Kabanata 11 - Bring Her Back

3602 Words
Benj Kahit wala akong tulog ay agad din akong umalis ng bf island kasama si Warren at Max. Hindi ako mapakali sa barko at sasakyan palang dahil naatat na akong makita si Nyebe. Nilapat ko ang kuyom kong kamay sa labi ko at pumikit. Makita at maiuwi ko lang sya ngayon, hinding-hindi na talaga ako magkakamali. Itatama ko na ang lahat. Narito na kami sa batangas at dahil hindi namin alam kung saan hahanapin si Nyebe ay naisipan namin na puntahan ang location ng cooking show kung saan namin nakita si Nyebe. Pero sarado ang studio kaya napahampas ako sa pinto. Hindi ko alam kung saan sya hahanapin sa lawak ng batangas. "Benj, magpatulong kaya ulit tayo sa dad mo?" suhesyon ni Warren. "Kung noon ay hindi nahanap ni Dad si Nyebe, ngayon pa kaya? Naguguluhan din ako kung bakit hindi nahanap ni Dad si Nyebe." "Baka talagang magaling magtago si Nyebe at ayaw talaga nyang magpahanap sa'yo." sabi ni Max. Napakuyom ako ng kamay at tumalikod. Huminga ako ng malalim at napahawak sa ulo ko. Masisira na talaga ako ng ulo. Naglakad na kami nila Warren paalis ng studio. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Dad. Pero nakatingin parin ako sa labas ng bintana ng kotse at nililibot sa paligid ang mga mata ko dahil baka makita ko lang kung saan si Nyebe. (Y-Yes, Son.) "Dad, I found her. She's here in batangas. But I don't know what her address here." (f**k Son, wrong timing! s**t!) Napangiwi ako ng iparinig pa ni Dad ang paglalandian nila ni Mommy. Kay tatanda na ay naghohoneymoon parin at baka daw masundan pa ako. Pinatay ko nalang ang tawag dahil hindi pa ata sila tapos. Napahinga ako ng malalim at napagulo sa buhok ko. "Anong sabi ng Dad mo?" tanong ni Warren. Tumingin ako sa bintana na hindi mapinta ang mukha ko. "Nothing. He's busy." nasabi ko nalang. "Paano na? Saan natin hahanapin si Nyebe? Kung sana ay alam natin kung saan talaga sya nagtatago bago tayo nagpunta rito." si Max. Napahimas ako sa labi ko habang nag-iisip kung paano ko mahahanap si Nyebe. "Hinto mo nga muna." sabi ko. Hininto ni Warren sa gilid ang kotse kaya bumaba ako. Dito ay tanaw ang taal at mahangin. Sa laki ng batangas ay hindi ko alam kung saan magsisimula. Naglabas ako ng cigarette. Hindi alam ni Mommy na naninigarilyo ako. Natuto lang ako kay Kenedy. "f**k! Ang baho!" reklamo ni Max ng bumaba sya ng kotse ng maamoy ang sigarilyo ko. Napailing ako at umalis sa pagkakasandal sa kotse. Naglakad ako palayo sa dalawa habang binubuga ang usok. Humawak ako sa pader ng road at tinignan ang tanawin. Nyebe, nasaan ka ba? Magpakita ka na, please. "Benj, may nag-text sa'yo." sigaw ni Warren. Nagtaas lang ako ng kamay hudyat na basahin nya. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang mahanap si Nyebe. Kaya hindi importante ang mga nagpapadala ngayon sa akin ng text message. "Dude, sino si Katarina?" tanong ni Warren. "Yung anak ni Mr. Chavez." tugon ko at humithit ng cigarette. Tumingin ako kay Warren na binabasa ang text. "Cooking show? Nag cooking show din sya?" Napakuno't noo ako, "What do you mean?" tanong ko. "Nabasa ko lang sa nauna nyang message sa'yo nung nakaraang araw." Natigilan ako pero napailing ako. Napaisip ako at agad akong napalapit kay Warren. "Akin na ang phone. Taga-rito rin nga pala si Katarina. Baka kilala nya si Nyebe at baka pareho sila ni Nyebe ng pinapasukang cooking show." sabi ko. "Oo nga! s**t! Bakit hindi natin naisip ang mga chavez?" bulalas ni Max. Dinial ko ang numero ni Katarina pero ring lang ng ring. Tinapon ko ang sigarilyo sa kalsada at inapakan. "Sabi nya sa text ay may time ka na daw bang makipagkita? Makipagkita ka, Benj, para matanong natin ng personal baka kilala nga nya si Nyebe at matulungan tayo." sabi ni Warren. "Ayaw namang sagutin." sabi ko at nag-type ako ng text. Where are you? Naghintay ako ng reply at inabot siguro ng ilang minuto ng magreply ito. Katarina: Opps! Sorry, nakaligtaan kong sagutin ang tawag mo. I'm sorry talaga. Nandito ako sa mall, bakit mo tinatanong? Makikipagkita ka ba sa akin? Tumingin ako kela Warren, "Sa mall, dali!" sabi ko. Agad kaming nagsakayang tatlo sa kotse at nireplyan ko si Katarina. Just stay. Sa taranta ko ay iyon nalang ang na-type ko at tinatamad na ako magtext. Napahimas ako sa mga kamay ko dahil hindi ako mapakali. Sana. Sana kilala nya si Nyebe. Last chance. - Nyebe "Huh? Just stay?" sabi ko. "Ano 'yan?" tanong ni Anthony. Narito kami sa mall dahil namimili kami ng ingredients para sa cooking show ko sa monday ulit. Talagang sinusuportahan ako ni Anthony sa hilig ko. "Ah, wala. Baka na-wrong send lang yung anak ni Mrs. Ford." Tinignan ako ni Anthony habang nagbabayad na kami sa cashier ng grocery. Humalukipkip sya at tinignan ako. "Bakit magkatext kayo? Hindi mo sinabi sa akin na may number ka na pala ng taong iyon." Ngumiti ako at sinundot ang bewang nya, "Ikaw talaga, nagseselos ka naman. Syempre, hiningi ko lang kay Dad para makapagsalamat man lang. At tsaka pangalawang beses palang naman na nagtext kami, bukod sa una, kaya wala kang dapat na ipagselos dahil wala lang iyon, okay." Sumimangot sya kaya natawa ako. Niyakap ko nalang sya sa bewang at tumingin sa pinamili namin na sinisilid sa plastick at nilalagay sa stroller para itulak namin palabas ng grocery at mall. Nang mailagay na lahat ng napamili namin sa stroller ay nagbayad na si Anthony gamit ang credit card nya. Libre daw nya ngayon kaya hindi na ako tumanggi pa. Tulak-tulak nya ang stroller habang ako ay kasabay nya sa paglalakad palabas ng grocery sa mall. "Maghintay ka rito at tatawagin ko lang si Manong. Wala ka na ba talagang bibilhin?" Umiling ako, "Wala na." Tumango sya at naglakad na para pumunta sa parking lot. Huminga ako ng malalim at tinignan ang mga taong nagpapasukan at labasan ng mall. "Nyebe.." Napalingon ako ng may tumawag ng pangalan ko. Napangiti ito at agad na tumakbo palapit sa akin. Nabigla ako ng yakapin ako nito ng sobrang higpit. "Finally, I found you." aniya. Naguluhan ako sa sinasabi nito. Pero bago pa ako makareact ay may kamay na humawak sa braso ko at hinila ako kaya napabitaw ang lalake sa pagkakayakap sa akin. "Sino ka para yakapin ang fiancé ko?" Si Anthony. Tumingin ako sa lalake at nakatitig ito tila ba kilala nya ako at may nais syang sabihin. "Sorry, pero hindi kita kilala." pagkatapos kong sabihin iyon ay nagpahila na ako kay Anthony ng akayin na nya ako. Lumingon pa ako sa lalake at nakasunod parin sya ng tingin. At may dalawang lalake na biglang lumapit sa kanya at tumingin rin sa akin. Bakit nya alam ang pangalan ko? Bakit parang nakita ko na sya pero hindi ko maalala kung saan? Napapikit ako ng mata ng makasakay sa kotse. Iniisip ko kung saan ko ba nakita ang lalake? Pero napadilat ako ng hawakan ni Anthony ang kamay ko na nasa kandungan ko. "Wag mo na syang isipin. Baka napagkamalan ka lang." tumango ako. Baka nga napagkamalan lang ako no'n. Pero ng yakapin ako nito ay parang may iba't-ibang emosyon akong naramdaman. Hindi ko alam kung ano, pero parang nakakatakot. - Benj Natulala ako habang nakita ko ang papalayong kotse na sinakyan ni Nyebe. "Dude, bakit ganun ang sinabi ni Nyebe? At para ngang hindi ka nya nakilala, maging kami. At bakit kasa-kasama nya ang anak ni Mr. Chavez?" sunod-sunod na tanong ni Max. "Hindi ko alam. Sundan natin sila." sabi ko at patakbong tinungo ko ang kotse namin. Ako na ang nagtungo sa driver seat at agaran ring sumakay ang dalawa. Napatawa ako ng pagak dahil imposible na hindi nya ako nakilala. At fiancé nya ang lalakeng iyon? Para akong masisiraan ng ulo sa nakakatawang sinabi nya at ng lalakeng iyon. Pinagloloko ba ako ni Nyebe? Baka gusto nya lang iwasan ako. Humigpit ang hawak ko sa manibela habang hindi ko matanggap na para ngang hindi nya ako nakikilala. At naisip ko na ang katarina ay si Nyebe. f**k s**t! Nasayaw ko na't lahat at ilang beses na pala dapat ko syang nakita pero hindi ko man lang alam! Napahampas ako sa manibela sa panggigigil. Nakatingin ako ngayon sa kotseng itim kung saan sakay sila Nyebe. "Benj, patungo ito kela Mr. Chavez. Wag mong sabihin na doon nakatira si Nyebe?" sabi ni Warren. "Oo." tugon ko na kinamura ng dalawa. "What the! Napuntahan na pala natin ang pinagtataguan ni Nyebe hindi pa natin alam." bulalas ni Max na frustrated. "Anong plano mo, Benj? Fiancé na pala sya ng anak ni Mr. Chavez at paano pala kung meron nangyari kay Nyebe kaya hindi nya tayo nakikilala?" tanong ni Warren. "Kukunin ko parin sya. Akin sya at hindi kung kanino man. Hindi ko na palalagpasin ito. Sisiguraduhin kong uwi-uwi ko si Nyebe pabalik ng isla." Napailing ang dalawa pero ngumisi lang ako. Mas lalo akong nanabik dahil mas exciting ang gagawin ko kung paano ko sya isasama sa akin. Pagod na pagod na ako pero parang nawala iyon ng matagpuan ko rin sa wakas si Nyebe. Huminto kami ng pumasok sa gate ang kotseng sinasakyan nila Nyebe. Binuksan ko ang bintana at tinignan ang bahay ng mga Chavez. Dito pala namalagi si Nyebe at mayaman itong si Mr. Chavez. "Anthony Chavez; the adopted son of Mr. Douglas Chavez. Merong sariling chopper at may gas company ang mga chavez. Meron ring malawak na hacienda at resort si Mr. Chavez rito sa batangas. Kaya kasama si Mr. Chavez sa pang top 20 riches man in the philippines." Ngumisi ako habang sinasabi ni Warren ang na-research nya about kay Mr. Chavez at anak nitong lalake. "Well, who's the riches in the philippines?" tanong ko. "C'mon, Dude, alam mo na. Syempre, kayo." Nagsindi ako ng sigarilyo at binuga ang usok. Ngumiti ako habang nakatanaw parin sa bahay ng mga chavez. "Benj, ayoko ng pinaplano mo. Tinutulungan ka namin, pero parang masama ang kutob ko sa iniisip mo." Natawa ako sa sinabi ni Warren at bumaba ako ng kotse. Humithit pa ako ng sigarilyo at tinapon sa kalsada iyon at inapakan. "Ikaw na ang mag-drive, Warren. Mag check-in muna tayo sa hotel na malapit rito. Kailangan ko munang bumawi ng tulog para makapag-isip ng maayos." Ngumiti ako habang tinatak ko sa isip ko ang gagawin para makuha si Nyebe. Sapilitan man o hindi. Sumakay na ako sa backseat ng pumalit sa akin si Warren. Nahiga ako sa backseat at pinatong ko ang braso ko sa mata ko. - Nyebe Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko ang lalake. Parang nakita ko na sya pero hindi ko maalala kung saan. At kanina, parang ang daming sinasabi ng mga mata nya ng matitigan ko. Parang ang daming gustong sabihin ng bibig nya ngunit hindi nya matuloy. Pumikit ako at napakapit ako sa kumot ng may rumehistrong lalakeng malabo ang mukha sa isipan ko. Panay ang tawag ko sa pangalan nya. Panay ang habol ko rito. Pero napaiyak ako ng hindi ko alam kung bakit. Parang binibiyak ang puso ko. Naguguluhan ako kung bakit iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin lamang sa lalakeng hindi malinaw ang mukha. Nyebe.. Nyebe... Nyebe..... Napasinghap ako at napaupo. Napatingin ako sa paligid at nakahiga ako sa kama ko. Napahawak ako sa noo kong pawisan. Nananaginip lang pala ako. Parang totoo. Lalo ang sakit ng naramdaman ng puso ko. Napaidtad ako ng mag-ring ang phone ko. Huminga ako ng malalim at inabot ito na nakapatong sa side table ko. Tinignan ko kung sino at napamaang ako ng makita na si Apollo. Kinabahan naman ako pero lumunok muna ako ng isang beses bago sagutin. Tinapat ko sa tenga ko habang nahihiyang magsalita. "H-Hello." ito ang first time na maririnig ko ang boses nya. (Let's meet.) napakuno't ako ng noo dahil parang pamilyar ang boses nya. Pero masaya ako dahil gusto na nyang mag meet kami. "Sige. Kelan?" tanong ko at nahiya naman ako dahil parang ang saya pa ng tono ko. (Hmm, bukas sa pier. Pauwi na kasi ako ng isla pero hihintayin kita doon. Alas nuebe ng umaga.) "Ah, ganun ba." tumingin ako sa kalendaryo ko at wala naman akong gagawin bukas, "Okay. Nine am." (Good. Wag kang magpapasama sa iba. Ikaw lang, ayoko ng may iba.) aniya na kinataka ko. "Kasi may driver ako.." (Ikaw lang, understand?) Napahinga ako ng malalim dahil kinabahan naman ako na baka magalit sya. Naisip ko na baka very private sya ay ayaw na may ibang taong kausap. s**t. Bakit hindi ko agad naisip iyon? "Sige, wala akong kasama sa pagpunta d'yan." (Good. See you tomorrow.) "S-Sige, see you tomorrow." sabi ko habang nahihiya rito. Binaba ko na ang tawag at napatingin ako sa phone ko bago huminga ng malalim. Ang gwapo siguro nya sa personal. Ang gwapo ng voice nya. Nahiga muli ako at napatingin sa kisame. Paano kaya ako makakaalis ng hindi kasama si Manong? Hindi ako hinahayaan ni Anthony at Daddy Douglas na umalis ng walang kasama dahil baka daw mahimatay nalang ako kung saan. Pero baka magalit naman si Apollo kapag nagsama ako. Napabuga ako ng hangin at pumikit. Bukas ko nalang iisipin kung paano. - Kinabukasan ay maaga ang pasok ni Anthony sa school at si Daddy Douglas naman ay sa opisina para tignan ang nangyayari sa company nya dahil dalawang araw rin syang nagpahinga. Kaya naiwan ako sa bahay na nagbibihis para pumunta na pinag-usapan namin ni Apollo. Nagmamadali ako dahil baka maiwan sya ng anu mang bangka o barkong sasakyan nya. Suot ko ang scarf na bigay ni Apollo para naman makilala nya agad ako kung sakaling hindi ko alam kung nasaan sya. Nagpahatid ako kay Manong at naisip ko na papaaalisin ko rin si Manong pagdating sa pier. Kaya ko naman ng sumakay sa public car pauwi. "Bakit dito pa kayo makikita ng imemeet mo? At hihintayin nalang kita rito, Nyebe. Baka mapagalitan ako ni Anthony kapag nalaman nya ito." Ngumiti ako kay Manong, "Pauwi na po kasi ang imemeet ko sa isla nila kaya nasa pier sya. Binigyan lang po nya ako ng oras para ma-meet ko po sya ng personal. Tsaka ako pong bahala kay Anthony. Alam naman po no'n na gusto ko talagang ma-meet ang anak ni Mrs. Ford." Napahinga ng malalim si Manong, "Kung gano'n ay mag-iingat ka. Tawagan mo nalang ako kung magpapasundo ka na. Lalayo lang ako ng kaunti rito at kakain nalang muna ako." Lalo akong ngumiti at tumango, "Sige po, Manong. Salamat." Binuksan ko na ang pinto at bumaba ako ng kotse. Hinawakan ko ang scarf ko dahil malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Tinignan ko muna si Manong na inatras ang sasakyan at umalis na. Nang wala na sya at naglakad na ako habang nililibot ko ang tingin ko. Nasaan kaya si Apollo? Wala syang exact na lugar na sinabi kung saan ko sya pupuntahan. Napahinto ako ng may mabangga akong lalake na nakasumbrero habang nakayuko. "Sorry po." sabi ko at hahakbang na sana ako ng mabigla ako ng pigilan ako nito sa braso. Nilingon ko ito at nag-angat ito ng ulo at nilingon ako. Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko. Napaturo ako rito dahil pamilyar ang lalake, "Ikaw yung nasa mall na niyakap ako, 'di ba?" "Apollo." Lalo akong napasinghap sa sinabi nya. Sya na napagkamalan ako sa mall at si Apollo ay iisa. Shocks! Baka kaya niyakap nya ako ay dahil nakilala nya ako sa mall. Pero imposible. Alam nyang katarina ang ginagamit kong pangalan nung debut at hindi pa naman siguro nya nakikita ang mukha ko. "Ikaw si Apollo?" Tumingin sya sa paligid at binitawan ang braso ko. Tumingin sya sa akin at bumilis ang kabog ng dibdib ko ng matitigan ko kung gaano sya kagwapo. Ang kinis ng mukha at soft ng features nya. Ang nipis ng labi at ang mata ay medyo may pagkasungit kung titignan. Ang tangos naman ng ilong at ang kilay medyo makapal. Ang gwapo nya. "Tara." aya kaya tumango ako. Namula naman ako at mahigpit na napahawak sa hand bag ko ng humawak sya sa bewang ko. "Anyway, hindi mo ba ako naalala? O nakikilala?" Lumingon ako sa kanya. Nakatingin sya sa daan habang inaakay ako patungo sa barko. "Ah, nakilala lang kita ng araw na tawagin mo ako sa mall at niyakap. At ngayon ko lang nalaman na ikaw pala ang anak ni Mrs. Ford." sabi ko at tumingin sa pinasukan natin, "Teka, bakit sasakay din ako ng barko? Baka umalis na ito at masama ako." hindi kasi ako mapakali at kinabahan ako na baka masama ako ng barko kung sasakay kami. "Don't worry." aniya kaya huminga ako ng malalim, "So, hindi mo talaga ako kilala." dagdag nya. Naguguluhan ako sa pinupukol nya. Umiling ako at napasandal ako sa riles ng barko ng doon kami nagpunta. Tumanaw sya sa dagat. "Hindi. Bakit mo tinatanong?" tugon ko. "Can you tell me about yourself." aniya kaya ngumiti ako. Tumango ako. "Hmm.. Ang totoo kong pangalan ay Nyebe Perez at hindi Katarina. Tapos alam ko ang pangalan ng Mama ko ay Allice Gonzalez. Hiwalay na sila ni Papa, kaya sa poder ng lolo't lola kami tumira nung ten years old ako." Napalingon sya sa akin na napangiti, "Tapos? Ano pa?" aniya. "Hmm... Hindi ko kasi alam ang nangyari sa akin. Pero hanggang sa paglipat lang namin sa bahay nila Lola ang tanging huling naalalala ko. Nagising nalang ako makalipas ng dalawang taon ay nasa poder na ako nila Anthony." Kita ko na napamaang sya at nakita ko na para syang nasaktan. Naguluhan ako sa pagkuyom ng kamay nya at napahawak sya sa sumbrero nyang nasa ulo nya bago sya pumikit ng mariin. May kinuha sya sa bulsa nya at isang maliit na gintong box at nang buksan nya ay mga candy tablet ang laman. "Pampakalma lang." aniya ng isubo ang isang candy tablet. Tumango ako. "Ikaw. Pwede ko bang malaman ang buong pangalan mo?" Tumingin sya sa dagat at pagkaraan ay humarap sa akin bago ako tignan ng kakaiba sa mga mata ko. Kinabahan naman ako at nailang sa titig nya na para bang may nais sya sa akin. "Gusto kong tumingin ka sa mga mata ko habang sinasambit ko ang pangalan ko." aniya. "S-Sige." tugon ko at tumitig sa mga mata nya na halos hindi ko makayanan. "Ako si Benjamin Apollo Ford. Benj ang tawag sa akin ng lahat." aniya habang dahan-dahan na sinasabi iyon. Napakuno't noo ako dahil parang biglang sumakit ang ulo ko ng umecho ng paulit-ulit ang pangalan nya sa isip ko, "Alalahanin mo ang pangalan ko, Nyebe. Benj. Bigkasin mo." dagdag pa nya. Napahawak ako sa ulo ko habang nakatingin sa kanya. Nanginginig ang labi ko habang binubuka ko. "B-Benj." nauutal kong bigkas at mas lalong sumakit ang ulo ko. Pumikit ako at umiling-iling. "Ayos ka lang." hinawakan nya ako at nahawi ko sya bigla dahil parang napapaso ako sa hawak nya. "S-Sorry." sambit ko at naramdaman ko na umusad ang barko, "A-Aalis na ako. Umuusad na ang barko." Tumalikod ako sa kanya at kahit masakit ang ulo ko at nagdidilim ang paligid ko ay kinaya ko na maglakad. Pero napahinto ako at napasinghap bago napahawak sa braso ng may kamay na may hawak ng panyo na itinakip sa bibig at ilong ko. Nagpupumiglas ako pero dahil sa pinaghalo-halong emosyon ay nanghina ako at unti-unting pumikit ang mga mata ko. - Benj Napangiti ako na pinangko si Nyebe habang patungo sa loob ng barko. Inupo ko sya sa mahabang upuan at sinandal sa akin habang akbay ko sya. Hinaplos ko ang mukha nya at sobra ang saya ko dahil kasama ko na muli sya. Nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko at nakita ko na si Warren. Hindi ko sinagot at binulsa nalang muli bago napangiti. Iniwan ko ang dalawa sa hotel habang mga tulog na tulog. Alam kong hindi nila ako susuportahan sa pinaplano ko kaya mag-isa kong inisip kung paano ang gagawin ko. Paglabas ng barko sa batangas ay nag-aabang ang yate ko sa dulo. At doon sa yate na kami aabutin ng ilang araw ni Nyebe bago makarating ng bf island. Nawalan pala sya ng alaala at hindi ko matanggap na ang alaala pa nya sa akin ang nawala. Pero ayos lang. Gagawin ko ang lahat para bigyan sya ng bagong alaala. Walang sakit at ipapakita ko sa kanya na sya lang. Hinawakan ko ang panga nya at inabot ko ang labi nya. Namiss ko 'to. Hinaplos ko ang napakapula nyang labi. Hinalikan ko ang tenga nya at pumikit ako. "I'll never hurt you again. I love you. And I'll never let you go again. You are mine; mind, heart, body, and soul." Dumilat ako at hinaplos ang mukha nya. Napatingin ako sa kamay nya at napatingin ako sa singsing na suot nya. Nagtagis ang bagang ko at agad na hinubad iyon sa kanya. Tinignan ko ang singsing at ito siguro ang engagement ring nya sa Anthony na 'yon. Nawala ang binigay kong porcelain ring at tiyak na ang Anthony na 'yon ang nag-alis. Hinagis ko sa bintana ang singsing at ngumiti ako. Hindi mo makukuha sa akin ang akin talaga. Kita ko palang sa mukha mo ay hindi ko na gusto, Anthony Chavez. Aangkinin ko ang akin at sisiguraduhin kong sa akin hahantong si Nyebe. Hinalikan ko muli sa labi si Nyebe at sinandal ko ang ulo ko sa kanya habang haplos ko ang mukha nya. Walang mapaglagyan ng saya ang puso ko. At si Nyebe lang talaga ang makakapagbigay no'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD