Kabanata 13 - Hide Killer

3530 Words
Anthony Tumingin ako sa taong kaharap ko na syang nagbigay sa akin ng baril. Inaalog-alog nya ang alak habang nakangising nakatingin sa akin. "Very good, Anthony. Manang-mana ka talaga sa akin." Ngumisi ako at tumingin sa baril na hawak ko na syang pinangbaril ko sa ford na iyon. Pakiramdam ko ay lapat na lapat ito sa kamay ko at gamay na gamay ko. "Anong plano nyo?" tanong ko. Humalakhak sya at tinignan ako na tila ba may mas sasama pa sa plano nya. "Go with the flow, Anthony. You know what I mean." Tumango ako at napangiti. Oras na makasal kami ni Nyebe, tiyak na mas maganda ang lahat na mangyayari. - Nyebe Nakahawak ako sa kurtina habang nakatanaw sa bintana mula rito sa kwarto ko. Malakas ang patak ng ulan at sobra akong napapaisip kung kamusta na ba si Benj. Hindi ako mapakali at nais kong malaman kung naligtas ba sya at may nagdala ba sa kanya sa hospital. Dahil kapag iisipin ko na hanggang ngayon ay nandoon parin sya sa yate mag-isa at hindi man lang nalaman ng pamilya nya ang kalagayan nya ay natatakot ako na baka wala na sya. Na baka inaalon na rin sa malayo ang yate nya hanggang lumubog at walang makakita. Napapahid ako ng luha ko dahil sobra akong nakokonsensya sa ginawa ko. Kung saan ay hindi ako tumawag ay sana hindi mangyayari kay Benj iyon. Baka ngayon rin ay kasama ko na rin sila Mama. Napatigil ako sa pag-iyak ng may kumatok at kasunod ay ang pagbukas ng pinto. Hindi ako lumingon at nanatili lamang akong nakatingin sa labas ng bintana habang tinitignan ang patak ng ulan. "Anak Nyebe.." si Daddy Douglas. Lumingon ako at nakita ko syang nakatingin sa akin na may pag-aalala. Lumapit sya sa kama ko at naupo habang hawak nya ang kanyang tungkod. "Nalaman ko ang nangyari.. At nalaman ko na bumalik na ang iyong alaala." "Daddy Douglas, gusto ko hong umalis at puntahan si Benj sa yate. May tama ho sya ng baril." Pinigil nya ako sa pagsalita at napabuntong-hininga sya. "Tumawag ako sa mga ford upang malaman kung alam ba nila ang nangyari sa bunso nilang anak. Nasabi sa akin ni Mrs. Ford na nasa hospital daw ang anak nya at inoobserbahan ng mga doctor.." Bigla ay nabawasan ang pag-aalala ko dahil mabuti't nadala sa hospital si Benj. "Saang hospital daw po dinala? Pwede ho kaya akong bumisita?" Ngumiti si Daddy Douglas, "Oo naman. Sasama kita upang hindi ka naman malagay muli sa alanganin." tumayo sya at naglakad palapit sa akin at huminto rin habang parehong kamay ang nakahawak sa tungkod at tumingin sya sa labas ng bintana, "Ngayong nakakaalala ka na ay tiyak na alam mo na rin kung sino ang tunay mong pamilya. Hindi kita pipilitin na manatili sa akin dahil matagal ka ring nalayo sa tunay mong pamilya." tumingin sya sa akin na malungkot, "Basta ay wag mo akong kakalimutan lalo na't dalawin.." Napangiti ako sa sinabi nya at napalapit ako sa kanya bago napayakap. "Salamat po, Daddy Douglas. Maraming-maraming salamat po." Hinaplos nya ang likod ko, "Anak, ang hiling ko lang sana ay matuloy ang kasal nyo ni Anthony." Natigilan ako at napabuntong-hininga. Napapikit ako at tumango dahil kahit nag-aalangan na ako na pakasalan si Anthony lalo't bumalik na ang alaala ko at mas hinahanap ng puso ko si Benj, ay matutuloy parin ang kasal lalo't naasikaso na ni Anthony ang kasal namin. Gusto ko man na tanggihan si Daddy Douglas pero naalala ko ang lahat ng ginawa nila sa akin. Napahawak ako sa scarf na nasa balikat ko habang nakabalabal ito. Suot ko ang isang sun flower dress at ang scarf na bigay ni Benj. Lulan kami ng sasakyan kasama si Daddy Douglas. At patungo kami sa hospital kung saan dinala si Benj. Malayo din ang naging byahe pero hindi naging sagabal iyon dahil nais ko lang ay makarating sa hospital upang malaman ang tunay na kondisyon ni Benj. Sana ay ayos lang sya. Dahil hindi ako lalo matatahimik kung sakali na may mangyayaring masama sa kanya ng dahil sa akin. - Benj Napahawak ako sa bandang dibdib ko kung saan ako may tama. Mabuti't sa bandang dibdib ko at malapit sa kili-kili ako tinamaan. Hayop na Anthony Chavez iyan. Oras na gumaling ako ay hindi lang ganito ang ibabalik ko sa kanya. Napatingin ako kay Mommy na kanina pa humahagulgol habang haplos-haplos ang ulo ko. Napahinga ako ng malalim dahil hindi lang sya ang oa, maging ang Sangko Seige ko na kung makaiyak ay parang hindi attorney. Sabayan pa ni Diko Diesel kaya halos gusto ko ng umalis ng hospital at sa bahay nalang magpagaling dahil sa nakakahiyang atensyon na ginagawa nila. "Hindi ako makakapayag na ganitohin niya ang bunso natin! Kung kailangan na ilibing natin ng buhay ang Anthony Chavez na iyon ay gagawin natin!" wika ni Sangko Seige. "Tama! Marunong na ako sa karate dahil tinuro ako ni otōsan kung paano, kaya easy nalang ang Anthony na 'yon." sabi ni Diko Diesel. Napatingin ako kay Ate na panay ang punas ng luha sa panyo habang nakasandal kay Kuya Dominic. "Bakit kasi hindi ka nakalaban, Bunso? Nakatowel ka pa ng makuha sa yate? Tsaka ayan kasi, hindi ka nagpapahiram ng yate, ayan tuloy nangyari sa'yo." Ewan ko ba kung nagsisimpatya si Ate sa akin o nangongonsensya ng hindi ko sya pahiramin ng favorite kong yate ng balak nyang magdate sila ni Kuya Dominic sa gitna ng dagat. "Kasama mo pala si Nyebe sa yate at nakatowel ka lang. Umamin ka nga, Benj, may nangyari na ba sa inyo ni Nyebe?" seryosong tanong ni Kuya Duke. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa kisame. Pumikit ako at hindi umimik. "Syempre, meron na, duh! Silang dalawa lang sa yate at nakatowel lang si Bunso. Ano ba ang dapat nyong isipin? Nag-batuhan lang sila ng unan at ng mapagod ay naligo si Bunso." sabi ni Ate. "Tumahimik ka nga, Brat." suway ni Sangko Seige. "Son, bakit hinayaan mong sumama si Nyebe kay Anthony Chavez? Hindi ba't matagal mo syang hinanap? At nang mahanap mo ay ganun nalang at hinayaang mong makuha ng iba?" sabi ni Dad kaya tumagilid ako ng higa patalikod sa kanila. "It's her decision to go with him. At hindi naman na nya ako mahal dahil iyon na daw ang mahal nya." "Ganun nalang? Ha? Tsk. Pinakamahinang ford ka ata. Akala ko ay katulad ka namin. What's our motto, Brothers?" sabi ni Sangko Samuel. "Wag hahayaan ang ibang lalake na makuha sa atin ang babaeng mahal natin. Dapat na bakuran na ang natin upang hindi pa nakawin ng iba." sabay na sabi ng mga lalakeng kapatid ko. Natawa ako at napailing. Napadaing ako ng daganan ako ng mga ito. "Awts!" "Hey, ano ba naman kayo? Kita nyong may sugat ang kapatid nyo d'yan ay dinadaganan nyo pa." suway ni Mommy at puro pinagpipingot ang tenga mga nakakatanda kong kapatid. "Mom, malaki na kami, pero nakapingot parin kayo." sabi ni Diko Diesel na napahawak sa tenga nya. "Mga isip-bata kasi kayo." sabi ni Ate Akina. Ngumiti ako at napaisip sa sinabi nila. Napakuyom ako ng kamay habang iniisip kung anong magandang leksyon ang gagawin ko kay Anthony. "Benj, may bisita ka." Agad na napalingon ako sa pinto dahil inaakala ko na si Nyebe ang dumating. Napahinga ako ng malalim ng makita si Daniella ang pumasok. "Kamusta, Benj?" aniya matapos bumati sa pamilya ko at sa kuya nya. "I'm fine." tugon ko at umusog ako para makaupo. "Ilang araw ka ng absent sa school. Kaya hiningan kita sa prof mo ng notes." nilabas nya ang notebook pero pinigil ko sya. "I'm okay, Daniella. Don't worry about me." Ngumiti sya at tumango. Napatingin ako sa mga kapatid ko na sumisipol habang kunwari hindi pa nakikinig. "Ah, Benj, meron nga pala akong dala." nilabas nya ang supot na bitbit nya at may dala syang prutas. "Thanks, dapat ay hindi ka na nag-abala." sabi ko. "Salamat rito, Hija. Naku, dapat ay hindi ka na nag-abala dahil hindi rin naman mahilig sa prutas si Benj." singit ni Mommy. "Ayos lang po. At maganda sa katawan ang prutas, Benj. Dapat ay magkakain ka para agad kang gumaling." tumango ako at ngumiti nalang. May kumatok sa pinto at agad akong napatingin doon. Lumapit sa pinto si Diko Drake at binuksan. Lumingon sya sa akin at ngumiti. "May bisita ka." Napalunok ako at ayoko mang mag-expect na sya ang bumisita ay hindi ko mapigilan na ma-excite. Binuksan ni Diko Drake ng todo ang pinto at nakita ko si Mr. Chavez kaya natigilan ako. Tinignan ko kung may kasunod pa sya pero wala na. "Mr. Chavez." sambit ni Dad. Napahinga ng malalim si Mr. Chavez at tumingin sa akin at sa pamilya ko. "Humihingi ako ng despensa sa ginawa ng anak kong si Anthony. Hindi ko akalain na magagawa nya iyon. Kung ano man ang gusto nyong ipataw sa kanya ay tinatanggap ko. Ako na ang nagsusuko sa kanya." medyo niyuko ni Mr. Chavez ang ulo nya habang nakahawak sa tungkod. Napahinga ako ng malalim at nahiga. Pumikit ako sa panghihina ko dahil hindi sya kasama ni Mr. Chavez. "Pasensya na rin, Mr. Chavez. Alam namin na napakabait nyong ginoo, pero hindi namin mapapalampas ang ginawa ng anak nyo. Mabuti nalang at hindi napuruhan ang anak ko. Mabuti't agad na nakatawag ng emergency mula sa port si Benj bago pa sya maubusan ng dugo." sabi ni Mommy. "Nauunawaan ko. Pasensya na kayo at ako ang nahihiya sa ginawa ng anak ko." sabi ni Mr. Douglas na may pagsusumamo. "Salamat, Mr. Douglas." sabi ni Mommy. "Ah.." napadilat ako ng tila may ibig pang sabihin si Mr. Douglas. Napatingin ako rito at ngumiti ito, "May kasama ako, ngunit biglang umatras." Napaupo ako sa sinabi nya. Napabuka ako ng bibig upang magsalita. "May pinabibigay sya. Para sa'yo ata." sabi ni Mr. Chavez at inabot kay Daddy ang hawak nyang sobre. Lumapit si Daddy at binigay sa akin ang sobre. Tinignan ko ang sobre at tumingin ako kay Mr. Chavez. "Sige, aalis na ako." sabi nito at tumingin sa akin, "I'm sorry, Hijo." Tumango kaya tumingin sya sa pamilya ko bago tumalikod. "Hatid ko na ho kayo." offer ni Kuya. "Salamat." sabi ni Mr. Chavez. "Ineexpect mo na kasama sya ni Mr. Chavez." sabi ni Daniella. Tumingin ako sa kanya at ngumiti sya. Napahinga ako ng malalim at binuksan ang sobre. - Nyebe Nakatingin ako sa bintana habang lulan na kami ng sasakyan paalis sa hospital. Narito kami ni Daddy Douglas sa bf island at ang kanaisan kong makita si Benj ay hindi natuloy. "Halata na inaasahan nya na kasama kita sa pagdalaw sa kanya, Anak. Bakit hindi ka tumuloy?" tanong ni Daddy Douglas. Napakapit ako sa bag ko at naisip ko kung ano ang dahilan kung bakit hindi ako natuloy. Nasa hallway na kami ni Daddy Douglas at nang malapit na sana kami sa hospital room ni Benj ay bigla akong napatalikod ng makita si Ms. Daniella na papunta din sa gawi kung saan ang room ni Benj. "Bakit, Anak?" tanong ni Daddy Douglas na may kalituhan ng bigla akong mapaharap sa kanya at huminto sa paglalakad.. "Ah, Daddy Douglas, kayo nalang po pala ang pumunta. At pakiabot na rin po ito kay Benj." kinuha ko ang sobre sa bag ko at inabot kay Daddy Douglas. Nagtataka na inabot nya ang sobre, "Bakit nagbago ang isip mo? Hindi ba't gusto mong malaman ang kondisyon nya?" "Kayo nalang po, Daddy Douglas. Doon nalang po muna ako sa kotse." Agad akong tumalikod at nagmadaling maglakad para lumabas ng hospital. "Daddy Douglas, ayos lang po ba si Benj?" tanong ko matapos sa pagbalik-tanaw. "Sa pagkakakita ko.." tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya at tumango, "Maayos na sya. Mukhang matibay ang batang iyon." Nakahinga naman ako ng maluwag at napangiti ng lihim. Mabuti naman at ayos na sya. Hindi na ako mag-aalala pa. Napaayos ako ng upo ng matanaw ang bahay nila Lola. Kaya naisipan ko rin na dalawin si Benj ay para makakuha din ako ng pagkakataon na makita na ang pamilya ko. Sobra ko ng namimiss si Mama at sila Lola. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay at tumingin ako kay Daddy Douglas. Tumango sya at tinapik ang kamay ko. Napahinga ako ng malalim at bumaba ng pagbuksan ako ni Manong. Tumingin ako sa bahay nila Lola na walang pinagbago. Napatingin ako sa bahay nila Benj at mas naging mabuhay ito at lalong gumanda. Parang higante na maaari ng matabunan ang bahay nila Lola. Huminga ako ng malalim at lumakad palapit sa gate. Pinindot ko ang doorbell at lumayo ako ng kaunti sa gate. Ilang saglit ay nakarinig ako ng yapak kaya napahawak ako sa bag ko. "Sino 'yan?" sigaw ng isang babae. Bumukas ang gate at nagtaka ako ng makita ang isang ale na hindi pamilyar sa akin. "Ano pong kailangan nila?" tanong nito. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. "Si Mama po? Tsaka sila Lolo at Lola?" Tanong ko. Napakuno't ang noo ng babae at tinignan ako tila sinusuri at bigla ring nagliwanag ang mukha nya tila ba nakilala ako. "Aha! Ikaw yung si Nyebe. Anak ni Mam Allice?" Ngumiti at tumango ako, "Opo. Nandyan po ba ngayon si Mama? Sila Lola po?" tanong ko at humakbang ako papasok. "Wala po sila.." aniya. Tumuloy ako sa loob at pansin ang sobrang katahimikan ng bahay. Nakabalot ng puting tela ang mga gamit. "Nasa work ba si Mama? Sila Lola ay nagpunta na naman ba ng maynila? Bakit mga nakatakip ng kumot ang mga sofa at ilang gamit? Mama!" Tumingin ako sa Ale, "Wala na po sila." Napakuno't noo ako, "Huh? Paanong wala? Nagbakasyon ba sila?" "Nung mga panahon na nawawala kayo ay may nangyari ho sa pamilya nyo. Lulan sila ng sasakyan at lahat na ho ng bawat sulok ng isla ay nilibot nila. Nakarating ho sila sa ibang bayan upang hanapin kayo. Pero umuulan at madilim na no'n, may isang malaking truck na nawalan ng preno at kasamaang palad ay nadaganan ng truck ang kotseng lulan ng pamilya mo. Namatay na ho sila ng araw na 'yon." Natulala ako at napaatras ako tila bigla akong pinanlambutan ng tuhod. Napahawak ako sa dibdib ko at hinimas habang hindi ko alam kung saan ako titingin habang sunod-sunod na pumatak ang luha ko. "N-Nagbibiro lang ho kayo, 'di ba?" basag ang boses kong sabi at umiling bago natawa, "Hindi magandang biro iyan, Ale." "Pasensya na, Hija. Pero nagsasabi ako ng totoo. Sa akin pinamahala saglit ang bahay upang malinis kahit papaano at baka sakaling bumalik ka ay malinis itong bahay." nilahad nya ang susi at nanginginig ang kamay ko na kinuha iyon. Napatingin ako sa susi at umalis na ang Ale. Napahagulgol ako at napaupo. Tumingin ako sa paligid at walang sign ni anino nila Mama akong makita. "H-Hindi... Hindi totoo 'to! Hindi!" umiling-iling ako at napahawak sa ulo ko habang patuloy ang pagpatak ng luha ko. "Anak, anong nangyayari?" si Daddy Douglas. Umiling ako at hinang-hina ako. Kasalanan ko 'to! Kung hindi ako umalis ng bahay, hindi ako hahanapin ng pamilya ko. "W-Wala na sila, D-Daddy Douglas.. Namatay sila ng dahil sa akin." binayo ko ang dibdib ko dahil parang hindi ako makahinga. Napahagulgol ako ng lumuhod si Daddy Douglas at niyakap ako. Napapikit ako at inisip ang mukha ni Mama. Kahit pagod sa trabaho upang matustusan ang pangangailangan ko ay lagi parin syang nakangiti sa akin at laging binibigay ang gusto ko. Sila Lola na kailan man ay hindi naging malupit sa akin kahit na sobra silang strikta at strikto. Napakagat ako sa daliri ko upang gisingin ang sarili ko at humiling na sana ay panaginip lamang ito. Na sana sa paggising ko ay buhay sila at natutuwang nakita na ako. Nilibot ko ang buong bahay at inalala ang bahay eksena na noon ay nakikita ko na hindi ko man lang binibigyang pansin. Ang pagprepare ni Mama ng babaunin ko. Ang laging pagbati nila Lolo tuwing nakaupo sila garden namin at binibigyan pa ako ng sobrang baon. Lagi silang nagpapaalalahan na galingan ko sa school at mag-iingat ako. Lahat iyon ay parang isang eksena lang sa araw-araw na iniisip ko pa noon na wala lang. Na nakasanayan nalang. Pero ngayon, habang iniisip ko iyon, parang ang sakit dahil mga eksena iyon na nagpapakita kung gaano nila binibigay ang atensyon na ni minsan ay binalewala ko. Ngayong wala na sila, paano na ako? Nagbalik nga ang alaala ko, ngunit ang ibibigay palang panibagong alaala ay puro sakit at lungkot. Pinuntahan namin ni Daddy Douglas ang restaurant ni Mama. Napatakip ako ng bibig ng makita na sarado na at parang niluma dahil sa tagal ng hindi nagagamit. Bumagsak na rin ang sign board kung saan ang pangalan ng restaurant ni Mama. Nyebe's Restaurant. Napaiyak ako habang hawak ang pinto ng restaurant. Tumingin ako kay Daddy Douglas ng humawak sya sa balikat ko. "Patawad, Anak. Kung saan ay naipaalam namin sa magulang mo na nasa amin ka. Ngunit nahihirapan pa kaming malaman lalo't natatakot din si Anthony na makulong dahil sa ginawa sa'yo. Ako ang may kasalanan, sana ay gumawa ako ng paraan para mahanap ang pamilya mo. I'm sorry, Anak." Napapikit ako at tumingin sa restaurant. Kasabay ng pagkawala ni Mama ay ang pagbagsak ng restaurant na dati ay kay ganda at maraming costumer na sarap na sarap sa luto ni Mama. Ngayon ay puro alikabok, sapot, at insekto ang makikita sa buong paligid. Umalis kami sa restaurant at pumunta sa mataas na parte ng isla. Kung saan nilaan upang gawing cemetery ng mga taong pinayagang manirahan rito sa isla ng mga ford. Hinanap namin ang puntod nila Mama sa mga libingan na nakabaon sa lupa ang lapida. Malakas ang hangin rito at tanaw ang dagat. Napakatahimik na lugar at masarap na tumayo sa kalamigan. Dahan-dahan akong napaluhod at napahawak sa lapida. Napahagulgol ako sa kumpirmasyon na totoong wala na nga sila. Magkakatabi ang kanilang lapida. "B-Bakit nyo ako iniwan? I'm sorry. I'm sorry po. K-Kung hindi ako umalis ng bahay at nawala ay hindi nyo ako hahanapin at mawawala ng ganito. Bumalik po kayo, please. Hindi ko po kaya.. Bumalik po kayo." Gusto ko mang yakapin ang lapida ay napasubsob nalang ang mukha ko sa lapida ni Mama habang haplos-haplos ito. Iyak ako ng iyak at hindi matanggap ang lahat. Para akong mamamatay sa nalaman ko. Hindi ko kaya. "Anak, tara na.." aya ni Daddy Douglas matapos ang matagal naming pananatili sa cemetery. Natulala nalang ako na sumama sa kanya. Panay parin ang pagluha ko at sakit na nararamdaman ko. Umalis kami ng bf island. Gusto ko mang manatili sa bahay nila Lola ay hindi ako hinayaan ni Daddy Douglas dahil baka ano daw ang gawin ko sa sarili ko oras na iwan nya ako doon. Nakarating kami ng bahay na hindi ko namamalayan. Lumakas na rin lalo ang ulan rito sa batangas. "Nasaan si Anthony?" tanong ni Daddy Douglas sa mga kasambahay. "Hindi ho namin alam, Senior." "Saan kaya nagpunta iyon?" nagtatakang tanong ni Daddy Douglas sa sarili. "Tila kayo namatayan." bungad ni Anthony na ngayon lang pala nakauwi mula pa kaninang umaga. Umiwas ako sa kanya at tulalang naglakad upang tunguhin ang kwarto ko. - Anthony Nakatingin ako kay Nyebe na halata ang lungkot at bakas ng iyak sa mukha nya. "Saan ka nagtungo, Anthony?" tumingin ako kay Dad na naupo sa sofa at tinignan ako. "Sa kakilala lang." naupo ako sa sofa, "Bakit umiiyak si Nyebe?" Napahinga ng malalim si Dad, "Namatay na pala ang pamilya nya sa isang car accident." Napatango ako at sumandal sa sofa bago isampay sa sandalan ang mga braso ko. "Edi mabuti." "Ano!" galit na sabi ni Dad na kinatawa ko. "Anak nyo na talaga si Nyebe at hindi na sya kukunin ng pamilya nya. 'Di ba iyon ang gusto nyo?" "Tumigil ka nga sa pinagsasabi mo, Anthony. At hindi ko hinihiling iyon." tumayo sya na hawak ang tungkod nya, "Harapin mo nga pala ang kasong ipapataw sa'yo ng mg Ford. Hindi kita kinupkop at pinalaki upang makapatay ng tao. Kaya sa sitwasyon ngayon, hahayaan na kita sa kamay ng mga ford. Wala na akong magagawa para sa'yo." matapos nyang sabihin iyon ay naglakad na sya paalis. Napakuyom ang mga kamay ko at matalim akong tumingin sa likod nya. Tumayo ako at tinignan ang walang utang na loob na matandang ito. "Kahit ano pa ang gawin nila ay hindi ako natatakot. Dahil bago pa nila ako mapatay ay sila muna ang uunahin ko." Huminto sya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Dahil sa pinamalas mong ugali. Ipapatigil ko na ang nalalapit nyong kasal ni Nyebe." Mas lalo akong nagalit sa sinabi nya. Tumalikod na sya kaya nagdidilim ang mata ko na sinundan ko sya ng tingin. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang numero ng totoo kong ama. "May kailangan tayong patahimikin." (Ako na ang bahala do'n, narinig ko.) Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang kaunting paglabas ng ama ko sa kurtina. Ngumisi sya kaya napangisi ako na binaba ang tawag. Naupo ako sa sofa at napaisip ako. Hindi lilipas ang araw na ito na tuluyan kong masosolo si Nyebe. Ang babaeng nilulong sa akin ng kanyang tunay na ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD