Kabanata 14 - Save Her

3517 Words
Nyebe Umiiyak ako ng makita ko si Mama, Lolo, at Lola na pare-pareho silang mga nakaputi, nakatingin sa akin, at nakatayo sa isang puno. Napakatahimik ng lugar at may isang tila mababaw na dagat sa kanilang likuran. Napakaganda ng lugar at wala akong maramdaman na ano mang bigat na nararamdaman kundi ang kasiyahan sa paligid. Napakaaliwalas ng lugar at pakiramdam ko ay napakalaya ko. "Mama! Lola! Lolo!" masayang tawag ko at agad akong naglakad upang lumapit sa kanila. "Anak, bumalik ka, maging masaya ka. Gumising ka." Naguguluhan ako sa sinasabi ni Mama. Umiling ako at ngumiti. "Mama, dito nalang po ako, nandito po kayo nila Lolo." Ngumiti sya at umiling rin, "Magkakasama rin tayo balang-araw, Anak. Kaya gumising ka at maging maligaya. At isipin mong mabuti ang lahat ng nagpapasaya sa'yo, kesa sa mga nakakasama sa'yo. Mahal na mahal ka namin, Anak." Napaiyak ako, "Mama.." tawag ko. Napatakip ako ng mukha ng biglang magliwanag. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nanlaki ang mata ko ng makita si Anthony na balak na pagsamantalahan ako. Agad ko syang tinulak at napaupo ako. Napaiyak ako dahil kung hindi pa ako nagising ay baka napagsamantalahan na nya ako. "Anong ginagawa mo sa akin, Anthony? Bakit mo ako balak hubaran?!" Ngumiti sya, "Sa Ford na iyon na hindi mo naman boyfriend ay nagpakalantari ka. Sa akin na fiancé mo ay pinagbabawalan mo, ha?" Agad ko syang sinipa ng hawakan nya ako sa mga braso. Pero napahiyaw ako at napaiyak ng sapilitan nya akong ihiga muli sa kama at pilit na hinahalikan. "Hayop ka! Bakit mo ginagawa sa akin 'to?! Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas ako habang panay ang iyak ko ng halikan nya ako sa leeg. "Whaaaaa!" Napatigil ako sa pag-iyak at maging si Anthony ng makarinig kami ng sigaw mula sa baba. Agad ko syang tinulak na hindi nya inaasahan. Agad akong bumangon at bumaba ng kama. Tumakbo ako palabas ng kwarto at dali-daling bumaba. Napatigil ako sa huling baitang ng hagdan at napasinghap ako. "Daddy!" hiyaw ko ng makita si Daddy Douglas na nakahandusay sa sahig ng sala. Agad ko syang dinaluhan at napaiyak ako lalo habang tinatapik ang pisngi nya upang magising. Tumingin ako sa mga kasambahay o sino mang mga nagising sa kanilang tulog na ngayon ay nakatunghay sa amin. "Ihanda nyo ang sasakyan dali! Kailangan nating madala si Daddy!" Hiyaw ko na kinataranta nila at si Manong ay agad na tumakbo palabas. Tinignan ko ang pulso ni Daddy Douglas at sobrang hina kaya lalo akong natakot at niyakap sya habang ginigising. "Please, don't leave me, Daddy Douglas. Ikaw nalang ang natitira sa akin, please." "Anong nangyari?" tanong ni Anthony na lumuhod at tinitignan si Daddy. Hindi ko sya sinagot dahil naalala ko ang ginawa nya. At hindi ko sya mapapatawad! Agad na binuhat nila Manong driver si Daddy. Sa abot ng makakaya ko ay tumulong rin ako. Hindi ko muna pinansin ang ginawa ni Anthony at pokus lamang ako ngayon kay Daddy na pilit kong ginigising. Jusko. Sana ay wag syang mawawala sa akin. Baka hindi ko na kayanin ang lahat kung pati ang tinuring kong pangalawang ama ay mawala. Si Manong ang nagdrive habang nasa front seat si Anthony na katabi ni Manong. Halos hindi ako makahinga sa sobrang takot habang kita ko na hindi nagigising si Daddy Douglas. Jusko. Anong nangyari at bakit sya nakahandusay sa sahig na halos para ng walang buhay? Napatingin ako sa leeg nya at bakat ang pamumula na bumukat sa leeg nya. Tila ba sinakal sya gamit ang lubid. "Manong, nakita nyo po kung sino ang gumawa nito kay Daddy Douglas?" tanong ko. "Hindi, Hija. Nagulat nalang rin ako sa sigaw ni Merlyn." "Siguro ay nahimatay lang si Daddy o inatake sa puso." Napatingin ako kay Anthony dahil sa sinabi nya. Kanina ko pa napapansin na parang hindi sya natataranta o nag-aalala man lang. "Walang sakit sa puso si Daddy at talagang mawawalan sya ng malay kung merong sumakal sa kanya." Napalingon sa akin si Anthony na gulat. Galit ko syang tinignan. "Sinakal? Anong pinagsasabi mo, Nyebe? Sino naman ang sasakal kay Daddy?" "Aba malay ko, baka ikaw. Ako nga ay may muntik ka ng may gawin sa akin." Tumawa sya at tinignan ako, "Yung muntik ko ng gawin sa'yo ay hindi labag iyon dahil fiancé kita. Kaya wag mo akong pagbibintangan na ako ang may gawa kaya nagkaganyan si Daddy." "Paano kung sabihin ko sa'yo na hindi na kita fiancé? Pinacancel na ni Daddy ang kasal." Sumama ang timpla ng mukha nya at alam kong hindi nya alam iyon. "Narito na tayo." anunsyo ni Manong kaya hindi ko na pinansin si Anthony. Agad na bumaba si Manong pagdating sa harap ng hospital. Agad na tumawag ng mga nurse at pinagtulungang alisin sa sasakyan si Daddy at nilagay sa stretcher. Agad akong sumunod sa pagpasok kay Daddy. Namumutla si Daddy habang nilalagyan ng oxygen ng isang doctor na nakasampa sa kanya habang pilit pinapump ang heart nya at tulak-tulak ng iba ang stretcher. "Dumito nalang po muna kayo." sabi sa amin ng nurse at hindi na kami pinapasok sa emergency room kung saan pinasok si Daddy. Nanlalata na naupo ako sa upuan. Nakasuot pa ako ng pantulog at hindi na ako nakapagpalit dahil sa taranta. Naupo sa tabi ko si Anthony at nilagyan ako ng jacket sa balikat pero hinawi ko ito at tumayo ako. "Manong, doon na kayo sa labas. Hindi nyo pa naayos ang sasakyan." sabi nya kay Manong. Hindi na umimik si Manong at umalis. Nang kami ang naiwan ay tumayo si Anthony at lumapit sa akin. Tinignan ko sya ng masama. "Masyado ka na atang umiiwas sa akin ngayon. Bakit, dahil ba nakakaalala ka na at yung ford na iyon na dati mong mahal ang mahal mo ngayon, ganun ba?" Hinawi ko ang kamay nya ng haplusin nya ang mukha ko. "Wala parin naman nagbago sa pagtingin ko kay Benj. Nawalan ako ng alaala pero narito parin pala sya sa puso ko." Nabigla ako ng sakalin nya ako kaya napahawak ako sa braso nya para alisin ang kamay nya habang hinahampas ko na rin sya dahil hindi ako makahinga. "Ito ang tatandaan mo. Magpapakasal parin tayo kahit walang pahintulot ni Daddy." Tinulak ko sya, humagilap ako ng hangin at napaubo ako dahil sa kawalan ng hininga sa pagkakasakal nya. "Hindi ako magpapakasal sa'yo. Lalo pa't nakita ko kung anong klaseng ugali ang meron ka!" Tumalim ang tingin nya pero napatigil kami ng bumukas ang pinto ng emergency room. Agad akong lumapit sa doctor na syang tumingin kay Daddy Douglas. "Doc, kamusta po si Daddy?" "Naubusan sya ng hangin dahil sa pagkakasakal sa kanya. At nabali rin ang bandang siko nya dahil sa pagkakabagsak nya. Oobserbahan pa namin sya at kapag hindi pa sya nagising ng dalawang araw ay idedeklara na namin sya na comatose." Parang nanlumo ako sa sinabi ng Doctor. Tinapik nito ang balikat ko at ni Anthony bago ito umalis. Napatingin ako kay Dad na sakay ng stretcher. May mga nakakabit pa sa kanyang mga oxygen at ilang pang aparato. Napaiyak ako at sumunod dahil ilalagay sya sa isang room. Hinaplos ko ang kamay ni Daddy Douglas habang nalulungkot ako sa sinapit nya. Sana ay magising sya agad upang malaman namin kung sino ang may gawa nito sa kanya. "Nyebe, pinapaalala ko sa'yo na hiling ni Daddy noon na magpakasal tayo. At oo nga pala, pinaaga ko ang date ng kasal." Tumingin ako kay Anthony na nakatayo sa paanan ng hospital bed ni Daddy Douglas. Napakuyom ang kamay ko at tinignan ko sya ng masama.. "Hindi sabi ako magpapakasal sa'yo. Kahit ano pang pananakot mo ay hindi mo ako mapapasunod." Ngumisi sya at naglakad patungo sa akin. Bigla naman akong natakot ng maglabas sya ng baril bago nya ihaplos iyon sa baba ko. "Kung sabihin ko sa'yo na kaya kitang patayin oras na hindi ka magpakasal sa akin, ha?" napangiwi ako at napaiyak na sabunutan nya ako habang mariing tinutok sa leeg ko ang baril, "Halika na nga. Mabuti pang ikulong kita bago pa ang kasal para hindi mo ako matakasan." Hinatak nya ako patayo habang hawak sa buhok. Humawak ako sa braso nya at nagpupumiglas ako sa kanya upang hindi nya ako mahila. Kinagat ko ang braso nya kaya napabitaw sya sa buhok ko at sinamantala ko iyon. Tinulak ko sya at agad akong tumakbo upang lumabas, pero hindi pa ako nakakahawak sa pinto ng maabutan nya ako at bigla akong nahilo ng ihampas nya ang ulo ko sa pinto. "Gusto mo pang nasasaktan, e." huling dinig kong sabi nya at nawalan na ako ng ulirat ng pangkuin nya ako. - Benj "Saan ka galing, Kenedy?" tanong ni Dad kay Kenedy habang narito kaming lahat ng brothers ko sa hideouts. "Bumisita lang po sa kamag-anak ko sa batangas, Boss." Napakuyom ako ng kamay dahil sa nalaman ko tungkol kay Kenedy. Kaya pala minsan ay laging syang nawawala. At ang mas kinagalit ko sa hayop na ito ay ang malaman ko na dinodroga ako ng hayop na ito. "Mr. Ford, may nakita kami sa dugo mo na hindi maganda." Nang araw na ilalabas na sana ako ng hospital dahil natapos na ang test sa akin. Ngunit ang akala ko ay maayos na ang lahat pero kinausap kami ng doctor ko na may kailangan akong malaman sa naging resulta. "Anong nakita nyo?" tanong ni Mommy. "Nakakita kami ng mga negative fluids na dumadaloy sa dugo mo." ani nito sa akin, "Base sa test ay positibo ka sa paggamit ng drugs." Napakuno't noo ako at napasinghap sila Mommy na napatingin sa akin. "Anak, nagdadrugs ka?" tanong ni Mommy na mangiyak-ngiyak at agad na lumapit sa akin. "Mom, hindi, paanong nangyari iyon?" "Nakita namin na nasa katawan mo pa ang gamot." Nang sabihin nito na gamot ay biglang nagpanting ang utak ko. "Gamot?" ulit ko. "Oo." "Anak, ano bang kasalanan namin at nagkaganyan ka? Ang bata-bata mo pa pero sinisira mo na ang buhay mo. Hindi naman ganyan ang mga kapatid. Itong Sangko Seige mo, mukha lang nakadroga dahil sa Ate Magnolia mo, pero hindi naman sya gumagamit. Anak, bakit?" Napahagulgol pa si Mommy sa pag-iyak habang niyuyugyog ako. Napahinga ako ng malalim at tumingin kay Dad. "Dad, umiinom nga ako ng gamot, pero ang alam ko ay vitamins sya na korteng candy." "Saan mo naman nabili iyon?" tumigil si Mommy sa pagyugyog sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. "Hindi saan, Daddy, kundi sino. Si Kenedy. May lagi syang pinapakain sa akin na candy na para daw hindi masyadong sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Kaya pala kapag naiinom ko iyon ay parang may kakaibang nangyayari sa katawan ko. Hindi ko nga minsan maalala ang nagagawa ko, basta mapagtatanto ko nalang ang mga kamalian ko." "Dad, hindi kaya ang motibo ni Kenedy kaya sya sumali sa organization nyo ay dahil may nais syang gawin sa pamilya natin?" Napaisip si Dad habang nakahalukipkip. Napakuyom ako ng kamay dahil sa pinakain sa akin ni Kenedy kaya nakagawa ako noon ng kasalanan kay Nyebe. Na sobrang pinagsisisihan ko. "Sino naman ang binisita mo sa batangas? At talagang kung nasaan pa si Nyebe?" tanong ko kay Kenedy ng matapos ako sa pagbabalik tanaw ko. "Taga-batangas ako, Benj." sabi nito. "So related kayo ni Anthony Chavez?" Sabi ni Kuya. Natawa si Kenedy at napailing, "Hindi. Sino ho ba iyon?" Nagtagis ang bagang ni Kuya dahil pinopolosopo sya ni Kenedy. Ayaw pa nyang umamin. "Anthony Chavez na inampon ni Mr. Douglas Chavez. At pagkakataon lang ba ng ampunin si Anthony noong sampong taon ito ay syang pagkamatay naman ng anak ni Mr. Douglas na si Katarina Chavez?" Nawala na ang kaninang cool na itsura ni Kenedy. Nagkatinginan kaming magkakapatid dahil alam namin na apektado na ito. "Hindi ko ho alam ang sinasabi nyo." "May anak kang nagngangalang Jerome Salvacion. At nalaman kong pumasok sya bilang waiter sa restaurant ng ina ni Nyebe Perez." sabi ni Dad. "Anong intensyon ni Jerome Salvacion sa pamilya ni Nyebe Perez kung bakit sya namasukang waiter kung gano'n na isa naman syang Anthony Chavez." sabi ni Kuya. "At si Anthony Chavez din ang dahilan ng pagkasagasa ni Nyebe ng gabing mawala ito." sabi ni Diko Drake. "At paano mo kaya ipapaliwanag ang truck na tumaob sa pamilya ni Nyebe kaya namatay ang mga ito?" sabi naman ni Diko Deo. Napatayo kami ng maglabas ng baril si Kenedy. Agad na pinaatras ako nila Kuya sa likod. Maging si Sangko Seige at Sangko Samuel ay umatras dahil hindi naman sila bihasa sa labanan. "Oo! Ako ang driver ng truck na syang tumaob sa sinasakyang kotse ng mga Perez. At oo, anak ko si Anthony Chavez o mas tamang sabihin ay Jerome Salvacion. Pero hindi nyo na masisira ang plano naming mag-ama.. Oras na makasal ang anak ko sa babaeng gusto nya ay mahahamig namin ang kayamanan ng matandang Chavez na ngayon ay tiyak na patay na. At mapapabagsak ko rin kayo at kukuhanin ang lahat ng kayaman nyo!" May biglang syang ibinagsak sa sahig at nalaman namin na isang tear gas. Agad na napaubo kami at napaupo ng magpaputok ng baril si Kenedy. "Benj, Samuel, Seige, dumito muna kayo. Kami na ang bahala kay Kenedy." sabi ni Diko Deo. Napatakip ako sa bibig ko habang pilit tinitignan ang paligid. Inaya ako nila Sangko palabas din ng hideouts. Nakarinig kami ng putukan ng baril sa pinakamalaking parte ng hideouts. Nang makalabas kami sa sekretong daan ay napabuga ako ng hangin at lumanghap. Ngayong inamin na ni Kenedy ang lahat kaya delikado ang lagay ni Nyebe. Kaya dapat ay makuha ko sya sa hayop na Anthony na iyon. - Nyebe Nakaupo ako sa sahig habang nakasubsob ang mukha ko sa kama habang umiiyak. Kinulong ako ni Anthony sa kwarto. Nalaman ko nalang na lahat ng bintana ay may harang at pati ang veranda. At nilock nya ang pinto sa labas. Paggising ko mula sa pagkakatulog dahil sa ginawa ni Anthony ay hindi ko akalain na ganito ang sasapitin ko. Dumudugo pa ang noo ko dahil sa pagkakahampas nito sa pinto. Napakasama nya. Kinakabahan tuloy ako na baka anong mangyari sa akin sa kamay ni Anthony. At inaalala ko rin si Daddy Douglas. Baka magising sya o 'di kaya ay may magtangka na naman sa buhay nya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako doon. Napakapit ako sa kumot ng makita na may dalang pagkain si Anthony. "Dinalhan kita ng pagkain. Kumain ka para maging maganda ka lalo sa kasal natin." aniya na nakangiti at nilapag sa kama ang tray. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong kumain. Magutom na kung magutom, basta hindi ko kailanman tatanggapin ang lahat ng kanya. "Nyebe, kumain ka dahil kung hindi ay baka tamaan ka sa akin." nagtitimpi ang tono nya tila ba handa na akong balingan ng iniipon nyang inis. Hindi parin ako umimik kaya napangiwi ako ng sabunutan nya ako at hilahin patayo. Napahagulgol ako at napahawak sa pisngi ko ng malakas nya akong sampalin bago bumagsak sa kama. "Kapag kinakausap kita ay sumagot ka! Hawak kita at dapat kang sumunod sa lahat ng sasabihin ko!" Hinila nya ako sa braso at napapikit ako ng mariin nyang hinawakan ang panga ko habang sabunot nya ang buhok ko. "Wala ka nang magagawa dahil bukas na bukas rin ay matutuloy ang kasal. At magiging akin ka na habang buhay." Dumilat ako ng dahan-dahan habang puno ng luha ang mga mata ko. Nakangiti sya habang tuwang-tuwa ang mga mata nya habang nakatingin sa mukha ko na halos may bakas ng bugbog nya. "B-Bakit ka naging ganito, Anthony?" tanong ko lamang sa isip iyon, pero nasabi ko rin sa kanya na kinawala ng ngiti nya. "Naging ganito ako dahil sa ford na 'yon! Hindi mo dapat sya naalala! Ako lang dapat ang mahal mo!" Nanginginig ang kamay ko na inilapat ito sa mukha nya na kinapikit nya. Naging malambot ang expression nya. "Anthony, hindi mo dapat ako sinasaktan kung mahal mo ako. Hindi nya ako inagaw sa'yo." Dahil kailanman ay hindi ako sa'yo. Sya ang tunay na mahal ko at hindi ikaw. Gawa lamang ng kawalan ng alaala kaya kita minahal, ngunit pagmamahal bilang isang kaibigan lang. Nais ko sana sabihin iyon, ngunit naisip ko na nais ko syang bolahin kung ganitong napapaamo ko sya. Dumilat sya at tinignan ako tila ba nagliwanag ang mukha nya. "Talaga? Ibig sabihin ay ako ang mahal mo at hindi sya?" Napalunok ako at tipid na ngumiti bago tumango na kinangiti nya. Binitawan nya ang panga ko at buhok ko. "I'm sorry. Patawarin mo ako dahil sinaktan kita. Hindi na mauulit." panay ang haplos nya sa mukha ko at sa buhok ko. "Hmm." tumango lang ako kahit kating-kati ako na sapakin sya dahil sa kabaliwan nya. "Heto, kumain ka... Magpapakasal na tayo bukas, kaya dapat ay lumakas ka. Pasensya na sa pasa mo. Matatakpan naman siguro iyan ng make-up." Kahit ayokong kainin ang dala nya dahil nangangamba ako na baka meron syang nilagay pero kailangan na kainin ko parin ito para mapaniwala sya. "Hmm.. Anthony." "Ano?" "G-Gusto ko na kumain na mapag-isa. At magpapahinga na rin ako pagkatapos. Ayos lang ba?" Tumango sya agad at ngumiti bago haplusin ang mukha ko. "Sige.. Babalikan kita mamaya. Meron lang din akong aayusin." Tumango ako. Tumingin sya sa akin at ambang hahalikan nya ako ay umiwas ako. "I'm sorry. Masakit ang pisngi ko." palusot ko. "Okay. Hindi kita pipilitin ngayon. Bukas naman ay kasal natin kaya doon ay malaya akong gawin ang lahat sa'yo." hinalikan nya ang pisngi kong may sampal nya at tumayo na sya ng tuwid. Nakatingin lamang ako sa kawalan ng marinig ko ang palayo nyang yapak at pagbukas-sara ng pinto. Napatakip ako ng bibig at napahagulgol. Kinakabahan ako at natatakot dahil hindi ko alam kung paano makakaalis rito at makakahingi ng tulong. Ayokong magpakasal sa kanya. Pero wala akong kakayahan na takasan sya. Dahil ngayon, para na akong bibitayin habang lumuluha na naglalakad sa aisle. Suot ang gown na pinagawa ni Anthony. Walang ibang tao kundi ang mga kinuhang tauhan ni Anthony na nagbabantay. Kita ko sa mukha ng mga kaibigan ni Anthony ang pagkalito sa lahat ng nangyayari. Bukod tangi sila lamang ang narito sa church upang saksihan ang kasal namin. Hindi ako makahingi ng tulong kahit kanino. Kahit kay Benj. Dahil maging ang cellphone ay kinuha sa akin ni Anthony. Umiling ako kela Taylor para sabihin na tulungan nila ako. Na ayokong matuloy ang kasal na ito. "Bilisan mo ang lakad, Nyebe." nagtitimping utos ni Anthony ng makahalata sya na binabagalan ko. Napahigpit ang hawak ko sa bulaklak ng maglapitan ang mga kinuhang tauhan ni Anthony na pinakita sa akin ang hawak nilang baril. Agad na dinala nila ako sa harap ni Anthony. Sinenyasan ni Anthony ang mga ito na umalis kaya napayuko ako habang napapikit na pumapatak ang luha. "Napakaganda mo sa ayos mo, Nyebe. Bagay sa'yo ang napili kong gown." aniya at hinawakan ako sa kamay. Napadilat ako at napatingin ako sa pare. Na alam ko na nagtataka sa nangyayari. "Magandang araw sa inyong dalawa." Bati nito. Tumingin sa akin si Anthony at ngumiti, "Magandang araw rin, Father." "Bakit ka umiiyak, Hija?" tanong sa akin ni Father. Bubuka sana ang bibig ko pero naunahan ako ni Anthony. "Wag ka nang maraming tanong, Father. Umiiyak sya sa kaligayahan. Kaya simulan mo nalang ang trabaho mo at nang makasal na kami." Napatikhim si father at napatango sa takot lalo na't may isang tauhan si Anthony na lumapit sa kanya. Nagsimula na si Father kaya halos hindi ako makahinga sa sobrang takot. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Sana ay merong mag-alis sa akin rito. Sana.. "Akin ng sisimulan ang seremonya ng kasal ng dalawang tao na nasa harap ko.. Bago iyon ay meron bang hindi sumasang-ayon sa pag-iisang dibdib ng dalawa?" "Ako!" Napalingon ako at parang nagliwanag ang mukha ko ng makita si Benj. Naglakad sya sa aisle kaya agad na napatutok ang baril ng mga tauhan ni Anthony sa kanya. Agad na nilagay ako ni Anthony sa likod nya. At nilabas ang dala-dala nyang baril bago itutok kay Benj. "Hayop ka! Anong ginagawa mo rito?! Wag mong guluhin ang kasal namin!" Huminto si Benj ng ilang pulgada sa amin. Ngumisi sya kay Anthony at tumingin sa akin. Halos mangiyak ako sa pakikiusap sa kanya na tulungan ako gamit ang aking mga mata. "Narito ako para bawiin ang dapat na sa akin. At narito ako para pagbayarin ka sa lahat ng kasalanan mo." "Pwes, mamatay ka!" sigaw ni Anthony at pinaputukan si Benj na kinamaang ko. "Benj!" Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko ng biglang bumagsak si Anthony. Napatakip ako ng bibig at napatingin sa taas.. Nakita ko ang daddy ni Benj na syang bumaril kay Anthony mula sa malayo. Halos tumigil ang mundo ko sa gulat. Pero nagbalik lang ako sa sarili ng agad akong yakapin ni Benj. "You're safe now." Napahagulgol ako at nabitawan ko ang bulaklak bago napayakap ng pabalik sa kanya. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib at nawala ang lahat ng sakit ng katawan ko. Tumingin ako kay Benj pero bigla nalang umikot ang paningin ko at napapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD