Kabanata 15 - Back Again

3760 Words
Benj I can't believe na magagawa ng isang tao ang lahat upang pumatay para lang yumaman at makuha nila ang gusto sa buhay. At nalaman namin na hindi dapat kasali sa grupo ni Dad si Kenedy. Hindi sya yung tao na natanggap para maging isa sa tauhan ni Dad. Si Kenedy Flores dapat at hindi ang Kenedy na nagpanggap upang magawa nya ang lahat ng plano nya sa amin. Kaya para hindi na maulit ang pagkakamali, hindi na muna kumuha si Dad ng tauhan at kukuha lang sya ng tauhan kung mismo sya ang magsisiyasat. At si Anthony, sa japan palang ay malaki na ang pagkagusto nya kay Nyebe. Sa Japan sila galing ni Kenedy at doon palang sa Japan ay isa ng wanted si Kenedy dahil sa pananamantala sa mga taong naloko nila at kinuhaan nila ng salapi. Pero hindi sila nagtagumpay dahil nahuli rin si Kenedy ng pulis ng japan, pero tumakas rin ito at dito nga sila nagtago. "Baka nabigla si Nyebe sa pagbaril mo kay Anthony, Mister." sabi ni Mommy. Narito ang parents ko na kasama ko sa pagsugod kay Nyebe sa hospital. Habang ang mga kapatid ko ay umuwi muna sa kanilang pamilya, lalo na't napagod din sila sa pag alam sa katauhan ni Kenedy at Anthony. At kung paano namin maipaplano na mahuli si Kenedy at Anthony. Nahuli si Kenedy at Anthony na ngayo'y hawak ng pulisya ng santa iñez. Sa pamamagitan ni Kuya Dominic. Napatingin ako kay Doc na lumabas na ng kwarto ni Nyebe kung saan sya nilagay. Napatayo ako at agad na napalapit rito. "Kamusta po sya, Doc?" "Dahil sa stress, pagod, at pagkabigla kaya bumigay ang katawan ng pasyente. Payo ko lang na dapat ay double pahinga ang pasyente. Ngayon ay maayos na sya at bumalik na ang kaninang mababang dugo nya." Napatango ako at nakahinga ng maluwag na ayos na si Nyebe. Nagpaalam na ang doctor kaya pumasok na kami ng kwartong nakalaan kay Nyebe. Agad na lumapit ako sa kanya na payapang natutulog. Naupo ako sa gilid nya at kinuha ang isang kamay. Kita ko ang pasa sa mukha nya ng maalis ang make-up. At alam ko na si Anthony ang may gawa nito. "Kawawa naman ang batang ito. Nawalan na nga ng pamilya tapos nalalagay pa sa alanganin ang buhay." sabi ni Mommy. "Kaya nga po ay gusto ko sana na sa atin na sya tumira, Mom. Aalagaan ko sya." "Pwede naman sya anak sa atin. Pero nasa kanya rin ang desisyon kung anong gusto nya. Buhay pa si Mr. Chavez na nag-aalalaga rito kaya wala tayong karapatan na agad magdesisyon sa buhay nya." Tumingin ako kay Mom, "Pero gusto ko po na kasama ko na sya. Pwede na kaming magpakasal dahil nasa tamang edad na po kami." Lumapit sa akin si Mom at agad akong napangiwi ng pingutin nya ako. "Aba! Marunong ka nang magdesisyon ngayon. Hindi pa pwede. Nag-aaral ka pa at baka may nais pa sa buhay si Nyebe, kaya tumigil ka, Benj." Napahawak ako sa tenga ko habang nakatingin kay Mommy na humalukipkip at inilingan ako. "But Mom, I want her everyday.. I mean to be with her forever." Pinagtaasan ako ng kilay ni Mom kaya napakamot sa ulo ko. "So iiwan mo rin kami agad ng daddy mo?" Tumingin ako kay Dad dahil nagiging emosyonal na naman si Mom. Lagi nyang sinasabi na wag daw muna ako susunod sa mga kapatid ko na nag-asawa na at iniwan sila. "Misis, hayaan mo na ang anak mo sa gusto nya. Ayaw mo no'n, solo mo ako." Natawa na napadaing si Dad ng sikuhin sya ni Mom. Napangiti ako at napailing. "Tumigil ka nga. Kita mong eighteen years old palang ang mga batang iyan." Napahinga ako ng malalim, "Mom, I promise to finish my studies. At kapag gusto rin na mag-aral ni Nyebe sa WCU ay sabay kami. Promise, hindi muna gagawin ang iniisip nyo." Tinignan ako ni Mom, "Are you sure?" tumango ako, "Hindi muna kayo magbebaby?" Napaisip ako at ambang hahampasin ako ni Mommy kaya natawa ako. "Opo, Mommy." Napailing sya kaya napangiti ako at tumingin kay Nyebe. Tila napasubo ako. Aist. Kesa naman hindi sumang-ayon si Mommy sa nais ko na magsama na kami ni Nyebe. - Nyebe Nagising ako na nasa hospital na ako at bumungad sa akin si Benj kasama ang parents nya. Nang maalala ko ang nangyari ay sobra akong nagpapasalamat sa kanila dahil nailigtas nila ako sa kamay ni Anthony. "Nakulong si Anthony kasama ang tunay nyang ama. Kaya wag ka nang mangamba, safe ka na." sabi ni Benj ng tanungin ko kung anong nangyari kela Anthony. Si Anthony ang nabaril at hindi si Benj, dahil bago pa mabaril ni Anthony si Benj ay naunahan sya ng daddy ni Benj sa pagbaril. "Sino ang tunay nyang ama?" tanong ko. "Isa sa tauhan namin dati." napahinga sya ng malalim at hinawakan ang kamay ko, "Wag mo ng alalahanin iyon. Inaayos na nga pala nila Dad ang bills at pwede ka nang lumabas ng hospital. Sa amin ka na titira." "Pero Benj, kailangan ako ni Daddy Douglas ngayon. At nandito din sya." "Alam ko, pero hindi na ako papayag na umalis ka sa tabi ko." Tinignan ko sya dahil sa sinabi nya. Napaiwas ako ng tingin. "Hmm, pwede bang pag-isipan ko muna at gusto ko rin na alagaan si Daddy Douglas oras na ma-discharge sya sa hospital." Napakamot sya ng ulo at napahinga ng malalim. Halata na hindi sya sang-ayon. "Okay." Ngumiti ako dahil parang napakakalmado nya ngayon. At parang nasa sarili sya hindi tulad nung sa yate. Na-discharge ako at agad na pinuntahan ko si Daddy Douglas. Pero naguluhan ako ng pagpasok ko ay nandoon ang doctor at mga apat na nurse. Lalo akong naguluhan ng alisin nila ang lahat ng aparato sa katawan ni Daddy Douglas. "Anong ginagawa nyo? Bakit nyo inaalisan ng aparato si Daddy? Hindi sya makakahinga." "I'm sorry, Mam, but he's not survive. Ginawa na namin ang lahat pero tuluyan ng huminto ang heart beat nya." Napaiyak ako at hindi makapaniwala. Agad na niyakap ako ni Benj na nakaalalay sa akin. Para akong mahihimatay muli at pakiramdam ko ay napakamalas ko naman kung bakit kinuha na naman sa akin ang isa sa importanteng tao sa akin. Bumitaw ako kay Benj at niyakap si Daddy Douglas. Hindi ko alam ang gagawin dahil sobra akong na-speechless sa kaalaman na wala na rin sya. "Nyebe.." ani ni Benj habang pinapakalma ako. Napaalis ako sa yakap ni Daddy at napayakap ako kay Benj ng takpan na ng kumot si Daddy Douglas. "Bakit ganito? Bakit lahat sa akin ay nawala?" tanong ko. "Shhh, wag kang mag-alala, nandito pa ako, hindi kita pababayaan." Napailing ako at napakapit sa damit nya habang umiiyak. Gusto kong tanungin si Daddy Douglas kung bakit nya ako iniwan agad. Hindi man lang nya ako hinintay. Ngayon ay wala na talaga akong magulang. Lahat ay kinuha na sa akin. Napapikit ako at sa pagdilat ko ay ang kulay kahel ang nakikita ko. Matapos ang ilang araw na labi ni Daddy Douglas ay nailibing na rin sya sa tabi ng libingan ni Katarina at nang asawa nyang naunang namatay. Siguro ay masaya na rin si Daddy Douglas dahil kasama na nya ang tunay nyang anak at asawa sa langit. Wala na akong magagawa dahil siguro ay kapalaran ko ito. Masakit na mag-isa nalang ako sa buhay, pero patuloy parin ang buhay, dapat na tanggapin. "Nyebe, talagang idodonate mo ang bigay ni Sir Douglas?" Tinapik ko ang balikat ni Manong at tumingin ako sa mga kasambahay. "Ibinenta ko po itong bahay dahil wala naman po akong naipundar rito. At tingin ko po ay hindi sa akin nararapat ito." "Pero sa'yo pinamana lahat ng ari-arian at negosyo ni Sir Douglas?" sabi ni Manang. Napabuntong-hininga ako at ngumiti sa kanila. "Kahit na po.. Kung ibebenta ko po ito at magkakanya-kanya na po tayo, hindi naman po ako papayag na mawalan kayo. Paghahatian nyo po ang naging benta sa bahay at mag negosyo po kayo kung anong gusto nyo pong gawin sa pera." Napasinghap sila at napangiti habang hindi makapaniwala na tumingin sa akin. "Hija, hindi ba masyadong malaki kung lahat ng pagbibilan ng mansyon at lupang ito ay mapupunta lang sa amin? Paano ka?" Ngumiti parin ako at tinignan ang bahay. Inaamin ko na parang ayokong ibenta dahil marami na rin akong memorya sa bahay ni Daddy Douglas. At nalulungkot ako na iwanan ito, pero mas lalo siguro ako malulungkot kung dito pa ako titira. Tsaka may bahay sila Mama sa Bf island kaya doon na lamang ako at naisip ko na muling buksan ang restaurant ni Mama. Gusto ko na makabawi kela Mama, at sa pamamagitan ng pag-aalaga sa naiwan nila ay gagawin ko ang lahat upang muling mabuhay iyon.. Tumingin ako sa kabuuan ng mansyon ni Daddy Douglas. Sobrang laki at sana sa titira rito ay alagaan nila ang bahay at hiling ko na sana ay walang baguhin. Pero sino ba naman ako para pakialam ang desisyon nila? Hindi na sa akin ang bahay, kaya wala na akong karapatan. Sumakay ako ng kotse at napabuntong-hininga ako. "Let's go?" Tumingin ako kay Benj na syang kasama ko rito. Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana. Napaiyak ako na tinignan ang bahay hanggang sa umandar na ang sasakyan. Paalam, Daddy Douglas. "Nyebe, inenroll na kita sa WCU. Anong gusto mong course na kunin?" Tumingin ako kay Benj mula sa pagtulala sa bintana. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa kamay ko. "Hindi na muna siguro ako mag-aaral, Benj. Mas gusto kong buhayin muli ang dating negosyo ni Mama at maging ang bahay. Kaya tsaka ko nalang siguro ipagpapatuloy ang pag-aaral." "Pero mas magandang mag-aral ka muna para mas madali mong mapatakbo ang negosyo ng Mama mo dati. At least magkakaalam ka sa mga pagpapatakbo ng negosyo. Hindi mo kailangan na magmadali na buhayin ang lahat ng napag-iwanan na ng panahon, meron pang mga bukas para doon. Kaya mag-aral ka para sabay tayo. Pwede kang mag-accelerate para college ka na." Hindi ko natapos noon ang highschool ko kaya napag-iwanan na ako nila Benj. Pero dahil nga meron ngayong advance study para makamove ako into college kaya makakahabol pa ako. Pero iniisip ko kasi na makikita ko ang dating mga kaklase ko ay parang may hiya na akong humarap. Baka hindi na rin nila ako naalalala. Napatingin ako kay Benj na hinawakan ang kamay ko. Saglit na sumulyap sya sa akin at ngumiti. "Wag kang mag-alala. Sabay nating aabutin lahat ng ninais natin sa sarili. Lagi din kitang susuportahan at hindi iiwanan." Gusto kong tanungin sa kanya kung ano ang nangyari sa kanila ni Ms. Daniella. Pero naisip ko na parang hindi na magandang pag-usapan namin ngayon iyon dahil baka mag-iba ang sitwasyon sa amin. Tumango ako kay Benj kaya lalo syang napangiti at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. - Pagdating sa bf island ay huminto muna kami sa bahay ng parents nya. Inakay ako ni Benj at patungo kami sa likod. "Bakit dito tayo papunta?" tanong ko. Huminto sya at tumingin sa akin bago ngumiti. "I want you to meet Honey." aniya na kinakuno't ng noo ko, "Honey! Come here!" tawag nya kung sino man. Pero napamaang ako ng makita ang isang maganda at mabalbon na aso na tumakbo palapit sa amin. At ang nakakatuwa dahil may kasunod itong malilit na tuta na patakbo ring lumapit sa amin. Medyo umupo si Benj at agad na niyakap ang aso. Napatingin ako sa mga tuta na nasa paanan ko naman. "Naalala mo ang dating tutang inampon natin?" Napangiti ako at tumango bago naupo rin upang hawakan ang walong tuta. Tila maganda ang naging tatay nila dahil ang ganda ng breed nila. "Grabe hindi ako makapaniwala na ang laki na nya. May walong anak pa." "Pinalahian ko sya sa aso ni Diko Diesel." Tumingin ako kay Benj na haplos ang ulo ng aso. Tila gustong-gusto talaga sya ng asong napulot namin noon. "Bakit nga ba 'Honey' ang pinangalan mo sa kanya?" Tumingin sya sa akin at napangiti sya na tumingin muli kay Honey. "Iyon sana ang gusto kong itawag sa'yo dati. Honey." Para namang nag-init ang pisngi ko at tumingin ako sa mga tuta. "Eh, anong pangalan ng mga tuta? Aalagaan mo ba silang lahat?" "Hindi, dahil ang pito ay hinihingi ng mga kapatid ko kaya isa nalang ang matitira sa akin." Tumingin ako sa kanya, "Edi akin nalang ang isa. Para may aso sa bahay." "Okay." natawa sya kaya napangiti ako na tumingin sa mga tuta. Napatingin ako sa puting aso na malusog at kanina pa dila ng dila sa akin. Kinuha ko ito. "Ito ang akin. Si Snow. Parang ako." Natawa si Benj kaya napangiti ako lalo bago tumayo na. Binitbit ko ito at tumawag ng kasambahay si Benj at pinabalik rito sila Honey sa bahay nito. Wala ang parents ni Benj sa bahay nila dahil nagpunta daw ito sa Sangko Samuel nya. Sa bahay ko kami nagpunta. Si Benj ang nagbaba ng maleta ko at ilang gamit para ipasok sa loob. Binaba ko mula sa labas si Snow para makapaglaro sya sa garden. Pumasok ako sa loob at tinignan ang bahay. Sobrang tahimik at medyo madilim. Pero ngayon ay susubukan ko itong buhayin. Nagtungo ako sa taas para tignan kung narito pa ba ang mga dati kong damit. At walang pinagbago. Narito parin ang mga damit ko. Nagpalit ako sa mas komportableng damit at himala dahil sakto pa sa akin ang mga dati kong damit. Nang makapagpalit ay bumaba ako at nakita ko si Benj na naipasok na ang lahat ng gamit ko. "Need help?" aniya. "Hmm, kung hindi ka busy." Natawa sya, "Of course. For you all my time is available." Natawa ako. Talagang kakaiba na talaga ngayon si Benj. Lumapit ako sa mga sofa at inalis ang takip nitong puting tela. "Benj, paakyat nalang pala muna ako ng gamit ko sa room ko." "Alright." Nang maalis ko ang mga takip sa gamit ay pumamewang ako. Ang laki rin ng lilinis ko kaya tiyak na mapapagod ako. Pero carry lang, wala namang mas sasaya na makauwi ako muli sa dating bahay ko. Nagwalis ako ng bahay at wala namang agiw kaya naglampaso na ako ng sahig. Maging ang mga kurtina ay pinalitan ko at mga unan ng sofa. Nagpunas rin ako ng bintana at lamesa sa sala. Maging ang mga display. Nang tinignan ko ang paligid ng sala ay napangiti ako dahil malinis na at maaliwalas. Kaya sa kusina naman ako dumeretso at malinis pa naman. Sabagay, kakalinis lang din nung nakaraan ng Ale na namamahala sa bahay ni Lola nung wala pa ako. Kaya naisipan kong umakyat sa taas at nagtataka din ako kung bakit hindi na bumaba si Benj. Pagpasok ko sa room ko ay nakita ko sya na nakaluhod sa maleta ko tila may tinitignan. "Benj, anong nangyari sa'yo at hindi ka na bumaba? Natapos ko ng linisin ang sala." Nagulat pa ata sya at biglang nag-init ang buong mukha ko ng makita ang hawak nya. "Benj!" suway ko at agad na lumapit sa kanya. Inagaw ko sa kanya ang hawak nyang panty ko at sinilid sa maleta bago isara iyon. Tumingin ako sa kanya na tumayo at naupo sa kama ko. "Nais ko lang na ilagay sana sa closet mo ang mga damit mo, hindi ko naman akalain na iyan ang bubungad." Tumayo ako at tinabi sa gilid ang maleta ko at namumula parin ang mukha ko sa hiya. "Sabi ko ay ako na ang bahala rito. Bumaba ka na nga at may gagawin lang ako rito bago kita ipaghanda ng meryenda." sabi ko habang hindi parin makatingin sa kanya. Natawa sya, "Okay. May kukunin lang ako sa bahay." Tumingin ako sa kanya at nakita ko nalang ang likod nya. Napabuga ako ng hangin ng makalabas na sya. Inaamin ko na naiilang ako sa kanya dahil naaalala ko pa ang nangyari sa amin nung nakaraan. Kumuha ako muli ng damit at nilapag sa kama. Kumuha ako ng towel at tumungo sa banyo. Sinabi sa akin ni Benj na binayaran ng parents nya ang bill ng kuryente ng bahay namin para hindi mabatak ng meralco. At kahit maliit lang iyon ay nais ko parin na bayaran. Naligo ako para maalis ang alikabok sa katawan ko. Nang matapos ako ay kinuha ko ang tuwalya at tinapis sa katawan ko. Lumabas ako ng banyo at lumapit sa mga damit ko. Pero nabigla ako ng bumukas ang pinto. Nagulat rin si Benj na napatingin sa akin kaya agad na kinuha ko ang mga damit kong pamalit at mabilis na bumalik ako sa banyo. Napasandal ako sa pinto at napalunok. Napapaypay ako sa sarili dahil kinabahan ako doon. Agad na akong nabihis kahit na mas nadagdagan ang ilang ko dahil sa naalala kong pagnanasa sa mga mata ni Benj. Paglabas ko ay nagpupunas ako ng buhok na napatingin kay Benj. Nakaupo sya sa kama at napatingin sa akin. "Doon ka na muna sa baba at mag-aayos lang ako bago bumaba. Ipagluluto kita ng meryenda." sabi ko at lumapit sa tukador ko. Kinuha ko ang blower para agad na matiyo ang buhok ko. Pero napatigil ako ng maramdaman ko sa likod ko si Benj at kinuha sa akin ang blower. "Nyebe.." bulong nya at napaidtad ako ng humawak sya sa bewang ko. "A-Ah, Benj.." humawak ako sa kamay nya at umalis ako sa harap nya, "Lumabas ka muna please.." Napaatras ako ng lumakad sya palapit sa akin. Napaidtad muli ako ng wala na akong maatrasan at sa pader ako napasandal. Ngumisi sya ng makita ang kaba sa mukha ko at ilang sa kanya. "Bakit kinakabahan ka?" tanong nya at muling humawak sa bewang ko. "Benj, alalahanin mo ang sinabi ng Mommy mo." Humawak ako sa dibdib nya at medyo tinulak sya. Hindi sya nagpatinag at napasinghap ako ng hapitin nya ako palapit sa katawan nya. Nagkatinginan kami at tumingin sya sa akin na para bang nakikita ko ang Benj na wala sa sarili. Akala ko ay nagbago na sya, pero bakit nakikita ko muli ang Benj na mapangahas. "Pwede naman nating gawin na may proteksyon." aniya. "B-Benj.." Ngumisi sya at mas niyakap ng isang braso nya ang bewang ko habang ang isang kamay nya ay naramdaman ko na umakyat sa batok ko. Napapikit ako ng halikan nya ako. Ang lakas ng t***k ng puso ko at hindi ko mapigilan na mapatugon sa mainit nyang halik. Napayakap ako sa leeg nya at mas naging agresibo si Benj ng maramdaman ang pagtugon ko. Naramdaman ko ang malambot na kama ng bumagsak kami doon habang hindi bumibitaw sa halik. Para akong napapaso at hindi gumagana ang isip ko. Nakakapanghina ang halik ni Benj at wala akong magawa kundi ang bumigay. Napadilat ako ng pareho na kaming walang saplot. Nakatingin sya sa akin habang may sinusuot sya sa pagkalalake nya. Nang maisuot ay pinayakap nya ang legs ko sa bewang nya at lumapit muli ang mukha nya sa akin at siniil muli ako ng halik. Napayakap ako sa leeg nya at napaidtad ng maramdaman ko ang pagpasok nya. Pareho kaming napaungol at nagkatinginan ng tuluyan syang sumagad. "Damn, you're so tight." aniya at nagsimulang gumalaw. Ngumiti sya at muli akong hinalikan kaya napapikit ako at tumugon sa kanya. Iba talaga ang pakiramdam kapag si Benj ang humahalik sa akin. Hindi katulad ng kay Anthony na may takot at pagdisgusto akong nararamdaman sa dibdib ko. Kay Benj ay inaamin ko nung una na magtalik kami ay ayoko lalo pa't sobrang sakit ng pagkuha nya sa akin. Pero ngayon ay para akong nagdedeliryo sa sarap ng hatid ng ginagawa nya sa akin. Mas lalong uminit, tumindi, at mas bumilis pa ang galaw nya nang pareho na kaming nalalapit sa sukdulan. "I'm coming, s**t!" anunsyo nya habang sobrang higpit ng yakap namin sa isa't-isa. Hindi na ako makasagot at napayakap ang mga binti ko sa pang-upo nya bago ako biglang nanginig. Isang mariing bayo nya ay bigla na rin syang nanginig. Hingal na hingal kami pareho at umalis sya ng yakap upang alisin ang nakabalot sa panlalake nya. Tumagilid ako ng higa at pumikit dahil napagod ako ng husto. Naramdaman ko ang paghiga nya sa tabi ko at niyakap ako mula sa likod. "Mas masarap pa rin na walang balot." siniko ko sya kaya napahalakhak sya at mas niyakap ako bago ko naramdaman ang pagsubsob ng mukha nya sa leeg ko. "Tumigil ka nga. Ngayon alam ko na ang purpose nya'n ay hindi mo ako pwedeng angkinin hangga't hindi mo suot iyan." Dumaing sya ng reklamo at natawa ako ng kagatin nya ang leeg ko. "Ah, ganun, ha?" Kiniliti nya ako kaya agad akong napaupo at tinulak sya. Natawa sya at hiniga ako bago muling kilitiin. "Tama na! Ayoko na!" sigaw ko habang natatawa. Kinuha ko ang unan at hinampas sa kanya. Agad syang umiwas kaya natawa ako at hinampas pa sya. "You woman!" aniya ng mahulog sya sa kama kaya napahalakhak ako habang nakatingin sa kanya. Ngumiti sya at napailing kaya nilahad ko ang kamay ko sa kanya na kinuha naman nya agad. Napayakap ako sa leeg nya at nagkatinginan kami. "I'm so happy to be with you, Nyebe " aniya kaya napangiti ako habang nakaupo ako sa kandungan nya paharap sa kanya. "Yeah. Ako man." Napangiti sya at hinaplos ang bewang ko at agad akong sinunggaban muli ng halik. Natawa ako at napatugon sa kanya. Napabitaw lang kami ng may magdoorbell sa bahay. "May tao." ani ko. "Baka nangtitrip lang iyon." aniya at hinalikan muli ako kaya hinawakan ko sya sa mukha at nilayo ang mukha nya sa akin. "Titignan ko." Nabitin ang itsura nya kaya pinisil ko ang ilong nya at umalis ako sa kandungan nya. Agad na bumaba ako ng kama at sinuot ang mga damit ko. Inayos ko pa muna ang sarili ko dahil baka nakakahiya sa tao na nasa labas at baka kung ano pa ang isipin no'n. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Doorbell parin ng doorbell kaya binilisan ko ang lakad at lumabas ng bahay. "Nandyan na!" sigaw ko para tumigil na ito sa pagdodoorbell. Nang makalapit ako sa maliit na gate ay binuksan ko ito at lumabas ako. "Sino po sila?" tanong ko dahil nakatalikod ito. Pansin ko na nakamaong jacket sya at may dalang bag. Isang lalake. Nang lumingon ito at tuluyang humarap sa akin ay natigilan ako at hindi makapaniwala na nakatingin sa lalakeng nasa harap ko. "Babe, sino 'yan?" tanong ni Benj na nakasunod na pala agad sa akin. Napapikit-pikit ang mata ko at hindi makapaniwala na nakatingin sa lalakeng nasa harap ko. "P-Papa.." sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD