Kabanata 16 - Robbed

3587 Words
Nyebe Umalis muna si Benj at umuwi sa kanila para iwanan kami ng Papa ko. Hindi ako makapaniwala na sa tagal ng panahon ay ngayon lamang susulpot si Papa. Ang Papa ko na iniwan kami para bumalik sa una nyang pamilya. Napapaisip ako kung bakit sya bumalik. Sobrang tahimik habang nakaupo ako sa mahabang sofa habang si Papa ay nasa kabila. Nakatingin ako sa kawalan habang pinipigil ko ang emosyon ko. "Anak.." Napapikit ako at sa pagpikit ko ay hindi ko mapigilan na mapaluha ng marinig ko muli galing sa isang tunay na ama ang tawagin kang anak. "Bakit kayo nagpunta rito? Alam nyo po ba na wala na si Mama, pati sila Lolo at Lola." "Alam ko, Anak. Kaya ako narito ay para makabawi sa'yo. Patawarin mo ako, Anak. Kung iniwan kita." Dumilat ako at tumingin sa kanya, "Pa, for almost eight years, natutunan at natanggap ko na wala na akong aasahan na tunay na ama. Kahit mag-isa, napalaki parin ako ni Mama ng maayos. Hindi nya ako pinabayaan kahit nasa kabilang buhay na sya. Ako parin ang inaalala nya kahit kapalit ng buhay nya. Inayos na nya ang mga kailangan ko sa future kaya hindi ko na kayo kailangan." Lumamlam ang mata ni Papa at napayuko. Nangayayat sya at tumanda ang itsura. Hindi katulad dati na maayos ang pangangatawan at gwapo. At pansin ko rin na may dala syang bag. "Anak, patawarin mo ako. Nagsisisi ako na iniwan ko kayo. Nagawa ko lang naman iyon para hindi kayo ang pagbuntungan ng mga pinagkakautangan ko." Napapahid ako ng luha at naguluhan akong nakatingin sa kanya. "Anong ibig nyong sabihin?" Napahinga sya ng malalim at napahilamos ng mukha. Nabigla ako ng lumuhod sya sa akin. "Anak, pasensya na kung dahil sa akin kaya namatay ang Mama mo." Napalunok ako at nanginig, "Anong ibig nyong sabihin?" "D-Dahil sa akin kaya ninanais ka ng mag-ama. Nila Kenedy." Napamaang ako at napatayo, "Ano! Anong ginawa nyo, Papa?!" Tumingala sya sa akin habang nagsusumamo ang mukha. "Anak, pasensya na. Hindi ko nais na ipagpalit ka para makabayad ako sa kanila. Binubugbog ako ng grupo ni Kenedy para maglabas ng pera, pero wala akong perang maibigay sa kanila. Nang makita ng anak ni Kenedy ang larawan mo sa dati nating bahay ay napag-interesan ka nya. K-Kaya.." Bumigat ang hininga ko at napakuyom ako ng kamay sa nalaman ko. "Kaya binenta nyo ako?! Wala kayong kasing sama! Dahil sa inyo kaya nawalay ako kela Mama! Dahil sa inyo kaya namatay si Mama! Hindi ko kayang patawarin ka, Papa! Napakasama nyo!" Napaluhod ako sa sobrang panlalata at sakit sa dibdib ng malaman na ang mismong Papa ko pa ang naglagay sa buhay namin sa panganib. Napakasakit at halos gusto ko syang isumpa. Ambang hahawakan nya ako ay hinawi ko ang kamay nya at tumayo ako. Humikbi-hikbi ako at tinalikuran sya. "Umalis na kayo, Papa. Bumalik nalang kayo sa Japan at yung pamilya nyo nalang sa una ang mas pagtuunan nyo." Naglakad ako habang hindi matigil sa pagpatak ang luha ko. Jusko. Wala na bang katapusan itong sakit. Tila mula teen ager at hanggang sa pag tanda ko ay dala-dala ko ang ganitong damdamin. "Anak, wala na akong mauuwian. Pakiusap, hindi na ako gagawa ng ano mang makakasakit sa'yo. Tanggapin mo muli ako." Napatigil ako at napapikit ako pero dumeretso ulit ako ng lakad. Umakyat ako sa kwarto ko at padapa akong nahiga habang umiiyak. Gusto kong manlumo sa ginawa ni Papa. Babalik lang sya dahil wala na syang uuwian. Hindi ba nya ako mahal, kami ni Mama, hindi ba nya mahal para gawin nya sa amin iyon? Kahit konting concern lang bilang pangalawa naman kaming pamilya nya. Nanatili lamang akong nakahiga habang hinihintay kong makaalis na si Papa. - Benj Naisipan ko na puntahan na si Nyebe upang tignan. Pero napatago ako ng makita ang ama nya na lumabas ng gate. Nanlulumo ito habang bitbit ang bag at tila paalis. "Sir." lumabas ako ng ambang aalis na sya. Napatingin sya sa akin kaya lumakad ako palapit at huminto. "Ikaw ang kasama kanina ng anak ko sa bahay?" Tumango ako, "Ako nga po. Boyfriend nya." Napahinga sya ng malalim at tumingin sa bahay. "Ikaw na ang bahala sa anak ko. Gusto ko man na makabawi ngunit ayaw na akong makita ng anak ko." Ambang aalis sya ay naisipan kong makialam sa away nila. "Gusto nyong makabawi pero aalis kayo? Bakit hindi kayo gumawa ng paraan para talagang makabawi kayo kay Nyebe?" Napatingin ito sa akin, "Paano ko gagawin kung ayaw na nga akong makita ng anak ko?" Napahawak ako sa baba ko at nag-isip. Hindi sya pwede sa bahay dahil tiyak na pagseselosan lang sya ni Dad. Ayaw pa no'n ng kaedad nila. "Sa hotel namin kayo tumuloy para malapit lang din kayo sa anak nyo." "Huh? Kayo ang may-ari ng hotel?" Tumango nalang ako. Napaisip ito at tumingin muli sa bahay nila Nyebe. "Sige." pagpayag nito. "Pero dapat ay gumawa kayo ng paraan para sumaya si Nyebe. Kayo nalang ang pamilya nya kaya sana ay wag nyo na syang lokohin." sabi ko. "Pangako." - Nyebe Nakasilip ako sa bintana dahil biglang umulan. Tumingin ako sa labas upang tignan si Papa pero wala doon kaya agad akong lumabas ng kwarto. Wala na rin sala si Papa kaya lumabas ako. Tumingin ako sa paligid, pero ni anino ni Papa ay wala. Napabuntong-hininga ako. Kahit maraming kasalanan sa akin si Papa ay hindi ko parin talaga mapigilan na mag-alala. Nagising ako na sabi ko sa sarili ko ay susubukan ko syang patawarin. Dahil kahit pagbalik-baliktarin pa ang sitwasyon ay Papa ko parin sya, ama ko. "Sinong hinahanap mo?" Napatingin ako kay Benj na lumabas ng bahay nila. May dala rin syang payong. Napahinga ako ng malalim at napailing. "Wala." Lumapit sya sa akin at sumilong sa payong ko habang sinara nya ang dalang payong. Inakbayan nya ako para pumasok na muli sa bahay. "Nakita ko ang Papa mo kanina." napatingin ako sa kanya habang patungo kami sa sofa. "Umalis na si Papa?" "Baka." Napayuko ako ng maupo kami sa sofa. Napahawak ako sa suot kong short at hindi mapigilan na malungkot. Iniwan nya muli ako. "Bakit nalungkot ka? Ayaw mo no'n, wala ng makakasakit sa'yo." "Pero kahit na pinagtabuyan ko sya ay dapat na ginawa nya ang lahat para patawarin ko sya. Pero tila hindi mahalaga kay Papa ang damdamin ko dahil umalis sya na hindi man lang lubusan na gawin ang lahat para naman mapatawad ko sya." Napasandal ako sa balikat nya ng akbayan nya akong muli at haplusin ang buhok ko. Napapikit ako at napaluha dahil nakokonsensya rin ako na pinaalis ko si Papa. Nadala lang ako sa damdamin ko, pero ngayon ay gusto ko ng bawiin. "Talaga bang gusto mo syang bumalik at patatawarin kahit ano pang kasalanang ginawa nya?" Tumango ako, "Oo." "Kung gano'n ay wag ka nang malungkot. Dahil hindi naman sya umalis." Napaayos ako ng upo at tinignan ko sya habang naguguluhan ako sa sinabi nya. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti sya at tinignan ako ng mabuti, "Nasa hotel muna namin sya. Gusto mo bang pauwiin ko na rito." Natigilan ako. Hinawakan nya ako sa mukha at pinatingin sa kanya. "Nyebe, gusto kong mapasaya ka. Kaya kung talagang nais mong magkaayos kayo at magsama ng Papa mo ay dapat na bigyan mo rin sya ng chance. Malay mo ay totoo ang sinabi nya na babawi sya sa'yo." Napahinga ako ng malalim at tumango kaya napangiti sya at dinampian ako ng isang halik sa labi. "Tara. Sunduin natin sya." "Sige." Tumayo na kami at sinabi ko na magpapalit lang ako ng damit. Isang dress para naman komportable ako. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na kami gamit ang sasakyan nila Benj. Sya mismo ang nag-drive. Tumila na rin ang ulan. Sandali lang din at agad kaming nakarating sa kanilang hotel. Malaman na pag-aari nila Benj ang isla ay sigurado akong nakakalula ang kanilang yaman. Lahat ata ng klaseng negosyo ay meron sila. Sa hotel pa lamang ay sobra-sobra na ang perang bumabagsak sa kanila. Tinahak namin ang lobby ng hotel at agad na inassist ng manager ng hotel si Benj. Dinala kami kung saan nakaroom si Papa. Kinakabahan man at parang uurong ako kapag nakita ko muli si Papa, pero alam ko sa sarili ko na nais kong sumaya kahit man lang may makapiling akong isang magulang. Nag-doorbell si Benj at hinintay namin na pagbuksan kami. Nang bumukas ang pinto ay bumungad si Papa na halatang kakagising lang. Nagulat ito ng makita ako kaya napapisil ako ng kamay habang nakatingin sa kanya at pinipigilan ko ang sarili na maiyak. "A-Anak.." Napalunok ako, "U-Umuwi na kayo sa bahay." Nagulat sya at nangilid ang luha. Lumapit sya sa akin at tinitignan ako kung maari ba nya akong yakapin. Ako na ang mismong yumakap sa kanya at napaiyak ako dahil sobra-sobra kong namiss si Papa na mayakap. "Anak, salamat. Patawarin mo ako sa mga kasalanan ko. Gusto kong makabawi sa'yo at sana ay hayaan mo ako." Tumango ako, "Opo, Papa. Pinapatawad ko na po kayo. Pero sana po ay wag nyo na po ulit-ulitin ang pagkakamali nyo po. Wag nyo na po akong iiwan." Hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko na syang namiss ko rin. "Hindi na, Anak. Hindi na." Tumingin ako kay Benj at ngumiti sya na kinangiti ko. Hindi ko akalain na gagawa sya ng paraan para makatulong kahit papaano. Kung hindi nya pinatuloy muna si Papa sa hotel ay baka nakaalis na si Papa na tiyak pagsisisihan ko din sa bandang huli. Bumalik kami sa bahay at masayang tinour ko sa Papa sa bahay. At tinuro ko ang room ni Mama. Doon nya nais na matulog para naman daw ay maalala nya kahit sa pagtulog si Mama. "Anak, saan ka ba nag-aaral? Magkasama ba kayo sa school nitong si Benj?" tanong ni Papa habang nakaupo sa upuan at nakaharap sa hapagkain. Narito rin si Benj at nagluluto ako ng kakainin namin ngayon. "Na-enroll na po sa west cassex university si Nyebe kaya magkakasama na ho kami. Nahinto sya sa pag-aaral dahil na rin sa nangyari sa kanya." ani ni Benj. "Anak, anong nangyari at nahinto ka?" Napahinga ako ng malalim habang nakatalikod sa kanila at nakaharap sa kinukuha kong ulam sa kaldero. Humarap ako sa kanila at naglakad palapit. "Mahabang kwento po. Pero hindi na po mahalaga iyon. Atleast, makakapasok na po ako ng college kapag natapos ko po ang exam sa accelerate." sabi ko at nilapag ang ulam sa lamesa. Napatango si Papa at nalungkot, "Sayang at hindi kita nakitang nagdalaga. At nalulungkot ako dahil na rin siguro sa akin kaya hindi ka nakapagtapos ng high school." Nagkatinginan kami ni Benj. Hindi alam ni Papa na talagang sila Anthony ang sumira ng buhay ko. Hindi sya. "Papa, wag nyo ng sisihin ang sarili nyo. Mag move-on na po tayo at magsimula nalang po tayo sa simula." Tumango sya, "Sige, Anak. Maghahanap rin ako ng trabaho rito para makatulong sa pag-aaral mo." Ngumiti ako at umiling bago naupo na sa isang silya para makasalo sila. "Papa, naisipan ko po kasi na buksan muli ang restaurant ni Mama. Kaso nga po ay baka mahirapan ako lalo't mag-aaral po ako. Katuwang lang po talaga ang problema ko kaya ngayon ay naisip ko na imbes na maghanap po kayo ng trabaho, bakit hindi nalang po kayo ang isa sa mamahala ng magiging negosyo ko. Para pag-uwi ko po galing sa school ay tutulungan ko po kayo." "Ganun ba, Anak. Sige, kung iyan ang nais mo." Napangiti ako at tumingin kay Benj na katabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. "Ako na ang bahala na kumuha ng tauhan na mapagkakatiwalaan. Kaya kahit nag-aaral ka pa at Papa mo lamang ang titingin sa nais nyong negosyo ay hindi kayo mangangamba na maloko at manakawan." Ang laki ng pasasalamat ko kay Benj. Talagang nagbago sya at lahat ay ginagawa nya para sa akin. "Salamat, Benj." "Kayo ba ay nagbabalak na magpakasal? Pero parang mga bata pa kayo para doon." Napatingin kami kay Papa ng pukawin nya kami sa pagtitinginan namin ni Benj. "Sir, alam kong medyo mga bata pa ho kami. Pero nais ko pong pakasalan ang anak nyo." "Benj." suway ko dahil wala kaming pinag-usapan na ganun. Tumingin sa akin si Benj, "Hindi pa ako handa sa ganun. At nagsisimula palang kami ni Papa na magsama." Napahinga sya ng malalim, "Okay, I understand. Hindi naman agad-agad tayo ikakasal. Nagpapaalam palang ako sa Papa mo para alam na kung sino ang pakakasalan mo kapag dumating na tayo do'n." Nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti't pinaliwanag nya ng maayos. Kahit na ginagawa rin ni Benj na makabawi sa akin ay hindi parin ako kampante sa kanya. Nangangamba parin ako lalo't baka hanggang ngayon ay may physical at emotional attouch pa sya kay Ms. Daniella. Nagpatuloy na kami sa pagkain at plinano kung paano kami magsisimula ni Papa sa negosyong nais ko. At lahat ay nagiging maayos na. Pinagtuunan ko ng mabuti ang magiging negosyo habang bakasyon pa. Inusisa ko rin ang magiging empleyado ko at tinuruan ko kung paano nila gagawin ang sushi at iba pang japanese food na dati ay negosyo ni Mama. Nyebe's Restaurant parin ang pangalan ng restaurant. Pinaayos ko din ito para magandang tignan sa mata ng kakain. At talagang japanese feels ang tema ng interior design ng restaurant ko. Sinuotan ko si Papa ng Apron at napangiti sya. "Salamat, Anak." Ngumiti ako at kay Benj naman ako tumapat. Sinuotan ko rin sya ng apron na may tatak ng logo at pangalan ng restaurant na pinagawa ko pa. "Siguraduhin mong makikipagdate ka sa akin pagkatapos ng opening mo." "Of course, ako pa." Napangiti sya at inayos ko ang apron nya. Nang maisuot ko na sa kanila ang apron ay napangiti na tinignan ko ang lahat, maging ang paligid. "So.. ready, guys?" "Yes! We're ready!" malakas na sigaw ni Benj na akala mo ay bata kaya napailing ako at natawa. Lumapit na ako sa salaming pintuan ng restaurang at binuksan na. "Welcome to Nyebe's Restaurant! Come in, Mam and Sir." Meron na agad nag-aabang na costumer sa harap ng restaurant. Dahil na rin nag-post din kami sa social media para maging aware ang mga taga isla at mga kabilang bayan sa restaurant namin. Para din ang mga turista ay kumain sa amin. Napagilid ako habang pinapasok nila Benj ang mga costumer. Napangiti ako lalo ng halikan ng mga costumer na senior citizen si Benj at take note kasama rin sila Max at Warren. Sobra talaga akong nagpapasalamat dahil tumulong sila ngayong opening. Nang makapasok na ang lahat ay agad akong naglabas ng papel at ballpen para kuhanin ang order ng isa sa mga costumer. Habang ganun din sila Benj. "Hi, Sir and Mam. Can I get your order now?" "Yes, please." sabi ng babae. "Hm, give us this sushi, japanese ramen, and this." Ngumiti ako na nilista ang order nila. Umorder pa sila ng drinks at dessert. Nang makuha ko ay agad akong dumeretso sa counter kung saan ay si Emerald at ang kinuhang empleyado ni Benj ang nakatoka sa cashier. "Grabe, ang dami agad costumer. Lakas talaga ng appeal ng tatlo." sabi ni Emerald ng kuhanin ang binigay kong order ng mag-asawa. "Nagpapasalamat nga ako sa inyo. Dahil kung wala kayo ay baka hindi ko alam kung anong gagawin ngayon." "Ano ka ba. Wag ka munang magpasalamat at nag-uumpisa palang kami rito. Tsaka ka na magpasalamat kapag talagang malaki ang naitulong namin sa'yo." "Basta. Salamat parin. Sige, tignan ko muna ang kitchen." sabi ko at umalis na ako sa counter. "Sige." Pumasok ako sa kitchen at napatingin sa akin ang mga chef na kinuha namin. "Sige, wag nyo na akong pansinin. Double time, guys." Pumalakpak ako at tinignan ang mga ginagayak nilang order. Tumulong na rin ako para hindi masyadong mainip ang costumer. Baka hindi pa magbalikan ang mga iyon sa amin. Masaya ang lahat na nagtatrabaho. Maging si Dad. Napangiti ako na tinignan ito na kinuha ang mga naayos na order. Nagpatuloy ako sa paggawa ng sushi habang may saya sa puso ko na tama ang desisyon ko na bigyan si Papa ng isa pang pagkakataon. "Hay, kapagod!" ani ni Max. Sinara ko na ang pinto ng restaurant ng matapos ang buong araw namin na pagtatrabaho. Tama si Max, nakakapagod nga. "Thank you, guys. Pasensya na kayo kung sobra kayong napagod ngayon, pero hayaan nyo, babayaran ko kayo oras na ma-compute ko na ang kinita." sabi ko ng humarap ako sa kanila. "Ano ka ba, kahit wag na. Tulong nalang namin iyon sa'yo. Tutal ay ngayon ka lang namin muli nakita." sabi ni Ruby. Tumango silang lahat kaya napangiti ako at napatingin kay Papa at Benj. "Napakaswerte mo pala rito sa mga kaibigan mo, Anak." sabi ni Papa. "Sinabi nyo pa, Papa." Napahalakhak ang lahat sa kabila ng pagod na inabot. Grabe, ganito kahirap pala dinanas ni Mama ng magsimula sya sa business. Bigla ay na-miss ko sya. Nag kanya-kanya na kami ng uwi dahil masyado ng gabi at pagod na ang lahat. Kay Benj kami sumabay ni Papa. "Salamat, Hijo. Napakabuti mo para sa anak ko. Kaya botong-boto na talaga ako sa'yo." Napailing ako sa sinabi ni Papa. Napansin ko this past few days ay nagiging malapit na si Papa at Benj. May kainuman na rin si Papa at si Benj iyon na laging tambay sa bahay kapag wala ang parents nya. "Wala po iyon, Tito. Alam nyo naman pong mahal na mahal ko ang anak nyo." Tumingin ako kay Benj na nagdadrive. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko. "Salamat, Benj." sabi ko ng makarating kami sa amin. Bumaba na rin kami ng kotse at naunang pumasok si Papa. "Walang anuman. Basta ikaw." "Sige, good night." Lumapit pa sya sa akin at hinapit ako palapit sa kanya. "Yung pangako mo. Don't forget." Ngumiti ako at umangkla sa leeg nya. Nagkatinginan kami habang nakangiti pareho. "Of course." Lumapit ang labi nya sa labi ko kaya pumikit ako at tumugon sa halik nya ng sakupin nya ang labi ko. Well I think hindi parin sya nagbabago pagdating dito. "Tama na. Magkaeskandalo pa tayo rito." sabi ko at pinigil ang paghalik nya. "Damn. I want you." "Heh! Tumigil ka nga. Ang hilig mo porket nakakascore ka na sa akin." Mahinang tinampal ko ang mukha nya na kinangisi nya. Binuhat nya ako habang nakahawak sya sa pang-upo ko. Kaya medyo umangat ako. Inikot nya ako kaya natawa ako. "I love you, Nyebe!" hiyaw nya kaya tinakpan ko ang bibig nya at napatingin sa paligid at sa bahay nila dahil baka may nakarinig kay Benj. "Tsk. Oo na. Tsaka nalang, magpahinga na tayo at sobra tayong napagod ngayon." Binaba nya ako at muling hinalikan kaya napailing ako sa sarili at humawak sa mukha nya bago tugunan muli ang halik nya ng matigil na sya. Matapos ang paglalandian namin ni Benj ay pumasok na kami sa kanya-kanyang bahay. Wala na si Papa sa sala kaya siguro ay nasa kwarto na ito at nagpahinga na. Pinatay ko na ang ilaw sa sala at umakyat na ako sa taas. Nagpahinga lang ako saglit bago naisipan na maglinis ng katawan, dahil malagkit na rin ang pakiramdam ko. Nagsuot ako ng pantulog ko at lumabas ako ng kwarto para silipin si Papa. Nang makita ko itong natutulog na ay pumasok ako at lumapit rito. Napangiti ako dahil hindi na ako nag-iisa sa bahay at palagi na akong may nakukuhang payo galing sa kanya. Hinalikan ko sya sa noo at inayos ang kumot nya. Nang makontento ako na makita sya ay lumabas na ako ng kwarto nya at pumunta sa kwarto ko. Pinatay ko na ang ilaw ng makasampa ako sa kama. Nahiga ako at nagkumot habang may ngiti sa labi na natulog. Sa sobrang pagod ko ay nagising ako na late na. Nataranta ako sa pagbango at tumingin sa oras. Alas nuebe na. Baka kailangan ako ng restaurant. "Si Papa kaya?" Umalis ako ng kama at sinuot ang tsinelas ko habang pinupusod ko ang buhok ko. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Papa. Napakuno't noo ako ng makita na sobrang gulo ng kwarto ni Papa at nakabagsak din ang table. "Papa! Papa!" Nataranta ako at agad na bumaba. Pero napahinto ako ng pati sala ay sobrang gulo. Napatingin ako sa pumasok at nakita ko si Benj. "Anong nangyari rito?" Napaiyak at napailing, "H-Hindi ko alam. Hindi ko makita si Papa." Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Napakapit ako sa damit ni Benj habang sari-sari ang naisip ko. "Kung wala ang Papa mo rito, imposible kaya na may pumasok sa bahay nyo at kinidnap ang Papa mo?" Lalo akong napaiyak at napailing dahil lalong hindi ko matanggap ang sinabi nya. "Shhh. Tahan na.. Baka nagkakamali lang ako ng sinabi. Aalamin natin ito." Niyakap nya ako ng mahigpit habang puno ng katanungan ang isip ko kung sino naman ang papasok sa bahay namin na hindi ko man lang narinig na may nangyayari na. Bigla akong napabitaw kay Benj at natigilan ako ng may maalala. "Bakit?" tanong ni Benj. "Teka.." agad akong tumakbo sa kwarto ko at napatingin ako sa table na may drawer. Hindi ko ito napansin kanina. Agad akong lumapit at mapaluhod ako habang binuksan ko ang drawer kung saan ko tinago ang kinita ng unang araw. Hinalughog ko ang drawer at napapaiyak nalang ako dahil pasama ng pasama ang loob ko. Napatakip ako ng mukha at hindi ko mapigilan na masaktan ng gawin muli ito ni Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD