "Ano 'ka mo? Ayaw ninyo sa akin?" Nagngitngit sa inis ang puso ko nang ngumisi siya. "Oo. At maaari ka nang umalis dahil walang may gusto— "Tinanong ninyo ba ako kung gusto ko kayo? Tinanong ninyo ba ako kung ni minsan ba ay ginusto kong makasama kayo? Lalo ka na!" sigaw ko. Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil maiinis lang ako nang lubha sa mga katagang babanggitin niya. I know that they don't like me here. As If I am begging to say here. Gusto ko na rin naman nang umalis. Hindi lang maaari dahil may malaki akong rason. At isa pa, kasalanan ko bang nandito ako ngayon? Hindi ba't utos ni Lady Aurea ito? "Alam mo, Loie, kung ayaw ninyo sakin, mas ayaw ko sa inyo. Sa ugaling pinapakita mo, sa ugaling pinapakilala sa akin ng mga kaibigan mo, sigurado ka bang gusto kong nandidito ako sa lugar ninyo? Akala ninyo ba, tuwang-tuwa ako na nandito ako sa kaharian ninyo? Akala ninyo ba masaya ako dahil kasama ko kayo? Nagkakamali ka, hangal. Ni sa panaginip ay hindi ko pinangarap na makarating dito. Nandito ako para mailigtas ang kaibigan ko. Hindi para kaibiganin kayo," sigaw ko sa kaniya atsaka tinalikuran. Hindi ko na siya hinintay pa na makapagsalita. Wala rin namang magbabago sa nararamdaman kong inis kapag pinagtanggol niya ang sarili niyang nais. Wala akong pakialam sa kanila. Dahil lang sa rason ko kaya ko sila pinagtitiisan. Akala ba niya, masaya ako na narito ako ngayon sa lugar na ito? Hindi. Kasi sinasampal lang naman sa akin ng lugar na ito ang katotohanang hindi ako nababagay rito. Tapos pinamumukha pa sa akin iyon ng lalaking nagngangalang Loie. Nagdadabog akong umalis sa hardin at bumalik sa loob ng kaharian. Malayo-layo ang hardin sa pinakapinto ng Questhora kung kaya naman, ilang metro na naman ang lalakarin ko bago makapasok. Ganoon kalaki ang kaharian na ito. Pinaalis-alis niya si Aryll tapos iyon lang ang sasabihin niya? Nakakainis! Hindi ko pa man din kabisado ang lugar na ito. Paano ako makakabalik sa kuwarto ko? Sa sobrang laki nito, maski sino ay malilito sa mga pintong narito. Magkakatulad kasi ang mga iyon pero iba-iba ng daan at iba-iba rin ang kahahantungan. Isang maling pasok mo, iba na ang lugar sa Questhora ang mapupuntahan mo. Napabuntong-hininga ako. Muling sumagi sa isip ko ang nangyari kanina, totoo ang sinabi ko kay Loie, nais kong manatili rito para sa kaligtasan ni Nhykira. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. Ganoon na siguro kalalim ang pinagsamahan naming dalawa para tingnan ang mabubuting ginawa niya sa akin kaysa ang masasama. Kung tutuusin, ako naman ang walang pamilya, walang iiyak kapag ako ang nawala, walang mag-aalala kapag ako ang napahamak. Pero sa kaso ni Nhykira, mayroon siyang pamilya na labis na mag-aalala sa kaniya kapag nawala siya. So I choose to stay, even if I'm not really ready for this. Even though I know that staying here is going to be worse. Inalis ko ang kapa na aking suot dahil sa kaunting init ng klima, lumitaw ang panloob ko. Isa iyong puting bestida na katamtaman ang laki sa akin, hindi ito sobrang hapit, hindi rin sobrang luwang. Tamang-tama sa manipis kong katawan. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito karangyang kasuotan. Siguro, ilang buwan kong pagtatrabahuhan sa bayan ang halaga nito para makabili. Sarkastiko akong napangiti nang bahagya. May nagagawa pa lang maganda ang pagsisinungaling ni Nhykira. Natatamasa ko ang mga bagay na dati ay tinitingnan ko lang sa ibang maykayang pamilya sa Verphasa. Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa kung papaano nila nagawa ang umaga rito sa Questhora. Kahit na artipisyal iyon, hindi naging dahilan para hindi maramdaman ang tunay na init ng haring araw. Para ngang totoong araw ito. Hindi ko man naranasan ang init dala ng araw sa buong buhay ko, naramdaman ko naman iyon sa mga kuwento sa akin nina Inay Serra at Itay Kulim. Mula nang isilang ako at magka-isip ay hindi na ko naranasan ang sikat ng araw, hindi ko naranasang masilaw sa sinag nito gaya ng ikinukwento nila sa akin, hindi ko rin naranasan ang mapaso sa init nito. Puro dilim lang ang bumabalot sa Verphasa at sa ibang mga kalapit na bayan. Tanging dito lang sa Verphasa may liwanag. Nagtataka pa rin ako kung bakit nababalot ang mundo namin ng kadiliman? Posible bang hindi sumisikat ang araw sa mundo namin? O may dahilan kung bakit puro dilim ang bumabalot sa amin? Napag-alaman ko rin na hindi gumagana sa lugar na ito ang kapangyarihang maglaho. Kung papasok ka sa Questhora ay magagawa mo iyon, ngunit hindi kung lalabas ka. Dahil kuwento ni Aryll, may isang tila harang na hindi namin nakikita. O hindi nakikita nino man, kahit ang pinakamakapangyarihang salamangkero ay hindi magagawang maglaho sa loob ng lugar na ito. Nakakapagtaka na puwedeng pumasok pero hindi puwede ang lumabas. Parang baliktad yata. At doon napukaw ang interes ko na mas kilalanin pa ang lugar na ito. Tila nais kong malaman ang lahat sa Questhora. Mas naging interesado ako sa mga bagay-bagay rito dahil sa mga misteryosong bumabalot sa kaharian na ito. Napagpasyahan kong libutin ang Questhora nang ako lang mag-isa at kahit hindi ko naman alam kung saan pupunta. Hindi ko rin naman kasi matandaan ang daan patungo sa aking kuwarto kaya naman, minabuti ko na lang na hayaan ang sarili kong maligaw. Isa-isa kong pinagkumpara ang mayroon dito at sa Verphasa. Dito, malalaman mo ang kung ano ang oras na. Doon, kapag natulog ka, gabi na at kapag gumising ka ay umaga na. Bagaman walang liwanag. Masasabi naming umaga na dahil nagising ka na mula sa pagkakatulog. Walang tanghali at walang hapon. Walang takip-silim at dapit-hapon. Dito, may araw, may umaga. Doon ay wala. Dito, moderno ang kasuotan ng lahat, maging ang pamumuhay, pananalita at kilos ay moderno na. Doon, tila namumuhay pa rin sila sa nakagisnan. Mahal ko ang Verphasa dahil doon ako lumaki at nagka-isip. Ngunit hindi rin masama kung mamahalin ko ang Questhora na tumanggap sa akin kahit hindi ako sinlakas ng ibang salamangkero. Ang Questhora lang iyon, hindi kabilang ang mga nilalang na nagdala sa akin dito dahil hindi naman nila ako gusto. Ngunit kahit na ganoon, hindi maitatanggi ng puso ko na nagugustuhan ko rin naman ang ilang mga bagay na nararanasan ko rito. Lihim akong napangiti saka yumuko habang naglalakad. I am just so happy to see these new things. "Ipagbigay alam mo sa amin kung ika'y tinatakasan na ng bait at dadalhin ka namin sa mga pasilidad kung saan ka nababagay." Nagitla ako nang marinig ang galit na boses ng isang babae. Natagpuan naman ng paningin ko ang babaeng may kulay pulang buhok na masamang nakatingin sa akin. Ano bang problema ng isang ito sa akin? Bakit hindi sila magsama ni Loie? Parehas mainit lagi ang ulo. "Nariyan ka pala," tila napapahiya kong saad. Sinamaan niya ako ng tingin. Halata sa mga mata niya ang panlilisik. Ano bang ginawa ko sa nilalang na ito? Bakit ganito na lang ang galit sa akin? O baka talagang mainitin lang ang ulo niya? Napayuko ako nang dahil doon. "Ano't hindi ka pa nagsasanay? Sinasayang mo ang oras na dapat sana'y nag-eensayo ka na! Paano ka magiging malakas katulad namin kung tatamad-tamad ka?" Ang sakit naman nitong magsalita. Kung makasigaw naman siya para bang may nilabag akong batas ng Questhora. At kung maliitin niya ako, para bang ganoon ako kahina sa paningin niya. Ano bang kaya niyang gawin? Hindi man tama pero gusto kong subukan ang lakas niya. "P-Pasensya na. H-Hindi ko alam na ngayon pala ang unang araw ng pagsasanay," mahinahon pa ring tugon ko. Mali ko naman dahil hindi ko alam na ngayon pala iyon. Ilang araw mula nang i-anunsyo sa amin ang araw ng pagsasanay. Hindi ko lang talaga naalala na ngayon ang araw na iyob. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan. Gusto ko sanang magdahilan sa kaniya at ipagtanggol ang sarili ko ngunit hindi na iyon nangyari dahil nanguna ang kaba sa puso ko. Nakita kong tumaas ang kanang bahagi ng labi niya na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Sumunod ka sa akin, Lampa. Tutungo tayo upang makausap si Miss Felirha." Napabusangot ako. Nais ko sanang magreklamo sa pagtatawag niya sa akin ng lampa ngunit hinayaan ko na lang iyon. Tinalikuran niya na rin ako at naglakad siya palayo. Ako naman ay sumunod lang sa kaniya dahil mas alam niya ang pasikot-sikot sa lugar na ito kaysa sa akin at ang bilis niyang maglakad. Nahirapan akong habulin siya dahil ang lalaki ng hakbang niya. Malayo-layo rin ang distansya mula sa kinaroroonan namin kanina hanggang dito sa labas ng Questhora, nadaanan din namin ang dulong bahagi ng hardin kung saan naroon ang isang malaking lawa. Naglakad kami paikot sa lawang iyon hanggang sa nakarating kami rito. Naabutan namin doon si Aryll, Loie, at Nyx na kapwa tila naghihintay sa pagdating namin. Kasama nila ang isang babae na tingin ko ay mas lamang lang ng kaunti sa amin ang edad. Sa tingin ko, siya na ang tinutukoy ng babaeng kasama ko na magtuturo sa amin… si Miss Felirha. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar na may tatlong malalaking gusali. Sa itaas ng mga iyon ay nakasulat ang pangalan ng mga pangalan nito. Ang nasa kanan ay Laboratorul. Sa kaliwa naman ay Vrăjitorie at ang nasa gitna ng dalawang gusali... ang Athenaeum. "Hindi ko sinasadyang paghintayin kayo nang matagal. Ngunit tila ang aking kasama ay walang kaalam-alam na ngayon ang unang araw ng kaniyang pagsasanay," malamig na turan ng babaeng may pulang buhok. "Czearine! Yung bibig mo," paninindak sa kaniya ni Nyx. Wala naman siyang ginawa kundi ang umirap saka lumapit sa tabi ni Aryll. So her name is Czearine. Yumuko ako bilang tanda ng pagpapaumanhin. "Paumanhin," iyon lang ang sinabi ko. "Tch," dinig kong asik ni Loie kaya naman, napaangat ako ng tingin. Hindi sa akin nakatuon ang mata niya ngunit nababasa ko ang sarkastiko sa buo niyang mukha. "Nice. Nice!" Ngiting-ngiting saad naman ni Nyx na pinagdaop ang palad at kiniskis ang mga ito na tila ba nang-aasar. "Kayo talaga," ani Miss Felirha na bahagya pang natawa. "Simulan na natin ang araw na ito, nais ko nang makilala ang bago nating kasama." Tumingin siya sa akin nang may simpatya saka tumalikod. Agad naman namin siyang sinundan. Nakarating kami sa likod ng sentrong gusali kung saan naroon ang isang tila Arena, sobrang laki niyon at yari ito sa makakapal na bakal. Isa-isa kaming pumasok sa pintuan niyon na gawa rin sa bakal ngunit kusang bumubukas sa tuwing tumatapat kami. Nang makapasok kami sa loob, wala maski isang gamit na makikita. Tanging malawak na espasyo lamang iyon na labis kong pinagtaka. "So, for today, gusto ko lang makilala ang ating bagong kasama. Kung ano ang kaniyang kapangyarihan at kung ano ang kaya niyang gawin. Maaari mo bang ipamalas sa amin ang iyong taglay?" Walang alinlangang tanong sa akin ni Miss Felirha. Aaminin kong labis-labis ang kabang idinulot sa akin ng tanong na iyon. Hindi dahil ipapakita ko ang kapangyarihang mayroon ako, kundi dahil ayaw ko nang may nanonood sa akin. I am not that comfortable. Naiilang ako. This is the first time na magsasanay ako nang sila ang kasama ko. How I wish Miandro and Nhykira were here. "M-Miss—" tututol pa lang sana ako pero bigla na siyang sumigaw na lubhang ikinagulat ko. "Let's begin!" Tatanggi pa lang sana ako ngunit hindi na nangyari iyon nang magsitabi ang apat kong kasama at pumwesto sa pinakagilid na parte ng Arena. Handang-handa na panoorin akong mapahiya. Ayoko nang ituloy ito. Parang gusto ko na lang na lamunin ng lupa pabalik sa Verphasa. "M-Miss... s-sandali—" Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na nagawang tumanggi nang may isang bagay akong napansin. Unti-unting bumuka ang lupa sa aking kinatatayuan. Lumingon ako sa paligid at napansin kong nawala ang mga kasama ko. Tanging si Miss Felirha ang nakikita ko. Nasa harap ko siya at nagliliwanag ang kaniyang katawan. Biglang umihip ang sobrang lakas na hangin na halos makapagpatumba sa akin. Ngunit agad kong binalanse ang aking sarili upang hindi tuluyang matumba. 's**t!' I couldn't think well and I didn't know what to do next. I can see how the ground's c***k where I am standing is slowly getting bigger... the wind blows getting stronger. I need to think well. I need my mind's cooperation. Mas lumaki pa ang pagkakabuka ng lupa at alam kong maaari akong mahulog sa butas niyon kapag hindi pa ako kumilos. Kaya naman nang magkaroon ng tiyempo ay ibinigay ko ang buong puwersa sa aking katawan saka mataas na tumalon. Pinikit ko ang aking mata at inisip na lumulutang ako kaya naman iyon nga ang nangyari. Sa pagbukas ko ng mga mata ay mas nakita ko ang posibleng galaw ni Miss Felirha mula sa ibaba. I shut my eyes once again. I was thinking that the ground where I stood will be back to its normal position as well as the wind will be back to it's calm. And it really happened when I opened my eyes. Mabilis kong pinikit muli ang aking mata upang utusan ang utak kong ibaba ako. Nang makababa ay isang palakpakan ang samalubong sa akin na nagmumula kay Nyx, Aryll at... Miss Felirha. "Thank you for introducing yourself, Lorrine Kirschtein," nakangiti niyang saad habang papalapit sa akin. "I didn't expect you to be this powerful." Hindi pa rin nawala ang pagkamangha sa kaniyang mukha. "Sa susunod, pag-aaralan natin kung papaano mo gagamitin ang kapangyarihan mo nang hindi pumipikit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD