Kabanata 6 - Promise

3216 Words
Nyebe Napahawak ako sa sling bag kong black habang nakapagitna ako kela Emerald at Ruby habang naglalakad kami. Narito kami sa isang perya at tinitignan ang mga taong naglalaro at sumasakay sa iba't-ibang rides.. Fiesta pala ng santa iñez kaya ang dami ring tao. Wala akong gana ngayon dahil naiisip ko parin na galit sa akin si Benj. Naisip ko na bakit sya nagagalit sa akin, e, sya nga itong hindi nagpapaliwanag. "Uy, Nyebe, narito din pala sila Max." sabi ni Ruby. Napahigpit ang hawak ko sa sling bag dahil sa sinabi ni Ruby. Hindi ako umimik at kahit hindi ko aminin sa sarili ko ay kinakabahan ako. Nakakita ng magandang pwedeng laruin ang dalawa kaya sumunod lang ako. "Manong, paano ito?" tanong ni Ruby sa mga totoong isda na nasa maliit na fish pond na pakwadro. "Huhulihin nyo at inyo na." sabi ni Manong. Natuwa naman ang dalawa habang ako ay nakatayo lang sa likod nila at pinapanood sila. "Uy, Nyebe." Napalingon ako sa likod ko at napahigpit ang hawak ko sa sling bag ko ng makita ko si Warren. Pasimpleng tinignan ko ang likod nya na baka kasunod nya sila Benj, pero mag-isa lang sya. "Hinahanap mo si Benj?" tanong nya kaya agad akong umiling at ngumiti. "Hindi no." tanggi ko, pero sa puso at isip ko ay umaasang narito rin sya. "Wala rito si Benj." aniya kaya tumango ako at nalungkot ang kalooban ko. Tinignan ko sila Ruby at busy sila sa hinuhuli nila. Naglakad ako at kasabay ko si Warren na umalis kami kung nasaan sila Ruby. Lumayo kami sa mga nagkakasiyahang tao sa perya at nandito kami sa parteng tahimik at walang tao. Tanaw ang ilang kalayong bahay na kumikislap ang mga ilaw tila ba mga bituwin sa langit. "Nagkagalit kayo ni Benj?" tanong nya kaya napalunok ako at tumango. "Warren, bakit gano'n sya? Bakit ayaw nyang ipakita sa akin ang nararamdaman nya? Bakit parang hindi parin nya maalis sa puso nya si Ms. Daniella?" "Natanong mo ba sya tungkol sa nararamdaman nya?" Tumingin ako sa kanya, "Kailangan ko pa bang itanong iyon? Dapat sya ang kusang magsabi sa akin dahil girlfriend nya ako." "Sabihin nalang natin na si Benj ang taong ayaw ng sabihin ang nararamdaman nya." tumingin sya sa akin, "Gusto nyang iparamdam kesa sabihin. Ayaw nya ng rejection. At sabihin natin na si Ms. Daniella nga ang sineryoso ni Benj noon, kaya tingin ko rin ay hindi sya agad makakamove-on lalo't nariyan lang si Ms. Daniella.... Pero kung sa nakikita ko ngayon, gusto ka ni Benj, Nyebe." Umiwas ako ng tingin dahil hindi iyon ang gusto kong marinig. Hanggang gusto lang ba? Hindi pa ba nya ako mahal? Napatingin ako sa kalangitan ng may fireworks na umilaw sa kalangitan.. Napakaganda at sarap sa pakiramdam. Pero saglit lang din sila nawala sa kalangitan at hindi na nagpakita pa. Napatingin ako kay Warren ng may tumunog na flash. Nakita ko na kinuhanan nya ako ng litrato kaya ngumiti ako at sinuway sya. "Ang panget ko. Wag nga." Natawa sya at hinarap sa akin ang phone nya. "Ang ganda mo nga rito." Napatingin ako sa kuha ko at inaamin ko na maganda nga ang pagkakakuha sa akin ni Warren. Ngumiti ako at tumingin sa kanya. "Pwede bang makakuha ng kopya?" "Oo naman." aniya kaya nilabas ko ang phone ko at binigay sa kanya. Napatitig ako kay Warren. Una palang ay magaan na ang pakiramdam ko kay Warren. Dahil mabait sya at sa kanya lang ako nakakakuha minsan ng advice. "Thank you, Warren." Tumingin sya sa akin at inabot ang phone ko kaya kinuha ko at tinignan ang kuha kong larawan. Mabuti naman kahit sa litrato ay hindi ako malungkot tignan. "Nyebe, magsabi ka lang sa akin kung sobra ka nang nasasaktan." Napatingin ako sa kanya at nakatingin sya sa akin tila ba maraming sinasabi ang mga mata nya. Ngumiti ako, "Salamat." - Benj Nakapamulsa ako sa pantalon na suot ko habang narito kami sa isang perya daw. Hindi ako napupunta rito noon, kaya ngayon ko lamang nakita ang klase ng festival na ito. "Benj, narito daw sila Nyebe." sabi ni Max. Hindi namin kasama si Warren dahil sabi ko kasi ay hindi ako pupunta. Kaya nauna sila rito. Nakasalubong ko lang si Max, ngunit hindi kasama si Warren. "Oh, ayan na pala si Warren." Napatingin ako kay Warren na palapit sa amin. Tumingin sya sa akin. "Magkagalit kayo ni Nyebe?" tanong nya kaya umiwas ako ng tingin at napatingin sa mga naglalaro ng barya. "It's her fault." ani ko. "Bakit naging kasalanan nya? Sabi nya ay hindi mo raw sinasabi ang nararamdaman mo sa kanya." Napahawak ako sa likod ng ulo ko at tumingin ako kay Warren. "Pinaparamdam ko. Bulag ba sya? Halos bulgar ko na nga pinapakita sa kanya. Sya lang 'yung walang tiwala." "Benj, kahit ipakita mo pa, ano namang silbi no'n kung sa isip nya ay iba ang kahulugan? Bakit hindi mo subukang sabihin ng maunawaan nya?" Napailing ako at ngumisi ng inis, "Ayoko. Ilang beses ko na bang sinasabi ang nararamdaman ko sa mga babaeng nagusto ko, pero anong nangyari? Nauwi lang din sa wala. Mas mabuti ng wag nalang kesa mauwi din sa wala." "Mauuwi talaga sa wala kung iyan ang ipapairal mo.. Tandaan mo. Bad timing ay katumbas ng regret. Baka wala ka ng chance kapag sumuko sa'yo si Nyebe, at sa huli, pagsisihan mo rin." Sumeryoso ako at nagkatinginan kami ni Warren. Napakuyom ang kamay ko na nasa loob ng bulsa ko. "Ano ba 'yan. Ang seryoso nyo." nawala ang tingin ko kay Warren ng akbayan ako ni Max. "She's beautiful." Tumingin ako kay Warren ng sabihin nya iyon. Napatingin ako sa phone nya ng iharap nya iyon sa amin. Aagawin ko sana ngunit agad nyang nilayo. "Bakit ka merong kuha nya?" tanong ko at inagaw ang phone nya, "Warren!" sinakal ko sya mula sa likod nya at inabot ang phone nya na ayaw pa nyang ibigay. "Kumuha ka ng iyo. Puntahan mo si Nyebe, narito din sya." Tumigil ako pero agad kong inagaw ang phone nya na naagaw ko naman. Nilabas ko ang phone ko at pinasa ang larawan ni Nyebe. Buburahin ko sana sa kopya ni Warren, pero inagaw nya agad sa akin ang phone nya. "Siraulo ka talaga." Natawa ako at binulsa ang phone ko. Napahinga ako ng malalim at napaisip. "Nasaan sya?" tanong ko. Napatingin sa akin ang dalawa at napahinga ng malalim si Warren. Tinuro nya ang daan kaya agad akong tumakbo patungo doon. Nilibot ko ang tingin ko sa bawat paligid pero hindi ko parin makita si Nyebe. Napahinto ako at hingal na hingal na napatingin sa dulo ng perya na walang tao at ilaw. Lumakad ako palapit doon at nakita ko syang nakatalikod. "Nyebe.." -- Nyebe Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Benj. At napamaang ako dahil hindi ako nag-iilusyon na nakikita ko sya ngayon. Napayuko ako dahil hindi ko sya kayang titigan sa mata. Baka makita ko lang ang malamig nyang tingin. "I'm sorry." Napatakip ako ng bibig at napaiyak ng marinig ko sa mismong bibig nya nanggaling iyon. Napapunas ako ng mata habang nakayuko parin. "You're not fair, Benj." ani ko habang umiiyak. Napaangat ako ng tingin ng huminto sya sa harap ko at hinawakan ako sa mukha. Napatitig ako sa kanya habang may ngilid ng luha ang mga mata ko. "I'm sorry. Hindi ko lang gustong sabihin ang nararamdaman ko sa'yo, pero pinapakita ko iyon." huminga sya ng malalim at ngumiti. "But this time, I want to say I love you." Napamaang ako at napatigil sa pag-iyak. Nakangiti sya habang hinahaplos ang mukha ko. "Y-You love me?" Tumango sya at pinunasan ang luha ko, "Yes. I love you." Napangiti ako at sabik na niyakap sya. Napaiyak akong muli ngunit hindi sa lungkot, kundi sa saya. "Mahal din kita, Benj. Mahal na mahal.." Natawa sya at tumugon sa yakap ko. Ang saya ko. Akala ko ay lilipas ang araw na ito na magkagalit kami ni Benj. Pero mabuti nalang pala at nagpunta ako rito. Bumitaw ako ng yakap at tinignan sya, "Pasensya na kung hindi kita maintindihan sa gusto mong iparamdam." Ngumiti sya at hinawakan muli ako sa mukha ko at inangat pa. "It's okay if you don't understand." aniya at lumapit pa ang mukha nya, "It's my fault anyway." dagdag nya at napapikit ako ng halikan nya ako. Napakapit ako sa polo nyang suot habang ramdam ko ang tamis ng kanyang halik. Nagbitaw din kami agad at ngumiti sya. Ngayon ay nawala ang lahat ng iniisip ko. Masaya ako na malaman na mahal rin nya ako. Hawak kamay kaming naglakad habang may ngiti sa labi na tinignan ang bawat taong masaya din sa ginagawa nila rito sa perya. Napatingala ako sa kalangitan at agad akong napatakbo ng biglang bumuhos ang ulan. Tatlong araw na rin ang nakalipas mula ng tampuhan namin ni Benj. At ngayon ay wala na kaming anumang tampuhan. At ngayon din gaganapin ang sport fest ng basketball tournament pero malas dahil umuulan pa. Naunang pumasok si Benj dahil kailangan pa nilang magpractice kaninga umaga kaya wala akong kasabay ngayon sa pagpunta rito sa school. "Uy, Nyebe, tara dali! Nagsisimula na ang game." si Emerald at Ruby na hinihintay ako sa tapat ng entrance ng school. Tumakbo kami patungo sa gym at naabutan namin ang ingay galing sa cheer ng bawat team. Narito rin ang ibang school dahil kalahok din ang team nila. Hingal na hingal na naupo kami sa bakanteng upuan sa third row at agad na hinanap ko si Benj. Napangiti ako ng makita ito at tila badtrip ito. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bibig ko. "Go Benj! I love you!" hiyaw ko. Napalingon ito. Nung una ay hinahanap pa ako nito, pero nang makita na ako nito ay ngumiti ito at agad na pinatalbog ang bola. "Whooo! Daming inggit rito!" sabi ni Emerald kaya siniko ko sila. Nakarinig kasi kami ng may isang nagsalita na papansin daw ako. Natawa nalang ang dalawa kaya napailing ako at tinaas ko ang banner na ginawa namin. Kinuha ko ang pompoms ko at nagcheer kela Benj. Masaya ako dahil agad na bumawi ang score nila Benj ng dahil sa kanya.. At ang kaninang badtrip na mukha nya ay nawala, ngayon ay seryoso at magilas na. Sa lakas ng hiyaw namin ay halos mapikon ang kabilang team dahil naapektuhan ang laro nila. Hanggang sa matapos ang laro ay hindi na nakahabol ang kabilang team. Nag-celebrate ang buong WCU at agad akong bumaba sa bleacher. Tumakbo patungo sa akin si Benj at natawa ako ng buhatin nya ako at inikot. Hinawakan ko sya sa mukha at hinalikan sa labi na kinangiti nya. "Congrats, Benj." sabi ko at binaba nya ako. Ngumiti sya at niyakap ako kaya napayakap ako sa kanya. Kahit pawisan sya ay ang bango-bango parin nya. Ang sarap amuyin. Napatingin ako kela Warren ng lumapit sila sa amin. Kaya bumitaw ako ng yakap na kinabitaw ni Benj. "Benj, celebration daw sa isang function hall." sabi ni Max. Humarap si Benj sa team mates nya habang inakbayan ako. "Pass ako. May date kami ni Nyebe." Namula naman ako dahil sa sinabi nya. Oo nga pala. May date nga pala kami sabi nya kapag natapos ang laro nila. Nanghinayang naman ang team nya kaya naman... "Ah, Benj, bukas--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng tinignan nya ako para patigilin. "Babawi ako bukas, Team. Pero ngayon ay sa amin muna ng girlfriend ko ang araw na ito." Bakit kinikilig ako kapag sinasabi ni Benj na girlfriend nya ako sa lahat? Ngayon ay kita ko na sinasabi na nya kung ano ako sa buhay nya. Kaya masaya ako dahil nawala ang pangamba ko. Wala ng nagawa ang team nya ng umalis na kami ni Benj sa harap nila. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero gamit namin ang kotse ng pamilya nya. Tumila na rin ang ulan at sumilip na muli si haring araw. "Benj, saan tayo pupunta?" tanong ko. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ko habang magkasiklop parin ang kamay namin. "Sa lugar na walang istorbo." aniya kaya napangiti ako. "Talaga?" "Hmm." tanging tugon nya.. Tila napagod sya sa laro kaya malata sya ngayon. Sinilip ko ang mukha nya. Napakaamo ng mukha nya at ang sarap nyang titigan habang nakapikit. Aalisin ko sana ang kamay nya para haplusin ko ang mukha nya pero humigpit ang hawak nya sa kamay ko. "We just stay like this." aniya. Akala ko nakatulog, gising pala. Napangiti ako at tumango. Napatakip ako sa bibig para pigilan ang kilig ko. Napakainit ng kamay nya at saktong-sakto ang kamay ko sa kanya. Huminto na ang sinasakyan namin. Agad na napaayos sya ng upo at binuksan ang pinto. Inakay naman nya ako kaya pasunod ako sa kanya sa pagbaba sa sasakyan habang hindi parin nya binibitawan ang kamay ko. Napatingin ako sa paligid ng makababa kami at nakita ko na narito kami sa mall. "Tara.." aya nya kaya lumakad kami. Pagpasok namin sa mall ay bumitaw ako sa kamay nya at napangiti ako ng makita ang isang jewelry shop. Bagong bukas sa mall. "Benj, titingin ako rito." lumingon ako sa kanya. Nakapamulsa sya at tinanguan ako. Masayang pumasok ako sa jewelry shop at agad na namangha ako dahil ang gaganda ng mga alahas. Lumapit ako sa stand ng mga singsing. Tumingin ako sa babae na syang tila sales lady ng pwesto ng singsing. "Welcome, Mam." "Ah, titingin lang sana ako." nahihiya kong sabi. Ngumiti sya at binuksan ang salamin kung saan nakalagay ang mga singsing. "Okay lang. Walang masama sa tingin, hindi krimen iyon." Ang ganda nya tapos ang bait pa ni Ate magsalita. Nilagay nya ang iba't-ibang uri ng sinsing na pang teen-ager sa katulad ko. Parang nagkislapan ang mga mata ko dahil iba't-ibang design. Nang hawakan ko ang price tag ay napanganga ako at nabitawan ang price tag. Napakamot ako sa ulo at nahihiyang ngumiti sa magandang babae. Tinignan ko ang pangalan nya. Megumi Ricafort. "Ah, Ms. Megumi, wala na po bang ibang klase? Yung mas mura po sana. Hehe." sabi ko. Ngumiti ito at tumingin sa katabi ko na si Benj, "Doon sa side na iyon." turo nya sa likod ko. Kaya lumingon ako sa tinuro nya at natuwa ako dahil meron pa nga. Lumapit ako doon at parang nagkislapan ang mga mata ko dahil ang gaganda din ng mga singsing.. Iba't-ibang design na gawa sa porcelain. Tinignan ko ang price at napadukdok nalang ang mukha ko sa salamin ng stante habang nakatingin sa singsing na naibigan ko. Ang presyo ng singsing ay isang linggo ko ng baon. Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ko ang lahat ng pera ko. 20, 50, 30, 100, 200, 100, 500, 1000. Total of 2, 000 Akalain mo, sakto pala. Naalala ko na hindi nga pala ako gumastos. Tumingin ako kay Ms. Megumi na kinuha ang singsing na naibigan ko. "Ah, Ms. Megumi, heto po ang bayad ko." Tumingin sya sa akin at ngumiti, "Keep it. Nabayaran na ito." Naiwan sa ere ang kamay kong nakalahad habang hawak ko ang lahat ng pera ko na pambayad ko sana. Lumingon ako kay Benj at lumapit sa kanya. Tumingin ako kay Ms. Megumi na nilagay sa box ang singsing na gusto ko. "Benj, binayaran mo ba ang singsing ko?" tanong ko. "Yeah." walang pagkakailang tugon nya. Kaya tumingin ako sa kanya, "Bakit mo binayaran? May pambayad ako." sabi ko. Umalis sya sa pagkakasandal sa stante at umayos ng tayo. Kinuha nya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan bago kami lumapit kay Ms. Megumi na hawak ang maliit na paper bag kung saan ay laman ang naibigan kong ring. "Thanks, Auntie." ani ni Benj at kinuha ang paper bag. Nanlaki ang mata ko at napasinghap bago napaturo kay Ms. Megumi. Hindi na ako nakapagsalita ng hilahin na ako ni Benj at palabas na kami ng mall. "Auntie mo 'yon, Benj?" "Yeah." "Pero 'di ba isang lalake lang ang kapatid ng parents mo? Paanong naging auntie mo 'yon?" "Pinsan sya ni Mommy sa side ng pamilya ni Lolo na isang Ricafort. Ampon lang naman si Mommy kaya may isa pang pamilya si Mommy bukod kay Tito Xander." Napatango naman ako pero hindi parin ako makapaniwala na tita nya pala iyon. Pero napahinto ako sa paglakad kaya napahinto sya at lumingon sa akin dahil hawak nya ako sa kamay. "Why?" tanong nya. "Bakit aalis na tayo ng mall? Tapos na ba ang date natin?" Ngumiti sya at hinila na muli ako, "Not yet. I'm bored in Mall, so, let's go to the place that I want." Napangiti naman ako at sumama sa gusto nyang puntahan daw namin. Pero hindi ko akalain na ang pupuntahan pala namin ay isang port. Namangha ako dahil ang daming yate sa buong paligid ng port. Tingin ko ay sobrang mamahal ng bawat yate na nakikita ko ngayon. Sa itsura palang kasi ay mukha ng expensive. Inakay ako ni Benj sa tulay na kahoy na nakatayo sa tubig. Na kumokonekta naman para makalapit kami sa mga yate. May sumalubong agad sa aming mga tauhan at ineskortan kami. May kinausap si Benj na isang foreigner tila sya ang namamahala ng kaayusan ng mga yate. Nakatingin lamang ako habang nakikipag-usap si Benj rito. At pagkatapos ay inakay na ako ni Benj sa loob ng isang yate na mas malaki at makikita mo na may ginto ang bawat haligi ng yate. Napabitaw ako sa kamay ni Benj at tumakbo ako sa bintana ng yate ng makapasok kami. Tuwang-tuwa ako dahil kita ko ang dagat mula sa bintana. Tumingin pa ako sa paligid ng loob ng yate na sinasakyan namin. Para akong nasa loob lang ng isang bahay habang puro mamahalin ang gamit. Lumapit ako sa sofa at kinuha ang unan bago ito niyakap. Napakalambot, maging ng sofa ng upuan ko ito. "Ang ganda dito, Benj. Para akong nasa isang bahay, pero ang kaibahan lang ay nasa tubig ito." Ngumiti sya at lumapit sa akin. Naupo sya sa tabi ko at sumandal ang ulo nya sa balikat ko. "I'm happy to hear that." aniya at pinagsiklop ang kamay namin. Napangiti ako at sumandal sa ulo nya, "Ah, Benj, saan ba tayo pupunta? Baka gabihin tayo, hahanapin ako ni Mama." "Sa gitna ng dagat." aniya na kinalaki ng mata ko. "Huh? Doon talaga?" Tumawa sya at tumingin sa akin kaya napalunok ako. "I want a quiet place." pinisil nya ang ilong ko kaya pinalo ko sya na kinatawa nya. Binigay nya sa akin ang paper bag kaya agad kong binuksan. Kinuha ko agad ang singsing at sinuot. Napangiti ako dahil ang ganda sa kamay ko ng singsing. Tumingin ako kay Benj at ngumiti, "Thank you, Benj." "Welcome." aniya. Tumingin ako sa kanya at tinapat ko sa kanya ang hinliliit kong daliri. "Benj, mangako ka na walang secret sa isa't-isa. Sasabihin mo sa akin lahat para hindi na tayo muli magkagalit." sabi ko. "Kailangan pa ba nya'n. Kaartehan lang 'yan." kinuha nya ang isang unan at niyakap bago nya isandal ang ulo sa sofa. "Ano kaartehan? Promise finger tayo. Dali na! Kailangan mong magpromise na walang secret." Napangiti ako ng agad syang nakipag-promise finger sa akin. Pero nabigla naman ako ng sakupin nya ang labi ko saglit. "Promise." aniya at ngumiti sya kaya namula ako pero napangiti ako dahil nangako sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD