Kabanata 19 - Love is...

3604 Words
Nyebe Hindi ako naging ganito kasaya sa buhay ko noon. Kahit alam ko na masyado pa kaming bata ni Benj para mag pamilya ay naisip ko na hindi naman magiging hadlang iyon para hindi namin ipagpatuloy ang nais parin namin sa buhay. Magkahawak kami ng kamay habang may naglalaglagan na petals ng bulaklak sa amin. Sa tulong ng parents nya ay ngayon nakasal kami sa mabilis na panahon. Yes, we're married. He's my husband now. Napakaganda nga ng suot ko dahil ang Ate pa nya ang gumawa ng gown para sa akin. Simple lang ang kasal dahil iyon ang nais ko. Mga kaibigan at kamag-anak lang ang imbitado. "Gutom na ba ang baby natin?" hinaplos nya ang tiyan ko ng makasakay kami sa kotse. Ngumiti ako at tumingin sa kanya, "Parang nga. Kanina pa sa simbahan tumutunog ang tiyan ko." Natawa sya at binaba ang ulo. Napahaplos ako sa buhok nya at napangiti ako ng halikan nya ang tapat ng tiyan ko. "Konting tiis nalang, kakain na tayo." bulong pa nya kaya napailing ako at napangiti. "Hindi ko akalain na kasal na tayo." tumingin sya sa akin at ngumiti. "At asawa na kita. Akin ka na talaga." aniya kaya pinisil ko ang pisngi nya at pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya. "Alam mo, sobrang saya ko na makilala pa ang pamilya mo. Naging komportable din si Papa na makachikahan ang Mommy at Daddy mo. Napakabait ng pamilya mo kaya sila na ang pinakagusto kong pamilya." "At syempre iisa nalang tayo. Tsaka... Masama man ang tingin sa amin ng ilan dahil sa trabaho ni Dad, pero hindi maitatanggi na may kabutihan kaming nagawa sa iba kaya nagugustuhan din kami ng ilan at wala ring masabi sa amin.." inakbayan nya ako kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako kaya ngumisi sya at binaba ang mukha at hinalikan ako. Tumikhim ang driver kaya napabitaw kami at mahinang natawa kami ni Benj bago umayos ng upo. Dumating kami sa reception at napakaganda ng set-up. Para akong nasa kaharian na magaganda ang nakikita ko. Napakalaki na ng angkan ni Benj. At nakakatuwa na kompleto sila para saksihan ang kasal namin. "Best wishes, guys." bati ni Emerald na katabi si Ruby. Ang mga maid of honors ko.. "May regalo kami guys sa inyo. Makakatulong din iyon para sa inyo." sabi ni Warren na katabi naman si Max na best man ni Benj. "Thank you, guys. Nakareserve ang seat at table nyo. Salamat sa suporta." sabi ni Benj sa mga ito. "Walang anuman. Saksi na kami sa hindi mapipigilan nyong pagmamahalan. Narito lang kami lagi para sa inyo. Kaya wag kayong magkakasakitan, magmahalan lang at paramihin nyo ang lahi nyo." Gusto kong batakin ang buhok ni Emerald dahil sa sinabi nya. Na sinegunduhan pa tuloy nila Warren. "Kaya mo 'yan, Benj. Alam namin na iyon ang pinapangarap mo." tukso ni Max habang tapik ang balikat ni Benj. "Ul*l!" Natawa kami at napailing nalang sa asaran. Iniwan na namin muna sila para lumapit sa aming table. Agad din kaming pinagserve ng mga waiter kaya dahil gutom na talaga ako ay inumpisahan ko kaagad kainin. "Uminom ka muna ng tubig, baka hindi ka matunawan." Kinuha ko ang tubig na bigay ni Benj at uminom ako habang haplos nya ang likod ko. "Kumain ka na rin at para mamaya ay makapagpahinga na tayo." sabi ko. "Okay. May gusto ka pa bang kainin bukod sa nakahain sa atin?" Umiling ako, "Wala na." Ngumiti sya at nagsimula na ring kumain. Habang kumakain ang lahat ay nagpatugtog muna ng romantic song na nagpasarap sa kainan. Talagang pinag-isipan namin ni Benj na maging masaya at buhay na buhay ang kasal namin sa mga awiting gusto namin. Nang matapos kami sa pagkain ay pinanood namin ang intermission number ng mga cute nyang pamangkin na sasayaw. "Napakacute ng mga pamangkin mo. Ang gaganda pa at ang gagwapo." Tumango sya, "Siguro, pag naipanganak mo ang baby natin at lumaki sya ng gaya nila ay ito na ang panonoorin natin." tumingin sya sa akin at hinalikan ang kamay ko na hawak nya, "Malay mo isa sa atin ang mamana nya ng ugali." Humawak ako sa braso nya at napangiti, "Hmm.. Tiyak na sa akin sya magmamana." "Syempre, magpapatalo ba ako?" Pareho kaming natawa dahil kahit kanino pa magmana ang aming magiging anak ay tiyak na pareho naming tatanggapin at mamahalin kahit ano pa sya. "Let's call the groom! Meron syang hinandang kanta para sa kanyang wife." sabi ng host ng aming kasal. Hindi ako makapaniwala na napatingin kay Benj dahil hindi ko alam na may hinanda syang performance ngayon at para pa sa akin. "Watch at listen to me, wife." aniya ng tumayo sya. Napangiti ako at pumalakpak bilang support sa kanya. Grabe, marunong kaya syang kumanta? Hindi ko pa sya naririnig na kumanta. Kahit alam ko na ata ang lahat ng hobbies nya ay ang kanta ang hindi ko pa alam. Hindi ko maintindihan Pag-ibig mo't kapatawaran Pag-ibig na di mapantayan Hinding hindi mo ko iniwan Sinimulan nya ang kanta habang nakatingin sa akin. Hindi man kasing swabe ng mga legit na singer, pero ang gwapo ng boses ni Benj habang nagsisimula na syang kumanta. Ramdam ko ang kanta nya kaya hindi ko mapigilan na ma-touch. Sino ba naman ako Akoý di karapat dapat Sino ba naman ako? Upang mahalin ng ganito Siguro, noong mga panahon na sinaktan mo ako ay nasabi ko sa sarili ko na hindi ka karapat-dapat, Benj. Pero hindi parin talaga kaya ng isip na utusan ang puso kung sino ang nararapat na mahalin ko. Mahal na mahal parin kita at ikaw lang ang nararapat. Akoý kulang ngunit pinuno mo ng pagmamahal Di mo kawalan Ngunit ang sabi mo Ako'y iyong yaman Ako'y binago mo Ikaw ang buhay ko Walang katulad mo sa mundo Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo Sa'yo lamang ako Saýo lamang ako Ikaw ang yaman ko ng mga panahon na sobra-sobra akong patay na patay sa'yo. Hindi kita binago, dahil ikaw talaga iyan na hindi mo lang alam. Kung meron akong panghahawakan sa mundong ito ay ikaw lang iyon, Benj. Sayo lang din ako. Kahit maramot kong sinasarili Tinalikuran di ka pinili Hangin lamang salita ng aking labi Subalit pag-ibig mo pa rin naghari Kahit naman noong halos pagtabuyan mo ako ng mga panahon na naghahabol ako sa'yo. Alam ko na kahit hindi mo sabihin at kahit hindi mo ako kinakausap noon ay pinapansin mo parin ako para ipakita parin na kahit hindi mo intensyon na hindi ako kausapin ay wala kang ibang choice kundi ipagtabuyan ako para patuloy parin kitang habulin. Sino ba naman ako Ako'y hindi karapat dapat Sino ba naman ako Upang mahalin ng ganito Akoý kulang ngunit pinuno mo ng pagmamahal Di mo kawalan Ngunit ang sabi mo Ako'y iyong yaman Ako'y binago mo Ikaw ang buhay ko Walang katulad mo sa mundo Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo Sa'yo lamang ako Ngumiti sya at lumapit sa akin. Naglahad sya ng kamay kaya humawak ako at tumango. Dinala nya ako sa gitna at magkaharap kami habang nakangiti sa isa't-isa at magkatinginan. Humawak ako sa leeg nya ng pumulupot ang isang braso nya sa akin habang ang isang kamay ay hawak ang mic. Walang sino man ang katulad mo Natatangi ang pag-ibig mo Kulang ang kahit ano-anong salita ng pasasalamat Bakit pag-ibig mo lamang sakin ang nagpamulat Binuksan ang mga mata ng aking puso Kita ko na ang tunay na kulay; anyo ng mundo Hindi na ako lilisan sa piling mo 'Yan ang ika-lulumpo ng buhay ko "Talaga lang?" natawa sya sa sagot ko sa kanta nya. Akoý kulang ngunit pinuno mo ng pagmamahal Di mo kawalan Ngunit ang sabi mo Ako'y iyong yaman Ako'y binago mo Ikaw ang buhay ko Walang katulad mo sa mundo Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo Sa'yo lamang ako Saýo lamang ako Ako'y binago mo Ikaw ang buhay ko Walang katulad mo sa mundo Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo Sa'yo lamang ako Napatili ang lahat ng pagkatapos nyang kumanta ay hinalikan nya ako agad. Agad ko din syang pinigilan dahil bigla akong nahiya na hindi man lang namin naalala na meron pa nga palang tao bukod sa amin. Napangiti kami sa isa't-isa at napuno ng palakpakan at tilian ang buong paligid. Humarap kami sa mga ito na may ngiti sa labi. "That's my brother!" sigaw ni Sangko Seige. Yes, maaari ko na rin sila tawagin sa tawag ni Benj sa mga kapatid nya. Hindi ko nga akalain na sobra silang boto sa akin para sa kapatid nila. Natawa si Benj at nakipag-apiran pa sa mga kapatid nya na nasa malapit lang din namin. "Thank you sa lahat ng pumunta upang saksihan ang aming kasal. Ako ang pinakabunso sa aming magkakapatid, kaya sobra akong nagpapasalamat sa parents ko na hindi kami pinabayaang magkakapatid hanggang sa pareho-pareho na kaming mga nag-asawa. Dad, thank you. You are the best Dad in the world!" tumango ang daddy nya at nagtaas ng kamay habang nakangiti sa amin, "And also to my Mom. I am sometimes not listening to you but I want to say this.. Mom, all your 'sermon' are always in my mind. Kahit ata sa pagtulog ko ay umeecho sa utak ko ang lahat ng sinasabi nyo kapag gagawa ako ng bagay na alam kong magkakamali ako sa huli. Kaya thank to you, Mom, Dad. I love you both." Napaiyak ang Mommy nya kaya kita ko na napailing ang mga brothers nya. Ayaw talaga ng mga boys ng mga drama. Pero kaibahan naman sa mga asawa nila na napaiyak rin at napalakpak sa sinabi ni Benj. Ako man, hindi ko akalain na sobra-sobrang sweet talaga ni Benj sa parents nya. "We love you, Son." sabi ng parents nya. Tumango si Benj at tumingin sya sa mga kapatid nya na mga cool na cool sa pagkakaupo habang kalong ang mga maliliit pa nilang anak. "Brothers and Ate, I love you all. Kahit sobra nyo akong binubully at tinuturing na baby parin ay kayo ang mga idol ko. Magpakabait kayo, dahil hindi nyo na ako kaya, hawak ko ang lahat ng yate na mga gusto nyo." Natawa ang lahat at mahinang hinampas ko si Benj sa braso dahil akala ko sobrang sweet na ng message nya sa mga kapatid nya pero may pahabol pa palang pang-asar sa dulo. "Ah ganun? Yari ka sa amin!" sabi ni Diko Diesel nya at nagtayuan sila. "Woah! Wait!" sabi ni Benj ng sugurin sya ng mga kapatid nyang lalake. Natawa ako ng sakalin at guluhin ng mga kapatid nya ang buhok nya. Tumingin sa akin si Benj na humihingi ng tulong pero napatingin ako sa humawak sa akin. "Don't." si Ate Bettina. Napangiti ako at tinignan namin ang mga kapatid nya na mga masasaya na nag-apiran ng mapagkaisahan nila si Benj. Well tila si Benj ang pinakaswerte sa kanila. Tila nasa kanya ang lahat ng atensyon at pagmamahal na hindi naman kinaiinggit ng mga kapatid nya dahil tila busog rin sila sa pagmamahal ng parents nila. Nakakainggit na hindi ako nagkaroon ng kapatid gaya nya pero masaya ako dahil parang mga naging kapatid ko sila habang nakikilala ko. Matapos ang message at ilan pang ginawa namin para matapos ng tuluyan ang kasal. Nagpunta na kami sa exit at nagpapaalam na sa mga bisita. Nakakapagod pero sobrang saya ng araw na ito. "Son, magpahinga na kayo. Here.." Napatingin kami sa Dad nya at meron itong nilahad na ticket. "Sulitin nyo ang honeymoon nyo sa ibang bansa. Ako na ang bahala sa maiiwan nyo habang wala kayo." Tinapik nito ang balikat ni Benj kaya nagkatinginan kami ni Benj. Napangiti si Benj sa Dad nya at napayakap. "Thanks, Dad." Tinapik ng Dad nya ang likod nya at napatingin ito sa akin. "Enjoy, my daughter in law." Ngumiti ako rito at pinamulahan ata ako ng pisngi dahil sa tinawag nito sa akin. Tsaka hindi din nakakapagtaka na ganito ang maging reaksyon ko dahil ang gwapo talaga ng Daddy ni Benj. "Opo, salamat po." nahihiyang tugon ko. Tumango ito at tinignan si Benj, "Sige na, lumakad na kayo at ihahatid kayo ni Wilson sa airport." Tumango si Benj at tumingin sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at nagpaalam kami sa pamilya nya at syempre sa Papa ko na ayoko mang iwan sya panandalian ay kailangan. Tsaka ang parents na daw ni Benj ang bahala na rin kay Papa para hindi mabagok sa bahay. Sumakay na kami ng kotse ni Benj at napangiti kami sa isa't-isa. "Kaya mo pa bang bumiyahe?" Agad na tumango ako, "Oo, mas nagkaroon nga ako ng energy dahil lalabas pala tayo ng bansa." Napangiti sya at napatingin sa ticket, "Sa Singapore ito. Nakapunta ka na ba doon?" Umiling ako, "Hindi pa. Ang napuntahan lang namin ni Daddy Douglas noon ay California." "Kung gano'n ay tama ang napili ni Dad. Ipapasyal kita sa singapore na napuntahan na namin." Ngumiti ako at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Napatingin ako sa suot namin kaya napaayos ako ng upo. "Pero Benj, paano nga pala itong suot natin? Alangan naman na ganito ang suot natin patungong airport?" "Meron namang mabibili d'yan kaya bumili na lang tayo." "Okay." Kaya sa hinaba-haba ng byahe ay nakarating rin kami ng airport sa maynila. Doon na rin kami nagpalit ng damit at pinauwi namin kay Wilson ang wedding gown ko at tuxedo na suot ni Benj. Para lang kami pupunta sa mall dahil wala kaming anu mang dala kundi ang ticket, passport, at wallet ni Benj. Pero tila special trips ito dahil kami lang ang sakay ng private plane. "This is my Dad private plane. So solo natin ang eroplanong ito." "Grabe, parang sobrang sipag ng Dad mo sa dami ng pagmamay-ari nya." "Yeah. Sobrang sipag nya kaya sobrang sipag rin nyang bumuo ng anak. Sabi sa amin ni Dad na kung gusto ng maraming anak, dapat marami ka ring negosyo na ibubuhay mo sa pamilya." Humanga naman ako. Kakaiba pala ang pananaw sa buhay ng Dad nya. "Masyadong mahirap sundan ang yapak ng Dad mo. Kaya wag mong gagawing pananaw rin iyon dahil hindi ko kaya ang walo." Natawa sya at sumandal sa balikat ko ang ulo nya at niyakap ako. "Well I think about it." "Benj!" Napahalakhak lang sya at hinimas ang tiyan ko na meron ng medyo umbok. Napangiti nalang ako at tahimik na dinadama ang travel naming ito. - Benj She's so cute. Nang makarating kami sa singapore ay hindi matawaran ang saya nya at galak habang napapatingin sa napakagandang lugar ng singapore. Sa Sentosa kung saan kita ang tiger sky tower. "Wife, look at the camera!" sabi ko at tinapat sa kanya ang camera na binili ko. Ito ang camera na pupunuin ko ng memories namin. Ngumiti sya na napakalaki habang nakatayo kung saan kita ang tiger na bumubuga ng tubig. Napangiti ako at tinignan ang mga shots nya. Tumingin ako sa dumaan at nag-excuse ako rito para kuhanan kami ni Nyebe. "Oh, sure." sabi ng foreigner kaya binigay ko ang camera rito at lumapit kay Nyebe. Inakbayan ko sya at ngumiti kami na tumingin sa camera. Nag-okay ang foreigner kaya lumapit ako at kinuha ang camera. "Thank you so much, Brad." "No problem." tumango ako rito at umalis na ito na kasama ang mga kaibigan nya ata. "Grabe, ang ganda-ganda nga pala talaga ng singapore. Kakaiba sa pakiramdam." Lumapit ako kay Nyebe at hinawakan ko sya sa kamay ng maisabit ko sa leeg ko ang tali ng camera. "Let's eat first." Tumango sya kaya naglakad kami para sumakay sa inarkila kong kotse. Dinala ko sya sa isang restaurant at lahat ng gusto nya ay binigay ko. "Grabe, ang sarap ng food kahit hindi ako pamilyar sa itsura at lasa." "Mabuti naman. Pahinga muna tayo at mamaya nalang muli natin ipagpatuloy ang pamamasyal, okay?" "Okay." Napangiti ako at inaya ko na sya sa hotel na pinareserve ni Dad bago pa kami magpunta rito. Isang v.i.p suit at sobrang laki na kinailing ko. Talagang si Dad. Kapag nagbigay ay sobra-sobra. "Ahem! Wife." Lumapit ako sa kanya pagkatapos kong masara ang pinto. Yumakap ako mula sa likod nya at inamoy ko ang leeg nya. Napangiti ako dahil ang bango-bango nya; nakakaakit. "Baka naman pwede pang mag honeymoon tayo?" Napabitaw ako ng yakap ng humarap sya sa akin. Napangiti ako ng hatakin nya ang kwelyo ng polo ko para ilapit pa ako ss kanya kaya napahawak ako sa bewang nya. "Okay." Nanlaki ang mata ko at parang nagtayuan ang balahibo ko sa pagpayag nya. Tsaka sa tono nya ay parang inaakit ako. "Talaga?" Tumango sya kaya hinapit ko ang bewang nya, kaya halos wala ng space sa pagitan namin. Wala ng paligoy-ligoy pa at sinunggaban ko na agad sya ng halik. Umabante ako habang sinisiil ko sya ng mapang-angkin na halik. Agad ko syang binuhat at sinampa sa kama. Pumaibabaw ako at bumitaw ng halik para mabilisang hubarin ang polo ko. Napadila ako sa labi ko at dahil hindi ako magkamayaw ay sinira ko na ang polo ko na kinatalsik ng mga butones. Hinubad ko nalang itong polo sa katawan. At nang mahubad ay muli kong binalikan ang labi nya habang ang kamay ko ay gumapang sa hita nya. "Uhmmp.." ungol nya ng sipsip ko ang dila nya. Nakajeans short sya at white shirt kaya gumapang ang kamay ko sa loob ng t-shirt nya. Hinaplos ko ang bewang nya paakyat sa kanyang dibdib. Binitawan ko ang labi nya at bumaba ang labi ko sa leeg nya. "B-Benj.." halinghing nya ng pisilin ko ang kanyang dibdib. Ngumiti ako at lumuhod ako. Hinatak ko sya paupo. Hinubad ko ang t-shirt nya na sabik na sabik. Napangiti sya ng mahubad ko ang damit nya. Muli ko syang hiniga at hinalikan. Hawak ko ang mukha nya habang lumalalim ang sabik kong paghalik sa kanya. "I can't take this anymore." sabi ko at iyong short naman nya ang inalis ko sa kanya. Gumapang ang labi ko sa leeg nya habang pababa ng pababa sa dibdib nya ang bibig ko. Damn. I missed this. "Wait. Ako na." aniya ng mahirapan ako sa paghubad ng short nya. Napangisi ako na bumangon at hinubad na rin ang natitira kong saplot. Napatingin ako sa kanya ng binabaklas nya ang bra nya. Nang wala na akong saplot ay bumaba ang labi ko sa legs nya at hinalikan paakyat. Pinigil nya ako kaya napatingin ako sa kanya. Binaba nya ang panty nya kaya ang dibdib nya ang inabot ng labi ko at hinalikan. Hinapit ko sya sa bewang ng maalis nya ang panty nya. Muli ko syang hiniga kasunod ko na umibabaw sa kanya. "What do you want: hard or soft?" nakangisi kong tanong. Hinawakan nya ang mukha ko at ngumiti sa akin. Damn, she's so hot. "Hmm, I want you.." Lalo akong napangisi sa sagot nya, "Good answer. I like it." Tumingin ako sa pagkalalake ko at sinentro sa kanya. Napaidtad sya kaya napangisi ako at inabot ang dibdib nya. Humawak ako sa bewang nya at unti-unti ko syang pinasok. Napatigil ako sa paghalik sa dibdib nya at napatitig ako sa kanya. Hair her. This is so beautiful. Bagay na bagay sa kanya ang buhok nyang kulot na nakakuha ng atensyon ko mula palang ng unang beses ko syang makita na nakatayo sa gilid ng gate namin. Kaya sobra ang inis ko sa kanya ng magpastraight sya. Mas lalo lang nakita kung gaano sya nakakahalina. Her beauty is unique. A fair skin. A small and v-shape face. At ang mga mata ay napakainosente na parang birhen. Sakto lang ang tangos ng ilong at pagkapula ng labi. Pero ang nakakaakit talaga ay ang nunal nya sa ibaba ng hingahan ng ilong na maliit pero sexy. "Let's rock and roll." sabi ko. Natawa sya at yumakap sa leeg ko kaya niyakap ko sya ng sobrang higpit bago hinalikan. "Ahmm, sarap mo.." "Ano ako pagkain." aniya habang magkalapit ang labi namin. "Mas masarap pa sa pagkain." Ngumiti sya at hinawakan ako sa mukha. Muli ko syang hinalikan at sobrang gigil ko syang inangkin ngunit nandoon parin ang pag-iingat ko dahil buntis sya at ayokong mapano ang anak namin. Kahit ilang oras pa kaming magbabad sa isa't-isa ay wala ng magiging istorbo. Gusto ko ng ganito. Sya lang at ako. Ngayon lamang ako pinagpawisan ng ganito. Matapos ang ilang oras naming pagtatalik ay hingal na hingal kami pareho at hinatak ko sya para bumangon. "Pagod na ako." aniya habang nakakandong sya sa akin. Hinaplos ko ang likod nya at hinawi ang buhok nyang kulot. Hinalikan ko ang dibdib nya at napangiti ako. "Okay." binitawan ko sya at umalis sya sa kandungan ko. Dahil tinablan ako ng kapilyuhan ay pinisil ko ang pang-upo nya kaya kinahampas nya ako. "Benj!" Natawa ako at nahiga sa tabi nya. Pinatong nya ang ulo sa dibdib ko kaya hinaplos ko ang likod nya at nagkumot kami. Napangiti ako habang tahimik lamang kami. Sinilip ko sya at nakapikit na sya. Natawa ako dahil ngayon ay napapansin ko na antukin na sya masyado at madaling mapagod. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko na nakabukas pala ang camera. Sya ang huling gumamit nito habang nasa eroplano kami. Natawa ako ng makita na tadtad na pala ng selfie nya ang gallery ng camera ko. Napailing ako at isa-isang tinignan. Ang cute nya kaya lalo akong napapamahal. "Tinadtad mo ng selfie mo ang gallery ko." sabi ko. "Hmm.." ungot nya lang kaya habang halik ko ang ulo nya ay pinicturan ko iyon para may souvenir itong honeymoon namin. Napangiti ako at binitawan ang phone bago sya niyakap ng dalawang bisig ko. "I'm so in love with you. I love you." bulong ko. "I love you too, Benj." ani nya na may antok ang tono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD