Kabanata 10 - Cooking Show

3737 Words
Nyebe Kinakabahan man ako ay kinaya ko paring ngumiti at maging normal na humarap sa mga taong nais na mabahagian ng nalalaman ko. Habang merong cooking show staff na syang nakaantabay habang kinukuhanan ako sa aking pagtuturo. Nalaman ko lamang ang ganito ng makakita ako ng paskil nung minsang nag-mall ako. Kaya nag-inquire ako at sinabing nais kong magbahagi ng nalalaman ko sa pagluluto ng japanese food. At agad rin nila akong hiningan na sampulan ko sila ng pagluluto ko ng araw rin mismo ng interview ko. Masaya ako dahil may nagagawa na ako at nawawala ang sakit ng ulo kapag ganitong nagiging busy ako sa ibang larangan. "Thank you, Mam. Thank you sa inyong lahat." sabi ko sa mga nagpunta para matuto. Yumuko sila at ngumiti sa akin bago umalis. Nang mawala na sila ay tumingin ako kay Mrs. Pearl. "Ms. Nyebe, sa susunod na araw eere na sa television ang cooking show na tampok ka." Ngumiti ako, "Okay po. Maraming salamat sa pagkuha sa akin. Masyado ho akong nalibang." Ngumiti ito at tinapik ang balikat ko bago umalis sa harap ko. Napahinga ako ng malalim at ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Kinuha ko ang bag ko at lumakad na palabas. Napahinto lang ako sa paglabas ng mag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko at tinignan ang tumatawag. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad. Si Anthony, kaya sinagot ko. "Yes, Anthony?" (How's your cooking show?) Napangiti ako at huminto, "Tapos na at mabuti nakaraos ako sa pagluluto ng hindi nagkakamali at nauutal." Natawa sya, "Good. Well, I'm off to school. I'll fetch you." "Wag na, kasama ko naman si Manong Driver. Kita nalang tayo sa bahay." tinignan ko ang oras at hindi pa time ng tapos ng klase nya, "Anthony, magdiditch ka ng class?" tanong ko sa mataray na boses. "Ah-eh, hindi no.. Tapos na ang klase ko." Naningkit ang mata ko, "Try again, Anthony." sarkastikong sabi ko. "Okay-okay, I lied. Tsk. Nakakatakot ka talaga." Napangiti ako ng agad syang umamin. Napahinga ako ng malalim. "Bakit ka ba magdiditch ng class?" tanong ko at lumakad palapit sa sasakyan. "Hmm.. Because I miss you." Napangiti ako lalo at sumakay ng sasakyan ng pagbuksan ako ni Manong. Nagpasalamat ako rito. "Lagi naman tayo nagkikita. Namimiss mo agad ako?" Natawa sya, "Of course, araw-araw kaya kitang namimiss. Kaya sana ay sabay tayong mag-aral, para hindi na ako nababagok rito." Natawa ako, "Ikaw talaga. Wag kang mag-ditch ng class, bye, Anthony." "Wait--" Napangiti na pinatay ko na agad ang tawag. Tumingin ako kay Manong na nagmamaneho na. "Manong, sa school po tayo ni Anthony." sabi ko. Ngumiti si Manong, "Tiyak na magugulat si Anthony kapag nakita ka. Alam mo ba na simula ng dumating ka ay hindi na masyadong nagsasama sa mga barkada nya ang batang iyon. Lagi ngang nasa bahay na isang himala." "Maganda po ba iyon, Manong?" nakangiti kong tanong. "Oo naman. Kesa naman ay palaging laman ng bar si Anthony." Natawa ako at tumingin sa labas ng bintana. Bago kami pumunta sa school nila Anthony ay bumili muna ako ng makakain. At pagkatapos ay dumeretso na kami. Bumaba ako ng kotse at inayos ko ang balabal ko sa balikat. Napatingin ako sa unibersidad; malaki sya at maganda. Napapatingin sa akin ang mga estudyante pero hindi ko na pinansin at lumakad na ako habang bitbit ang pagkaing binili ko. Hindi ko alam kung ano ba ang room ni Anthony pero siguro ay mahahanap ko rin sya rito. Napakalawak rin pala ng school ni Anthony at parang masarap sigurong mag-aral rito dahil nakikita ko na bawat estudyante ay may kasamang mga kaibigan habang nakasuot sila ng p.e uniform at ang ilan ay sibilyan na nakasalampak sa damuhan habang nag-aaral. Napahinto ako at napangiti ng makita si Anthony na kasama ang kaibigan nya habang nakatambay sa isang bench. Lumakad ako at lumapit. "Anthony!" tawag ko. Napalingon ito at nagulat sya ng makita ako. Tinaas ko ang binili kong pagkain kaya napangiti sya at agad na tinalon ang bench bago patakbong lumapit sa akin. "Pupunta ka pala rito. Bakit hindi mo sinabi, ha?" aniya at natawa ako ng yakapin ako nito bigla. "Syempre, mainam ng hindi ka mag ditch ng klase, at naisip ko na ako nalang ang pupunta rito para naman hindi ka mabagot." Bumitaw sya ng yakap at kinuha ang dala-dala kong pagkain. "Tara, pakilala kita sa mga barkada ko." aniya at hinawakan ako sa kamay bago akayin. "Woah! Sya na ba ang lagi mong kinukwentong fiancé mo, Anthony." sabi ng lalakeng may fiercing. Binitawan ni Anthony ang kamay ko ng makarating kami sa harap ng barkada nya. Inakbayan nya ako kaya napatingin ako sa kanya. "Sya ang fiancé ko; si Nyebe." tumingin sa akin si Anthony at ngumiti kaya ngumiti ako at tumingin sa barkada nya. "Hi. Masaya ako na nakita ko rin ang barkada ni Anthony. Pasensya na sa istorbo." sabi ko. "Naku, wala iyon, Nyebe. Katunayan ay atat na atat nga na mag cut ng class itong si Anthony, pinipigilan lang namin." Lalo akong napangiti, "Mabuti naman at pinigilan nyo. Sinabihan ko na nga na wag mag ditch, e." tumingin ako kay Anthony at tinignan ko sya na kunwari ay istrikto. Napakamot sa ulo si Anthony habang nangingiti. "Wag nyo na nga akong ibuking kay Nyebe. Hindi na ako magdiditch sa klase, okay?" aniya kaya ngumiti na tumango ako. "Oo nga pala. Ako si Francis." pakilala nung maputi at ka-height ni Anthony. Nakipagkamay ako rito. "Ako naman si Jordan." sabi ng morenong nakabaliktad ang sumbrero at may hawak na bola habang may fiercing. Nakipagkamay rin ako rito. "Ako naman si Taylor." pakilala naman ng matangkad at moreno rin pero payat. "Masaya ako at nakilala ko kayong tatlong kaibigan nya... Oo nga pala, may dala akong food. Nagmeryenda na ba kayo?" sabi ko at kinuha ko kay Anthony ang mga plastick pero hindi nya binigay at nilapag nya sa bench na may space pa. "Uy, tiran nyo ako. Para sa akin talaga iyan, nahiya lang si Nyebe na hindi kayo bigyan." sabi ni Athony sa mga kaibigan kaya siniko ko ito na kinatingin nya. "Kailangan bang sabihin iyon. Ikaw talaga." sabi ko. Natawa sya, "Naku, dapat sinasabi ng ganyang ang mga iyan. Kundi, uubusan ka sa katakawan nila." aniya kaya napailing ako. "Nyebe, madamot lang talaga yang si Anthony. Mabuti ka pa nanlilibre ng pagkain, e, sya kuripot." Natawa ako ng batukan ni Anthony si Taylor. May subo-subo pa naman itong kinagatan nyang burger. "Anthony!" Napatigil kami sa halakhakan at lumingon sa tumawag kay Anthony. Nakita ko ang babae na nakalimutan ko kung ano nga ba ang pangalan nito, pero tanda ko ang mukha. Ngumiti ito na parang kay arte maglakad at ang ikli rin ng suot na sibilyan. May kasama itong dalawang babae. "Here. Bukas ay kailangan mong pumunta sa bahay dahil gagawin na natin ang project natin." May nilahad ang babae habang nakangiti ito na nakatingin kay Anthony. Isang flash drive. Kinuha ni Anthony iyon pero hinawakan ng babae ang kamay ni Anthony at lumapit sya. Nakatingin lamang ako ng halikan nya si Anthony. Agad na tinulak ni Anthony ang babae. "What the f**k, Patrice!" galit na bulalas ni Anthony at napatingin sya sa akin. Ngumiti ang Patrice at tumingin sa akin. Ngumiti ako at huminga ng malalim. "Magseselos na ba ako?" sabi ko na kinawala ng ngiti ni Patrice. "Well, dapat lang. Actually, higit pa sa halik ang nagawa na namin noon ni Anthony. Nasabi ba nya sa'yo?" aniya. "Patrice! Nyebe, wag kang maniwala sa kanya." Pinahinto ko si Anthony at ngumiti ako rito. Tumingin ako kay Patrice. "Hindi, siguro ay walang kwenta iyon. Nasabi mo na noon pa, it means nakaraan nalang na hindi na dapat pinoproblema. At hindi naman ako dapat na magselos dahil malaki ang tiwala ko kay Anthony. Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag mong sayangin dahil lamang sa pagkadesperada mo. Babae ka at nakakahiya naman sa ibang tao ang pinapakita mo." Halos hindi makapagsalita ito at kita ko ang pikon sa mukha nya. Agad itong nagwalk-out kasabay ng barkada nito. "Whoa! Intense! Ang lupet mo, Nyebe. Walang nakakasupalpal ng ganyan kay Patrice." sabi ni Francis kaya ngumiti ako. Napatingin ako kay Anthony na kinuha ang bag nya at naglakad para umalis. Kaya agad ko syang sinundan. "Anthony.." tawag ko sa kanya at hinawakan ko sya sa braso ng maabutan ko sya. Huminga sya ng malalim, "Hindi ka naman talaga nagseselos dahil wala kang nararamdaman sa akin, 'di ba?" Tumingin sya sa akin at kita ko ang sakit sa mata nya. Umiling ako at napahinga ng malalim. "Hindi ibig sabihin na hindi ako nagseselos ay hindi kita mahal, Anthony. At alam ko naman na wala pa ako nung mga panahon na may magitan sa inyo ni Patrice. Kaya wala akong dapat na ipagselos do'n. May tiwala ako sa'yo, Anthony. Wag ka nang magalit, okay?" hinawakan ko ang mukha nya at hinaplos. Napahinga sya ng malalim at humawak sya sa mga kamay ko. "Totoo bang mahal mo ako?" tanong nya kaya tumango ako. Napangiti sya at hinapit ako bago niyakap. "Tara na sa mga barkada mo at baka ubusan ka nila ng pagkaing binili ko para sa'yo." sabi ko at tinapik ang likod nya. Natawa sya at inakay na ako. Ang totoo ay nakaramdam din naman ako ng selos ng halikan sya ni Patrice, at malaman na meron ng namamagitan sa kanila noon. Pero ayokong sabihin kay Anthony dahil pakiramdam ko ay mali na pagselosan ko ang maliit na bagay na iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nagseselos ako pero pinipigilan ng emosyon ko. "Hija, mabuti't nakauwi ka na." bumeso ako kay Daddy Douglas ng lapitan ko sya at makitang nakaupo ito sa sofa. Kakauwi ko lang galing sa school ni Anthony. "Hi, Daddy Douglas. May sasabihin po kayo?" naupo ako sa isang sofa at tinignan sya. "Oo, tungkol sa nakapulot ng scarf mo." Napangiti naman ako at na-excite sa sasabihin nya. "Ano po? Alam nyo na po ang pangalan? Nabigay po ba nya ang numero nya?" Ngumiti si Daddy Douglas, "Sinend lamang sa akin ni Mrs. Ford ang numero ng anak nya. Pero hindi na binigay ang pangalan dahil siguro ay pinoprotektahan din nito ang pangalan ng anak nya. Ikaw na mismo ang magtanong kung sakaling ibigay sa'yo." Tumango ako at napatingin ako sa maliit na papel na nilahad sa akin ni Daddy Douglas. Napangiti ako at agad na kinuha. "Salamat po, Daddy Douglas. Hmm, panik na po muna ako sa taas." Tumango ito kaya masayang tumayo ako at lumayo sa sala. Agad na tinignan ko ang numero at napangiti na kinuha ko ang phone ko. Nasa room ako at kinakabahan ako pero tinatagan ko ang loob ko habang kino-contact ang nakapulot ng scarf ko. Nang hindi nya sagutin ay napapalo ako sa noo ko. Dapat ay nagtext muna ako para naman malaman nya. Baka kaya hindi nya sinasagot ay dahil inaakala nya na prank call lang ako. Me: Hi, Good afternoon. Remember yung scarf? Ako ang may-ari no'n. Coincidence nga na ang nakapulot pa ng scarf ko ay ang nagdeliver ng gown ko. Thank you so much! Maaari ko bang malaman ang pangalan mo? Naupo ako sa kama at hinintay ang reply ng lalake. Napakagat ako sa daliri ko habang nakatitig sa phone ko. Nagliwanag bigla ang mukha ko ng mag reply ito. 09*****+: Apollo. Napangiti ako ng sabihin nya ang pangalan nya. Me: Ah, Apollo, gusto sana kitang i-treat bilang pasasalamat ko. Kung meron kang time ay pwedeng magkita tayo? Kahit saan mo gusto, pwede ako. Naghintay ako muli ng reply at agad din syang sumagot. 09****+: Pag-iisipan ko. Maybe next time if I have time. Napangiti ako lalo at huminga ng malalim dahil mabuti ng sinabi nya na ganun kesa hindi sya nag-reply. Me: Oo, ayos lang. I-text o tawagan mo ako kung kelan mo gusto. Basta wag lang tuwing monday. May cooking show kasi ako. Sya: Ok. Napangiti ako kahit na ang ikli nyang magreply. Tinabi ko na ang phone at napahiga ako sa kama ko. Dapat pala ay maghanda parin ako ng gift para sakaling biglaan ang pagkikita namin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinakabahan ako na ewan. Siguro sa excitement na makita ang taong iyon. Hindi ko kasi akalain na totoo ang tadhana sa mga tao. Na siguro ay merong dahilan kung bakit ganun ang nangyayari ngayon sa akin at sa lalakeng nakapulot ng scarf ko. At nanabik akong malaman kung ano ang dahilan sa likod ng lahat. Saturday night; this is the day of my debut late celebration. Lahat ng taong dadalo ay nakamaskara. At gusto ko ay ako man. Nahihiya akong humarap sa mga bisita dahil tiyak na hindi naman ako kilala. At kahit na hindi pangalan ko ang inilagay sa invitation ay masaya ako na gagampanan ang birthday party ni Katarina. Ako ang nagrequest na gawin ang birthday party ni Katarina. Tutal ay hindi alam ng mga tao na namatayan sila Daddy Douglas ng anak. Very private si Daddy Douglas at kahit sa mga kaibigan nya ay hindi alam na namatay si Katarina. Kaya naman, bilang ganti sa kabutihan ni Daddy Douglas ay ako muna ang magiging katarina ngayong gabi. Suot ang gown na pinagawa ni Daddy Douglas sa magaling na designer na si Mrs. Ford ay humakbang ako pababa ng hagdan habang nakaalalay sa akin si Anthony na nakamaskara rin. Nagpalakpakan ang mga tao at alam ko na namamangha sila sa suot ko. Nagtataka man sila kung bakit pati ako ay may suot na maskara ay hindi na nila pinansin iyon. "Thank you, Anak." sabi ni Daddy Douglas. Ngumiti ako at yumakap pabalik sa kanya ng yakapin nya ako ng makababa kami ni Anthony sa hagdan. "Ako po ang dapat na magpasalamat, Daddy Douglas. Dahil naranasan ko ang magsuot ng ganitong gown at makitang merong tao na babati sa akin kahit bilang Katarina." Napaiyak sya kaya hinaplos ko ang likod nya. Napangiti ako dahil masaya ako at nagawa kong pasayahin parin si Daddy Douglas. Nagsimula ang birthday celebration at dumating din sa tagpo ang pagsasayaw para sa eighteen'th roses. Nakatayo ako sa gitna kung saan nakapalibot sa akin ang lahat ng lamesa habang nakaupo ang mga bisita. May lumapit sa akin binata at nag-offer ng kamay na malugod kong tinanggap. Nagpapakilala sila at nakilala ko na ang ilan sa mga nakakasayaw kong nakamaskara ay barkada ni Anthony. Marami ng nagsasayaw sa akin at nabigla ako ng may isang lalakeng naglahad sa akin ng kamay. Napahinto ako at napatitig ako rito ngunit hindi ko rin makikita ang mukha nya dahil nakamaskara rin sya. Ngumiti ako at tinanggap ang kamay nya. Pero balak ko sanang bawiin ang kamay ko ng hawakan nya iyon ng mabuti. Nakaramdaman ako ng elektrisidad sa kamay ko habang hawak nya ang kamay ko. Humawak ako sa balikat nya at humawak sya sa bewang ko. Napatitig ako sa maskara ng lalake. Hindi sya nagsasalita. Gusto kong makita man lang ang mata nya ngunit masyadong madilim. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko. Habang magkadikit kami ay para bang kinakabahan ang dibdib ko. Huminto sya at halos ayoko pang tumigil ngunit ng umalis ang lalake sa harap ko ay si Anthony na ang pumalit. "Happy Birthday." nakangiting bati ni Anthony. Huminga ako ng malalim at ngumiti, "Salamat." Tumingin ako sa paligid para hanapin kung saan nagpunta ang lalake. Pero hindi ko na makita. "Bakit?" tanong ni Anthony. "Wala. Nahihiwagahan lang ako kung sino ang lalake. Kasi hindi naman nya ako kinausap." "Ah, yung lalakeng nagsayaw sa'yo bago ako?" Tumango ako, "Oo. Nakilala mo ba sya?" "Bakit interesado ka? Wag mong sabihin na ipagpapalit mo na ako?" Hinampas ko ang balikat nya, "Sira. Syempre curious lang ako. Malay ko ba kung sino iyon. Gusto ko lang malaman para naman alam ko kung sino ang mga nakasayaw ko." Natawa si Anthony at inikot ako bago muling bumalik ang kamay nya sa bewang ko habang ako ay sa balikat nya. "Ang sabi ni Dad ay iyong anak ni Mrs. Ford iyon. Inimbitahan nya dahil para naman makapagpasalamat ka raw. Kaso, tila nagmamadali dahil may kailangan pa daw puntahan kaya nagpaalam din agad bago mag-iwan ng regalo sa'yo." Napahinto ako at napabuka ang bibig ko habang bumilis ang t***k ng puso ko. "Ano? Sya yung lalakeng nakapulot ng scarf ko?" Napahinto rin si Anthony, "Oo." naguluhan nyang tugon. "Teka lang, Anthony, habulin ko lang." "Nyebe." tawag sa akin ni Anthony pero umalis na ako sa tabi nya. - Benj Inalis ko ang maskarang suot ko habang pababa ako ng hagdan rito sa bahay ng mga Chavez. Tinatamad akong magpunta rito pero si Mommy ay ginamitan na naman ako ng strikta nyang tono. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Warren. Sabi nya ay meron daw syang sasabihin sa akin at importante daw kaya dapat na bumalik na agad ako sa isla. "Mister! Wait!" Napahinto ako at lumingon ng may sumigaw. Nakatapat sa tenga ko ang phone ko dahil sinagot na ni Warren ang tawag. (Benj, finally, sinagot mo na rin. Bumalik ka na agad. Narito kami ni Max sa kanila. May ipapakita kami sa'yo.) "Okay, paalis na rin naman ako ng birthday party." Nang hindi ko naman makita ang tumawag ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang makalapit ako sa kotse ko ay binuksan ko ang pinto at sumakay ako. Pinaandar ko ang kotse pero napalingon ako ng makita ang birthday celebrant na si Katarina ng kumaway ito. Hindi ko na pinansin ito at tumingin ako sa daan. - Nyebe Nanlalata na napaupo ako sa hagdan at hingal na hingal. Grabe, hindi man lang ako hinintay ng lalakeng iyon. Pero baka hindi nya narinig. Kainis! Nagtanggal pa kasi ako ng high heels para makatakbo sana at mahabol sya. Kaso, nakaalis na sya. Napaubo ako at napahawak sa lalamunan ko. Kahapon pa ito sumasakit kaya malat ako at lalo lang sumakit sa pagsigaw ko. Naman, bakit ba hindi kami magkaharap ng personal ng lalakeng iyon? Napahinga ako ng malalim at tumayo. "Nyebe, ano bang ginagawa mo?" Lumingon ako kay Anthony at napahinga ako ng malalim. "Pasensya na. Hinabol ko lang ang lalake pero nakaalis na agad tila nagmamadali talaga." Inalis ni Anthony ang maskara nya kaya kita ko na sumimangot sya. "Bakit kasi hinabol mo pa? Nakakahiya kaya na mukhang nag-runaway bride ka at tinakbuhan mo ako." Natawa ako at hinampas ang dibdib nya, "Ikaw talaga. Pasensya na talaga. Tara na nga, balik na tayo." Pinangko nya ako kaya napangiti ako. Pero nanghihinayang talaga ako ng hindi ko man lang naabutan ang lalake. Nagpatuloy at natapos ang birthday celebration na iniisip ko parin kung paano ko kaya makikita ang lalake. Naupo ako sa kama ko habang suot ang roba ko. Nakapaglinis na ako ng katawan at hating gabi na rin ng matapos ang birthday celebration. Napakaraming regalo at ang ilan ay tila mamahalin pa. Napaisip ako at naalala na meron nga palang iniwan na regalo sa akin ang anak ni Mrs. Ford. Kaya agad kong hinanap sa mga regalo. Napahinto ako at napatingin sa isang pahabang box habang may pink na mamahaling pambalot. Tinignan ko ang card at galing nga doon sa anak ni Mrs. Ford na si Apollo. Happy birthday! -Apollo. Napangiti ako at naglakad palapit sa kama habang nakatingin sa regalo nya. Agad kong sinira ang pambalot at binuksan ko ang takip ng pinakakahon ng gift. Napamaang ako at napangiti dahil isang napakagandang scarf na napakaganda ng tela ang binigay nya. Isang floral rose na pink. Hinaplos ko ito at napakasarap hawakan. Tinaas ko at pinagmasdan ko. Ang ganda talaga. At mas maganda pa sya sa mga scarf na nabibili ko. Ayos lang na hindi ko pa sya nakikita ng personal ngayon. Masaya naman ako sa regalong binigay nya. Siguro ay hindi pa tamang oras para makita ko sya ng personal. - Benj Inabot na ako ng umaga bago makarating sa bf island. At sa bahay na nila Max ako agad dumeretso dahil sa barko palang ay kinukulit na ako ng dalawa na kapag tinatanong ko naman kung ano ang nais nilang sabihin ay ayaw naman nila sabihin sa akin sa phone. Sa ginawang bodega at hide-out naming tatlo ay binuksan ko ang pinto. Napatingin sa akin ang dalawa na nakatulog at napabalikwas ng higa. "Oh, ang tagal mo naman, Dude. Napuyat tuloy kami." ani ni Max na inaantok. "Sino ba ang hindi? Hindi pa nga ako nakakatulog. Ano ba ang sasabihin nyo?" Pumamulsa ako at sumandal sa pader habang nakatingin sa dalawa. "Benj, panoorin mo ito. Dahil nakita na namin si Nyebe." Napaalis ako sa pagkakasandal ko at gulat man ay agad akong lumapit kay Warren na hawak ang laptop nya. Agad na inagaw ko ang laptop sa kanya at tinignan ang sinasabi nito. "Iyan ang video na galing sa pinalabas kahapon na isang cooking show sa t.v. Hindi sinasadya at nacurious ako kaya pinanood ko. Si Nyebe ang nandyan, Benj. Hindi pwedeng hindi sya yan." Pinindot ko ang video at nag-play muli sa simula ang video. Natigilan at napatitig sa video. Agad na inistop ko ang video ng matapat ito sa mukha ng babae. Walang iba kundi si Nyebe. "Saang cooking show 'to? Nalaman nyo ba kung saan matatagpuan si Nyebe?" tanong ko habang pinagpatuloy ko muling panoorin ang video. Napakuyom ako ng kamay at napaiyak ako dahil sya nga ang nasa video. Si Nyebe. Ang babaeng ang tagal kong hinanap at hinintay na bumalik. "Hindi binibigay ng Cooking show kung saan 'to nakatira. Pero nag message sa amin ang cooking show at Nyebe Perez nga ang pangalan. Kaya si Nyebe nga iyan." Napangiti ako at napaiyak sa tuwa dahil nakita ko rin si Nyebe. Hindi ko akalain na sabay ko mararamdaman ang ganitong pakiramdam habang pinapanood si Nyebe kung paano sya magsalita ngayon, kumilos, at ang damit nya. Napakadesente at lalo syang gumanda. Napahaplos ako sa mukha nya ng ihinto ko ang video ng ma-focus sa mukha ni Nyebe ang camera. Napapunas ako ng luha at tumingin kela Warren. "Saan shinoot ang cooking show na 'yan?" tanong ko. "Sa batangas." Natigilan ako sa sinabi nila. Batangas. Nasa batangas lang pala si Nyebe. Kakagaling ko doon. f**k! Napatayo ako at napapunas ng luha. Natawa ako at hindi ko mapigilan ang saya ko. "Bukas na bukas rin ay pupunta tayo ng batangas. Kung kailangan na halughugin natin ang buong batangas para mahanap lang si Nyebe ay gagawin natin. Hindi ko na sya pakakawalan kapag nakita ko na sya." sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD