Kabanata 8 - Missing

2917 Words
Benj Panay ang kwentong katarantaduhan ni Max at panay ang sakay ko lang. Tumingin ako kay Nyebe na lumipat ng upuan at katabi sila Emerald na naglipatan din. Napahinga ako ng malalim at napahawak sa likod ng ulo ko. Back at the day kung kailan ako tinawagan ni Daniella. Totoong may sakit sya kaya agad akong nagpunta dahil wala syang kasama sa bahay. Nakita ko syang matamlay ng pagbuksan nya ako ng pinto. Napahinga ako ng malalim at inalalayan sya sa pag-upo sa sofa. "Salamat sa pagpunta, Benj. Wala lang talaga akong makasama at hindi ko kaya na masyadong gumalaw." Hinipo ko ang noo nya at nahipo ko na sobrang init nya. "Doon ka sa kwarto mo mahiga. Ikukuha kita ng pagpapababa ng lagnat mo." Inalalayan ko sya para tumayo pero nanlaki ang mata ko ng halikan nya ako. "D-Daniella.." pinigil ko sya pero mahigpit syang kumapit sa leeg ko at patuloy sa paghalik sa akin. Napahawak ako sa bewang nya at napapikit ako bago napatugon sa halik nya. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at nadala ako sa tukso. Ang nasa isip ko ay si Nyebe ang hinahalikan ko. Sya ngayon ang kinubabawan ko. Halos magdikit ang init ng katawan namin ng pareho na kaming hubo't hubad. 'Nyebe..' daing sa isip ko. "Benj, mahal na kita." Napatigil ako at napadilat. Bigla ay para akong napaso na napalayo sa katawan ni Daniella. Napahawak ako sa ulo ko at napasabunot sa buhok ko dahil bakit nagpadala ako. s**t muntik ko ng mapasok. Agad kong pinulot ang mga damit ko at sinuot. "Benj, 'di ba mahal mo ako? Mahal kita." Hinawi ko ang kamay nya at tinignan ko sya. Hindi ko sya maintindihan. Dati ay tingin nya lang sa akin ay parang batang kapatid. Totoong minahal ko sya compare sa mga Ate ko na asawa ng mga kuya ko na isang puppy crush lang. Pero nireject nya ako at ngayon ay sasabihin nya na mahal nya ako. "Hindi ko sinasadya ito. Akala ko ay ikaw ang girlfriend ko." Kita ko na napamaang sya pero hindi ko na pinansin at sinuot ko ang uniform ko. Napatingin ako sa kanya na napaupo sa sofa at napaiyak. "Benj, sobra akong nagsisisi dahil nireject kita. Nang makita kong masaya kayo ni Nyebe ay doon ko nalaman na mahal pala kita." tumingin sya sa akin habang umiiyak, "Ako nalang. Please." Tinungo ko ang kusina nila at kinuha sya ng maligamgam na tubig at bimpo. At nilapag ko sa lamesa sa harap ng sofa. "Aalis na ako." Kinuha ko ang bag ko at aalis na sana ako ng hawakan nya ako sa braso. Nakapagbihis na sya. "S-Samahan mo muna ako kahit ngayon lang. Please." Napahinga ako ng malalim at pabagsak na naupo sa kabilang sofa. Napahilamos ako ng mukha dahil nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Kapag nalaman ni Nyebe na may nangyaring ganito sa amin ni Daniella ay baka mawala sya sa akin. "f**k! Hindi tayo aabot sa ganun kung hindi mo ako hinalikan! Nagkasala pa ako sa girlfriend ko!" Galit ko syang tinignan na kinabigla nya ang pagsigaw ko. "B-Benj, wala pa namang nangyari sa atin." Napatayo ako at galit na binalibag ko sa sahig ang bag ko. "Bullshit! Alam mong kapag hinahalikan ako ay nawawala ako sa sarili! Kung hindi ko napigil ang sarili ko ay tiyak na nagalaw kita!" Napakuyom ako ng kamay at tinakip ko 'to sa mata ko dahil nanggigigil ako. Lumabas sa isip ko ang eksenang iiwan ako ni Nyebe. Napailing ako. Hindi, hindi ako papayag. "B-Benj.." "Don't touch me, b***h!" galit kong sabi at pinulot ko ang bag ko bago lumabas ng bahay nila. Napahinto ako at tinignan ang kotseng huminto sa harap ko. Sumakay ako at napahimas ako sa kamay kong kuyom. "Master, saan tayo?" sabi ni Kenedy na bagong member ng mafia ni Dad. "Sa yate." malamig kong sabi. Tumunog ang phone ko pero wala akong sinasagot. Gusto kong makapag-isip dahil kapag oras na malaman ni Nyebe ang nangyari ay tiyak na iiwan nya ako. Sumakay ako sa isang yate kung saan ko sinakay si Nyebe. Pabagsak na nahiga ako sa kama at napatakip ang braso ko sa mga mata ko. Nyebe.. Nakita ko sya na lumalayo sa akin. Pilit ko syang hinahabol pero bigla nalang syang nawala ng parang bula. Napaupo ako at napasabunot ng buhok. "Master, ginugulo ba kayo ng panaginip nyo? Nakalimutan nyo ata ito." May binigay si Kenedy na gold small box kung saan laman ang isang candy na syang nagpaparelax sa akin. At kapag pinapakain nya sa akin ay lumalakas ang paniniwala ko sa sarili ko na kaya kong solusyunan ang lahat. Kumuha ako ng isa at sinubo. Nahiga muli ako at hindi ko namalayan na nakatulog muli ako. Hapon na ng magising ako at naging panatag na muli ang isip ko. At sinadya ko talaga na sa yate sabihin kay Nyebe ang nangyari sa amin ni Daniella, para hindi sya makakaalis kapag umamin ako. Mahirap na baka tumakas. Hindi ako pinapansin ni Nyebe kahit pa panay ang sunod ko sa kanya. Ayos lang, basta wag lang sya mawawala sa paningin ko at hindi pa kami break. - Nyebe Mabilis akong naglakad habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay. Mula ng malaman ko ang nangyari kay Benj at kay Ms. Daniella ay halos umiyak ako buong gabi. Balak ko sanang hindi pumasok pero review ng test namin kaya hindi pwede. Kaya tanging pag-iwas kay Benj ang ginawa ko. Alam kong nagtataka ang mga kaklase ko kung bakit ko iniiwasan si Benj, pero wala silang alam sa dahilan dahil walang nagsasabi sa amin ni Benj. Kung ano ang iwas ko ay sya namang sunod sa akin ni Benj. Hindi nya ako pinakawalan sa yate at hinatid ako pauwi sa bahay. Pero pagod na pagod na ako. Lagi nalang ako umiiyak sa ginagawa nya. Tuwing maiisip ko na may namagitan sa kanila ni Ms. Daniella ay parang hinihiwa ang puso ko. "Nyebe, let's date." Hindi ko sya inimikan. Siraulo ba sya? May gana pa syang mag-aya matapos ng ginawa nya. At hindi ko maintindihan ang takbo ng isip nya. Para akong natatakot lalo na lumapit sa kanya dahil sa sinabi nya na hindi daw ako makakaalis sa relasyon ko sa kanya. Hindi sya ang magdidikta. Dahil napagdesisyunan ko na tapos na, ayoko ng umasa pa muli na seseryosohin nya. Agad na sinara ko ang gate at tinignan ko sya. Nakatayo sya sa harap ng gate at nakatingin sa akin bago ngumiti. "Hindi mo man ako pansinin ngayon pero tiyak naman ako na hindi habang buhay iyon. Bukas, mag-date tayo, kahit saan mo gusto. I love you." Hindi ko pinansin ang sinabi nya at tinalikuran ko na sya. Napasandal ako sa pinto namin at napahawak ako sa dibdib ko. Nang tignan ko ang mata nya ay para akong kinabahan. Umiling ako at umakyat sa taas. Nanlalata na naupo ako sa kama at napatakip ng mukha ko para umiyak. Parang balewala lang sa kanya na nasaktan ako sa sinabi nyang nangyari sa kanila ni Ms. Daniella. Nagawa pa nya na kontrolin ang relasyong namamagitan sa amin. Nagpunas ako ng luha at umalis ng kama para magpalit ng damit. Nakashort at t-shirt ako na pinatungan ko ng jacket kong blue na may mukha ng hayop ang hood nito. Sinuot ko ang hood sa ulo ko at lumabas ako ng bahay. Agad akong tumakbo palayo sa bahay at tinakbo ko lang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko habang umiiyak ako. Gusto kong mapagod sa pagtakbo at maubos ang luha ko para bukas ay hindi na mangingilid ang luha ko tuwing kakausapin ako ni Benj. Pero para akong nanlamig at napahinto ako sa interseksyon ng daan ng may biglang sumulpot na kotse.. Para akong bola na tumalbog sa lakas ng impact at nanlabo ang mga mata ko pero bago ako kainin ng dilim ay may nagsasalita pa at niyuyugyog ako. - Benj Hindi ako mapakali habang nakatayo sa harap ng bahay nila Nyebe. Tumingin ako sa relo ko at alas sais trenta na ng umaga pero hindi parin sya lumalabas. Mahuhuli kami sa klase. Napatingin ako sa kotseng dumating at kotse ng lolo ni Nyebe. Bumaba ang humahangos na si Mrs. Allice. "Where's Nyebe?" tanong ko. "Tumawag nga sa akin si Linda na kasambahay namin. Lumabas daw ng bahay si Nyebe kagabi pero hindi pa umuuwi hanggang ngayon." Natulala ako at hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. She leave me. Pumasok rin ako ng bahay nila Nyebe at inunahan ko si Mrs. Allice sa pagpunta sa kwarto ni Nyebe. Pagpasok ko ay agad kong hinalughog ang bawat sulok ng kwarto para hanapin si Nyebe pero walang sign na narito sya. Nakita ko pa ang kama na hindi masyadong nagalaw hudyat na hindi nga sya natulog rito. Maging ang bag nya sa school ay nasa kama. Lumabas ako ng bahay nila Nyebe at napasabunot ako ng buhok na tinawag si Kenedy. f**k! Hindi kaya ay iniwan na ako ni Nyebe? "Saan tayo, Master?" "Kailangan kong mahanap si Nyebe. Matutulungan mo ba ako?" Ngumiti ito, "Hindi ko masyadong kilala ang nobya mo, Master. Baka may alam kayo na pupuntahan nya." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Warren at Max. Habang si Kenedy ay pinaandar na ang kotse. (Oh, Benj.) si Warren. "Nakita nyo ba si Nyebe?" tanong ko habang panay ang himas ko sa tuhod ko dahil hindi ako mapakali. (Wala pa nga sya rito. Bakit, wala ba sya sa kanila.) "Wala. Ang mga girls nandyan?" tukoy ko kay Emerald at Ruby. (Oo, narito na rin sila.) Binaba ko na ang tawag at napahilamos ako ng mukha habang nag-iisip kung saan ko maaring makita si Nyebe. "Sa port!" biglang sabi ko at inutusan si Kenedy na dalhin ako doon. Pagdating sa port ay agad akong bumaba ng kotse at tinakbo ang daan patungo sa yate kung saan ko sya dinala. "Nyebe baby, nasaan ka? Nandito ka ba?" lahat ng sulok ng yate ay tinignan ko pero wala parin si Nyebe. Napasuntok ako sa pader at maraming bumubulong sa akin na baka iniwan na nya ako. Hindi ako payayag. Hindi sya pwedeng umalis sa buhay ko! "Master, kumalma ka. Kainin mo muli ito para makapag-isip ka ng maayos kung paano mo sya mahahanap." Hinawi ko ang bigay ni Kenedy na candy at tinignan ko sya. "Wag mo muna akong kausapin, pwede ba." Iniwan ko sya doon at lumabas ako ng yate. Gulong-gulo ako at hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Nyebe. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Daddy. Nasa maynila ngayon sila Daddy kaya wala akong kasama sa bahay kundi sila Yaya Lyn at mga tauhan namin. (Yes, Son?) "Nyebe is missing." sabi ko. (What? Bakit naman sya mawawala sa isla? Baka nandyan lang sya at may ibang pinuntahan.) "Paano kung wala na sya rito, Dad? Help me please, Dad. I need to find her. Mababaliw ako kung hindi ko sya makikita, Dad." Napabuntong-hininga si Dad, (Okay, sabihin mo sa akin kapag hindi mo parin sya nakikita. Pero kailangan mong kumilos sa sarili mo, Anak. Alam kong kaya mong solusyon kahit walang tulong ko. Malaki ka na, Benj.) "Thanks, Dad." Binaba ko na ang tawag at napahilot ako sa noo ko. Nagpalagutok ako ng leeg at sumakay ng kotse. Sumakay na rin si Kenedy. "Sa restaurant ni Mrs. Allice." utos ko. Oras na malaman kong tinatakasan mo lang ako, sisiguraduhin kong hindi kita pakakawalan pa. - Anthony Sa sobrang takot ko dahil nadisgrasya ko ang isang babae kaya naiuwi ko ito paalis ng BF Island. Hindi ko alam ang gagawin pero agad ko rin syang dinala sa hospital sa kalapit probinsya. Nakaupo ako sa waiting area habang tinitignan ng mga doctor ang babae. Napatingin ako sa kamay ko na may bakas ng dugo. Hindi ko sinasadya. Bigla nalang syang sumulpot at hindi ko na napigilan ang preno kaya nasalpok ko sya. Napaangat ako ng tingin ng lumabas ang doctor. Agad akong napatayo. "Kayo ba ang kamag-anak nya." Napatango ako ng marahan kahit hindi ko naman kilala ang babae. "Kailangan na malipat sya sa ibang hospital. Kulang kami sa gamit at hindi namin kaya na bigyan ng support ang buhay ng pasyente. I'm sorry, Sir, pero ang pasyente ay kasalukuyan ngayong nasa stage ng coma." Napamaang ako at dinumbol ako ng konsensya. Tinapik ng doctor ang balikat ko. Agad kong nilabas ang phone ko at tinawagan si Dad. "Dad, kailangan ko ng helicopter nyo." (Okay, pero siguraduhin mong may maganda kang rason, Anthony. Baka gamitin mo na naman sa kalokohan mo.) Napailing ako. Kung alam lang ni Dad na seryoso ako ngayon at hindi nagbibiro. "Dad, hindi ako nagbibiro. Kailangan ko lang talaga ngayon." (Alright. Alright. Uutusan ko si Baldo d'yan.) Napangiti naman ako, "Thanks, Dad." Binaba ko na ang tawag at huminga ako ng malalim. Kailangan na madala agad ang babae sa hospital dahil konsensya ko pa kung mamatay ito. Kinuha ko ang nakuha kong singsing sa babae. Isang singsing na gawa sa porcelain. Hinaplos ko ito dahil maganda ang pagkakagawa. Naibulsa ko ito at tinungo ang nurse station para magbayad at ihanda ang pagsakay ng babae sa helicopter. Ilang oras din ang hinintay ko bago nakarating ang helicopter ni Dad. Agad na sinakay ang babae ng walang malay at pinasama ko ang ilang nurse at isang doctor patungo sa batangas. Tumingin ako sa mukha ng babae at unang napansin ko palang ay para syang si Katarina. Kinuha ko ang kamay nito at hinaplos. Pagdating sa batangas ay sinalubong ako ni Dad. "Dad.." Tumingin ako rito at nilingon ang babae na sakay ng stretcher habang tulak-tulak ng mga nurse. "Sino 'yan?" tanong ni Dad. Nang tignan nya ang mukha ng babae ay natigilan sya. Kita ko na napaiyak si Dad at agad na napayakap sa babae. "Buhay si Katarina." Gaya ng una kong pansin sa babae ay inakala ni Dad na si Katarina na tunay nyang anak na namatay na ang babaeng ito. "Dad, hindi sya si Katarina, pero sya ang babaeng nadisgrasya ko." "Dalhin nyo agad sa loob ang anak ko. Madali kayo." Napahinga ako ng malalim dahil hindi na pinansin ni Dad ang sinabi ko. Agad na nagpatawag ng iba pang doctor si Dad at sinabi rin na na-coma talaga ang babae. Lahat ng aparatong kailangan ng babae ay ginastusan ni Dad at pati ang doctor na syang mananatili para tignan kada oras ang lagay ng babae. Parang bumalik si Dad sa pagiging ama kay Katarina noon kaya napangiti ako. Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito pero tila naging angel in disguise pa sya para makita ko muli ang saya kay Dad. "Dude, bakit hindi ka na ata masyadong gumigimik? Hinihintay ka ng barkada." si Francis. Inalog ko ang alak habang narito kami sa isang bar.. Dalawang araw na ang nakalipas mula ng aksidente kong nasagasaan ang babae. At halos hindi na rin umalis si Dad sa bahay sa kababantay sa babae. "May importante lang na nangyari kaya ngayon lang ako nakalabas." Tinapik ni Pablo ang balikat ko na syang katabi ko. "Pre, nandito si Patrice." Natawa ako at nakiba't-balikat, "Who cares?" Nakantyawan ako ng tatlo, "Whoa! May himala ba? Baliw na baliw ka doon, tapos ngayon ay wala kang pakialam?" sabi ni Taylor. Nilagok ko ang iniinom kong alak at napatingin kami sa magbabarkadang babae. Napatingin sa amin sila Patrice pero hindi ko na pinansin at sumimsim ako ng alak. "Anthony.." Tumingin ako kay Patrice, "What?" kita ko ang bigla sa mukha nya sa inasta ko sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na dami kong sinayang na oras sa babaeng ito. Masyadong pakipot, tapos ngayon ay sya na ang lumalapit ng hindi ko pansinin. Tinapik ni Pablo ang balikat ko pero hinawi ko lang ang kamay nya at tumayo na ako. "Uwi na ako. Boring na ang ganito." sabi ko at umalis na sa lamesa namin. Inalis ko ang isang butones ng polo ko at napahagod ako sa buhok ko. "Anthony!" Rinig kong tawag ni Patrice pero hindi ko pinansin ito. Binuksan ko ang pinto pero napaharap ako sa kanya ng iharap nya ako. Agad nya akong hinalikan kaya humawak ako sa bewang nya at tumugon sa halik nya. Pumasok kami sa loob ng kotse at unti-unting nag-alis ng saplot habang naghahalikan. Matapos ang ilang minutong pagtatalik ay napahinga ako ng malalim at umalis sa ibabaw nya ng makaraos ako. Naupo ako at tinaas ang pantalon ko at sinara ang zipper, maging ang belt ko. "Thanks for tonight." sabi ko at binuksan ang pinto. Bababa sana ako ng pigilan nya ako sa braso. "Anthony, bakit tila iniiwasan mo ako?" Nilingon ko sya at ngumisi ako, "Bakit naman kita iiwasan?" Ngumiti sya at mas kumapit sa braso ko, "So, mauulit pa ito. Gusto rin naman kita." Natawa ako at binaklas ang kamay nya na kinawala ng ngiti nya. "Sorry, pero ayoko na sa mga babaeng pakipot. Meron pa namang iba. At pinagbigyan lang kita ngayon para makaraos." Sinampal nya ako kaya ngumisi ako at bumaba ng backseat. Niluwagan ko ang pinto at tinignan sya. "Get out." Umiyak sya pero wala na akong pakialam. Nagdadabog na bumaba sya kaya sinara ko na ang pinto. "Alam ko naman na patay na patay ka sa akin, Anthony. At alam kong masusundan pa ito." Tinawanan ko lang sya. Napakalakas din pala ng pagkadesperada ng babaeng ito. Bakit ba ngayon ko lang nakita? Napailing nalang ako at mabilis na pinatakbo ang kotse paalis sa bar. At gusto ko na umuwi sa bahay para masilayan ang babaeng nadisgrasya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD