Kabanata 18 - The Past Reveal The Truth

4714 Words
Nyebe "Pasensya ka na talaga, Anak. Nagiging pabigat ako sa'yo, tapos palagi pa kitang binibigyan ng problema." Umiling ako kay Papa. Mula kasi na mabugbog sya ay sa bahay nalang sya at takot ng lumabas dahil sa trauma. Humihilom na rin ang sugat nya at dapat lang talaga na sa bahay nalang muna sya para masigurong wala ng magtatangka sa buhay nya. "Ano ba naman kayo, Papa. Ang makitang narito lang kayo sa bahay at nagpapagaling ay magaan na sa pakiramdam ko. Takot na po akong iwanan nyo, kaya po magpagaling po kayo agad at wag nyo na pong pagbubuksan kung sino man po ang kumakatok." "Tama sya, Tito. Tawagan nyo ako kapag merong nag-doorbell ng masyadong gabi. Akong bahala doon." sabi ni Benj na nasa tabi ko. "Salamat sa inyo.. Oo nga pala, hindi ba't magpapacheck-up kayo? Hindi pa ba kayo lalakad?" Ngumiti ako at tumingin kay Benj na nasa likod ko. "Lalakad na, Papa. Kagabi pa nga po excited itong si Benj." sabi ko. "Syempre, ako ang ama nya'n, kaya dapat lang na manabik ako." Siniko ko sya ng hawakan nya ang bewang ko. Natawa si Papa at napangiti. "Sige na, lumakad na kayo." Tumango ako kay Papa at bumeso. Si Benj naman ay nakipagsangga ng kamao. Mga lalake talaga kinahihiya pang bumeso. "Benj, sure ka bang mag home school nalang ako? Kaya ko pa naman pumasok sa susunod na school year dahil wala pa namang umbok ang tiyan ko." Sumulyap sya sa akin sandali at binalik rin sa kalsada ang paningin. "Oo. Mabuti ng sigurado. Kung sa school ka ay umaakyat pa minsan ng hagdan kung natapat ka sa seksyon na nasa taas ang room. Paano kung madulas ka? Edi napahamak pa kayo ni Baby." Napangiti ako at humawak sa hita nya. Walang oras na atang nasa tabi ko sya. Uuwi lang sya sa bahay nila para maligo at magpalit ng damit, tapos ay tatambay na sa amin. "Wala ka bang girls sa school?" tanong ko kaya napangisi sya. "Wala.. Tsaka wag mo akong ganyanin, dahil tinatablan ako." Naguluhan ako sa sinabi nya, "Huh? Anong ganyanin?" Ngumisi sya at sinulyapan ako bago hawakan ang kamay ko na nasa hita nya. Napabitaw ako ng makita ang umbok nya kaya hinampas ko sya na kinahalakhak nya. "Ang manyak mo!" Natawa sya, "Paano ako naging manyak, ha? Humawak-hawak ka tapos ng makita mong tinatablan ako ay sasabihan mo akong manyak. Wag ka kasing humahawak d'yan, alam mo naman malakas ang kiliti ko d'yan." Umirap ako at mahinang sinutok ko ang braso nya. "Tumigil ka na nga." Ngumiti sya ng pilyo at napakagat ng labi kaya napatingin ako doon. Napakapula talaga ng labi nya at hindi naman sya basa ng laway pero parang kumikinang ang labi nya sa pagkapula. Umiwas ako ng tingin dahil kahit saan sya anggulo tignan ay napakagwapo nya. "Pakasal na tayo. Agad i-shedule ni Dad iyon basta sabihin lang natin sa kanya agad." Tumingin ako sa kanya at napaisip ako. Napatingin ako sa kanya ng humawak sya sa tiyan ko kaya napahawak ako sa kamay nya. "Sigurado ka ba na hindi ka na magmamahal ng iba? Na ako lang at hindi ka mambabae kapag nagsama na tayo?" Tanong ko. "Oo naman. Sa tagal mo nga nawala noon ay hindi man lang ako sumulyap sa iba, ngayon pa kaya. Nagkataon lang na nagkamali ako noon, pero bumabawi na ako." "Okay, pakasal na tayo pero gusto ko sa bahay namin tayo tumira." Natawa sya, "Kahit saan naman, magkalapit lang naman tayo ng bahay. Kung gusto mo ay pagbukludin nalang ang bahay natin para maging isa." "Ano ka ba. Nakakahiya sa parents mo. Tsaka nakatira pa sila doon, kaya doon nalang tayo sa amin, okay?" "Okay, no problem." Ngumiti ako at tumingin sa daan. Sa hospital ng bf island kami nagpunta dahil meron na ring ob-gyne doon. Mulat ng marami na ring tao sa isla. Si Benj ang nagdala ng bag kong bitbit habang alalay nya ako sa paglalakad. Nakahawak sya sa bewang ko habang sabay kaming naglalakad papasok. May nakakilala sa kanya na agad kaming nilapitan at dinala sa clinic ng ob-gyne. "Good morning sa inyo. Have a seat." sabi ng isang doctora. Kaya naupo kami ni Benj sa harap ng table nito. "Magpapacheck-up sana kami sa pinagbubuntis ng girlfriend ko. Nakalanghap sya ng chemical nung nagdaang linggo at inaalala namin ang kalagayan ng baby namin." sabi ni Benj. "Ganun ba. Tara rito, Miss. Tignan natin ang lagay ng baby mo." Tumingin ako kay Benj kasi kinababahan ako. Tumango sya at inalalayan ako sa pagtayo. Tumayo rin sya at inalalayan ako sa paglapit doon sa hospital bed ni Doctora. "Ang sweet mo naman. Ilang taon na ba kayo? Parang mga bata kayo?" "Eighteen po kami pareho." tugon ko kaya napatango ang doctora. "Mahiga ka na rito. Wag kang kabahan, ganyan talaga kapag umpisa." Tumango ako at inayos ko ang saya ng dress ko ng tulungan ako ni Benj sa pagsampa sa higaan. Nang makaupo ako ay nahiga ako at inayos ko ang dress ko. "Itataas lang natin ang dress mo para malagyan nitong gel ang tiyan mo." Nahiya naman ako pero hindi naman ako pwedeng mag inarte dahil para rin ito sa baby namin ni Benj. Tinaas ni Doctora ang dress ko kaya kita ang suot kong cycling. Nilagyan nya ng gel ang tiyan ko at parang merong detecting device sya na nilapat sa tiyan ko at gamit din ang gel ay pinaikot-ikot nya sa tiyan ko habang nakatingin si Doctor sa monitor. "Wala ka bang nararamdaman sa pagbubuntis mo? Mga sign ng morning sickness?" Napaisip ako at umiling, "Wala pa po." "Ang pag-ihi mo ay ayos naman ba?" "Opo." "Nasa unang buwan ka na ng pagbubuntis mo." Nagkatinginan kami ni Benj at napangiti dahil isang buwan na pala ang baby na nasa sinapupunan ko. Tinignan pa ni Doctora kung ayos lang ba ang pagbubuntis ko. "Maayos naman pero kailangan parin ng every two weeks or months na check-up para talaga makita kung walang defect sa pinagbubuntis mo. Reresetahan kita ng vitamins at kailangan ay masusustansyang pagkain ang kakainin mo para naman healthy si baby." Tumango ako at kinuha ang reseta nya. Tumayo na kami ni Benj. "Maraming salamat, Doctora. Hanggang sa muli po." sabi ko na kinangiti at tango nya. "Hanggang sa muli. Ingat kayo at ang bilin ko ay kakain ng regular at healthy food. Samahan mo na rin ng exercise." "Opo, salamat po." Tumingin ako kay Benj at tinanguan sya para lumabas na kami. "Oh, sabi ni Doctora ay regular ka daw kakain. Kaya kapag ayaw mo ay si baby ang magsusuffer." pangongonsensya pa nya dahil nga nung mga nagdaang araw nung akala ko ay iniwan at ninakawan ako ni Papa ay hindi ako kumain no'n. Sobra nga ako nakokonsensya dahil may baby na pala sa siapupunan ko tapos sariling topak ko lang ang inisip ko. "Oo, hindi na ako uulit na hindi kumain." tinignan ko ang unang ultrasound at hindi pa sya masyadong kita dahil parang dugo palang ang baby nasa tiyan ko. "Sa mga susunod pang mga buwan ay makikita na natin ng malinaw. Ganyan yung kay Ate Bettina." sabi nya habang naglalakad kami na tinitignan ang record ng ultrasound. "Ano kaya ang magiging baby natin?" tanong ko. "Sana kambal." aniya kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya kaya mahinang tinampal ko ang pisngi nya habang nakahawak sya sa bewang ko at nakaalalay sa akin. "Kambal ka d'yan. Ang hirap kaya manganak kapag ganun. Ayos lang kung isa." "Gusto ko ng dalawa agad. Tutal ay walang kambal sa pamilya namin. Tatlo meron." "Grabe ka kapag tatlo." natawa sya kaya napangiti ako, "Pero in ferness sa Mommy mo, sexy parin at ang ganda talaga. Parang hindi tumatanda katulad ng Dad mo." "Syempre, alaga ni Dad. Kaya dapat ay alagaan natin ang isa't-isa ng hindi agad tayo tumanda." Ngumisi sya kaya naningkit ang mata ko dahil alam ko ang ngisi nya. "Bakit parang may iba kang meaning sa alaga?" Natawa sya at kinuha ang phone nya ng mag ring iyon. Nakalapit na kami sa sasakyan ng sagutin nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya sumakay ako. "Hello? Ngayon ba 'yon? Okay, Ate. Sige, d'yan na kami dederetso." "Anong sabi ng Ate mo?" tanong ko ng ibaba na nya ang tawag. "Birthday ni Kuya Rico. Pinapapunta tayo." Napatango naman ako, "Magpalit muna kaya ako ng suot? Medyo simple lang itong dress ko, nakakahiya naman kung pupunta ako na nakaganito." "Wag na. Tsaka ayos naman ang suot mo. Ang sexy mo nga d'yan." kumindat sya at sinara na ang pinto kaya napailing ako. "Sige na, magpapalit na ako." pilit ko sa kanya ng makasakay sya. "Wag ng makulit. Tsaka magpapaganda ka pa ng ayos, baka mamaya ay may makapansin sa'yo." Napangiti naman ako at pinisil ang pisngi nya na kinaiwas nya. "Asus. Selos ka na naman. Ayoko lang naman na magmukhang basahan sa pamilya mo. Syempre gusto ko rin na maayos akong dumalo sa ano mang family event ng pamilya mo." Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan. Humarap sya sa akin at hinawakan ako sa mukha. "Kahit ano pa ang isuot mo ay balewala iyon sa pamilya ko. Hindi sila tumitingin sa panlabas, dahil mas tinitignan nila ay ugali. Kaya ayos na iyan at hindi mo na kailangan na magpalit dahil ayos naman ang suot mo at maganda kang tignan d'yan." Kinilig naman ako sa sinabi. Tumango na ako at ngumiti kaya napangiti sya at hinalikan ako sa labi. "So, let's go. Sakto at gutom na tayo, mukhang maraming niluto sila Ate." "Sige. Tara na." Binitawan na nya ang mukha ko at humarap na sya sa manibela at pinaandar ang sasakyan paalis ng hospital. Kaya ko lang naman naisip na maging presentable tignan ay tiyak na nandoon si Ms. Daniella. Baka matuon ang atensyon ni Benj doon, dahil mas maganda naman 'di hamak sa akin si Ms. Daniella. Pero nang sabihin ni Benj na maganda ako tignan sa suot ko ay medyo napanatag ako. Gusto kong tanungin si Benj kung meron pa bang namamagitan sa kanila ni Ms. Daniella. Nung sa hospital ay kita ko kung paano sila nagngitian sa isa't-isa. Nagseselos din ako dahil talagang pinagtatagpo ang landas ni Benj at Ms. Daniella. Pero nag-aalangan akong tanungin. Ilang minuto din ang biniyahe ng makarating kami sa bahay ng Ate ni Benj. Actually, ngayon ko palang makakaharap ang ate ni Benj. Nakita ko ito noon nung dumalaw sila sa bahay nila at nakatago ako sa halaman noon. Mula noon ay ngayon ko palang sya makakaharap ng personal. Napakalaki ng bahay at halos pink na pink ang bawat nakikita ko sa kulay ng bahay at paligid. "Mahilig siguro ang Ate mo sa pink." bulalas ko na kinahalakhak ni Benj habang nakatayo na kami sa harap ng gate. "Oo, sinabi mo pa." Napangiti ako at medyo kaunti pa ang bisita. Tila puro kamag-anak palang at mga ford na kinahiya ko. "Tara." aya ni Benj kaya tumango ako at huminga ng malalim. Maraming bata na nagtatakbuhan at ang puputi tapos mga cute pa. "Tito Benj!" sigaw ng mga malilit na bata.. Napangiti ako ng magsiyakapan ang mga ito sa legs ni Benj. "Mga cute kong pamangkin." Meron rin mga medyo malalaki na at ang gaganda at gwagwapo. Mga artistahin. Sa dami ng pamangkin nya ay hindi na nya mabanggit lahat ang pangalan. Napatingin ako sa cute na batang all pink ang suot. "Why your hair is so Kulot?" Natawa ako at napahawak sa buhok ko. Dahil sa hindi na ako nakakapagrebond mula ng mapunta ako sa poder ni Daddy Douglas ay bumalik na sa dati ang kulot kong buhok. Kahit na ano pa ang gawin ko ay babalik at babalik din sa dati ang buhok ko kaya hindi na ako nagparebond pa. "Because this is inborn." "Bellissima, stop it. Bunganga mo talaga." nahiya ako ng lumapit ang Ate ni Benj. Napakaganda nito at napakaputi. Napatingin ako sa sumunod rito at tumabi. Ang tangkad at tila malayo ang edad sa Ate ni Benj. Pero ang gwapo, namula ata ako. "Pasensya na sa anak namin. May pinagmanahan lang." sabi nung gwapong asawa ng Ate ni Benj. "Anong sabi mo, Tanda?" Sarkastikong tanong ni Ate Bettina at tila ba may tingin syang binibigay sa asawa nito na napahimas sa batok. "Wala. Ang sabi ko ay manang-mana sa akin." bawi nito sa sinabi. "Good. Akala ko ay may sinasabi ka. O, dalhin mo sa kwarto si Bellissima at palitan mo ng suot. Ako na ang bahala rito." "Sige, maiwan ko muna kayo rito, Benj, Miss." baling sa amin ng Kuya Rico ni Benj. "Sige, Kuya. Mag-alaga ka muna at masyado kang nakakasilaw sa paningin ko." Tumingin ako kay Benj at napatingin ito sa akin bago nilapit ang bibig sa tenga ko. "Nagseselos ako, kaya wag kang mabighani sa asawa ng Ate ko." Nahiya naman ako at pasimpleng siniko sya bago ngumiti sa Ate ni Benj na nakatingin sa akin. "Ikaw ba ang girlfriend ng baby Benj namin?" "A-Ah, opo." tugon ko na may hiya. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, napatango sya at lumapit sa akin. Kinabahan ako dahil mukha kasi syang mataray at nakakailang na dumikit sa kanya dahil sa mala-porselana nyang balat. "I like you for my brother. Welcome to our family." "Thank you." ngumiti ako rito. "Tara na sa loob at doon na kayo kumain." aya nya at binalingan ang mga kapatid na nagkwekwentuhan, "Mga kapatid, d'yan lang kayo at batayan nyo daw ang mga anak nyo sabi ng mga asawa nyo." Nakita ko na ngumisi ito sa mga kapatid nya ng makarinig sya ng reklamo sa mga ito. "Under de saya." bulalas ng Ate ni Benj kaya napatingin ako kay Benj habang sumusunod kami sa Ate nya. Ngumiti si Benj at binulungan muli ako, "Certified bully si Ate ng mga Kuya ko." Napangiti ako at napatango dahil sa sinabi nya. Kaya pala ganun ang ngisi nito. "Ate, sila Mom, hindi pa ba pumupunta?" Nilingon kami nito habang nauunang maglakad. Umaalon ang buhok nito sa sobrang ganda. Parang isang dyosang diwata ito na napakaganda. "Mamaya daw. May pinuntahan lang sila." tugon nito. "Hindi ko na kasi nakita ng umalis kami ng bahay. Kela Nyebe ako natulog kaya hindi ko alam kung saan sila nagpunta." "Alam mo naman na pakikipagdate sa isa't-isa nalang ang nagpapasaya kela Dad at Mom, kaya asahan mong palaging nagpapakasaya nalang sila dahil nakapagpahinga na rin sila sa atin. Pero teka, may balak na ba kayong magpakasal?" Pinaupo kami nito sa silyang babasagin at ang lamesa ay babasagin din. Tapos puro kulay pink na ang lahat ng gamit at pintura na may halong puti lang. "Oo, Ate. Pumayag na si Nyebe kaya aasikasuhin na namin bago pa lumaki ang tiyan nya." Natawa kami ng mapatili ito. Napatingin sa amin ang mga magagandang babae. Napansin ko na sila pagpasok palang namin sa dinning area. "Omg! Magkakaanak na kayo? Wow! Sharp shooter ka pala, Baby Benj. Patingin nga, kakatuli mo lang nung mga nakaraang taon." "Ate!" inis na sigaw ni Benj na kinahalakhak ng mga babae. Namumula naman si Benj kaya napangiti rin ako na may pamumula ng pisngi. Grabe, masyadong bulgar ang Ate nya. "Oh, nagbablush ang baby benj natin. Nahiya ka pa. Bakit, dahil narito ang mga crush mo?" Mas lalong namula si Benj na kinahalakhak na parang witch ng Ate nya. "Mapagbiro ka talaga, Bettina. Tigilan mo na nga ang pambubully mo kay Benj at baka hindi ka pahiramin ng yate nya'n." sabi ng babae na ang cute at ang ganda nya rin na morena. "Ano ka ba, Mags, sweet kaya nitong baby benj ko." "Hindi ko alam kung bakit nakatagal sa'yo si Kuya Rico." bulong ni Benj. "Makakatagal talaga sa akin iyon dahil wala na syang makikitang kasing ganda ko. Takot nya lang." "Tsk. Bigyan mo na nga kami ng pagkain at nagugutom na kami ni Nyebe." Hinawakan ko ang kamay ni Benj para patigilin sya na patulan ang Ate nya. "Benj, ano ka ba.." "Don't worry, Nyebe.. Hindi pikon 'yan sa akin, love na love ako nya'n." Napahagikgik ang mga babae at alam ko na. Mga asawa ito ng mga kapatid ni Benj. Kaya naman pala kay gwagwapo at kay gaganda ng anak. Napaasik nalang si Benj at sinubsob sa leeg ko ang mukha nya kaya napangiti ako dahil hiyang-hiya na sya sa mga crush nya pala. Talaga palang mga matatanda ang crush nya. Pero maganda nga ang taste ni Benj sa babae dahil magaganda lahat. "Oo nga pala. Ako si Nestle. Asawa ni Duke; kuya nya." ngumiti ako rito. So ito ang asawa ng panganay. "Ako naman si Joe. Asawa ko si Drake na isa sa triplets at Diko ni Benj." ngumiti rin ako rito. Ang sexy at ang ganda.. Kumikinang pa ang kutis nya. "Ako naman si Akina. Asawa ko si Diesel na isa rin sa triplets at Diko ni Benj." Ang ganda nito at mukhang japanese. "Ako naman si Lara. Asawa ko si Deo na isa rin sa triplets." ito naman ay ang cute at may bangs. Ang ganda nya ring ngumiti at mukha syang anghel. "Ako naman si Magnolia. Asawa ko si Seige na pinakagwapo sa lahat." napangiti ako sa sinabi nito. "Inuto ka na naman ni Sangko, Ate Mags. Mas gwapo ako do'n." sabi ni Benj. "Marinig ka no'n. Alam mo naman ang sangko mo, malakas ang fighting spirit no'n. Gusto nya sya lang gwapo sa inyo." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Magnolia at dumating na si Bettina kasunod ang tila kasambahay na dala ang mga pagkain. "Ako naman si Catherine, asawa ni Samuel." sabi naman ng mestisa at blond hair na tila modelo rin ang katawan. Flawless at ang ganda nya rin. "Oh, kumain muna kayo at tiyak mamaya ay may bisita na si Tanda." sabi ng Ate ni Benj. Lihim na nasamid ako sa tawag nya sa asawa nya. Literal na tanda talaga. "So, magbalik tayo sa inyo. Ilang months na ang nasa sinapupunan mo, Nyebe?" tanong ng Ate ni Benj. "One month palang po." "Asus. Pinopo mo pa ako. Pwedeng Ate nalang?" Ngumiti ako rito na may hiya at tumingin ako kay Benj na ngumiti sa akin. "Pero nag-aaral ka pa ba? Si Benj ay first year college. Mag sesecond year na. Ikaw ba ay ganun din?" tanong ni Nestle. "Nahinto po kasi ako sa school dahil na rin po nawalan ako ng alaala ng mahigit dalawang taon. Kaya naisipan po namin ni Benj na mag home school nalang ako mula ng malaman naming buntis ako." "Hala. Ang saklap naman pala ng dinanas mo. Mabuti at bumalik agad ang alaala mo." sabi ni Joe. Tumango ako at ngumiti ako rito. Nasisilaw ako sa cleavage nya. Grabe, ang sexy talaga. "Ganun din dati si Duke. Talagang sinusubok talaga ang lahat ng pagsubok. Kaya dapat talaga ay hindi susuko." sabi ni Nestle. "Mommy! I'm fresh na!" Napatingin kami sa anak ni Ate Bettina na pink na naman ang suot kaso ibang style na ng dress. Pati kolorete sa buhok at katawan ay pink. Nakaboots pa ito na pink. "Tanda, ano ba namang klaseng make-up ang ginawa mo d'yan? Parang ni-rape naman ang anak natin.." sermon ni Ate sa asawa nya at bumaling ito sa amin, "Sandali lang ay aayusan ko lang ang anak ko. Kumain na kayo d'yan at enjoy." Napakamot sa ulo ang asawa nya at nagpaalam ito na susundan ang asawa nya. "Si Ate talaga. Ginayuma siguro no'n si Kuya Rico kaya walang angal." "Grabe ka sa Ate mo, Baby Benj. Parang hindi mo kilala. Tsaka kahit ganyan si Bettina ay tila sobra-sobrang in love si Rico sa kanya." sabi ni Joe. Tumango rin ang iba. Sabagay, pansin ko nga na kahit ganun si Ate Bettina ay kahit anong sabihin nito ay sinusunod at kahit saan ito magpunta ay sumusunod rin. Kung ang katulad ba naman ni Ate Bettina ang mamahalin mo ay hindi na siguro makakapag-isip pa na pakawalan. Mukha lang bully talaga si Ate Bettina pero mabait sya. Tila sa mga kapatid at sa asawa nya lang sya bully. "Hmm, Hi." Napatingin kami sa biglang nagsalita. Napukaw ako no'n at hindi nga ako nagkakamali ng nakikita dahil si Daniella ay narito na rin. "Hi, Daniella. Have a sit. Join us." sabi ni Catherine. "Thank you." Napatingin lang ako sa plato ko dahil naupo ito sa tabi ko. Parang naging awkward sa pakiramdam ko ang pag-upo nya. Nagpatuloy ang lahat sa kwentuhan. Nakikinig at ngumingiti lang ako dahil si Daniella rin ay nakikipag-usap sa kanila. "Busog na ako, Benj." bulong ko kay Benj kaya tumingin sya sa plato ko at tumango. Natapos na rin naman ang iba sa pagkain kaya nang makaramdam ako ng pag-ihi ay nagsabi ako kay Benj. "Sa comfort room lang." paalam ni Benj sa mga Ate nya. "Sige, balik kayo at chikahan pa tayo." Napailing si Benj sa sinabi ni Joe. Tila mahilig sya sa kwentuhan. Sinamahan ako ni benj sa guest comfort room. Pati banyo ay sobrang linis, ganda, at ang bango. May chandelier din pati banyo. "Samahan na kita rito sa loob at baka mapano ka." "Ano ka ba, kaya ko na 'to. Sige na, wait mo nalang ako sa labas." Napahinga sya ng malalim at tumango at humakbang na rin palabas. Gumamit na ako ng banyo at nagpunas rin. Naghugas ako ng kamay habang nakatingin sa sarili ko. Dapat talaga ay nagpalit ako. Ang mga Ate ni Benj ay ang gaganda ng suot. Maging si Daniella na kahit may salamin sa mata ay bagay ang floral dress na suot nya. Ako ay parang bibili lang sa kanto at wala man lang akong masyadong ayos. Inayos ko ang buhok kong kulot at kinuha ko sa bag na dala ko ang lipstick. Nagpahid ako dahil naalis ng kumain ako. Nang ayos na ay tinignan ko bawat side ng katawan ko kung sexy ba ako sa suot ko gaya ng sabi ni Benj. Parang hindi naman ako nasesexyhan. Inuuto lang ata ako ni Benj. Napahinga ako ng malalim dahil wala na rin naman akong choice dahil nakita na nila ang ayos ko. Nang makontento na ako ay lumabas na ako. Pero imbes na si Benj ang bumungad sa akin ay nagulat ako na si Ms. Daniella. "Hi. Pinuntahan ni Benj ang mga Kuya nya." Napatango ako sa sinabi nito. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. "Sige, puntahan ko lang si Benj." sabi ko at aalis na sana ako ng pigilan nya ako sa braso kaya napatingin ako sa kanya. "Nyebe, pwede ba tayong mag-usap?" Matagal akong hindi nakapagreact dahil nabigla ako sa sinabi nya. Pero dahan-dahan akong tumango kaya binitawan na nya ako. Lumakad sya kaya sumunod ako. Sa isang garden kami nagpunta at walang tao. "Uhh, Nyebe, gusto ko sanang humingi ng tawad sa'yo." panimula nya. Napatingin ako sa kanya ng humarap sya sa akin ng huminto na sya sa paglalakad. "Masakit talaga sa akin nung malaman na merong namagitan sa inyo ni Benj, pero kinalimutan ko na iyon. Kailangan na alisin ko na iyon para hindi na muli kaming mag-away." sabi ko. Umiling sya at humawak sa kamay ko na kinataka ko. "Mali ka, Nyebe. Ang totoo ay muntik lang na may nangyari sa amin, pero wala talaga. Kasalanan ko lahat kaya muntik ng may mangyari sa amin. Patawarin mo ako. Pangako hindi na ako manggugulo sa inyo. Gusto kong saktan noon ang sarili ko dahil bakit naging ganun ako kadesperada. Aaminin ko na nagkagusto talaga ako kay Benj ng sabihin nyang gusto nya talaga ako, kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil bata sya para sa akin. Pero nang hindi ko na mapigilan ang damdamin ko para sa kanya ay umamin na ako sa kanya at ako ang unang humalik, pero huli na pala ang lahat, dahil ikaw pala ang mahal nya." Napamaang ako sa sinabi nya, "You mean.. Walang nangyari sa inyo? H-Hindi kayo nag..ano..s*x?" Natawa sya na napakuno't noo, "Hindi. Bakit ano bang sinabi sa'yo ni Benj?" "Sabi nya ay nag-s*x daw kayo." Natawa sya na hindi makapaniwala, "Ano? Baka hindi nya lang naipaliwanag sa'yo ng maayos." Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak dahil isang misinterpret lang pala ang nangyari. Napahawak ako sa noo ko at napailing dahil kung nagkaintindihan lang kami ni Benj ay baka hindi lahat nangyari sa akin ang sakit na naidulot ng tadhana. "Ayos ka lang? Pasensya ka na, Nyebe. Nakokonsensya ako dahil sa ginawa ko kaya nagulo ang buhay mo. Patawarin mo ako." Napaiyak ako at umiling sa kanya. Ngumiti ako at pakiramdam ko ay meron sa puso ko na nabunutan ng tinik. "Salamat sa'yo dahil sinabi mo ito sa akin. Alam mo ba na meron paring paghihinala sa isip ko patungkol kay Benj. Nangangamba ako na baka masaktan muli ako sa kanya. Na baka gusto ka parin nya." "Hindi na, Nyebe. Hindi na ako ang nakikita ng mga mata ni Benj. Dahil alam ko ng mula ng makita ka nya ay sa'yo na tumuon ang atensyon nya at mga mata." Napapunas ako ng luha at napakuno't noo ako. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti sya at lumakad palapit sa isang upuan. Naupo sya doon kaya lumakad din ako palapit sa isang upuan at naupo din. "Naikwento nya kay Ate Bettina na meron daw babae sa harap ng gate nila. I think ten years old sya no'n." "Ako 'yon." sabi ko na kinatango nya. "Oo, ikaw nga iyon. Ang ganda mo daw kasi at nakaagaw pansin talaga ang kakaiba mong buhok. Mula no'n ay bukang-bibig ka nya at dahil close kami ni Ate Bettina kaya naikwento na rin sa akin ni Ate iyon. Alam mo bang nagseselos ako sa'yo dahil ang swerte mo dahil ikaw talaga ang minahal ni Benj. Sa palagay ko kaya lang sya may gusto sa akin dahil puppy crush lang iyon gaya ng pagkacrush nya sa mga asawa ng kapatid nya." Hindi ako makapaniwala na nung unang araw ko palang sa bf island at nung araw na unang beses ko syang makita ay may gusto na rin sya sa akin.. Napangiti ako at sobra akong sumaya dahil sa nalaman ko. Marami pa kaming napagkwentuhan ni Ms. Daniella. At nalaman ko na may boyfriend na sya at kita ko na in love sya sa boyfriend nya. Napakaganda ng pagkakataon na ito dahil naliwanagan ako at nalaman ko ang lahat ng mystery sa relasyon namin na ngayon ay na-solve. "Nyebe.." Napalingon kami ng tawagin ako ni Benj. Napapatingin sya sa amin tila ba tinitignan ang sitwasyon namin ni Ms. Daniella. Tumayo si Ms. Daniella kaya napatingin ako rito. "Maiwan ko muna kayo at tutulungan ko lang sila Kuya dahil baka may bisita na." nakangiti nyang paalam at umalis na. Tumayo ako at nang makalapit si Benj ay binayo ko ang dibdib nya na kinataka nya. "Oh, anong kasalanan ko at tila inis ka?" nagtataka nyang tanong. "Umamin ka nga. Yung sinasabi mong may nangyari sa inyo ni Ms. Daniella ay totoo ba o KAMUNTIKAN lang?" talagang pinagdiinan ko ang 'kamuntikan' ng magkaunawaan na kami. Natawa sya at napakamot sa kilay nya. Kinurot ko sya sa tiyan na kinalayo nya sa akin ng kaunti. "Oo na. Inaamin ko na masyadong mali ang pagkakasabi ko. Walang nangyari sa amin ni Daniella. Hindi ako makapag-isip ng maayos noon dahil na rin sa drogang naiinom ko. Kasalanan ko lahat kaya ka nasaktan. Patawarin mo ako.." Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Ambang iiwas sya dahil akala nya ay kukurutin ko muli sya ay hinawakan ko sya sa neckline ng t-shirt nya at hinila ko sya palapit sa akin at hinalikan ko sya. Napangiti sya kaya napangiti ako. Yumakap ako sa leeg nya at pumikit ako habang lumalalim ang halik namin. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso nya sa bewang ko para yakapin nya ako pabalik. "Umuwi na kaya tayo." Nilayo ko ang mukha nya at tinignan ko sya. "Hindi pwede. Kakarating lang natin at nakakahiya kung uuwi agad tayo. Kaya dito muna tayo." "Pinasabik mo ako tapos ngayon ay puputulin mo, ha?" Hinawakan ko ang mukha nya at nilamukot na kinangiti nya. "Oo, mamaya nalang, okay?" "Yes!!!" tinakpan ko ang bibig nya habang nahiya ako sa sigaw nya. "Tumahimik ka nga." Inalis nya ang kamay ko at tinignan ako. Napangiti naman ako at napapikit ng halikan nya ako. Napailing nalang ako at tumugon sa halik nya. Sobrang saya ko ngayon at hindi ko maipaliwanag ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD