Kabanata 17 - Pregnant

3982 Words
Nyebe "Tahan na.." Kanina pa ako pinapatahan ni Benj sa pag-iyak. Hindi ko kasi mapigilan na masaktan muli sa ginawa ni Papa. Lahat ng ipon, puhunan, at kita ko sa restaurant ay nawala. Nasira pa ang ilang gamit sa bahay. Halatang hinalughog ang mga gamit para mahanap kung saan ko nilagay ang pera. Pero sa huli ay nakuha din ni Papa. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit hindi ako nagising. Sa sobrang pagod siguro ay hindi ko na naririnig at nararamdaman ang nasa paligid ko. "Mr. Ford." Napatingin kami sa investigador na tinawag ni Benj para tignan ang nangyari. Sabi ko kay Benj ay wag ng tumawag dahil si Papa din naman ang salarin. Pero ayaw nyang mapaawat at kanina pa nya ako kinukumbinsi na meron pang iba sa likod ng pagkagulo ng mga gamit sa bahay. "Anong nakita nyo?" tanong ni Benj sa imbestigador. "Base sa imbestigasyon namin ay maaaring pinasok ang bahay ni Ms. Perez." Natigilan ako sa sinabi nito. Nagkatinginan kami ni Benj at tumayo si Benj kaya tumayo rin ako at napahawak sa braso nya. "Paano mo nasabi? Kung may pumasok ay bakit walang narinig si Nyebe at hindi nya namalayan?" May nilabas ang detective at nakita ko ang isang spray bottle. Kinuha ni Benj iyon. Nakabalot iyon sa plastick dahil hindi pwedeng hawakan at baka dumikit ang finger prints. "Isang sleeping spray iyan na kapag binuksan at sumingaw ay syang makakapagpatulog ng diwa ng tao. Kaya siguro hindi nalaman ni Miss ang nangyayaring nakawan ay dahil nakalanghap sya nito na sa mismong kwarto nya nilagay." Napasinghap ako at kinabahan dahil may nakapasok sa kwarto ko na hindi ko nalalaman. Napakapit ako lalo sa braso ni Benj kaya napatingin sya sa akin. "Kung gano'n ay posible bang dinukot ang Papa nya." Napailing ang detective at kita ko ang hindi kasiguraduhan sa mukha nya. "Hindi namin sigurado. Dahil walang anumang basag o pinagdaanan ang magnanakaw kundi ang mismong pinto lang. Ibig sabihin ay pwedeng pinagbuksan ng ama ni Miss ang mga magnanakaw." Napahinga ng malalim si Benj at tumingin sa akin. "Maupo ka muna at kakausapin ko lang si Detective." aniya at inalalayan ako muli sa pag-upo sa sofa. Natulala ako at nalungkot dahil hindi ko alam ang iisipin. Bakit nagawa sa akin ni Papa iyon? Binigyan ko pa naman sya ng chance. Dahil wala pang makuhang sagot ang mga detective at pagkatapos kuhanan ang bawat haligi ng bahay ko ay umalis na sila. "Kumain ka muna at hindi ka pa kumakain mula pa kanina." Naupo sa tabi ko si Benj ng dalhan nya ako ng pagkain rito sa sala. Nakaupo parin ako sa sofa dahil natutulala nalang ako habang natiyo na rin ang luha ko. "Wala akong gana." Tumayo ako pero napatingin ako sa kanya ng pigilan nya ako. "Kanina ka pa hindi kumakain. Baka mapano ka na nya'n. Sige na.." Hinawi ko ang kamay nya at tuluyan akong tumayo. "Iwan mo muna ako, Benj. Gusto ko munang mapag-isa sa bahay." Agad akong naglakad pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Umakyat ako sa taas at patungo sa kwarto ko. Pero napahinto ako ng mapatingin ako sa kwarto ni Mama kung saan natulog si Papa. Lumakad ako palapit doon at nang matapat ako ay binuksan ko ang pinto at pumasok ako. Nakakalat parin ang gamit. Lumakad ako palapit sa kama at naupo. Napahaplos ako sa unan at kama na hinigaan kagabi ni Papa. Muli akong napaiyak dahil muli ay iniwan nya ako. Bibigyan ko naman sya ng pera pero sana ay sinabi nya ng hindi ganitong magnanakaw sya at aalis ng walang paalam. Akala ko pa naman ay ayos na. Nangako sya na hindi na ako iiwan, pero anong ginawa nya? Niyakap ko ang unan at nahiga ako sa kama. Gusto kong magalit ng sobra pero nananaig sa akin ang kagustuhan na sana bumalik si Papa. Tahimik na umiyak lang ako at nagkulong sa kwarto na ito. Wala akong maramdaman kahit na anong gutom. Kahit paulit-ulit na kumatok si Benj sa pinto ay hindi ko sya pinagbubuksan. Gusto kong mapag-isa lang. Tutal lahat naman ng taong mahal ko ay iniwan ako. Kaya ayoko ng isipin na meron pang taong tatagal sa akin. Baka si Benj ay ganun din. Dati na din nya akong sinaktan, kaya siguro ay iiwan din nya ako. Napatigil ako sa pag-iyak ng may mag doorbell. Bumangon ako at napapahid sa luha ko. Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay wala si Benj. Napahinga ako ng malalim dahil tila nainip na sya kakahintay sa akin na pagbuksan sya ng pinto ng kwarto. Lumabas ako at tinungo ang gate. Pinagbuksan ko ang nag-doorbell at nakita ang tatlong mama na palingap-lingap sa paligid. Mga mukhang hindi pagkakatiwalaan. "Sino po kayo?" "Anak ka ni Luigi Yato?" Napakapit ako sa pinto ng gate habang kinabahan ako sa mga taong ito. "Bakit nyo po kilala ang Papa ko?" Ngumisi ang mga ito at nagkatinginan bago nagtanguan. Nang mahulaan ko ang kinikilos nila ay agad akong napaatras at isasara ko sana ang gate ng agad may humawak doon upang pigilan ako. Sisigaw sana ako ngunit agad tinakpan ng isa ang bibig ko. Nagpumiglas ako ngunit napadaing ako at nanghina ng sikmuraan ako nito. Binuhat ako ng mga ito at gusto kong humingi ng tulong kay Benj pero unti-unti na akong nanghina at nawalan ng ulirat. - Benj Nakapamulsa na naglalakad ako habang may bitbit na sushi na inorder ko sa restaurant ni Nyebe. Baka ito ay kainin nya, masyado na akong nag-aalala dahil umaga palang ay hindi na sya kumain. Sila Emerald, Max, Ruby, at Warren muna ang pinakiusapan kong mamahala sa restaurant ni Nyebe habang wala pa sa wisyon si Nyebe. Napatingin ako sa kotseng mabilis na dumaan sa gilid ko. Tinandaan ko ang plaka dahil hindi pwedeng ganyan ang mga nagmamaneho rito. Kaya kung sino man ang nagmamaneho ay hindi na muli sya makakapagdrive rito sa isla. Binaliktad ko ang suot na sumbrero at tumingala ako sa kalangitan.. Napahinga ako ng malalim dahil hapon na at malapit ng maghapunan pero hindi parin kumakain si Nyebe.. Ngayon ko lamang sya pagbibigyan na bigyan ng space muna upang maalis ang sakit sa dibdib nya, pero hindi na pwede na umabot pa ng bukas at itataboy nya ako. Tapos hindi pa nya kakainin ang mga binibigay ko. Nang makarating sa bahay nila ay nagtaka ako dahil nakabukas ang gate. Agad akong pumasok ng bahay. "Nyebe! Nyebe!" Tumingin ako sa buong paligid at wala namang nagbago. Binaba ko ang plastick na bitbit ko at tumakbo para pumanik sa taas. "Nyebe!" Binuksan ko ang pinto ng kwarto ng Papa nya at wala sya sa higaan. Mabilis na tinungo ko ang kwarto nya at wala din sya doon. "Nyebe! Nandyan ka ba?" tinungo ko ang banyo at kinatok. Nang hindi sya sumagot ay binuksan ko ang pinto. Pumasok ako pero wala rin sya. Napaisip ako at kinabahan kung saan sya nagpunta. Agad akong bumaba at tinungo ang kusina nila pero wala rin doon. Tinignan ko na lahat ng sulok ng bahay pero wala parin. Kaya tinungo ko ang bahay namin at mabilis akong umakyat ng kwarto ko. Lumapit ako sa flat screen cctv monitor ko at binuksan. Tinignan ko ang record at napahawak ako sa labi ko habang nakahalukipkip na nakatutok sa video upang makita kung lumabas nga ng bahay si Nyebe. Nang makita ko ang paghinto ng isang kotse na pamilyar ay agad akong napahawak sa table at tinignang mabuti ang video. Lumabas si Nyebe at pinagbuksan ang tatlong lalake. Napakuyom ako ng kamay ng sikmuraan ng isa si Nyebe at tinanggay nila ito. "Damn it!" bulalas ko sa galit at agad na nilabas ang phone. (Hello?) "Ben, nakaraan na ba sa daang patungo sa ibang bayan ang isang gray na kotse na may plaka'ng NB316?" (Oo, Benj. Kanina pa.) Shit! Agad kong binaba ang tawag at tumakbo ako palabas ng kwarto ko. Pinuntahan ko si Daddy sa kwarto nila Mommy. Binuksan ko ang pinto at nakita ko pa naghahalikan sila ni Mommy pero hindi ko na pinansin. "What the! Son!" bulalas ni Dad na halatang nainis sa akin. "Dad, I need your help. Nakidnap si Nyebe." Agad na napababa ng kama si Mommy at lumapit sa akin. "Sino naman ang kumidnap kay Nyebe? Nakita mo ba?" "Nakita ko po sa cctv ko, Mom." tugon ko at bumaling kay Dad, "Dad, ano pong gagawin ko?" "Heto. Isama mo sila Wilson. Alam mo na siguro gumamit nito." nilahad nya sa akin ang baril nya na kinatingin ko rito. "Dimitri! Ano 'yan, ha? Bakit mo binibigyan ng baril si Baby Benj?" Tinapik ni Dad ang balikat ko at sinenyasan ako. Kaya napangiti ako at tumingin sa kanila ni Mom bago ako tumalikod na. "Benj! Bumalik ka rito!" sigaw ni Mommy pero napangiti nalang ako at napatingin sa baril. Ito ang pinakahihintay ko na hayaan ako ni Dad na gamitin ang baril nya. At gagamitin ko ito upang iligtas si Nyebe. Agad na nasalubong ko ang grupo nila Kuya Wilson. Tumango ito sa akin kaya sumeryoso ako at nauna sa kanila na sumakay na sasakyan. "I-track mo ang may plate number na NB316. Kailangan natin agad mailigtas ang girlfriend ko." utos ko. "Masusunod." si Ben. Tumingin ako sa labas ng bintana at napakuyom ako ng kamay. Oras lang na may mangyari kay Nyebe, sila ang unang beses kong patutumbahin gamit ang baril ni Dad. "Nakita ko na. Sa isang bukirin sa casa negro." Tumingin ako kay Ben at tumango. Malapit na kami, sandali nalang, Nyebe. Gaya ng estimate ko ay nakarating din kami agad sa casa n***o na makalagpas lang ng santa iñez. Huminto ang sasakyan sa eksaktong lugar na sinasabi ng detective device na dala ni Ben. Napatingin ako sa bukirin at walang kabahayan sa malapit. "Merong nakatago sa gitna ng bukid na isang planta at nandoon ang hinahanap mo, Benj." "Kung gano'n ay halika na kayo. Hindi na dapat pinapatagal pa ito." Binuksan ko ang pinto at bumaba agad ako. Sinuksok ko sa suot kong pantalon ang baril at sinenyasan ko sila na sumunod. Lumakad kami sa daan ng bukid upang mapuntahan ang planta. Isang planta ito na tiyak na illegal dahil masyadong tago. Nakita ko na ang planta at malaki rin at masyadong bakod na bakod. "Kami muna ang unang papasok, Benj." sabi ni Kuya Wilson kaya tumango ako. Pinakiramdaman nila ang pader at maging ang paligid. Nang walang marinig ay nagtanguan sila bago umatras sa pader. At nang makahanap ng bwelo ay tinalon nila ang pader na kinagulat ko. Ang lakas pala tumalon ng mga ito. Nang makaakyat si Wilson ay sumenyas sya na clear at ibig sabihin ay wala syang nakikitang tao sa paligid. Tumalon sya sa pababa ng pader sa loob ng planta kaya lumapit ako sa maliit na gate kung saan ang likod na daan. Binuksan ni Wilson ito kaya nakapasok ako maging ang iba pa. Maingat na lumakad kami habang nakikiramdam. Kinuha ko ang baril ni Dad na dala ko at kinasa.. Hinawakan ko itong mabuti habang tumitingin sa paligid. "Ayon rito ay nasa pinakagitna ng lugar na ito ang girlfriend nyo." sabi ni Ben. "Saan mismo?" tanong ko. "Sa kwadra." napatingin ako sa kanya ng sabihin nya iyon. "Kwadra?" "Tila doon nila dinala ang girlfriend nyo." Napatiim-bagang ako at pinabilis ko ang grupo sa paglalakad. Pero agad na napaiwas kami ng biglang may naglabasan. Nagtago ako sa isang matabang poste ng paputukan kami. Agad din akong sumilip at pinaputukan ang na-tyempuhan ko. Ngumisi ako dahil tumba ito. Umalis ako sa pinagtataguan ko at humanap ng ibang lugar. Napadapa ako ng makita ako ng isa at pinaputukan ngunit hindi nya ako natamaan. Idiot! Bumangon ako at bumawi ng putok rito. Two down. Tumingin ako kela Wilson at nakikipaglaban sila ng putok at sagaan ng kamao. Agad akong umalis upang puntahan ang kwadra. Kailangan na mahanap ko agad si Nyebe. Pagawaan ito ng pagkain ng mga hayop. Nangangamoy pa ang kemikal na ginamit. Hindi ko alam ang eksaktong lugar ng kwadra pero takbo ako ng takbo para makita. May nakasalubong ako kaya agad akong nakaiwas ng magpaputok ito. Nagpaputok rin ako at tinamaan ito kaya nagpaputok muli ako ng isa na kinatumba na nito. "Tulong! Tulong!" Napatingin ako sa gawing kanan ng makarinig ako ng sigaw. Nang mabosesan ko na si Nyebe iyon ay agad akong tumakbo doon at nang makapasok ako sa paggawaan ay napatingin ako sa mga taong naroon at nabigla ako ng makita si Nyebe na nakalambitin at unti-unting binababa sa kumukulong chemical. Agad na pinaputukan ko ang mga taong nandoon. Gigil na gigil ako sa galit kaya bago pa sila makapaglabas ng baril ay naunahan ko sila. Hingal na hingal ako at agad na lumapit sa kinalagyan ni Nyebe. "Nyebe!" sigaw ko. "Benj! Iligtas mo ako! Ang init rito!" umiiyak nyang sigaw. Napatingin ako sa mga pinipindot para tumigil. Hindi dapat ako magkamali dahil tiyak na buhay ni Nyebe ang manganganib. Napatingin ako sa isang kidnapers na hindi pa napuruhan kaya lumapit ako rito at tinayo habang nakatutok sa kanya ang baril ko. "Alisin mo ang girlfriend ko doon, kundi tutuluyan kita." "Tuluyan mo na ako, pero hindi ko gagawin ang nais mo." ngumisi ito na kinainis ko kaya diniin ko sa dibdib nya ang baril ko at pinaputok ang baril na kinalaki ng mata nya at bumagsak sya ng bitawan ko. Maiksi lang ang pasensya ko kaya pasensyahan kami. Assh*le. Sinuksok ko sa likod ng pantalon ko ang baril at tinignan ang mga button. Nang makita ko ang right button ay huminga muna ako ng malalim at pinindot ito. Tumingin ako kay Nyebe at nakita ko na gumigilid pakanan ang kinasasabitan nya. Nang maalis sya sa kumukulong chemical ay nakahinga ako ng maluwag at tumingin muli sa button. Nakita ko ang down button kaya pinindot ko ito at agad akong tumingala kay Nyebe. Nang makita ko ito na unti-unting bumaba ay agad akong naglakad upang hintayin na maibaba sya. Napatingin sa akin si Nyebe ng tumapat ang mukha nya. Pero napapikit sya kaya agad ko na syang sinalo baka tumama pa ang ulo nya sa samento. Napaluhod ang isang binti ko habang nakakalong sya sa akin. Hinaplos ko ang mukha nya at niyakap sya dahil hanggang ngayon ay narito ang takot ko sa dibdib. Hindi ko sya kayang mawala sa akin muli, dahil kapag nangyari iyon ay baka hindi ko na kayanin. "Benj!" Napatingin ako kela Kuya Wilson at nakita ko na bitbit nila ang Papa ni Nyebe na bubog sarado at walang malay. Inalis ni Ben ang tali sa paa ni Nyebe kaya nang maalis ay agad kong binuhat si Nyebe. "Tara na, kailangan nating madala sila agad sa hospital." aya ko at tumingin ako kay Kuya Wilson, "Kuya Wilson, dalhin mo sa hideouts ang utak nitong pagkidnap." "Sure. Naisip ko na 'yan. Nasa trunk na sya." tumango ako at naunang lumakad. Tumingin ako sa mukha ni Nyebe at napahigpit ang hawak ko sa kanya dahil namumutla sya. Binilisan ko ang lakad para agad kaming makarating sa sasakyan. Mga ilang sandali ay nakarating na kami.. Agad na kaming sumakay. Kalong ko si Nyebe at katabi ko rin ang Papa nya na walang malay. "Pakibilisan, Ben. Sa hospital tayo." "Okay." Hinaplos ko ang mukha ni Nyebe at hanggang ngayon ay mainit parin ang mukha nya. At nag-alala ako dahil baka nakasama sa kanya ang chemical na nalanghap nya. Dahil meron ritong hospital sa santa iñez kaya doon nalang dinala sila Nyebe. Matagal pa kung sa bf island. Naghihintay ako ngayon ng resulta ng gamutan kay Nyebe at sa Papa nya. Hinubad ko ang suot kong sumbrero at napahilamos ako ng mukha habang nakaupo sa upuan. Pero napaangat ako ng tingin at napatayo agad ako ng makita ang doctor na sumuri. "Anong lagay nila, Doc?" "Nagamot na namin ang sugat ni Mr. Yato at papahilumin nalang ang pasa nya." "E, yung girlfriend ko? Ayos na po sya?" "Na-overdose sya sa na-langhap na chemical. Bumagal ang heartbeat nya dahil pinigil nya ang paghinga. Ayos na sya, hintayin nalang na magising." Nakahinga ako ng maluwag at napangiti na napasubunot sa buhok ko dahil nakakabaliw na ito. "Pero..." Napatigil ako at naguluhan sa reaksyon ng doctor. "Bakit, Doc? May problema pa ho ba sa girlfriend ko?" "Ang inaalala ko ay ang batang nasa sinapupunan nya. Nakasama sa kanya ang paglanghap ng chemical kaya baka naapektuhan din ang nasa sinapupunan nya. Mas maganda na kumunsulta kayo sa ob-gyne para sa mas magandang konsulta." Natigil ako at parang huminto ang lahat sa akin. B-Buntis si Nyebe. A-At posibleng nasa panganib ang anak namin. Nawala lang ako sa iniisip ko ng tapikin ng doctor ang balikat ko. "Maiwan na kita at may titignan pa akong ibang pasyente. Pwede mo na silang makita." Umalis ito kaya agad akong pumasok sa kwarto at lumapit agad ako kay Nyebe. Hinawakan ko ang isa nyang kamay at napapikit ako at dinala sa labi ko ang kamay nya upang halikan. Dumilat ako at napatingin sa tiyan nya. Tumingin ako kay Nyebe at lumapat ang kamay ko sa tiyan nya at hinaplos. "Sana ay walang mangyari sa baby natin. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali na meron. Patawarin mo ako kung bakit iniwan pa kita. Patawad." Napaluha ako at niyakap ko sya at hinalikan ang noo nya. "B-Benj.." Napadilat ako at bumitaw ng yakap ng umungot sya. Napatingin ako sa mukha nya at ngumiti ako ng unti-unti syang dumilat. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Napaiyak sya at tumango, "Natatakot ako." Niyakap ko syang muling at hinaplos ang likod nya. "Shhh, hindi na, hindi na ako aalis sa tabi mo. Tahan na, baka makasama pa sa'yo iyan.". "N-Nauuhaw ako." Bumitaw ako ng yakap at tumango ako bago ko sya nginitian. "Okay, ikukuha kita. Ano pang gusto mo? Prutas? Nagugutom ka na rin ba?" "Oo." Kaya umalis ako sa tabi nya at lumapit sa water dispenser para ikuha sya ng tubig. "Ayos na ba si Papa?" tanong nya kaya tumingin ako sa kanya at lumapit habang dala ang tubig. Nakatingin sya sa Papa nya na nasa kabilang kama lang. "Oo, papahilumin nalang daw ang sugat nya." Inalalayan ko sya sa pag-upo at tsaka ko binigay ang tubig. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ben. (Benj.) "Ibili mo ako ng pagkain d'yan sa malapit na restaurant o fast food." "Benj, gusto ko sana ng japanese food." tumingin ako kay Nyebe. "May japanese restaurant ba d'yan sa tabi?" (Wala, Benj. Puro fastfood.) Tumingin ako kay Nyebe para sabihin iyon pero tila narinig nya dahil napasimangot sya. "Pumunta ka nalang sa bf island at umorder ka sa restaurant ni Nyebe ng kahit ano doon, tapos samahan mo ng sushi." (Okay, copy.) "Good. Bilisan mo." Binaba ko na ang tawag at tumingin kay Nyebe. Nakangiti na sya. Iniisip ko kung paano ko sasabihin ang maaaring mangyari sa baby namin kapag nag pacheck-up na kami. "Benj, hindi ako ninakawan ni Papa. At hindi rin nya ako iniwan." "Anong ibig mong sabihin?" Tumingin sya sa Papa nya, "Yung mga kumidnap sa amin ay mga pinagkakautangan ni Papa na Japanese na illegal businessman. Hindi sapat ang perang nakuha sa akin kaya pati si Papa ay tinangay nila. Hindi lang ako nadawit nung gabi dahil sa pakiusap ni Papa sa mga ito. Pero dahil nga wala na silang mahita sa Papa ko, kaya kinuha rin nila ako upang pagbayaran ang utang pa ni Papa. Gusto nila akong dalhin sa japan upang gawing prostitute. Hindi ako pumayag kaya dinala nila ako sa kumukulong pagawaan ng gamot ng hayop para mapapayag. Sobra akong takot na takot sa sitwasyon kong iyon. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sobrang init. At para akong nasa kumukulong lava." Napaiyak sya at kita ko na muli nyang inalala ang nangyari sa kanya. Napakuyom ako ng kamay dahil sa ginawa ng japanese na grupong iyon. "Wag kang mag-alala. Dahil ipapatikim ko sa gumawa sa'yo no'n ang impyerno." "Anong gagawin mo?" tumingin sya sa akin na may pag-alala kaya ngumiti ako at umiling. "Wala, sila Wilson na ang bahala do'n." Nakahinga sya ng maluwag at ngumiti sa akin. Umusog ako palapit sa kanya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hinalikan ko sya at hinaplos ang tiyan nya na kinatulak nya sa akin. "Ano ka ba. Nakakahiya ka." Natawa ako. "Bakit? Anong ginawa ko?" "Chansing ka." Napangiti ako at muling hinawakan ang tiyan nya. "May sasabihin ako sa'yo." "Huh? Ano 'yon?" tinignan nya ako na nalilito. "Magkakaanak na tayo." Napamaang sya at kita ko na tila ba hindi sya makapaniwala. "B-Buntis ako?" Tumango ako, "Wag kang mag-alala, pananagutan kita." "Pero Benj, 'di ba mag-aaral pa ako?" "Oh, ano naman? Mag-aral ka kahit home school." "Benj, hindi pa ako handa." Tinignan ko sya at kita ko ang hindi pa sya handa. "Wag kang mag-alala, akong bahala sa'yo, hindi kita pababayaan. Please, wag mo lang sabihin na hindi ka handa para sa baby natin." Nabigla sya ng makitang napaiyak ako. Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang luha ko. "B-Benj.." Binitawan ko ang kamay nya at umalis ako sa pagkakaupo sa kama. "Pahangin lang ako sa labas." Paglabas ko ay sumandal ako sa pader at binaliktad ang sumbrero para matakpan ang mukha ko. Napayuko ako at nasaktan sa sinabi ni Nyebe. Parang ibig nyang sabihin ay hindi nya gustong magkaanak na kami. Ako, gustong-gusto ko. "Benj!" Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Daniella. "Anong ginagawa mo rito?" tanong nya ng makalapit sya. "Narito si Nyebe." Napatango sya, "Ganun ba.. Bakit, napano sya?" "Mahabang kwento. Ikaw? Bakit narito ka?" Ngumiti sya, "Dito kasi nagtatrabaho ang boyfriend ko." Napatango ako. Nakita ko na masaya na sya at nakamove-on na rin sa akin. "Kayo ni Nyebe, kamusta na?" "Ayos naman. Kaso nainis lang ako sa kanya ngayon." "Huh? Bakit naman?" Napahinga ako ng malalim, "Ayaw ata nyang magkaanak sa akin." Natawa sya kaya nainis naman ako dahil parang may nakakatawa sa sinabi ko. "Bakit mo naman nasabi?" "Buntis sya at nang sabihin ko sa kanya iyon ay sabi nya na hindi pa sya handa." Ngumiti si Daniella, "Syempre, ganun talaga sa una at hindi napagplanuhan. Malay mo natatakot lang sya at nabigla sa kaalaman na buntis sya. Unawain mo sya dahil emosyonal kaya ang mga buntis." Nagkaroon naman ako ng liwanag sa isip ng sabihin nya iyon. Kaya ngumiti ako sa kanya. "Salamat." Napalingon kami ng bumukas ang pinto. Napatingin sa amin si Nyebe. "Nyebe.." magpapaliwanag sana ako ngunit agad nyang sinara ang pinto. "Tila nagselos sya. Sige, alis na ako. Kaya mo 'yan." Umalis na si Daniella kaya napahinga ako ng malalim at pumasok ng kwarto. Napatingin ako kay Nyebe na nakatalikod na humiga sa kama nya. "Nyebe, mali ang iniisip mo." "Anong gusto mong isipin ko? Nakikipagflirt ka pa kay Ms. Daniella, sa harap pa talaga ng room ko." "Hindi ako nakikipagflirt. Kung makikipagflirt ako ay bakit pa sa kanya, nandyan ka naman." Humarap sya sa akin at natawa ako ng batuhin nya ako ng unan. "Tumigil ka! Doon ka na kay Ms. Daniella." Naupo ako sa kinahihigaan nya at nahiga rin bago sya niyakap mula sa likod. Nagpumiglas sya pero niyakap ko sya ng mahigpit at hinaplos ang tiyan nya. "Masayang-masaya ako at magkaanak na tayo. Gagawin ko ang lahat para proteksyon ka at hindi na muling malagay sa panganib ang buhay mo at buhay ng baby natin. Mahal na mahal kita." Napaalis ako ng yakap ng humarap sya sa akin. Kaya magkaharap kami habang nakahiga. Tumingin sya sa akin. "Natatakot ako, baka hindi ko pa kayang maging isang ina." Niyakap ko syang muli at hinalikan ang ulo nya. "Pareho natin hindi pa alam ang pagiging magulang, pero paano natin malalaman kung hindi natin susubukan. Kakayanin natin, okay?" Tumango sya at yumakap pabalik sa akin. Napangiti ako. Excited na ako na maging ama. At syempre ang maging asawa. Wala na syang pagpipiliin dahil magpapakasal na sya sa akin sa ayaw pa nya at sa gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD