Chapter 6

2903 Words
ARYLL'S POV I SIGNED when I returned to my room. As much as I want to talk to Lorrine and have a time with her, I can’t. Limitado kasi ang oras ng paglibot sa lugar na ito. At hindi maaaring magpagala-gala ang mga salamangkerong tulad ko sa ganito kalalim na gabi. Tanging ang servus at kawal lamang dapat ang nakakalat sa mga ganitong oras. I wanted to comfort Lorrine for she has nothing to lean on but me. I know for sure that she is having a hard time to process what was really going on. Kahit naman ako ay naguguluhan. Tanging si Lady Aurea lamang ang nakakaalam ng lahat. Kung may alam man kami, kakaunti lang iyon at hindi masasagot ng kaalaman niyon ang lahat ng tanong sa isip ni Lorrine. I somehow wanted to be her friend. Para kasing ang lungkot lagi ng mga mata niya kahit ngayon lang naman kami nagkasama. Para bang sa maikling panahon na iyon na nakilala ko siya, para bang sobrang lapit ko na sa kaniya. "Mabait ka lang talaga." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang boses ni Loie sa kwarto ko. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan sa mesa habang nakapangalumbaba. "Hey! You startled me!" sigaw ko sa kaniya dahil ginulat niya ako. He shouldn't scare me. Ang sakit pa naman sa puso kapag nagugulat. "What are you doing here?" As a always, binasa na naman niya ang nasa isipan ko. Hilig na hilig niyang magbasa ng iniisip ng iba. Pero ang hindi niya kayang basahin, ay kung ano ang nilalaman ng puso. Kaya niyang basahin kahit pa ang pinakamalalim mong iniisip. Pero hindi ang totoong nararamdaman mo. If you don't want to get caught, you better not think of loving him. And that is my mistake. Every time Loie is near me, I always close my mind. Lagi kong sinisigurado na wala siyang mababasa sa isip ko tungkol sa nararamdaman ko sa kaniya. Yes, I am secretly in love with him and I can't help but to love him. Hindi na ako makaahon sa pagkalunod sa pagmamahal sa kaniya but I decided not to tell anyone about my feelings for him. Mas mabuti nang ako na lang ang nakakaalam dahil mas kaya kong pigilan ang sarili kong huwag sabihin sa kaniya kaysa ang iba. "Paalisin mo na si Lorrine dito." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "And why would I do that?" Huminga siya nang malalim atsaka nag-isip. "Alam mo namang mapapahamak lang siya rito. Hindi niya alam kung ano ang mayroon dito." Bakas ang galit sa boses ni Loie na siyang hindi ko maintindihan. Why is he suddenly acting this way? Ano na naman bang mayroon at gusto niyang paalisin si Lorrine, eh, kakarating lang ng nilalang na iyon dito. Besides, we have no reason to expel her here. "Do what I say, Aryll. Just try, okay?" Mas lalong kumunot ang noo ko. He is really acting weird today. Ano na naman kayang rason? Or maybe he was just concerned with Lorrine? Pero kahit ano pa man ang rason, hindi tamang paalisin na lang si Lorrine nang walang dahilan. Alam ko na ang gustong iparating ni Loie. He was asking me to take advantage of the friendship that I have with Lorrine. Gusto niyang gumawa ako ng paraan para sabihan si Lorrine na umalis na lang sa lugar na ito which I don't even want. The hell of this man? Ano bang nangyayari sa kaniya at pursigidong-pursigido siyang pagtabuyan ang babaeng kadarating lang dito. Umiling ako nang sunud-sunod kay Loie. Hindi sumasang-ayon sa sinasabi niya. Para sa akin ay isa lamang iyong kahangalan. Siguro ay pagod lang ang binatang salamangkero kaya niya nasasabi ito. "Sleep well, Loie. Bukas na tayo mag-usap." Pagkasabi kong iyon ay tumungo na ako sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot. Ayoko muna siyang makausap dahil hindi matatapos ang diskusyon naming dalawa at ipipilit niya pa rin sa akin na payuhan ang salamangkera na umalis sa lugar na ito. Wala siyang sapat na rason, wala siyang matibay na dahilan. Isa pa, tanging si Lady Aurea lamang ang may karapatan na paalisin siya rito unless, si Lorrine mismo ang tumanggi. Bagay na gagawin naman ni Lorrine base sa nakikita at nababasa ko sa mga mata niya. But we cannot lose someone like her. I don't want Lorrine to leave this castle. We need her and she needs us too. And I think that is what's more important. LORRINE'S POV NANAKIT ANG MATA KO nang magising. Isang liwanag ang nakatutok sa aking mata na hindi ko alam kung saan nagmumula. Lumukot ang aking mukha sa pagtataka gayon na rin dahil labag sa aking loob na gumising. Paano'y pakiramdam ko kasi, kakapikit pa lamang ng aking mga mata. Ano't may rason na naman upang muling gumising. Ni hindi pa nga nunumbalik ang lakas ko dahil sa panghihina sa katotohanan. Gusto ko sanang bumalik sa pagtulog at hayaan ang sarili na magpahinga mula sa nakakapagod na naganap ngunit sadyang hindi nagpatalo ang liwanag na iyon. Nanatili siyang nakatutok sa akin na para bang, iyon ang paraan para bumangon na ako. Sa huli ay wala akong nagawa. Naiinis kong tinanggal ang makapal na telang nakabalot sa aking katawan saka napagdesisyonang tumayo. Isang marahang katok sa pinto naman ang narinig ko nang tuluyang makatayo. "Lorrine. Gising ka na ba?" dinig ko ang boses ni Aryll sa labas. Napakamot ako ng ulo dahil sa katotohanang ayoko muna sanang tumanggap ng bisita hanggat maaari. Gusto ko munang ipahinga ang isip ko sa mga kaganapan. Mukhang hindi na kakayanin ng sistema ko kung mayroon mang mangyayari ngayon o kung mayroon silang sasabihin. Ang nais ko lang naman ay mas mahabang pahinga ngunit maging iyon ay tila pinagkakait sa akin ng tadhana. Nakakatawa. Mukhang pinaglalaruan yata ako. "Oo," may kalakasan kong tugon. Wala naman akong magagawa kung hindi ang tumugon. Mabait si Aryll, ayoko siyang magmukhang katawa-tawa dahil gising naman na talaga ako. Labag lang sa loob ko ang bumangon. But I have no choice. I need to get up and talk to them. I need to clarify some things with them. At mangyayari lang iyon kapag bumangon ako at lumabas mula sa kuwartong ito. "Hihintayin kita rito sa labas, pinatatawag ka ni Lady Aurea." Huminga ako nang malalim. Sinasabi ko na nga ba't ito ang bungad ng paggising ko. Hindi ba ako maaaring magpahinga sa usaping ito? Wala pa man ay mukhang pagod na pagod na ako. Umusbong ang hindi kalakasang kaba sa aking dibdib nang sabihin iyon ni Aryll. Pinatatawag ako ni Lady Aurea. Kailangan ko bang magpunta? Gusto kong saktan ang sarili dahil sa tanong na sumagi sa isip ko. Ang sagot ay nasa akin lang din naman ngunit nalilito pa ako sa kung anong desisyon ang dapat sabihin. Nais kong makausap ang Lady Aurea hinggil sa mga naganap. Upang i-klaro sa kaniya ang lahat at ganoon din siya sa akin. Dapat niyang sabihin sa akin ang lahat kung hindi, mapipilitan akong umalis sa lugar na ito. Kahit kapalit pa niyon ay buhay ng kaibigan ko… ang buhay ni Nhykira. "Bilisan mo, Lorrine, ha! Maghihintay ako," muling sigaw ni Aryll sa labas ng pinto. Ngunit bago siya labasin ay hinanap ko ang liwanag na iyon na nakapagpagising sa akin. Lumingon ako sa kama at sinundan ang liwanag kung saan iyon naroon. Isa iyong sinag... sinag ng araw? Dali-dali akong tumungo sa bintana sa aking kuwarto. Doon kasi nagmumula ang sinag na iyon. Iniluwa ko nang bahagya ang aking ulo sa labas niyon saka tiningnan ang paligid. 'Ang ganda!' Paanong nagkaroon ng sinag ng araw sa lugar na ito? Magkaiba ba ang kalangitan ng Verphasa dito sa Questhora? Manghang-mangha ako sa nakita nang matanawan ang berdeng paligid. Nasa ibaba ng aking bintana ang napakalawak na hardin at nagtataasang puno. Berdeng-berde ang mga dahon na iyon, wala akong makita tuyot na dahon. Mas lumapad pa ang aking pagkakangiti nang maaliw ang mata ko sa ganda ng bulaklak na animong sumasayaw, pinasasayaw ng sariwang hangin. Bukod sa perpektong hardin, natuon ang atensyon ko sa iba't ibang hayop na naroon sa hindi kalayuan. May maliliit na ibon na malayang lumilipad, bakas ang kasiyahan sa kanila. Mayroon ding mga kuneho, may puti, itim at pinaghalong kulay ng mga ito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga unggoy na sige ang paglalambitin at pagkutkot sa kung anu-ano. Napahagikgik ako nang mahina sa mga nakita. Gusto kong pumaroon mamaya. "Lorrine. Tapos ka na bang ayusin ang sarili mo?" Dali-dali akong humarap sa pinto ng aking kuwarto na para bang tumatagos doon ang tingin niya. Mabilis kong inayos ang aking sarili at mayamaya lang ay lumabas na. "Ano't inabot ka ng siyam-siyam?" "Nabighani lang ako sa ganda ng hardin," nakayuko saad ko. Tila napapahiya dahil bakas sa tono ng kaniyang boses ang pagkaseryoso. Narinig ko napabuntong-hininga siya. "Mamaya ay sasamahan kitang maglibot sa ilang bahagi ng Questhora." Awtomatikong napaangat ang tingin ko kay Aryll, hindi na naitago ang kasiyahan sa akin. "Promise?" "Oo naman!" At sabay kaming natawa. "Tara na. Sigurado akong mainit na ang ulo ni Loie sa paghihintay," "Sino 'yon?" "Makikilala mo mamaya." Sumunod na lang ako sa kaniya. Sabay kaming naglakad patungo sa sinasabi niyang bulwagan. Naroon daw naghihintay ang tatlo niya pang kasama at si Lady Aurea. Ngayon daw kasi ang araw kung saan papapiliin nila ako. Mukhang sa sinabing iyon ni Aryll ay nahuhulaan ko na ang mangyayari. Actually, napag-isip-isip ko ang bagay na iyon bago ako matulog. Ang sinabi sa akin ni Lady Aurea, batid niyang hindi nagsasabi ng totoo si Nhykira tungkol sa pagpatay na naganap. Ang sabi niya pa, kaya raw ako narito sa Questhora para umanib sa grupo nina Aryll. Ano ba'ng mayroon sa grupo nila? Kung papapiliin nila ako tungkol sa pag-anib upang mapawalangsala si Nhykira at ang umalis sa lugar na ito. Hindi ko pa alam ang pipiliin ko. May parte sa aking gusto kong umalis sa lugar na ito. Oo nga't maganda, maayos at talagang kaakit-akit ang lugar. Ngunit alam kong hindi ako rito nababagay. Sa tinagal-tagal ng panahon kong nabubuhay, batid kong ang pinakamalalakas lang na salamangkero ang nakakapasok dito. Kung hindi man, ay iyong mga kayang magbigay ng milyon-milyong ginto at bani. At isa pa, hindi ko kailanman pinangarap ang makatungtong dito, kaya't balewala sa akin ang ganda nito. Pero naisip ko si Nhykira. Siya ang gustong makapasok ng Questhora. Siya dapat ang narito, hindi ako. Kung aalis ako sa lugar na ito, maipapataon sa Horristhora si Nhykira na hindi ko gustong mangyari kahit pa, trinaydor niya ako. Hindi ko alam ang rason niya kung bakit ginawa niya iyon sa akin pero hindi ko dapat siya kamuhian nang ganoon lang. Pamilya pa rin ang turing ko sa kaniya. Sigurado akong malulungkot sina Inay Serra at Tatay Kulim kapag nawala siya. Hindi man ako sigurado kung bakit nagawang kampihan ni Miandro ang kapatid, naiintindihan ko pa rin ito dahil alam kong hindi niya kakayaning mawalan ng kapatid. At kung mananatili naman ako rito... pakiramdam ko ay hindi ako tuluyang magiging masaya. Gayong si Aryll lang ang matino kong nakakausap. Malayo-layo na rin ang nilakad namin ni Aryll ngunit hindi pa rin siya humihinto. Ang tagal naman naming makarating sa bulwagang iyon. Lukot na ang aking mukha habang sinasabayan siyang maglakad. Bakit hindi niya gamitin ang kapangyarihan niya upang maglaho nang sa gayo'y mabilis kaming makarating doon. "Aryll, itatanong ko lang sana kung bakit may sinag ng araw sa lugar na ito?" Gaya kasi ng aking sinabi, sa mundong ito, walang umaga, puro lang gabi. Kaya nagtataka ako kung bakit dito sa Questhora ay may sinag na nagmumula sa araw. "Ah, 'yon ba? Isa iyong artipisyal na araw, ginawa 'yon ni Professor Mark upang maramdaman namin ang halaga ng araw," nakangiti niyang saad bagaman ang paningin ay nanatiling nasa aming nilalakaran. "Sino naman si Professor Mark?" Tumingin ako sa kaniya. "Isa siyang magiting na scientist at propesor na nagtuturo ng salamangka patungkol sa kalikasan. Sa pagtagal-tagal mo rito ay makikilala mo rin siya." Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Gusto ko sanang tanungin kung malayo pa ang bulwagan na sinasabi niya ngunit hindi na nangyari iyon nang mapahinto ako dahil huminto siya sa paglalakad. Pagtingin ko sa harapan ay isang malaking pinto na naman ang humarang sa amin. Hindi man iyon singtaas ng pintong pinasukan namin nang mapadpad ako rito ay maituturing itong higante sa lapad. "Aryll Schyler... Atramentous." Pagkasabi niyang iyon ay dahan-dahang kusang bumukas ang mala-higanteng pinto. "Tara na." Sumunod na lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Bumulaga sa akin ang isang malawak na espasyo ng kaharian. Sa sobrang lawak ay hindi ko na makita ang bawat dulong bahagi niyon. May isang malaking espasyong pabilog sa gitna, pinalilibutan ng ilang palapag hagdanan ang buong lugar. Gaya ng paulit-ulit kong nakikita, nahahati na naman sa kulay asul at puti ang lahat. May disensyong tatak ang Questhora sa bawat sulok ng malaking espasyo na ito. Sa sentro naman ay isang tila trono ng reyna na pinagigitnaan ng dalawang watawat ng Quethora. Parang nakakatakot hawakan ang tronong iyon dahil pawang gawa sa purong ginto. Kumikinang pa ang katawan ng tronong iyon na para bang oras-oras nililinisan dahil sa kintab. Ang nilalakaran naman namin ay gawa sa purong marmol kung kaya't naging maingay ang yabag ng aming mga paa. Nakumpirma kong ito nga bulwagan dahil sinabi rin sa akin ni Aryll. Ngunit labis akong nagtataka kung bakit lakad lang nang lakad si Aryll. Nasaan na ba si Lady Aurea at tatlo niya pang kasama? Huwag niyang sasabihing hindi pa ito ang tunay na bulwagan dahil kung hindi pa ay uuwi na talaga ako ng Verphasa. Lalo akong napasimangot dahil sa naisip. Lumiko kami sa kanang bahagi ng bulwagan, doon ay nasalubong ko ang makipor na daan na sa tingin ko'y tatlong salamangkero lang ang lapad niyon. Sa dulo niyon, muli, isang pinto na naman ang nasa aming harapan. Binuksan iyon ni Aryll gamit ang kaniyang kamay. Ubos na yata ang kaniyang kapangyarihan. Napangiwi ako. "Paumanhin sa paghihintay, Lady Aurea." Nakisabay na rin ako nang yumuko si Arylle. "Hindi 'yon problema," malumanay na saad ni Lady Aurea habang matamis na matamis na ngiti ang iginawad sa amin. Narito ang tatlo pa sa kasama ni Aryll, isang hindi katandaang lalaki na seryosong nakatingin sa akin habang hawak ang nakabukas na libro, tila napatigil sa pagbabasa, at isang lalaki ulit na tulad ni Lady Aurea, matamis na nakangiti sa amin... lalo na sa akin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Lorrine Ques. Pinatawag kita ngayon upang papiliin sa isang mabigat na desisyon. Batid kong wala kaming karapatan gawin ito sa iyo ngunit ikaw na lang ang natitirang paraan upang tuluyang hindi masira ang Questhora..." Huminga siya nang malalim saka nakangiti akong nilapitan. Ang ngiti na iyon ay para bang nangungumbinsi at nagsasabi na wala akong dapat na ipag-alala. Hindi ko na naitago ang pagkakunot sa aking noo dahil sa labis na pagtataka. "Tulad ng aking binanggit, batid kong hindi tunay ang paratang sa iyo ng kaibigan mong si Nhykira kung kaya namn, kinakailangan niyang ipatapon sa Horristhora. Sa oras na ito, batid kong susunduin na siya ng mga kawal upang ikulong. At alam kong hindi ito ang nais ng iyong puso." "Nais ko lang sanang malaman kung paano ninyo nalaman ang lahat?" tanong ko. "Dahil isa sa kapangyarihang mayroon ako ay malaman ang mangyayari sa sunod na sampung oras. Batid ko rin na nakatakdang mapunta ka rito sa Questhora." "Ngunit bakit ho ako? Alam ko ho kung sino lang ang nakakatungtong sa kaharian na ito." Tumawa siya nang bahagya saka muling ngumiti. "Pentru că aparțineți aici." Nanlaki ang mata ko nang muli kong naintindihan ang sinabi niya. Sinabi niya ba talagang kaya ako narito ay dahil dito ako nababagay? "N-Naintindihan ko p-po ang sinabi ninyo…" "At iyan ang sagot sa tanong mo." Sinikap kong kumalma bagaman naguguluhan pa rin. "Sa ngayon ay kailangan ko nang maagap mong sagot sa pagpili na gagawin mo. Tama ang iyong inisip. Papapiliin kita kung mananatili ka ba rito o uuwi sa mahal mong bayan... ang Verphasa?" Nanginig ang aking katawan. Tama nga ang aking naisip, ito ang pagpipilian ko. Kanina lang ay tila buo ang aking pasya kung sakali mang ito ang itanong sa akin. Ngunit ngayong naitanong na, para bang nagdadal'wang isip pa akong gawin. Napatingin ako sa apat na salamangkerong sumundo sa akin. Blangko lang ang tingin sa akin ng babaeng pula ang buhok ngunit nakikitaan ng hindi niya pagsang-ayon. Sina Aryll at iyong Nyx naman ay kalmado lamang bagama't nakikita kong nais nilang manatili ako. At ang seryosong lalaki na nanloob sa aking kuwarto. Bakas ang pagtanggi niya, tila ba kinasusuklamaan niyang naririto ako. Hindi ba't ganoon ang tanong niya sa akin no'ng minsang pasukin niya ang aking kuwarto? Sabi niya'y hindi na dapat ako sumunod pa. Tumingin ako kay Lady Aurea. "Nahuhulaan ninyo ho ba ang aking sagot?" "Tanging isip mo lang kaya kong basahin, hindi ang iyong puso." "Kung gayon, ano sa tingin ninyo ang aking pasya?" "Nahihimigan ko ang malakas na pagtanggi mong manatili rito. At labis kong ikinalulungkot ang bagay na iyon," aniya na hindi nga itinago ang lungkot sa kaniyang mata. "At sa pagkakataong ito'y ikinalulungkot ko na nagkamali ka ng iyong hula, Lady Aurea. Sapagka't ako'y mananatili rito sa Questhora bilang kaanib nila," matigas kong saad saka tumingin nang diretso sa nagliliyab na mata ng lalaking nanloob sa aking kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD