Kabanata 7 - Truth

3465 Words
Nyebe Hinaplos ko ang buhok ni Benj habang nakahiga ang ulo nya sa kandungan ko. Narito kami sa taas ng yate at may nakalapag na blanket na syang inupuan namin. Nakatulog sya dahil sa pagod kaya hinayaan ko na makatulog sya muna. Kanina ko pa tinititigan ang mukha nya at tanging sinasabi ng isip ko ay ang swerte ko dahil minahal ako ng lalakeng ito. Ang crush ko na dating hinahabol ko, pero ngayon ay abot-kamay ko na. Tumingala ako sa kalangitan at nakita ko na maraming star. Napangiti ako dahil nakakagaan na titigan ang kalangitan. Iniisip ko nga kung ano kaya ang pakiramdam sa outer space. Pero naisip ko rin na parang nakakatakot. Madilim, hindi ka makakahinga kung walang oxygen, at tapos hindi ko rin alam kung saan ako mapupunta. Kaya wag nalang pala. "Ipagluto mo ako." Nagulat ako ng magsalita si Benj. Napatingin ako sa kanya at nakadilat na sya habang nakatingin sa akin. "Huh?" Bumangon sya at sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay nya. "Gusto kong matikman ang sushi na pinapatikim mo kela Emerald." Napangiti naman ako sa sinabi nya, "Oo ba. Magbabaon ako sa school at ipapatikim ko sa'yo ang sushi. At meron pa akong alam na recipe ni Mama kaya lulutuin ko rin iyon." Ngumiti sya at napangiti ako dahil nagagawa ko syang pangitiin. Monday morning ay naging busy ako sa pag-prepare ng lunch namin ni Benj ngayon. Talagang nagpractice ako dahil baka pangit na ang lasa o 'di kaya ay ang design.. Napangiti ako na nilagyan ng hugis ng mukha ni Benj ang rice habang nakapalibot ang sushi. May ginawa din akong hot coffee at cake kaya nang mailagay ko na ang mga ito sa paper bag ay nagmadali akong lumabas ng kusina at umakyat sa taas. Nagprepare na ako sa pagbihis at kahit nagmamadali sa oras ay sinikap ko na maging presentable ang itsura ko. At lagi na ako nagpapalit ng hair style para naman maging maganda ako lagi sa paningin ni Benj. Ngayon ay nakamessy buns ang buhok ko habang may ilang hibla ng buhok sa una na nakalawit. Napangiti ako na kinuha ang bag ko at bumaba agad ako at kinuha ang paper bag. Excited na lumabas ako ng bahay at pinuntahan ang bahay nila Benj. Bakit kaya hindi pa lumalabas iyon? Naghintay ako sa tapat ng gate nila habang panay ang silip ko. Tumingin ako sa relo ko at twenty minutes nalang bago ang oras ng klase. Nakita ko si Yaya Lyn kaya tinawag ko ito kaya lumapit ito. "Oh, Nyebe, bakit narito ka pa?" "Si Benj po kasi hinihintay ko. Hindi pa po ba sya lalabas?" sabi ko. "Huh? Kanina pa umalis ang batang iyon. Baka nasa school na." Bigla ay nawala ang excitement ko pero ngumiti parin ako kay Yaya Lyn at inis kay Benj dahil bakit iniwan nya ako. Nagpaalam ako kay Yaya Lyn at mabilis na naglakad dahil baka mahuli ako sa klase. Bakit kaya sya nauna? Nakakainis, naghintay pa naman ako ng ilang minuto sa bahay nila, tapos wala naman pala doon ang hinihintay ko. "Nyebe, tara, sabay ka na." Tumingin ako kay Warren na may dalang bike. Napakamot ako sa ulo dahil sa hiya. "Nakakahiya, wag na." tanggi ko. "Tara na, malalate ka kapag maglalakad ka pa." Napahinga ako ng malalim dahil tama sya. Kaya naman umangkas ako sa likod na may upuan. Kumapit ako sa damit nya ng mahigpit. Nagpidal na sya kaya tahimik lamang ako habang iniisip kung bakit nauna si Benj. "Warren, bakit nga pala dito ang way mo? Iba ang dereksyon ng bahay nyo, 'di ba?" tanong ko. "Uhmm, wala, nag-exercise muna ako gamit ang bike kaya nakarating ako rito." aniya kaya tumango ako. Hindi na ako nagtanong pa dahil parang naglaho ng parang bula ang excitement ko at napalitan ng kawalan ng gana. Nakakainis si Benj. Sabi nya ay sabay kami at aagahan nya ang pag-aabang sa akin, pero nauna na pala sya. "Salamat, Warren." sabi ko ng makababa ako sa bike nya at nakarating kami ng school. Agad akong tumakbo para magtungo sa room namin. Pagpasok ko ay tinignan ko ang pwesto ni Benj pero wala sya. Tinignan ko pa talaga ang buong room pero wala talaga sya. Puno ang isip ko ng tanong habang naupo ako sa chair ko at nilapag ang paper bag sa table ko. Nasaan si Benj? Bakit wala pa sya rito? Tinignan ko si Warren na naupo sa likod ko at narito na rin si Max. "Hindi ko ma-contact si Benj. Kapag aabsent naman iyon ay tatawag iyon." ani ni Max. Kaya nag-alala ako dahil baka meron ng nangyayaring hindi maganda kay Benj. Ang alam ni Yaya Lyn ay pumasok si Benj. Kaya hindi tuloy ako mapakali sa klase at panay ang sulyap ko kung magrereply sya sa text ko. Nang lunch break ay sinubukan ko syang tawagan pero hindi naman nya sinasagot. Hindi ako nakakain ng halos at ang hinanda kong lunch ay pinakain ko nalang kela Emerald. Gusto kong maiyak sa pag-aalala. Hindi ko lang maipakita kela Warren dahil ayokong isipin nila na masyado akong emosyonal. Kaya ng mag dismissed na ang klase ay agad akong tumakbo para umuwi. Hingal na hingal ako ng makarating sa bahay nila Benj. "Tao po! Benj, nandyan ka na ba?" tawag ko. Lumabas si Yaya Lyn. "Oh, Nyebe, bakit mo hinahanap si Benj? Hindi pa sya umuuwi." "Po? Hindi po sya pumasok." "Ano? Teka, tawagan ko sila Sir at baka kasama nila. Nakakapagtaka na umalis sya rito ng maaga, tapos hindi naman pala pumasok." Pumasok ng loob ng bahay si Yaya Lyn kaya napaupo ako sa harap ng gate at napatulala dahil mas lumakas ang pag-aalala ko para kay Benj. Pero napaangat ako ng tingin ng makarinig ng yapak. Napatayo ako ng makita si Benj. Nagkatinginan kami at bago iyon ay nakita ko na malalim ang iniisip nya. "Saan ka nagpunta, Benj? Bakit hindi pumasok? Bakit ngayon ka lang?" Tinignan nya ako at ngumiti sya, "Nagpunta ako sa yate, kaso nakatulog pala ako doon." Lame excuses.. "Maghapon kang nakatulog?" tanong ko. Nawala ang ngiti nya, "Nasira kasi ang yate kaya nagpunta ako. Kaya natagalan rin ako." Nangilid ang luha ko na kinagulat nya. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Sobra akong nag-alala dahil baka ka ko napano ka na." Hinaplos nya ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry." aniya. Umiling ako, "Hindi, ayos lang, nauunawaan kita. Basta sagutin mo man lang ang tawag ko kapag ganung nawawala ka, ha?" "I'm sorry." bigkas nyang muli. Humigpit ang yakap ko sa bewang nya dahil hindi parin maalis ang kaba sa dibdib ko. Siguro, sa buong araw kong pag-aalala sa kanya ay ito ang naging epekto. Naging nerbyosa na ako. "Oh, narito ka na pala, Anak. Saan ka ba galing at hindi ka daw pumasok sabi ni Nyebe?" si Yaya Lyn kaya nagbitaw kami ng yakap ni Benj. Tinignan ko si Benj, nakatingin sya kay Yaya Lyn. Nilagyan nya ng pader ang expression nyo at tila ba meron syang gustong itago at ayaw ipakita sa iba. "Sa yate lang, Ya." tumingin sa akin si Benj, "Umuwi ka na at magpapahinga lang ako." baling nya sa akin. Napasunod ang tingin ko sa kanya ng pumasok na sya. Gusto ko pa sana syang makausap dahil maghapon ko syang hindi nakita at nakausap, pero tila pagod sya at malalim ang iniisip. Kinabukasan ay hindi kami naglakad patungong school, nagkotse kami. Pero ngayong araw ay sobrang tahimik ni Benj at ginagambala na naman ako ng isip ko na nais malaman ang iniisip nya. Tumingin ako sa kanya na dinukdok ang ulo sa lamesa pagdating sa room. Nagtext ako kay Warren at pagkaraan ay tumayo ako at lumabas ng room. Sa fire exit ako nagpunta at humawak ako sa bakal habang nakatanaw sa paligid ng school. "Bakit, Nyebe?" Lumingon ako kay Warren at bumuga ng hangin. "Hindi ko gusto na gambalain ka, Warren. Pero wala bang nasasabi sa'yo si Benj kung ano ang iniisip nya?" Pumamulsa sya at sumandal sa pader, "Wala. Hindi ko parin sya nakakausap. Pero hayaan mo, kakausapin ko sya at kapag may nalaman ako ay sasabihin ko sa'yo." Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Warren. "Salamat.. Pasensya na, paranoid lang ako. Kasi pakiramdam ko ay parang unti-unti na namang nilalagyan ni Benj ng pader ang sarili nya sa akin. Kakabati palang namin pero heto't parang lumalayo na kami sa isa't-isa." "Wag kang mag-isip ng iba. Siguro ay pagod lang si Benj." Ngumiti ako at tumango. Atleast kahit papaano ay pareho kami ni Warren na nakikita na baka mali lang talaga ang iniisip ko na may problema sa amin ni Benj. Bumalik na kami sa classroom at nakadukdok parin si Benj sa lamesa. Napahinga ako ng malalim. Dumating si Mr. Dimaculangan kaya nilabas ko ang assignment ko. "Okay, Class. Let's proceed to your assignment. Mr. Ford, please answer the number one question." Tumingin ako kay Benj ng tawagin sya ni Mr. Dimaculangan. Kinalabit ko sya kaya naalimpungatan sya at tumingin sa akin. "Mr. Ford." tawag ni Mr. Dimaculangan. Napatingin kay Sir si Benj at umayos ng upo. "Yes, Sir?" "Answer number one." Binuklat ni Benj ang libro at hinanap ang sasagutan nya. Wala ba syang gawang assignment? "Hindi ka ba gumawa ng assignment?" "She's beautiful and I want to make friends of her." basa ni Benj sa sasagutan nya. "Okay, translate it." Napahawak si Benj sa ulo nya, "Maganda sya kaya gusto kong maging kaibigan sya." "Okay, give me the other word for that." "Hmm, make friend.. Make love." Napaface palm ako na kinahagikgik ng mga kaklase ko. Pinalo ni Mr. Dimaculangan ang table kaya napatigil ang mga kaklase ko. "Mr. Ford, tama ng kaunti pero masyadong kakaiba ang sagot mo." "f**k her." Napanganga ako sa sinabi ni Benj at nagtawanan ang mga kaklase ko. Namula ako at halos ako na ang nahiya sa kanya. Ano ba ang iniisip nya? Para syang lutang. - "Ano kaya ang gagawin ni Nyebe. Tila mapapasubo sya." "Poor her." Pinag-uusapan ng mga kaklase ko ang sagot ni Benj hanggang umabot na sa ibang seksyon. Narito ako sa cubicle ng c.r at rinig ko na pinag-uusapan ng ibang seksyon ang sagot ni Benj. Kasi naman. Bakit malaswa pa ang salitang lumabas sa bibig ni Benj? "Pero girls, may sakit pala kahapon si Ms. Daniella." Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng cubicle ng marinig ko ang pangalan ni Ms. Daniella. "Oo nga. Sobrang sipag kasi ni Ms. Daniella. At rinig ko na laging umiiyak si Ms. Daniella dahil sa boyfriend nya." "Kawawa naman si Ms. Daniella." Natulala ako hanggang sa narinig ko ang palayong yapak ng mga estudyanteng babae. May sakit si Ms. Daniella kahapon. Tapos kahapon ay absent rin si Benj at hindi ko mahagilap. Posible ba na si Ms. Daniella talaga ang rason kaya umabsent si Benj at hapon ng nakauwi? - "Benj.." nagulat ako na nagpunta rito sa bahay namin si Benj. "Pwede bang pumasok?" Tanong nya. "Oo naman." pinagbuksan ko sya ng pinto. Narito lamang si Mama dahil sila Lola ay nasa maynila. "Oh, Hijo, napadalaw ka." bungad ni Mama. "Maganda gabi ho. Binibisita ko lang po si Nyebe." Tumingin ako kay Mama, "Mama, sa kwarto lang po kami." "Bakit hindi pa rito sa sala?" tinignan ako ni Mama na para bang gustong kurutin ang singit ko. "Mama, mag-uusap lang po kami." sabi ko. "Okay, sige, dadalhan ko nalang kayo ng meryenda." Napahinga ako ng malalim at inaya na si Benj. Pagdating sa kwarto ko ay nakita kong nilibot nya ang tingin. Ngayon lamang sya nakapunta rito sa bahay at nakapasok ng kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at inaya ko sya. Tinignan ko sya at hinawakan ko ang kamay nya. Nagkatinginan kami. Gusto kong malaman ang gumugulo sa kanya. "Benj.." Bubuka palang bibig ko para magtanong ng halikan nya ako. Napakapit ako sa braso nya at gusto ko syang pigilan pero hinawakan nya ang batok ko at malalim akong hinalikan. Napabitaw kami ng malakas na bumukas ang pinto. Napalayo kami sa isa't-isa at namula ang pisngi ko bago tumingin kay Mama na pumasok. "M-Ma naman, bakit hindi kayo kumatok?" sabi ko sa awkward na boses. "Dadalhin ko lang itong meryenda nyo. At bakit naman ako kakatok pa, e, bahay natin 'to." Napahinga ako ng malalim dahil alam ko naman na gustong makasiguro ni Mama na walang mangyayaring kababalaghan. Tumingin ako kay Benj na tumayo at ngumiti kay Mama. "Ayos lang po. Ah, aalis na po pala ako." Napatayo ako dahil sa sinabi nya. Nakasunod lang ang tingin ko hanggang sumara ang pinto. "Anong nangyari doon?" "Ah, Mama, hatid ko lang po sya." Agad akong tumakbo palabas ng kwarto ko at nakita ko sya na nakababa na ng hagdan. Kaya mabilis akong sumunod. Paglabas ng bahay ay agad ko syang tinawag habang hingal na hingal ako. Huminto sya kaya lumapit ako at hinarap ko sya sa akin. "Benj, 'di ba nangako tayo sa isa't-isa na walang sekreto. Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan ka talaga nagpunta kahapon?" Tinignan nya ako at hinawakan sa magkabilang braso. "Sa yate lang talaga. Masakit lang ang ulo ko ngayon kaya gusto ko muna sana na magpahinga." Hinalikan nya ako sa noo at tumalikod na sya. Huminga ako ng malalim habang napakuyom ang kamay ko. "Si Ms. Daniella ba ang pinuntahan mo kahapon?" Sumagot ka please.. Please, Benj, hindi dahil kay Ms. Daniella kaya ka umabsent. "Ofcourse not. She's nothing to me. Bakit ko pa sya pupuntahan? Ang tanging koneksyon nalang namin ay pamilya sya ng asawa ng ate ko." Niyakap nya ako kaya nangilid ang luha ko at yumakap sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin nya na wala na sa kanya si Ms. Daniella. Na hindi nya ito pinuntahan kahapon. - Benj Nakaupo ako sa dalampasigan matapos kong puntahan si Nyebe. May naupo sa tabi ko kaya napahinga ako ng malalim. "Benj, meron ka pa rin bang feelings kay Ms. Daniella?" Tumawa ako, "Hindi kita tinawagan para tanungin ako ng ganyan. Gusto ko lang hiramin ang notes mo sa math." Kinuha ko ang notes nya na binigay nya at tumayo na ako para umalis. "Nakita kita na patungo sa daan ng santa iñez kahapon." Napatigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi nya. Nilingon ko sya at ngumiti ako. "Pinuntahan ko lang si Ate." "Alam natin pareho na wala ang ate mo ngayon sa bansa at kasama ang asawa't anak nito." Nawala ang ngiti ko at pumamulsa ako na tinalikuran sya. "Sobrang nag-alala sa'yo si Nyebe at pinaghanda ka pa nya ng lunch na kinain lang din nila Emerald. Alam mo ba na tinanong din nya ako upang malaman kung saan ka nagpunta. Sobra akong nakokonsensya dahil alam ko naman kung saan ka nagpunta, pero hindi ko sinabi dahil ayokong umepal sa inyo." Ngumiti ako, "Wala namang dapat na ipag-alala sya, dahil walang nangyari." "Meron nangyari." aniya kaya natigilan ako, "Kapag nasaktan si Nyebe, tiyak akong meron at merong sasalo sa kanya. At kapag sinaktan mo si Nyebe, sasabayan ko ang good timing na dapat ay noon pa lang ay sa akin na." Lumingon ako sa kanya at nagkatinginan kami ng seryoso. Ngumiti sya at nakapamulsa na tinalikuran ako. - Nyebe Everything will be fine. Ang salitang sinabi sa akin ni Benj nung panahong muntik ng may mangyari sa amin. Sana nga ay maayos lang ang lahat. "Nyebe ko..." Kanina pa nagpapacute sa akin si Benj.. Sinandal nya ang braso sa desk ko at tinignan ako. "Pagluto mo ulit ako ng lunch bukas, hmm?" "Okay." sabi ko at nagconcentrate sa pagreview. Hinawakan nya ang baba ko kaya nagkatinginan kami. "Kiss me." aniya na kinamula ko. "Maraming makakakita, Benj." bulong kong suway. "Hindi sila nakatingin." aniya. Nilibot ko ang tingin at mga busy nga mga kaklase namin. Napahinga ako ng malalim at tumango kaya ngumiti sya at hinalikan ako. Napangiti kami sa isa't-isa at agad din kaming nagbitaw ng labi. Umayos kami ng upo ng magbalikan na ang mga kaklase namin sa upuan nila hudyat na may parating na teacher. Pero napatigil ako ng makita na si Ms. Daniella ang pumasok. Napatingin ako kay Benj at nakatingin sya kay Ms. Daniella. Nabitawan ko ang ballpen at kinuha ko ang isang kamay ni Benj kaya napatingin sya sa akin. Mahigpit na hinawakan ko ang kamay nya kahit na ako ang nanghihina. Ngumiti sya at humawak sa kamay ko. "Hello everyone. Dahil wala si Mr. Dimaculangan ngayon kaya ako muna ang panandaliang papalit sa kanya. Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ako si Rica Daniella Esquivar, pero pwede nyo akong tawagin na Mam Daniella." Tila magaling na si Miss Daniella dahil nakapasok na sya. At kahit nakasalamin sya ay kita parin ang simple at maganda nyang itsura. Tumingin ako kay Benj at nakatingin sya sa lamesa habang tila malalim ang iniisip nya. Hindi nga nya namalayan na nabitawan nya ang kamay ko. Lumunok ako at tinago ang kamay kong nanginginig.. Hindi ko magawang mainis kay Miss Daniella dahil wala naman syang kasalanan kung bakit ako nagseselos at naiinsecure sa kanya. At hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Pagkatapos ng klase ay agad akong nagwalk-out. "Nyebe!" tawag ni Benj na hinahabol ako. Tuloy-tuloy ako sa paglakad at sa garden akong nagpunta. Huminto ako at alam kong nasa likod ko lang sya. "Nyebe, anong problema?" Pumatak ang luha ko habang puno ng takot ang puso ko. Pero parang wala lang din mangyayari kung ngayon na naging teacher lang namin si Ms. Daniella ay nagkakaganyan na naman sya. "Benj, tingin ko ay hindi ko na kayang ipaglaban ang pag-ibig ko sa'yo." "Ano?" hinarap nya ako at napamaang sya ng makitang umiiyak ako, "Anong sabi mo?" halos pabulong nyang tanong. "Hindi naman ako kailanman magiging sapat sa'yo. Kahit siguro gawin ko ang lahat ay hindi parin ako ang nauuna d'yan sa puso mo. Si Ms. Daniella parin.." Inalis ko ang kamay nya sa balikat ko at naglakad ako para iwan na sya. "Gusto mong malaman ang nangyari nung nakaraan?" Napahinto ako sa sinabi nya at humarap ako sa kanya. Nakatalikod sya sa akin at humarap sya sa akin. Naglakad sya palapit sa akin at hinawakan ako sa kamay bago hinila. Napasunod ako sa kanya at umalis kami ng university. Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko at pinasakay ako sa kotse nila. "Benj, saan tayo pupunta? May klase pa." Hindi sya nagsalita at mahigpit nyang hawak ang kamay ko habang magkatabi kami sa backseat. Umandar na ang sasakyan at nalaman ko na sa port kami pupunta. "Anong gagawin natin dito?" Hinila nya ako papasok sa yate na sinakyan namin nunh nakaraan. At sinara nya ang pinto. Tumingin ako sa kanya at nakatingin sya sa akin ng seryoso. Naramdaman ko na umandar agad ang yate at hindi parin sya nagsasalita. "First, I want to say sorry, Nyebe." panimula nya kaya kinabahan ako.. Nakatingin lang ako sa kanya at hinawakan nya ang kamay ko, "Daniella and I...had sex." Para akong nanlamig sa sinabi nya at pumatak ang luha ko habang hindi ko alam kung paano ko sya titignan. Napaatras ako at napaiyak ako hanggang matisod ako dahil sa pag-atras ko. Napaupo ako pero hindi ko ininda iyon at napatakip ako ng mukha habang humahagulgol. "Nyebe.." "Wag mo akong hawakan!" binayo ko sya at sinampal. Tumayo ako at aalis sana ako ng hulihin nya ang bewang ko, "Bitawan mo ako! Moron!" Nagpumiglas ako habang umiiyak, pero hiniga nya ako sa sofa at hinalikan. Tinulak ko sya sa dibdib at mukha. "I'm sorry.. Hindi namin sinasadya.." Tinignan ko sya habang umiiyak ako, "Hindi ko kayang tanggapin iyon, Benj. Hindi." Tinulak ko sya kaya napaalis sya sa ibabaw ko. Agad akong tumakbo at binuksan ang pinto. Nakita kong palayo na ang yate pero ayokong makasama si Benj.. "Pakinggan mo muna ako, please." niyakap nya ako mula sa likod kaya nagpumiglas ako. "Totoo ang pagmamahal ko sa'yo, Benj.. Halos magmukha na nga akong martyr dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Tapos ngayon ay sasabihin mo na meron palang nangyari sa inyo ni Miss Daniella na sinekreto mo at nagsinungaling ka pa!" Nagpumiglas ako dahil mas lalong lumayo ang yate hanggang sa mapalayo na ang sinasakyan namin. Inalis ko ang kamay nya sa bewang ko at hinarap sya. Sinampal ko sya na kinababa ng ulo nya. Napakuyom ang kamay ko dahil sumakit ito sa lakas ng sampal ko. Napaatras ako ng mag-angat sya ng ulo. Seryoso nya akong tinignan at nabigla ako ng haklitin nya ang braso ko. "Hindi ka makikipaghiwalay sa akin." Hinawakan ko ang kamay nya para alisin pero hinila nya ako at niyakap. Humawak ako sa bewang nya para alisin ang yakap nya pero mahigpit nya akong niyakap. "Hindi ka makakaalis sa relasyon natin dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." bulong nya na kinakilabot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD