Kabanata 4 - Clingy

3305 Words
Nyebe Second year booth event. Pagkatapos ng napakaraming preparation, at last, heto na rin. Nakasilip ako sa kurtina kung saan gagamitin namin bilang pangtakip sa stage. Napatingin ako kay Benj na nakatayo habang katabi ang dalawa na si Max at Warren habang nagbebenta sila ng ticket. Halos punong-puno na ng tao ang buong room dahil sa dami ng bumili ng ticket. "Wala talaga makakatanggi sa charm ng tatlo, lalo na ni Benj. Swerte natin." sabi ni Emerald. Nakatitig ako kay Benj at nagulat ako ng napalingon ito kung saan ako nakasilip kaya agad kong inalis ang ulo ko sa pagkakasilip. Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Benj. Kaya kapag kakausapin ko sya about rito sa play ay nauutal ako dahil para bang nagkaroon ng distansya sa pagitan namin. "Nyebe, paano 'to?" Napalingon ako kay JC na nangasiwa sa mga cast ng gagawin naming play. "Absent si Paulo. Walang papalit sa role nya." dagdag nya. "Ano?" kinabahan ako at nataranta. Maging ang mga kaklase ko ay nataranta na ng marinig ang sinabi ni JC.. "Magsisimula na ang play. Paano na? Nilalagnat daw si Paolo." Hindi ako lalo napakali sa kinatatayuan ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sari-sari ang naririnig ko sa mga kaklase ko na may nagsisihan, may nagsusuggest, at may natataranta rin na kagaya ko. "Nasaan ang script?" Gulat na napaangat ako ng tingin at napatingin kay Benj. Agad na binigay nila JC rito ang script at tila nakahinga ng maluwag ang lahat. Nakatingin lamang ako kay Benj habang tahimik na binabasa nya ang script. Hindi ko alam ang ginawa nya pero saglit na pinasadahan lang nya ang script bago ibalik kay JC iyon. Agad na binigay kay Benj ang susuotin nya sa role. Isang samaritan na tumulong sa isang matandang lalake na gutom na gutom at uhaw na uhaw habang nakasalampak sa marumi at mainit na semento. Tahimik ang lahat habang ginagampanan nya ang role. At mas lalong humanga ang lahat dahil sa galing nyang ideliver ang line. "Sasandali lang nyang napag-aralan ang linya pero parang sa nangyari ay parang well-trained sya." sabi ni Ruby. "Matalino talaga si Benj at parang advance mag-isip, kaya hindi na nakakapagtaka." sabi naman ni Emerald. Napaidtad ako ng may biglang nagtulak sa akin palabas ng curtain. Lumingon ako sa likod at nakita ko si JC. "Ikaw na, nakalimutan mo." Para naman akong namutla at nataranta dahil hindi ko namalayan na ako na pala. Napatingin ako sa lahat na nakatingin sa akin. "M-Mabuhay si Valeriano!" sabi ko na kinatawa ng lahat. Napangiti ako na pilit dahil sa kahihiyang ginawa ko. Iyon na nga lang ang linya ko ay nautal at tila pa ako lutang na sinabi iyon. Yumuko ang buong klase ng matapos ang role playing namin. Malakas na palakpak ang binigay sa amin ng audience kaya napangiti ako kahit papaano. Napatingin ako kay Benj na masaya dahil pinagkakaguluhan sya ng mga kaklase namin dahil sa kanya kaya nakaraos kami sa play. Napatingin sya sa akin kaya napaidtad ako pero parang bumagsak ang balikat ko ng umiwas sya ng tingin. Akala ko ay papansin na nya ako, hindi pala. "Oh-oh, something fishy." parinig ni Ruby na hindi ko na pinansin. Matapos ang play ay niligpit na namin lahat ng ginamit naming props. Mamaya ay may gabi ng parada para sa lahat ng second year para sa magandang booth event na ito. At ang gabi rin na iyon ay pinaniniwalaan ng mga estudyante na gabi ng pagtatapat ng feelings. At sa mga girls ay dapat na may isang bagay ka na pagkakatanda mo na ilalagay sa bowl. At kung sino man ang lalakeng makakabunot ay sya ang makakadate mo. Swerte nalang kung ang crush mo ay crush ka rin at alam kung alin man ang gamit mo na ilalagay sa bowl. Lahat ay may hawak ng lantern light at pumarada na kami. Pero bago iyon ay pinalagay sa lahat ng girls ang importanteng gamit na makikita sa katawan. Napahawak ako sa dilaw na pamusod ko na may tatak na strawberry. Inayos ko ang buhok ko pagkatagal ko ng pamusod ko sa buhok pero nabigla ako ng mabangga ako ng isang tao. Pagtingin ko ay nagulat pa ako ng makita si Benj. Pinulot nya ang pamusod ko at umayos sya ng tayo bago ilahad sa akin ang pamusod ko kaya kinuha ko habang kumakabog ang dibdib ko dahil narito sya sa harap ko. "Sorry.." aniya. "Uhh.." umalis sya agad sa harap ko matapos sabihin iyon at hindi na ako pinatapos magsalita. Malungkot na sinundan ko sya ng tingin at lumapit sya sa circle of friends nya. "Nyebe, ilagay mo na ang sa'yo." tumingin ako kay Emerald at tumango ako na lumapit sa big bowl. Bago ko ilagay ay napatingin pa ako sa kasabay ko na maglalagay rin. Si Kesha. Si Kesha na sa ibang seksyon kabilang at isang muse dahil sa gandang taglay nya kaya marami akong naririnig na marami ang nagkakacrush sa kanya. Napatingin ako sa hawak nya at nakita ko na katulad ng kulay at style ng pamusod ko ang kanya. Nilagay nya sa bowl iyon at umalis na sya. Napakuyom ang kamay ko na hawak ang pamusod ko. Wala na akong ibang bagay sa katawan ko kundi ang pamusod na ito. Pero may naalala ako na may bagay pa ako na nasa katawan ko. Napatingin ako sa singsing na strawberry design. Hinubad ko ito at syang nilagay ko sa bowl. Bumalik ako sa tabi nila Emerald at napatitig ako sa bowl. Kinakabahan ako. Pumarada na kami sa buong campus at malalim lamang ang iniisip ko. Bago lamang ang tradisyon na ito ng school at bagong pakulo lamang ng school ang paglalagay ng bagay sa bowl. Pero lahat ng girls ay kinilig dahil malalaman na daw nila kung sino sa boys ang makakadate nila at may crush sa kanila. Nang matapos ang parada ay lahat ng second year ay nagtungo sa field. Lahat ng girls ay bukod at lahat boys ay bukod din. Isa-isang pupunta sa harapan ang boys at sasabihin nila ang gusto nilang piliin sa gamit na nasa bowl. Maraming boys na ang nagsabi at lahat ay masaya dahil tama ang nakuha nilang bagay na mismong gamit ng crush nila na makakadate nila. Ngayon ay si Max na ang nasa harapan. Ngumiti sya at napakamot sa ulo. "Pink na panty." sabi nya na kinanganga naming lahat, habang nakangiti ng malaki si Max. "WHAT?!" react ni Emerald na halos mamula. Napatingin kami ni Ruby sa kanya at nanlaki ang mata namin ng magtaas sya ng kamay, "Errr, that's mine." halos malaglag ang panga ko dahil iyon talaga ang nilagay nya? Tawang-tawa si Max, "Wala akong choice. Nakita ko lang ang panty mo kanina ng maupo ka." Ako na ang nahihiya para sa dalawa. Napailing ako pero napatigil ako ng si Benj na ang sunod na umakyat. Napalunok ako dahil kinakabahan ako sa makukuha nya. At kung alin man ang makuha nya ay iyon ang nakita nyang sa suot ng babaeng gusto nyang makadate. Tinignan nya ang mga gamit sa bowl at hinalukay nya tila ba may hinahanap sya. Napahinto sya at nakapaloob sa kamay nya ang nakuha nya kaya hindi pa namin makita. Lahat ng girls na hindi pa nakukuhanan ng gamit ay nag-aabang sa nabunot ni Benj at umaasa rin katulad ko na mabunot. Nang ibuka nya ang kamay ay para akong pinanlamigan dahil ang nabunot nya... Ang nabunot nya... "That's mine." sabi ni Kesha. "What?" react ni Benj at napatingin sa akin. Napayuko ako dahil hindi yung akin ang nabunot nya. At ibig sabihin lang no'n ay crush ni Benj si Kesha dahil iyon ang kinuha nya. Marami ang nainggit kay Kesha dahil si Benj ang makakadate nya. Tinapik lang nila Emerald ang balikat ko tila ba pinapagaan ang loob ko. Marami pa ang bumunot at nakuha na rin ang kay Ruby. Naiinis sya dahil si JC pa daw ang nakabunot sa kanya. Nahuli si Warren dahil nag-CR ito at dahil ako nalang ang hindi pa nabubunot ay wala syang choice kundi ako ang nabunot nya. "Strawberry ring." sabi ni Warren. Nagtaas ako ng kamay, "A-Akin 'yan." Nagulat si Warren at nagkatinginan kami, "Uhh, I-I see." Ito na siguro ang pinakaawkward na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko naisip na si Warren ang makakadate ko. Napatingin ako kay Benj na lumapit sa akin at nabigla ako ng mariin nyang hinawakan ang pulso ko. Tinignan nya ako at napatingin sya sa hawak ko. "Tsk." asik nya at binitawan ang kamay ko bago nagwalk-out. Natulala ako dahil galit sya. Napatingin ako sa pamusod kong hawak at napamaang ako dahil meron sa isip ko na nagsasabi na kaya ba binunot ni Benj ang pamusod ni Kesha na katulad ng akin ay dahil akala nya ay sa akin iyon? A-At gusto ba nya na ako ang makadate? Nagugulo ang utak ko at nanlalata ako dahil hindi si Benj ang makakadate ko. Nakasuot ako ng bulaklaking blouse na nakatali ang dulo sa bewang ko. Habang nakamaong na skirt ako. Nakasuot rin ako ng anklet boots habang nakahead band ako. Sukbit ko ang sling bag ko. Paglabas ko ng bahay ay napatigil ako ng syang labas rin ni Benj sa gate nila. Nagkatinginan kami at napaiwas ng tingin sa isa't-isa bago sabay na naglakad. Linggo ngayon kaya ngayon din ang petsa ng date para sa lahat. Napahawak ako sa strap ng sling bag ko habang wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Sa harap ng campus namin napag-usapan ni Warren na magkita. At hindi ko rin akalain na harap ng campus din magkikita si Benj at Kesha. Wala pa si Warren at wala parin si Kesha. Nakatayo lamang kami ni Benj sa harap ng campus at tahimik na naghihintay. Napasulyap ako kay Benj ng tumunog ang phone nya. "Hello.." seryoso sya na pinakinggan ang nasa kabilang linya hanggang tila namula ang tenga nya. Nabigla ako ng ilahad nya sa akin ang phone. "H-Huh?" "Si Warren." aniya kaya napatango ako at kinuha ang phone nya. Tinapat ko sa tenga ko ang phone nya.. "Hello, Warren." "Pasensya na, Nyebe, pero hindi ako makakapunta " Napatango ako, "Okay lang." mahinang sabi ko. "May biglaan lang kasing nangyari." Ngumiti ako, "Naiintindihan ko. Ayos lang talaga." Matapos kong makipag-usap kay Warren ay binalik ko na kay Benj ang phone. Humakbang ako para umalis pero nabigla ako ng pigilan ako ni Benj. "Let's date." Napamaang ako at napatitig sa kanya. Tumingin sya sa akin at napamulsa sya sa bulsa ng pantalon nya bago maunang maglakad. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog nito at tila naririnig nito ang sinabi ni Benj. Let's date.. Let's date.. Totoo ba 'to? Kami ang magdadate? Hindi ko mapigilan na mapangiti at napasunod agad ako sa kanya. Napangiti ako dahil kahit hindi sya nagsasalita ay masaya ako na kasama ko sya ngayon. Narito kami sa sinehan at magkatabi sa upuan. Napatingin ako sa kamay nya na nakapatong sa arm rest ng upuan. Bumubuka-sara ang kamay nya. Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang sya sa screen ng sinehan.. Napalunok ako dahil parang may pinapahiwatig sya. Namumula ata ako na marahan kong pinatong rin ang kamay ko sa arm rest. At halos hindi na ako mapakali sa upuan ko ng hawakan nya ang kamay ko at pinasiklop sa kanya. Nakatingin ako sa nagpaplay na movie pero wala doon ang isip ko kundi sa kamay naming magkahawak. Ang malamig na kamay ko ay naging mainit lalo na at sakop ng kamay ni Benj ang buong kamay ko. Napakainit at para akong nakalutang sa kilig dahil hindi ko akalain na magkaholding hands na kami. Matapos ang sine at ilan pang date na ginawa namin ay umalis na kami ng mall. Gabi na rin habang naglalakad kami pauwi. Malapit lang naman ang mall sa university at bahay namin kaya pwede ng lakarin. "B-Benj, bakit mo hinawakan ang kamay ko kanina." lakas-loob kong tanong. Napahinto sya at kinabahan ako habang nakatingin sa likod nya. Matagal syang hindi tumugon at kinakabahan ako lalo dahil baka wala lang iyon sa kanya. Humarap sya sa akin at tinignan ako bago natawa. "Malamig lang sa sinehan." sabi nya. "Hindi ako naniniwala." sabi ko kaya ngumisi sya na umiwas ng tingin at saglit na natahimik sya bago muli ako hinarap. Seryoso syang nakatitig sa akin. "I'll only say this once, so listen carefully.." aniya habang nagkatinginan kami ng matagal, "I like you." Nanlaki ang mata ko at napasinghap ako sa sinabi nya. "God." bulalas ko at napatakip ako ng bibig. Parang huminto ang mundo ko dahil sa sinabi nya. Seryoso sya habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung totoo ba ang narinig ko. Dahil nabibingi na ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at napapikit ako ng halikan nya ako. Para kaming nakalutang sa ere habang ramdam ko sa labi ko ang labi ni Benj na hindi ko aakalain na mararamdaman ko. Sa bawat galaw ng labi nya ay para akong pinanghihinaan ng tuhod. At halos manghina ako dahil sa dami ng nararamdaman kong saya ngayon, parang ayoko ng matapos pa. Natulala ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. We kissed.. Napahawak ako sa labi ko habang ramdam ko parin hanggang ngayon ang labi ni Benj. Hindi ako makapaniwala na talagang naghalikan kami. At sinabi nya na gusto nya ako. Napapadyak ako ng paa at tumagilid ng higa. Kinuha ko ang unan at niyakap ko. Pumikit ako pero pumaling naman ako sa kabila. Hindi ako makatulog at madaling araw na. May pasok pa bukas. Napaupo ako at napapalo sa pisngi ko. Muli ay bumalik ang tagpo ng date namin hanggang sa halikan nya ako. Gosh. Kinikilig ako. Argh! Hindi ako makatulog. Parang kinuha ni Benj lahat ng pagod kaya hindi ako makatulog. Kaya kinabukasan ay para akong zombie habang nakaupo sa upuan ko sa classroom. May eyebags ako at tulala sa kawalan. Napaayos ako ng upo ng makita ko si Benj. Nakasuot sya ng basketball uniform nya. Kasama nya ang dalawa at nagtawanan sila. "Hoy, anong nangyari sa'yo at para kang puyat? Nag-enjoy ka ba sa date nyo ni Warren?" tanong ni Ruby. Hindi ako sumagot at napadukdok ako sa lamesa. Inaantok ako at para akong may hang-over. "Nyebe.." Agad na napaangat ako ng ulo at napaayos ng upo bago napatingin kay Benj na nasa harap ko. Namula ata ang pisngi ko habang nakatingin sa kanya, especially sa labi nya. "Ulitin mo ang sasabihin ko." tumango ako habang parang lutang na nakatingin sa labi nya. "May assembly sa martes, 9 am." "May assembly sa linggo, 8:00 am." "Wrong." "Ah." s**t "May assembly sa martes, 9 am." ulit nya muli. "May assembly sa martes, 9 am." ulit ko. "Sa thursday may general cleaning." aniya. "Sa lunes may general cleaning." sabi ko habang lutang. "Mali." aniya at pinalo ang lamesa ko kaya napaidtad ako. "Sa lunes may general cleaning." ulit nya muli habang nakalapit ang mukha nya kaya lalo akong natulala. "Sa lunes may general cleaning." ulit ko. Tumingin sya sa mga mata ko, "Sa sabado, wala ang parents ko, kaya pumunta ka sa bahay." bulong nya. "Sa sabado, wala ang parents ko, kaya pumunta ka sa bahay." ulit ko. Ngumiti sya at umayos ng tayo bago umalis. Nakatingin ako sa kawalan habang tila nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko ang sinabi nya. Napatakip ako ng bibig at parang nag-init ang pisngi ko.. Akala ko ay balik kami sa pagiging stranger matapos ang date, pag-amin, at halik na namagitan sa amin. Pero ngayon ay parang iniimbita nya ako sa bahay nila. Tulala ako habang nilalagay ko sa locker ko ang book ko. "Uy, may nakakita daw sa inyo ni Benj na nagkiss, totoo ba?" usisa ni Emerald na siniko ako. "Huh." umiwas ako ng tingin at tumango kaya napatili sila. "Oh my god!" react ni Emerald na napatakip pa ng bibig. "Argh! Bakit ka nagpahalik agad, Nyebe?! Nakakainis! Aagawin ka pa ata sa amin ni Benj!" inis na bulalas ni Ruby. Hindi ko na sila pinansin dahil nakalutang parin ang pakiramdam ko hanggang ngayon. Lalo na at simula ng sabihin ni Benj iyon ay lagi na nya akong dinidikitan at pansin ko na parang naging clingy sya. "Hey." Napaidtad ako ng humawak sya sa bewang ko habang narito ako sa bench at nakaupo at hinihintay sya na matapos ang basketball practice nila. Sabi nya kasi ay hintayin ko sya kaya hinintay ko. "Lutang na naman ang girlfriend ko." aniya at napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. G-Girlfriend? Sinabi nya na girlfriend nya ako. Nabigla ako ng halikan nya ako sa labi at tumingin sya sa akin habang nakangiti. "Let's go." aya nya at tumayo na sya. Napatingin ako sa kanya habang hindi makapaniwala na ngayon ay sinasabi nya na girlfriend nya ako. Hindi ko man lang alam na ang pagiging clingy nya ay sign pala na nobya na nya ako. "You are my girlfriend now, at gusto kong mangako ka na ako lang." aniya habang nakatalikod sa akin. Humarap sya sa akin at naupo bago humawak sa kamay ko na nasa kandungan ko. "Uhmm, oo." sabi ko. God. Parang pakiramdam ko ay hindi na ako ito. Para akong nag-iba mula ng maging ganito sa akin si Benj. Hindi ko sya kayang tanggihan at masaya ako sa nangyayari ngayon. Ayokong mawala sya sa akin. Ngumiti sya at tumayo bago ako hinila patayo. Napahawak ako sa dibdib nya ng hapitin nya ako palapit sa kanya. Napatitig ako sa kanya. "Pakiss." aniya. "Uhh, pero may makakakita." sabi ko at namula. "Wala, nag-uwian na tiyak sila." aniya. Napahinga ako ng malalim at tumango kaya napangiti sya. Pumikit ako at naramdaman ko ang labi nya muli. Kinakabahan ako kapag ganitong lagi nya akong hinahalikan. Nagbitaw kami ng labi at ngumiti sya bago ipatong ang noo nya sa noo ko. Mabilis na kumalat ang relasyon namin ni Benj sa campus at kinaiingitan na ako ng mga babaeng nagkakacrush kay Benj. May naririnig rin akong rumors na halos ikamutla ko. "PDA masyado ang dalawa. Parang gustong-gusto ng ikama ni Benj si Nyebe." Narito ako sa locker habang nagtatago sa likod at rinig na rinig ko ang usapan ng mga lalakeng kateam mate ni Benj about sa amin. "Syempre iba na ngayon. Mayaman si Benj kaya lahat ng gusto no'n ay makukuha nya. At makabuntis man sya, maraming panggatas." Halos hindi ako makahinga sa narinig ko. Ang dudumi ng isip nila. Pero kinakabahan ako dahil sabado na bukas at naalala ko na sinabi ni Benj na wala ang parents nya sa bahay at sya lang daw ang maiiwan. Napahawak ako sa dibdib ko at nalamukos ko ang uniform ko sa kaba. Hindi na ako nakaalis sa pagtatago sa likod ng locker. Parang gusto kong magtago sa hindi ko malamang dahilan. "Nandito ka lang pala." Nabigla ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Benj. Galing pa sya sa practice at pawisan sya pero hindi nakakabawas iyon sa bango nya. Napayuko ako ng ipatong nya ang mga kamay sa gilid ko habang para akong kinokorner. "May iniisip ka naman." aniya at humaplos ang kamay nya sa braso ko. Umiling ako, "Wala." Napayuko pa ako ng ilapit nya ang mukha sa akin. Tinaas nya ang baba ko at napapikit ako ng halikan nya ako ng smack. "Tara na.." aya nya at kinuha nya ang kamay ko bago ipasiklop ang mga daliri namin. May napatingin sa amin na teammates ni Benj at napayuko ako dahil alam ko na ang iniisip nila. Si Benj mismo ang nagpapakita sa ibang tao ng pagiging clingy nya sa akin kaya masyado ng malisyoso ang tingin sa amin ng mga estudyante rito. Sumusunod ako at hindi makatanggi sa gusto nya. Ayoko kasing tumanggi sa kanya dahil ayokong mawala sya sa akin at hindi muli ako pansinin. Mahal ko na sya ngayon kaya hindi ko sasayangin ang apportunity na ito para makasama parati ang crush ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD