Kabanata 3 - Avoid Her

3053 Words
Nyebe This is it! Ngayong araw na isasailalim ang pagpapaganda sa buhok ko. Bakasyon na sa school at nalulungkot ako dahil nagbakasyon sila Benj sa ibang bansa kasama ang parents nya. Kasi ang mga kapatid nya ay may sari-sariling pamilya na kaya parents lang ni Benj ang kasama nya. Kaya boring rin ang buhay ko dahil hindi ko sya makikita ng ilang araw. Pero okay lang, na-stalk ko naman sya sa IG nya. Nagpost sya na nasa shanghai, taiwan sila. "Madam, hindi nyo naman sinabi na parang bunot na ang imamake-over namin." Hinawakan ng mga parloristang bakla ang buhok ko tila ba napasubo sila. Napasimangot ako dahil tila wala namang pag-asa rito ang buhok ko. "Sabi ko naman sa inyo ay kulot na kulot.. Hindi nyo ba kaya? Sige, sa iba nalang." sabi ni Mama, "Tara, Nyebe." aya sa akin ni Mama kung kailan nakaupo na ako sa upuan habang nakaharap sa salamin. "Syempre kaya namin, Madam. Hindi na kayo mabiro." sabi ng bakla. "Akala ko ay hindi nyo kaya, e. Meron pa namang iba d'yan." kumindat sa akin si Mama kaya napangiti ako dahil nagamitan nya ng strategy ang mga bakla. Sinimulan na akong pahiran ng kung ano-anong gamot sa buhok ko para mastraight lang ang buhok ko. Nung una ay nalilibang pa ako sa pagpahid sa buhok ko, pagblower matapos banlawan, at plantsahin. Pero ng ilang beses na paulit-ulit na ginano'n ang buhok ko ay halos mapapikit ako sa antok dahil sa dami ng prosesong ginagawa sa buhok ko. After eight hours na pagtitiis ng antok, ngawit sa pag-upo, sakit ng leeg, at stress sa tagal ng pagpapaganda ng buhok ko ay natapos rin. At napangiti ako dahil ang ganda na ang buhok ko. Straight at hindi ko akalain na babagay pala sa akin. Tumingin ako kay Mama at napathumbs up sya sa akin habang nakangiti. Hinawakan ko ang buhok ko at tuwid na tuwid na nga. Parang ang gaang din sa pakiramdam. Ang sarap hawakan. Grabe, napakahaba na pala ng buhok ko kaya pala halos inabot na ng eight hours bago matapos. Nakita kong nauunat ng mga braso't daliri ang mga bakla. "Thank you po." sabi ko ng tumayo na ako sa upuan. "Oh, ayan, ganda, mas lalo kang gumanda. Bongga ang hairlalu mo." Natawa ako at napatango, "Oo nga po. Salamat. Sa uulitin." Napangiwi ang mga ito kaya napailing nalang ako dahil tila parang suko na sila sa buhok ko. "Ayan, straight na ang buhok mo, Anak. Namiss ko man ang kulot mong buhok, pero masaya naman ako ng makita kitang masaya sa bagong look mo.", Naglalakad na kami palabas ng parlor habang haplos nya ang buhok ko na hanggang pang-upo ko ang haba. "Salamat, Mama. You're the best talaga." yumakap ako sa bewang nya habang naglalakad kami. Natawa si Mama, "Paano ang plano mo ngayon? Hindi pa naman bumabalik ang crush mo. Ipapakita mo na ba sa kanya agad pag-uwi nya o sa school na?" Napaisip ako at napangiti ako dahil excited na akong makita ang magiging reaksyon ni Benj sa bagong look ko. Sa school na ako magpapakita kay Benj, para ma-surprise sya. Second week of none school day at sobrang boring dahil ang tagal naman bumalik ni Benj. Panay ang selfie ko ngayon sa sarili at masaya ako dahil maayos na ang itsura ko. Tumutulong nalang ako kay Mama sa restaurant habang walang pasok. Pinagtitinginan parin ako pero hindi dahil sa buhok ko, kundi dahil nagagandahan daw sila sa akin. Hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko, talagang sinasabi ng mga costumer sa akin iyon. "Hi, Miss." Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakatingin sa sinusulat ko sa notes ko. Narito ako sa cashier area at ako muna ang cashier. "Yes." nakita ko ang isang medyo matanda siguro sa akin ang edad na lalake na masasabi ko na may itsura at medyo katangkaran ni Benj. "May nakita kasi akong nakapaskil na bakante na posisyon. Interesado sana akong mag-apply." "Ah, oo, tawagin ko lang si Mama." Tumango ito kaya tinawag ko si Jolens at sya ang pinag-cashier ko. Tinungo ko si Mama sa kitchen at nakita ko itong tumutulong sa mga cook namin. "Mama, may interested applicant kayo sa labas." Napalingon si Mama at napatigil sa paggawa ng sushi. "Ganun ba... Pano kaya 'to, kailangan agad ito." aniya na problemado. Napatingin sya sa akin at ngumiti, "Ikaw na ang mag-interview sa kanya, Anak." "Ho?" gulat na bulalas ko, "Pero Mama, hindi ko alam ang itatanong ko." Ngumiti sya at lumapit sa akin, "Kunin mo lang ang resume nya at ibase mo sa information nya ang itatanong mo." Napahinga ako ng malalim at tumango. Wala akong nagawa kundi lumabas ng kitchen. Paglabas ko ay hinahanap ko ang lalake. "Nyebe, pinaupo namin yung nag-aapply. Nandoon sya." turo ni Jolens. "Okay. Thank you, Jolens." Lumapit ako sa dulong lamesa kung saan pinaupo yung lalake. Napatayo ito ng makita ako kaya naupo ako sa harap nito at pinaupo ko sya. "Resume mo." ani ko kaya nilabas nya ang resume at binigay sa akin. Tinignan ko ang resume nya at nabasa ko ang pangalan nya. Jerome Salvacion. "So Jerome, kindly introduce yourself." ani ko at tinignan sya. "Wait. Ikaw ang mag-iinterview sa akin?" natatawa nyang tanong kaya parang nainis naman ako. "Anak ako ng may-ari ng restaurant kaya anong nakakatawa kung ako ang mag-interview sa'yo?" inis kong sabi. Napahawak sya sa tenga nya at ngumiti, "E, nakakapanibago lang na mas bata ang mag-iinterview sa akin." Umirap ako, "Wag ka nang magreklamo. Baka hindi kita tanggapin agad dahil nagrereklamo ka." Napahinga sya ng malalim, "Okay. Kailangan ko lang ng trabaho dahil ulila na ako at kapos sa pera. Kailangan kong buhayin ang sarili ko kundi baka sa lansangan ako mapadpad." Bigla ay naawa naman ako sa kanya, "Talaga? Ulila ka na? Kawawa ka naman." Nabigla ako ng hawakan nya ang kamay ko at nagmakaawang tinignan ako. Nailang naman ako at pilit kong kinukuha ang kamay ko. "Tanggapin mo na ako. Marami akong experience sa restaurant; kaya ko ang service na kailangan nyo. At malapit lang rito ang inuupuhan ko kaya hindi ako mahuhuli ng pasok." "O-Okay, tanggap ka na, bitawan mo nga ang kamay ko." Ngumiti ito at binitawan na ang kamay ko. Napahinga ako ng malalim at tumayo. "Itatanong ko lang kay Mommy kung kailan ka magsisimula." "Okay, thank you, Miss." Ang weird nya. Kanina ay paawa effect ngayon ay all smile. Napailing ako at pumasok muli sa kitchen. "Mama, kelan po maaaring pumasok ang lalake? Tinanggap ko na po sya bilang empleyado nyo." "Ang bilis nyo namang natapos.. Pero alam ko naman na maayos mong nasiyasat ang tao.. Sige, sabihin mo na pumasok bukas." Tumango ako at lumabas muli ng kitchen. Binalikan ko ang lalake at napatayo ito ng makita ako. "Bukas daw pumasok ka na at 6 am palang ay nagbubukas na ng restaurant ni Mama, kaya pumasok ka ng mas maaga doon." "Copy. Salamat." Tumango ako at tinalikuran na sya. Bumalik ako sa cashier at tinignan ko ang lalake na si Jerome na tumalikod na at lumabas. "Inferness sa kanya. Tall, dark, and handsome." Umiling nalang ako kay Jolens at napalumbaba. Nakakabagok na. Namimiss ko na si Benj. Nilabas ko ang phone ko at tinignan ang update sa ** nya. Parang nawasak ang puso ko ng makita ko na may kasamang dalawang sexy na babae si Benj sa picture. At tila sila nasa isang event. Nakaupo si Benj habang magkabilaan na katabi nya ang dalawang sexy at magandang babae na magagara ang kasuotan. Nakacaption pa na 'crush' daw nya ang dalawa. Talagang mas type nya ang matured woman kesa sa kaedad nya. May pag-asa ba ako? Pinapansin nya nga ako ngayon pero parang wala naman syang romantic feelings para sa akin. Sinearch ko nga ang IG ng dalawang babae. Si Ivy Chen at Ella Tan. Mga chinese girl. Mga model pala ang mga ito. Lalong bumagsak ang kumpyansa ko dahil maraming achievements ang dalawa. Binasa ko ang comments sa litrato nila Benj. Wow! They're perfect! They are so sexy and beautiful. ? You're so handsome, Benj! ❤ Both perfect for him. I'm jealous! ? Sari-sari ang papuri sa mga babaeng kasama ni Benj. At hindi ko mapigilan na mapacomment. Lalo na at mga taga-university din ang mga nagcocoment. NyebeFord: Tsk. Fake face, boobs, at halata namang salamat doc ang mga iyan. Dahil sa selos ko ay nakapaglabas tuloy ako ng sama ng loob sa social media. At ilang sandali lang ay inulan ako ng batikos. Fake news ka Nyebe! Wag ka nang umasa, hindi ka bagay kay Benj! ? Loser! ? You are nothing but a cheap stalker of Benj. ? Aba! Napakasakit naman nilang magsalita. Hindi ko na binasa ang mga komento sa akin dahil ang sama na ng iba nilang sinasabi. Totoo naman na mukhang salamat doc ang mukha ng mga babaeng kasama ni Benj. Sa ilong palang ay kitang-kita na. Nalungkot ako dahil kahit siraan ko pa ang mga babae sa litrato ay wala paring saysay dahil sinabihan parin sila ni Benj na crush sila nito. Inexit ko ang IG ko at binulsa muli ang phone ko. Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam ako kay Mama na uuwi na. Paglabas ko ng restaurant ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang bagsak ang balikat ko na naglalakad. Kung makikita kaya ako ni Benj sa susunod na pasukan, ano kaya ang mangyayari? Magiging crush na rin kaya nya ako? Kahit hindi ako kasing sexy ng mga babae na kasama nya sa litrato, kahit hindi man ako kasing ganda ni Ms. Daniella, magugustuhan kaya nya ako? Siguro kapag nakita nya ako ngayon at wala parin, baka wala na talaga akong pag-asa. Baka kailangan ko na rin sigurong sumuko kung wala talaga. Nagawa ko na lahat mula palang ng magkacrush ako sa kanya. Pati pagpapansin ay ginawa ko na pero wala parin. - Benj After almost two months of vacation, balik eskwela muli ako. Maagang pumasok si Nyebe kaya hindi ko sya nakasabay. Hindi ko nakita ang babaeng iyon mula ng umuwi ako galing taiwan at ngayon ay nauna pang pumasok sa akin sa school. Napapangiti ako kapag nababasa ko ang komento nya sa pinost kong litrato sa IG. Actually, Ella and Ivy are not my crush. Naging modelo sila sa event ni Mommy at nagrequest ng photo sa akin. Pinashare ko lang ang litrato para may maipost ako sa IG at para malaman ko ang irereact ni Nyebe. Sa sobrang bored ko sa bakasyon ay wala akong magawa kundi pagtripan nalang na galitin si Nyebe. Alam ko na nagseselos sya base palang sa komento nya. Masyado ko lang namiss kaya wala akong magawa kundi inisin sya para malaman kung nakikita nya ba ang mga pinopost ko. "Benj, musta! Sarap ng bakasyon mo. Pinagkakaguluhan ka ng girls sa taiwan, ha?" bungad ni Max at nakipag-apiran sa akin. Tumango sa akin si Warren kaya napangiti ako. "Wala 'yon." sabi ko at sabay-sabay na kaming tatlo na lumakad para pumunta sa classroom. Na ngayon ay 2-1 section kami but same room noong last year. "Anong wala? C'mon, Dude, two sexy and beautiful lady iyon. Wag mong sabihin na wala kang natipuhan." Nakiba't balikat nalang ako. Hindi ko type ang mga babaeng fake face and body. Mas gusto ko parin ang natural at simple lang. Pagpasok namin sa loob ng classroom ay nagtaka kami sa pinagkukumpulan ng mga kaklase namin. Wow! Ang ganda-ganda mo ngayon. Ang ganda mo sa bagong new look mo. I like your hair style. Nagkatinginan kaming tatlo at lumapit ang dalawa para tignan ang pinagkukumpulan ng mga kaklase namin. Tinignan ko sa gawing pwesto kung saan ang table ni Nyebe at wala sya doon, pero nandoon ang bag nya. Lumapit ako sa lamesa ko at binaba ang bag ko. Tumingin ako sa table ni Nyebe. Saan kaya nagpunta ito? "B-Benj.." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Nyebe. Pero napamaang ako ng bumungad sa akin ang Nyebe'ng hindi kulot kundi straight na ang buhok.. Tinignan ko sya at pagkaraan ay umiwas ako ng tingin at umalis ng classroom. - Nyebe Naguluhan ako ng makita ang pagdisgusto sa reaksyon ni Benj bago lumabas ng classroom.. Napamaang ako at hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi nya pinansin ang bagong straight kong buhok. Umalis din ang dalawa at sinundan si Benj. Nagbulungan ang mga kaklase ko kaya lumapit ako sa table ko at naupo. Hinintay ko na bumalik si Benj at ang dalawang kaibigan nya, pero dumating na si Mr. Dimaculangan pero hindi parin bumabalik ang tatlo. "Class, dahil unang araw ng pasukan ay alam nyo naman na ngayong buwan rin gaganapin ang sport fest. Kaya ang mga basketball player ay mawawala muna sa klase dahil may training sila ngayon." Kaya pala. Hindi na nakabalik sila Benj dahil may training sila. Sumali sila Benj sa basketball team bago matapos ang school year namin nung first year kami. Nalungkot ako dahil wala akong makakatabi. "At dahil first day nyo bilang second year student. Magkakaroon ulit tayo ng botohan sa pagkapresidente dahil magiging busy si Warren Lee." Wala akong pokus sa sinasabi ni Sir dahil iniisip ko parin kung bakit naging ganun ang reaksyon ni Benj. Para bang lumamig ang tingin nya pagkakita nya sa akin. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang basketball team na kasama si Sir Franco na isang basketball coach. Nakita ko si Benj kasama ang dalawa. Nakangiti sya habang nakikipag-usap sa iba nyang ka-team. Kahit sa malayo ay abot parin rito ang kakisigan nya. At kahit sa malayo ay kita ko kung gaano kahirap syang abutin. Hindi ganito ang inaasahan kong reaksyon nya. Akala ko ay mas papansinin at magugustuhan na nya ako dahil sa bagong anyo ko. Pero mali pala ako ng inaasahan. Dahil pakiramdam ko ay parang hindi napaganda ang pag-iiba ng ayos ko. "Ms. Perez, are you with us?" Nagbalik ako sa sarili at napatingin kay Sir Dimaculangan. Napatayo ako habang nakatingin rito na hindi alam ang gagawin. "Yes, Sir." tugon ko. "Okay. Dahil ikaw ang binoto ng mga kaklase mo bilang presidente kaya ikaw na ngayon ang mamumuno sa kanila. Asahan ko na hindi ka muli maging lutang dahil baka makaapekto sa mga kaklase mo kung wala naman rito ang isip mo." Napayuko ako at napatango. Naupo muli ako at tumingin kay Sir habang may iba pa syang sinasabi sa gagawin namin. Gusto kong umayaw sa pagkapresidente dahil ano ba ang kakayahan ko para pamunuan ang klase na dati ay pinangingilagan ako ng mga ito. Baka hindi ko makaya. Pero wala na akong choice dahil baka magalit pa si Sir. "Uy, Nyebe, congrats!" sabi ni Emerald kaya ngumiti ako. "Salamat." "Mabuti at naunat pa ang buhok mo. Inferness bagay sa'yo. Ang ganda mo lalo." Napakamot ako sa ulo dahil nahihiya ako sa papuri ni Ruby. "Hindi naman masyado." "Pero nakakapanibago lang na hindi na namin makikita ang kulot mong buhok. Parang naging asset mo kasi iyon. Maganda ka naman kahit kulot." si Ruby. "Oo nga. Hindi naman namin sinasabi na pagsisihan mo ang pagpapastraight mo. Ang sa amin lang ay maganda ka naman kahit kulot. Mas agaw-pansin." si Emerald. Naguguluhan ako, hindi ko sila mapagtanto. Nung dati ay halos katakutan nila ako dahil sa kulot kong buhok, ngayon ay parang pinagsisisi pa nila ako dahil nagpastraight ako ng buhok. "Nyebe, halika rito." Napatingin ako kay Sir at nag-excuse ako sa dalawa bago lumapit kay Sir. "Ano po 'yun, Sir?" Tumingin ito sa akin at may binigay na papel kaya kinuha ko. "Dahil ikaw na ang presidente kaya ikaw na ang pinapamahala ko sa attendance ng mga kaklase mo sa buong school year. At magkakaroon ang lahat ng second year level ng booth event. Kaya kailangan nyong mag-isip ng magandang pakulo para bumenta ang ticket nyo at magkaroon ng mataas na grade." Para namang binigyan agad ako ng mabigat na pasanin ni Sir. May Booth event agad kami. At kailangan ko pang hingkayatin ang mga kaklase ko na mag-isip ng idea para makabenta ng ticket sa ibang school level. Dahil grade rin namin ang nakasalaylay rito. "Okay po, Sir." Tinulungan rin naman ako ni Sir na sabihin sa mga kaklase ko ang mangyayaring booth event kaya nakahinga ako ng maluwag dahil bukal sa mga kaklase ko na makipag-operate sa akin. "Bakit hindi natin i-try ang theater acting. Tapos mas makakahatak din kung si Benj at sila Max ang gagawin nating panghatak para mabenta ang ticket." suggestion ni Emerald na kinasang-ayunan ng mga kaklase ko. "So, that's it. Ayos na kayo sa plano ng event nyo. Nyebe, puntahan mo sila Benj at sabihan mo sila sa mangyayaring event. Kasali parin sila sa event kahit na may basketball practice sila." sabi ni Sir na binalingan ako. Tumango ako at huminga ng malalim dahil kinakabahan ako na sabihan si Benj. Pero baka naman mali lang ang pagkakaintindi ko sa reaksyon nya. Lumabas ako ng classroom para sabihan sila Benj. Nagtungo ako sa field kung saan nag-eensayo sila Benj. Hinanap ko si Benj at nakita ko ito na nakaupo sa bench katabi si Max at Warren. Huminga ako ng malalim at naglakad para lapitan sila. Napapatingin sa akin ang mga ka-team ni Benj kaya nginitian ko lamang ang mga ito at huminto ako ng medyo malapit kela Benj. "Benj.." tawag ko kaya lumingon ito. Nakatingin sya tila hinihintay ang sasabihin ko. Magsalita ka, Nyebe. Baka mainip sya. Lumunok ako bago kumuha ng salitang sasabihin, "Merong event na gagawin ang klase at kailangan na kasali kayo. May theater acting tayo kaya sana ay tulungan nyo ako na mabenta ang ticket." Umiwas sya ng tingin at tumayo, "Okay." maikling tugon nya lang at sinabit sa leeg nya ang towel nya bago sya lumapit sa iba nyang team. "Asahan mo kami. Kami pa, 'di ba, Warren." pukaw sa akin ni Max. Tumango si Warren at sumunod kay Benj kaya si Max ang naiwan sa akin. "Pasensyahan mo na ang mga iyon. Ganun lang sila lalo na si Benj. Sige, bumalik ka na sa room." Tumango ako at umalis na sya para sumunod kay Benj at Warren. Kahit na sinabi ni Max iyon ay iba parin ang nararamdaman ko ngayon sa pagtrato ni Benj sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang kumirot ito at nalungkot sa pagbabago ni Benj. Anong nangyari at parang umiiwas sya sa akin? Bakit nya ako iniiwasan? May ginawa ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD