Kabanata 9 - Scarf

3394 Words
Nyebe Nakaranas ako na makita ang ibang tao ngunit hindi ko maaninag ang kanilang mukha. Tinatawag nila akong Nyebe pero hindi ko sila makilala. Ang papa ko. Lumisan kami sa japan dahil iniwan kami ng papa ko. And after that, I don't know what happen next. "Katarina!" Napasinghap ako at napadilat. Bumungad sa akin ang mukha ni Anthony na may pag-aalala. Sa paggising ko ay sya ang bumungad sa akin. Sabi nya ay may nangyari lang sa akin noong two years ago, pero hindi nya masabi kung ano. And he insists that I am Katarina. But I told him that my name is Nyebe, not Katarina. Napahawak ako sa noo ko na pawisan. Again. Napapanaginipan ko na naman ang ibang tao. Parang habang tumatagal ay sumasakit ang ulo ko kakaisip kung sino sila. "Wag ka kasing mag-isip ng mag-isip ng iba. Makakasama sa'yo iyan." Binigyan nya ako ng basong tubig at yung gamot ko. Uminom ako at inalalayan nya ako na mahiga. "Salamat." naupo sya sa isang silya at humawak sya sa kamay ko habang nasa gilid ng higaan ko sya. "Tila napagod ka sa byahe natin. Gusto mo na bang kumain?" umiling ako at ngumiti. Kagagaling lang namin ng state dahil pinasyal nya ako. Ang bait-bait ni Anthony at lagi nya akong inaalagaan. Gwapo pa nya at ang bait nya kay Daddy Douglas. "Mamaya na ako kakain." Ngumiti sya at hinalikan ang kamay ko, "Nyebe, I know this is so fast, but can you accept me in your life?" May nilabas syang singsing kaya napamaang ako. Sabi nya sa akin ay mahal na mahal daw nya ako at pansin ko nga na minsan ay hindi sya umalis sa tabi ko. Meron ngang babae na nagpupunta rito at si Anthony pa ang hinahabol. I'm not sure her name, but I remember she's Patrice. Nagkatapat kami ni Patrice nung isama ako ni Anthony sa birthday party ng friend nya. Hindi ko naman maunawaan noon kung bakit trip akong awayin ng babae at talagang nilalandi nya si Anthony sa harap ko, pero si Anthony na mismo ang lumalayo sa babae at hindi ako hinahayaan na saktan nung patrice. Wala namang masama kung magustuhan ko si Anthony. Isa, sya ang lubos na nag-alaga sa akin kasama na rin si Daddy Douglas. At lagi nya rin akong pinapasaya kapag nilalabas nya ako. "Anthony, sigurado ka ba talaga na ako ang gusto mong pakasalanan? Baka magsisi ka naman kung sa katulad ko na may amnesia ka pa magkagusto. Ayokong saktan ka oras na manumbalik ang alaala ko." Humigpit ang hawak nya sa kamay ko at umiling sya. "Hindi ako magsisisi at please, kahit anong mangyari ay ako parin ang piliin mo, Nyebe. Kahit manumbalik pa ang alaala mo ay ako parin, ha?" Inabot ko ang mukha nya at hinaplos. Takot ang reaksyon nya kaya masaya ako na makita ito. "Okay, I'll accept you in my life." Napangiti sya at napatayo sa tuwa. Natawa ako at napatingin sa singsing na sinuot nya. Natigilan ako dahil pakiramdam ko ay may something missing na dating nakalagay doon pero hindi ko alam kung ano. Napaidtad ako ng halikan ako ni Anthony. Ngumiti ako ng bitawan nya ang labi ko. Niyakap nya ako kaya hinaplos ko ang likod nya. "Ang saya ko. Salamat, Nyebe. I love you." Natawa ako dahil umiiyak pa sya. This guy. Hay. Kaya hindi rin sya mahirap mahalin. "I love you, too, Anthony." Bumitaw sya ng yakap at tumingin sa akin. Pinunasan ko ang luha nya. Bumangon ako at nag-indian seat. Kinuha ko ang mga kamay nya at tinignan sya. "Anthony, pwede mo ba akong tulungan na hanapin si Mama? Gusto kong maliwanagan dahil ang huli kong naalala ay ten years old ako ng umalis kami ng japan. Seven years ang nawala sa alaala ko. Please, tulungan mo ako." Napahinga sya ng malalim at tumango, "Oo, kapag hindi ka na matamlay ay pupunta tayo sa BF Island kung saan kita nakita. Sasamahan kita." Napangiti ako at yumakap sa kanya. Napakabait nya talaga at alam ko na hindi sya nagsisinungaling, dahil kita ko sa mata nya na nagsasabi sya ng totoo. Nahiga ako at nahiga din sya sa tabi ko. Magkayakap na nahiga kami at meron mang kulang kahit yakap nya ako ay hindi ko na hinanap kung ano iyon. Mabait si Anthony kaya ayokong makitang nasasaktan sya ng dahil sa akin. Ampon lang sya ni Daddy Douglas at yung katarina na tinatawag nya sa akin at ni Daddy Douglas ay ang namatay na totoong anak na babae ni Daddy. Sayang nga at namatay sya na ang bata pa nya. Katunayan, kamamatay lang ni Katarina ng sumulpot daw ako sa buhay nila. Kaya todo ang pasasalamat nila sa diyos dahil para daw ako ang pinadala para ibsan ang kalungkutan nila ng mawala si Katarina. Kaya hindi ko rin magawang iwan sila para hanapin sila Mama, Lola, at Lolo. Dahil ginawa lahat nila Anthony para suportahan ang buhay ko. Kaya sobrang laki ng atraso ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nawala ang seven years na alaala ko, pero siguro ay may dahilan. Baka hindi ako masaya sa panahong iyon. Baka puro sakit ang nangyari sa akin. Pero gusto ko parin malaman kung ano ba iyon. Para malaman ko kung ano nga ba ang dating nakaraan ko at worth it ba na balikan pa. Kinabukasan ay suot ang floral dress ko habang may balabal pa akong scarf sa balikat ko. Pupunta ako sa mall para mamili ng ingredients. Sumali ako sa isang cooking show at hindi ako estudyante doon, kundi isang teacher na magtuturo para sa mga nais na matuto kung paano magluto ng sushi at iba pang japanese food. Kahit wala akong maalala ay para bang kusang mga kamay ko ang nagpapakita na may kaalaman ako sa pagluto mula ng magdalaga ako. Ngayon ay eighteen years old na ako at hindi man sure pero base sa kalendaryo ay iyon na ang edad ko. Gusto pa nga akong ipaghanda ng bongga ni Daddy Douglas pero sabi ko ay wag na. Pero sinulsulan pa ni Anthony kaya wala akong choice kundi hayaan sila. Ayoko lang sana na gumastos sila, pero sabi nila ay walang problema sa pera para daw mapagdebut lang nila ako na hindi na nila nagawa kay Katarina. Wala si Anthony dahil pumapasok sya sa school sa university of batangas. Dapat ay first year college na ako, kaso hindi ko alam kung nakagraduate ba ako ng elementary o high school. Ngayon palang talaga ako nagsisimula na kilalanin ang sarili ko. Gusto ko man na hanapin sa internet ang pangalan ko baka sakaling malaman ko kung sino ang mga nakakakilala sa akin ay hindi muna ako hinayaan nila Anthony na gumamit dahil baka makasama sa akin ang mga mababasa ko sa social media o ano pa. Nakatanaw ako sa bintana ng kotse habang nakalabas ang kamay ko sa binata at dinadama ang hangin. Napakaganda ng batangas at makikita mo ang bundok ng taal. At amusement park na may malaking ferris wheel. "Mam, narito na po tayo." sabi ni Manong driver. Tumingin ako sa mall at ngumiti ako kay Manong. "Sandali lang ako, Manong, kung mainip ka at magutom ay bumili ka ng food mo. Heto oh." may inabot akong pera para naman hindi nakakahiya kapag natagalan ako. "Naku, wag na, Mam. Ayos lang sa akin.." "Sige na po. Alam kong hindi naman po masyado kalakihan ang sahod nyo. Tip na po 'yan." Napakamot sya ng ulo at nahihiyang tinanggap ang pera. Ngumiti ako at bumaba na ng kotse. Huminga ako ng malalim at napangiti na naglakad na. Bago ako pumunta sa grocery ay naisipan ko na maglibot muna para tignan kung may matipuhan akong bilhin. At nakakita ako ng magandang damit kaya bumili ako. Pagkatapos ay lumabas na ako. Nabigla ako ng biglang tangayin ang scarf ko ng madaan ako sa second floor ng mall kung saan ay may tanawin sa labas ng mall. Pumasok ang malakas na hangin kaya hindi ko na nahabol kung saan napunta ang scarf ko ng mahulog ito mula sa first floor. Nakatanaw ako sa baba at baka sakaling makita ko kung sino ang nakapulot. - Benj Napatingala ako ng makakita ng isang bulaklaking scarf na pabagsak sa akin. Nasalo ko ito at napatitig ako sa scarf. Tumingin ako sa taas pero hindi ko naman makita kung kanino ito. "Benj!" Tumingin ako kay Max at Warren. Narito kami sa batangas para dalhin ang gown na pinagawa ni Mr. Douglas Chavez. Si Mommy naman kasi, ako pa ang inutusan, pwede namang ipadala nya sa delivery boy. "Oh." may binigay si Warren sa akin na nakalagay sa invisible food container na ang laman ay sushi. Kinuha ko dahil nagutom din ako sa byahe. "Thanks." "Bakit meron kang scarf?" natatawang tanong ni Max. Nakiba't balikat ako, "Nahulog mula sa taas. Ewan ko kung kanino ito." "Maupo nalang tayo doon. Baka hanapin ng may-ari 'yan at para maisoli natin kung sakaling may lumapit sa atin at magtanong.." tinuro ni Warren ang mga bench kung saan ay katabi ng laruan ng mga bata. Wala akong pagpilian dahil lumakad na ang dalawa palapit doon. Naupo ako sa bench at binuksan ang lalagyan ng sushi. Kapag nakikita ko ito ay naalala ko si Nyebe. Sobra akong nagsisisi sa nakaraan na alam ko ay lubos ko syang nasaktan. Kahit saan ko na sya hinahanap pero wala parin. Maging sila Mrs. Allice ay hindi nila mahanap si Nyebe. Iniisip ko kung lumayo lang si Nyebe para iwan ako ay alam kong magsasabi ito sa Mama nya. Pero hindi, edi sana ay nalaman ko na kung tinatago lang ni Mrs. Alice si Nyebe. Nakakabwisit pa ng mismong gabing nawala si Nyebe ay nasira ang isang cctv sa intersection. Kaya hindi ko alam kung saan kaya posibleng malaman kung paano nawala si Nyebe. "Sige, pauwi na ako, hinahanap ko pa kasi ang scarf ko. Oo na. Okay." Natigilan ako at agad akong napalingon sa likod ko. "Bakit, Benj?" Napatayo ako at para akong nababaliw na hinagilap ang pinanggalingan ng boses. Alam ko. Boses ni Nyebe iyon. Nabitawan ko ang lalagyan ng sushi at naglakad ako habang hindi ko alam kung saan ko ililibot ang mga mata ko sa buong paligid ng mall. "Nyebe.. Nyebe!" tawag ko. "Benj, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Warren.. Hinawi ko ang kamay nito na pumatong sa balikat ko. "Narinig ko ang boses ni Nyebe." sabi ko. Napahinga ng malalim ang dalawa, "Benj, two years na ang nakalipas. At minsan mo na ring nasabi na naririnig mo ang boses ni Nyebe kahit wala naman." Hinawi ko sila at nangilid ang luha ko na lumabas ng mall. Napahawak ako sa bubong ng kotse ko at napapalo. Nababaliw na ako at sobra ko ng namimiss si Nyebe. Kahit ayokong tanggapin ang sinasabi ng mga nasa paligid ko na kahibangan ang naririnig ko, pero hindi ko parin mapigilan na masaktan. Pakiramdam ko ay nasa paligid lang si Nyebe at ang lakas ng pakiramdam ko na nasa malapit lang sya. Pero para akong pinapatay kapag naiisip kong nag-iilusyon lang ako. - Nyebe Napahawak ako sa dibdib ko habang iniisip kung meron ba talagang tumawag sa pangalan ko. Nakaalis na ako ng mall at lulan na ako ng sasakyan. Hindi ko na nahanap ang scarf ko dahil tumawag si Anthony at pinapauwi na ako. Meron daw silang surprise sa akin ni Dad, kaya wala akong choice. Baka bukas nalang ako mamili. "May problema po, Mam?" tanong ni Manong driver. Napailing ako at ngumiti, "Wala. Para lang kasing merong tumawag sa pangalan ko sa loob ng mall at nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko." Ngumiti si Manong, "Baka meron kayo noon na nakalimot na pag-ibig. Na baka hinahanap kayo at sinisigaw ang pangalan nyo dahil nangungulila sa inyo. Alam nyo ba ang pisi ng puso? Kahit magkalayo ay hindi parin mapuputol ang pisi dahil hangga't walang pumuputol sa dalawang nag-iibigan ay patuloy parin na nakakonekta ang puso ng isa't-isa. At kahit nagkawalay pa, dadating din sa punto na kusang maglalapit muli ang pisi na syang maglalandas sa mga pusong lubos na nangungulila at nagmamahalan." Nakaramdam naman ako ng kainteresadohan sa sinabi ni Manong. "Bakit alam nyo ang ganyan, Manong? Dati na po ba kayong nagkaamnesia tulad ko o dati nyo na pong nasubukan ang pisi ng puso?" Umiling sya, "Hindi. Pero napapakinggan ko lang sa isang love radio station. Hindi naman masamang maniwala, dahil pag pag-ibig ang pag-uusapan ay kahit ano pa mang paniniwala iyan o kasabihan ay tinatanggap parin. Para mas maunawaan pa ang ibang aspeto ng pag-ibig." Napatango naman ako at napangiti. Ang sarap pala makakuha ng advice kay Manong. Na-enjoy ako at hindi ko namalayan na narito na kami sa bahay. Bumaba ako ng sasakyan at napatingin ako sa kotse na hindi pamilyar. Nakiba't balikat ako at pumasok sa loob. Nakasalubong ko si Ate Josie. "Mam, sabi ni Sir Douglas ay sa sala daw po kayo dumeretso." "Okay. Thank you." Naglakad ako habang bitbit ang paper bag na naglalaman ng napamili kong damit. Pero napahinto ako at napatingin sa saya ng floral dress ko. Narumihan pala. Kaya bago magpunta sa sala ay tinungo ko muna ang taas kung saan ang room ko para magpalit ng damit. At nang makapagpalit ako ng simpleng bestida ay bumaba na ako. Tinungo ko ang sala pero napahinto ako sa malaking salamin na pader at nakita ko ang pag-alis ng asul na kotse na hindi pamilyar sa akin. Dumeretso ako sa sala at naabutan ko si Daddy Douglas at Anthony. Napatingin sila sa akin. "Ano po ba iyong surprise nyo sa akin? Hindi ko tuloy nabili yung ingredients para sa cooking show." Napangiti na bumeso ako kay Anthony at kay Daddy Douglas. Napatingin ako sa malaking kahon na puti na nakalapag sa lamesa. Naupo ako at napaturo sa kahon. "Ano po ito, Dad, Anthony?" Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti. Napatingin ako kay Anthony ng hawakan nya ang kamay ko. "Ikaw na ang magbukas para malaman mo." Kaya naman ng bitawan nya ang kamay ko ay napatingin ako muna sa kahon bago ko ito hawakan. Dahan-dahan pa ako sa pagbukas at namilog ata ang bibig ko sa pagkamangha ng bumungad sa akin ang napakagandang gown na kulay rosas. Napakaganda at kumikinang ang bawat tela sa diamonds. Ang galing at para bang kakaiba ang design na naisip ng napakagaling na designer na gumawa nito. "Nagustuhan mo ba, Anak?" Napatakip ako ng bibig at tumango, "I'm speachless, Daddy Douglas." Natawa si Anthony at Daddy Douglas sa reaksyon ko. "Mabuti naman at nagustuhan mo, Anak. Actually, sa sikat at magaling na designer ko talaga pinagawa iyan. Para isusuot mo sa late debut celebration mo. Kakaalis lang ng nagdeliver at anak pa ng designer. Sayang at hindi mo naabutan." Tumingin ako kay Daddy Douglas, "Ah, yung kulay blue na kotse po?" Tumango ito, "Oo. Gusto ko sana na maabutan mo para makapagpasalamat ka. Pero umalis na, e, kailangan na daw nilang umuwi dahil medyo malayo pa ang uuwian nila." Napatango ako at tumingin muli sa gown. May nakita akong card at galing sa designer. Hope you enjoy this gown that I made. Happy birthday and I'm happy to make you more beautiful to your day - Beatrice Ford. Beatrice Ford.. Ford.. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ako. Bigla ay parang may mukha ng isang babae na rumehistro sa isip ko pero malabo ang mukha ng babae. Tinatawag ko itong Mrs. Beatrice. At ang ford. Bakit parang ang pamilyar sa akin? "Hey, Nyebe!" Tumingin ako kay Anthony at unti-unting napapikit ang mata ko ng lamunin ako ng dilim. - Warren Tumingin ako kay Benj na nasa backseat habang tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana. Alam ko na si Nyebe na naman ang iniisip nya. Nakakalungkot lang na biglang nawala si Nyebe ng parang bula. Ako man ay umaasa na sana ay bumalik sya. Hindi nalang para sa akin, kundi para nalang kay Benj. Nakita ko kung paano palihim na umiiyak si Benj tuwing sumasagi sa isip nya si Nyebe. Nag-iba na nga si Benj. At kasama sa pagbabago nya ay ang palaging malungkutin na minsan ay tatahimik nalang at hindi nagsasalita. "Kumain muna tayo bago umuwi. Gutom na gutom na ako. Kasi naman, inoofferan na tayong kumain ng mabalbas na Mr. Douglas ay umayaw pa kayo." si Max. Napailing nalang ako dahil kanina pa nya sinasabi na nagugutom na daw sya. Matapos kasing mag walk-out ni Benj ay naitapon nalang nya ang sushi para habulin namin si Benj. Kaya gutom na gutom na daw sya ngayon. Ako ang nagdadrive at malapit na kami sa port kung saan isasakay ang kotse sa barko patungong bf island. "Sandali! Ang scarf?" Napatingin ako kay Benj ng biglang magsalita. May hinahanap sya at tila yung scarf na nakita nya sa mall. "Huh? Baka naupuan mo lang?" sabi ko. Napahinga sya ng malalim, "Hindi. Baka naiwan ko sa mga Chavez. Makakabalik pa ba tayo?" aniya. "Benj, malayo na tayo at ayoko ng bumalik pa tayo. Gutom na ako." reklamo ni Max. Napabuntong-hininga si Benj at napagulo sa buhok nya. Kaya napatitig ako rito mula sa rear mirror. "Bakit hinahanap mo ang scarf?" tanong ko. Tumingin sya sa bintana at binaba nya ang suot na sumbrero kaya hindi ko makita ang mga mata nya. "Dahil pakiramdam ko ay kasama ko si Nyebe habang hawak ko iyon." Nagkatinginan kami ni Max. Kapag ganyang tinatakpan nya ang mga mata ay alam naming umiiyak naman sya.. Nyebe, nasaan ka ba? - Nyebe Nakatingala ako sa kisame at mula ng mahimatay na naman ako ay hindi na ako hinayaan ni Anthony na bumangon muna sa kama. Natutulog na ang lahat at ako naman ang hindi makatulog sa kakaisip sa Beatrice Ford. Napahinga ako ng malalim at bumangon ng higa. Napahagod ako sa buhok ko at bumaba ng kama. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang baba para uminom ng tubig. Dim lights lang ang liwanag sa sala kaya kita ko parin ang daan. Napahinto ako sa may gawing sala at napalingon sa couch. Naningkit ang mata ko at lumapit sa couch. Napamaang ako ng makita ang scarf ko. Nakatabon sa unan pero nakalitaw iyon kaya napansin ko parin dahil kulay puti na floral. Kinuha ko ito at nailapat ko sa dibdib ko habang nag-iisip kung paano ito nauwi rito? "Oh, anak, bakit bumangon ka ng kama?" Napalingon ako kay Daddy Douglas. Nakapantulog sya at hawak ang tungkod nya. Lumapit sya sa akin mula sa paglabas nya sa room nya. "Daddy Douglas, sino po ang nagpunta rito at naupo sa gawing couch na ito?" tanong ko at tinuro ang couch kung saan ko nakita ang scarf ko. "Ah, ang nagpunta lang namang ibang tao rito ay yung nag-deliver ng gown mo. Bakit mo natanong, Anak?" Bigla ay hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin ay nasa mall din kanina ang nag-deliver ng gown ko. At sya pa ang nakapulot ng scarf ko. "Daddy, may contact po kaya kayo para naman matawagan ang taong iyon. Gusto ko lang malaman ang taong nakapulot ng scarf ko." Humawak sya sa balikat ko at tinapik, "Hindi ko alam ang contact ng mga batang iyon. Pero baka yung BF Botique ay may alam. Hayaan mo, bukas ay hihingin ko ang contact. Bakit ka nga ba bumangon ng kama?" Napahinga ako ng malalim at ngumiti, "Iinom lang po sana ng tubig." "Ganun ba. O sya. Pagkatapos mo d'yan ay pumanik ka na sa kwarto mo at baka hindi pa mabuti ang pakiramdam mo." "Opo." tugon ko. Tinapik lang ng ilang beses ni Daddy Douglas ang balikat ko at tumalikod na sya para bumalik sa kwarto nya.. Napatingin ako sa scarf ko at naisip ko kung ano kaya ang itsura ng nakapulot nito. Hindi ko akalain na may ganung pangyayari pala na ang nakapulot ng scarf ko ay mapupunta rito, pero hindi nga lang kami napagtagpo ng pagkakataon. Inamoy ko ang scarf ko at naamoy ko ang pabango ng lalake. Isang lalake ang nakapulot ng scarf ko? At ang bango ng pabango at para bang pamilyar na sa akin na dati ko ng naamoy. Lumabas ako ng bahay at binalabal ko ang scarf sa balikat ko.. Napatingala ako sa kalangitan at maraming star akong nakikita. Tinaas ko ang kamay ko at naningkit ang isang mata ko habang ang hintuturo ko ay tinuro sa pinakamaliwanag na star na para bang napakalapit no'n sa daliri ko. "Kung sino ka man, gusto kitang makilala." sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD