Wakas Part 1

3332 Words
Benj Napahikab ako ng magising ako mula sa pagkakatulog. Bumangon ako at napahilamos ng mukha. Napuyat ako at kahit gusto ko pang matulog ay bumangon na ako. Wala si Nyebe sa tabi ko kaya napahinga ako ng malalim. Tumungo ako ng banyo at naligo agad. Dapat ay mabilis ako sa kilos ko dahil tiyak na matataranta na naman ako. It's been a long time since we got married. And now, I'm a father. Napangiti ako ng marinig ang iyak ng anghel ko. She's like her Mom. Curly hair kahit one year old palang. Kahit nakatapis ng tuwalya ay lumabas ako ng banyo. Lumapit ako sa baby cribs at nakita ko na umiiyak na ito. "Oh, baby, stop crying. I'm here." Binuhat ko ito at hinalikan. Napakalago ng buhok nya na para talagang si Nyebe. Ang asawa ko ang nagwagi kung kanino magmamana ang anak namin. Napatitig ito sa akin at biglang lumabas ang gilagid nito sa pagngiti nito ng malaki. Natawa ako dahil kapag nakikita ang mukha ko o mukha ni Nyebe ay titigil na sya sa pag-iyak at ngingiti na lang. "Hindi pa nakakabihis si Daddy, baby. Pagbihisin mo muna sana ako bago ka gumising." kausap ko rito habang hawak ang ulo at likod nito habang nakasalo ang mga braso ko para hindi ito mahulog sa bisig ko. Napahagikgik ito kaya napangiti ako at hinalikan ito sa noo. "Puntahan natin si Mommy?" Pumalakpak ito ng kamay kaya lalo akong nanggigil rito. Lumabas ako na nakatapis lamang ng tuwalya at wala namang makakakita dahil tiyak na tulog pa si Papa. Naamoy ko na agad ang niluluto ni Nyebe kaya napangiti ako at lumakad patungong kusina. And there she is.. Lumapit ako sa likod nito at hinalikan ko sya sa pisngi na kinagulat nya. "Benj! Napaka mo.." Natawa ako at hinarap sa kanya ang baby namin. Si Baby Libby Esmeralda Ford. "Pasaway na 'tong anak natin. Naliligo pa ako ay agad umiyak." Napangiti sya at hindi nya mahawakan ito dahil marumi pa ang kamay nya. "Talaga bang pasaway ka na daw, Baby? Ang tagal ba ni Daddy maligo?" kausap nya rito. Nakatitig naman sa kanya ang anak namin at sumasagot na parang nakikipaghuntahan sa kanya. Napangiti ako at hinalikan sa ulo si Baby. Ang sarap pala ng pakiramdam ng maging ama. Ngayon ay nararamdaman ko na kung ano ang feeling nila Dad at mga kapatid ko. Tinignan ko ang niluto ni Nyebe at natakam naman ako dahil buffalo wing. "Wife, can I taste your buffalo wing?" Ngumiti sya at kinuha ang chopstick. Nawili na syang gumamit no'n dahil nga sa negosyo nyang japanese restaurant. Kahit hindi naman japanese food ang kakainin namin ay nakachopstick parin sya. "What's the taste?" Ninamnam ko ang lasa at napangiti ako. Tinignan ko sya at kumindat ako kaya napangiti sya. "God. Akala ko ay palpak ang luto ko." Natawa ako at lumakad palapit sa upuan. Naupo ako habang nasa bisig ko si Baby Libby. "Nangangamba ka pa, magaling ka naman d'yan." "Syempre, hindi naman ako gaano kagaling. Bago palang ako rito sa pagluluto ng buffalo wing kaya baka pumalpak." aniya habang nagsasandok ng ulam. Tinayo ko si Baby sa kandungan ko habang hawak ko sa ilalim ng kili-kili nya. "Magbihis ka nga muna at baka mahubaran ka pa ng lagay na 'yan." Nilapag nya ang sinandok na ulam sa lamesa at agad na nagpunta sa lababo para maghugas. "Okay. Ikaw muna bumuhat rito sa anak natin." Tumayo ako at hinintay sya na nagsasabon ng kamay. At pagkatapos ay nag-alcohol sya. Kinuha nya ang malinis na towel at sinampay nya sa balikat nya bago nya kinuha sa akin si Baby. Inayos ko ang pagkakapulupot ng towel ko sa bewang at napangisi ako na pinisil ang pang-upo ni Nyebe habang nasa likod nila ako at nakatingin kay Baby. "Benj! Isa!" Umiwas sya pero hinawakan ko sya sa bewang at pinisil. "Kelan ba natin susundan si Baby Libby?" tanong ko at hinalikan ang leeg nya na kinaiwas nya. "Heh! Tumigil ka. Maliit pa si Libby kaya wag mong tangkain na sundan natin. Tsaka nag-aaral ka pa at ako ay home school, ayoko ng maudlot pa ang pag-aaral ko." Napailing ako at hinalikan sa noo ang anak namin. "Okay, Wife. Basta tuloy parin ang gabing mainit natin." Siniko nya ako kaya natawa na napadaing ako. "Oo na. Aist, bilisan mo na nga at magsuot ka ng damit. Lalamig pa ito." Nagsusungit na naman. Pinaghila ko sya ng upuan at inalalayan sila ng anak namin na maupo. Agad na akong umalis habang pasipol-sipol. Kahit ayaw pa muna nya na sundan ang anak namin ay hindi naman tumitigil ang s*x life namin. Hindi nya pinagdadamot iyon dahil sa sobrang kulit ko kaya agad syang pumapayag. Pagkatapos kong magsuot ng uniform sa pagpasok sa school ay bumaba agad ako. Tumabi ako sa kanila at kinuha ko sa kanya si Libby. "Nasa paper bag ang baon mo. Pati na rin ang inumin. Yung homework mo ay natapos mo na ba?" Pinaglagyan nya ako ng pagkain sa plato kaya kinuha ko ang chopstick at pumapak ng isang buffalo wing. "Tapos na ako bago pa ikaw ang tinapos ko." Piningot nya ang tenga ko pero mahina lang. Natawa ako dahil masyado talaga syang sensitive sa ganung usapan namin. "Hay, naku, napakapilyo mo. Kumain ka na nga at baka ma-late ka pa." Kinuha nya muli sa akin si Libby kaya binilisan ko na ang kain. Sinubuan ko sya habang nagpapadede sya kay Libby. "Oh, Pa, halika na po." Napalingon ako kay Papa ng tawagin sya ni Nyebe. Kakabangon lang nito sa higaan. "Sige mga anak at mauna na kayo. Cafe at tinapay lang ako." tugon nito at ngumiti. "Papa, tila napagod kayo sa paggo-golf nyo ni Dad. Kumusta po, natalo nyo ba?" tanong ko. Natawa sya at lumingon sa amin mula sa pagtitimpla nya ng kape. "Hindi ko nga matalo. Masyadong expert ang Dad mo sa ganun." Natawa ako, "Sabi ko sa inyo ay hindi madali matalo si Dad. Pwera nalang kung gagamitan nyo ng technique." "Anong technique naman, hijo?" interesado nyang tanong. "Ano pa, edi si Mom. Inisin nyo lang si Dad na may nanliligaw kay Mom ay tiyak na mawawala na sa konsentrasyon si Dad." Natawa sya at humarap sa amin matapos makapagtimpla. "Magawa nga iyang payo mo, Hijo. Tila eepekto iyan." napangiti naman ako. "Papa, ano ba naman kayo. Wag nyong sundin ang payo nitong si Benj at puro kapilyuhan. Baka magkagalit pa sila dahil doon." Tumingin ako kay Nyebe at umiling sya sa akin kaya ngumisi ako. "Hindi kailanman mangyayari iyon. Imbes na magkagalit ay magseselos lang si Dad at tiyak na mas lalong yari si Mom dahil tiyak na ikukulong sya ni Dad sa bahay." Kinurot nya ako sa tagiliran ko kaya nabitawan ko ang chopstick sa plato at napahawak ako sa kamay nya para patigilin sya. "Baliw ka talaga. Tignan mo nga, aalisan mo pa ng kalayaan ang Mommy mo. Grabe kang anak. Grabe." Natawa ako at humawak sa hita nya at hinaplos. "Joke lang, Wife. Hindi ka na mabiro." "Heh!" umirap sya at tumingin sa anak namin na sumususo sa kanya. Umakbay ako sa kanya at tinignan ang anak namin. "Sige, maiwan ko na kayo at magbibilad lang ako sa araw." paalam ni Papa kaya tumingin ako rito at tumango. Nang makaalis na ito ay nagpatuloy ako sa pagkain at sinubuan ko rin si Nyebe. May home class sya today at mamayang tanghali ay pupunta sya sa restaurant para tignan ang negosyo nya. Naiiwan si Baby Libby kela Mommy at pag-uwi ko ay tsaka ko kukunin. Ganun ang routine at mabuti nga't hindi iyakin si Libby kela Mom. Kaya wala talagang problema kung iiwan namin si Libby kela Mom. "Bro, musta?" Nakipag-apiran ako kela Warren ng makarating ng school at hinintay ako ng dalawa para sabay na tumungo sa classroom. "Heto, masaya." Natawa sila kaya napangiti ako habang pinaglalaruan ang dala kong laruan ni Libby. Libangan ko ito para hindi mamiss ang anak namin. "Ayos din ng routine nyo sa buhay pamilya. Pumapasok ka at nag-aaral naman sa bahay si Nyebe. Pagdating ng mga bandang tanghalian ay sa restaurant naman si Nyebe at ikaw ay taga-alaga na ng baby nyo hanggang gabi." sabi ni Warren. "Syempre, ganun talaga kapag may pagpaplano at pagkakaunawaan." Natawa naman ang dalawa at tinapik ang balikat ko ni Max. "Mabuti kung may oras pa kayo bilang asawa?" Ngumisi ako at pumamulsa, "Syempre, ako pa. Everyday hindi ako nakakalimot doon." Nagkatinginan ang dalawa at ngumisi, "Ikaw na, Bro!" Napailing ako at naunang pumasok sa room. Hay, kung hindi lang kailangan ay baka hindi na ako pumasok at babantayan at aalagaan ko nalang ang anak namin. Kaso, kailangan kong makatapos dahil mamahala na rin ako ng company oras na makatapos ako. At gusto kong sundan ang yapak ni Dad sa pagpaparami ng negosyo para hindi ako magkulang sa anak ko at sa magiging anak pa namin. Syempre pati kay Nyebe. Naupo ako sa silya ko sa medyo dulo habang katabi ko ang dalawa. Hindi namin kaklase sila Emerald dahil magkaiba kami ng course. "Ah, Benj." Napatingin ako sa lumapit sa akin at nakita ko si Kesha, ang muse ng room. "Bakit?" bagot kong tanong. Siniko ako ng dalawa kaya napatingin ako sa mga ito. Mga nakangisi ito. "Kailangan ko kasi magpatulong sa'yo about sa project nating dalawa. Available ka ba today? Naisip ko na sa house nalang namin gawin ang project natin." "Kelan ba pasahan?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Bukas na." Bukas na pala? Ays, nawala sa isip ko dahil mas nasa isip ko na umuwi agad. Paano kaya 'to? "Kung gusto mo ay sa bahay nalang namin. Hindi ako pwede na gabihin dahil baka magalit ang asawa ko." Tumango sya na alanganin tila ba hindi pa sang-ayon. Kung ayaw nya ay pwede naman ako ang gumawa. Pero tiyak na magpupumilit ito dahil gusto nito ng participation. "Hanep. Tila may gusto sa'yo si Kesha. Mula nung high school palang tayo ay balita ko na may gusto sa'yo 'yan." Umiling ako at ngumisi, "Hindi naman uubra ang ganda ng asawa ko sa kanya. Mas unique parin si Nyebe dahil sa napakaganda nyang buhok." Naubo si Max kaya napatingin kami ni Warren sa kanya. "Lintek rin ang nagustuhan nyo kay Nyebe. Dati itong si Warren ay type na type si Nyebe at gandang-ganda sa buhok ni Nyebe. Mga Bro, wala ba kayong basehan ng magandang buhok?" Napaasik naman ako at binatukan ito na kinatigil nya sa pagtawa. "Iniinsulto mo ba ang asawa ko sa harap ko, ha?" "Hindi ka na mabiro, Bro." Napailing ako at hinagis-hagis ang laruan ni Libby na isang tumutunog na bibe. Dumating ang prof namin pero nasa isip ko parin ay ang mag-ina ko. "Mr. Ford, what is your opinion about breast feeding in the public?" Napatingin ako kay Prof at nakita ko na about nga pala sa breast feeding ang topic dahil sa educational values ang subject. Tumayo ako at pumamulsa habang hawak ang laruan ni Libby sa loob ng slacks ko. "Well lahat ng babae ay mararanasan iyan tuwing magkakaanak sila. Importante ang breast feed sa mga bata dahil nakakapagbigay iyon ng sustansya para lumaking malusog at masigla ang bata. Bilang isang pamilyadong tao na, Sir, kahit kaya naman naming bumili ng gatas ay mas prepare ng asawa ko ang breast feed. And for me, breast feeding in the public is okay. Hindi naman pwedeng sabihan mo pa ang hindi pa nakakaintinding bata na maghintay hanggang sa makauwi sa bahay ang mommy o 'di kaya ay maghanap ng private place para lang mapainom ito ng gatas. Kapag nagugutom ba tayo ay kailangan din ba nating kumain sa private place lang para lang kumain? Hindi, 'di ba? Kaya kung open minded ka ay maiintindihan nyo ang pagbebreast feed ng isang ina sa public sa anak nyang maliit pa." "Very well said, Mr. Ford." Nagpalakpakan ang kaklase ko maging si Sir. Napangiti nalang ako at naupo na. "Very proud daddy." bulong ni Max kaya ngumisi ako at nilabas ang laruan ni Libby at pinakita sa kanila na kinangiti ng dalawa. The class ended. Kaya agad kong sinukbit sa balikat ko ang bag ko. Maglalakad na sana ako ngunit napahinto ako ng makita ko si Kesha. Napahinga ako ng malalim dahil nakalimutan ko na meron nga pala kaming project na gagawin. "Let's go." aya ko at nauna akong naglakad. Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin kay Nyebe pero hindi naman masama ang gagawin ko kaya wala naman sigurong problema. Napatapik ako ng daliri sa gilid ng bintana habang pinamamaneho ko ang isang kamay ko. Tumingin ako sa oras at binilisan na ang pagmamaneho para makauwi agad ako. "Hmm, Benj, ito ba ang anak mo?" Tumingin ako kay Kesha at tinuro nya ang litrato ni Libby. Meron akong family picture namin, picture ni Libby, at syempre picture ni Nyebe. Nakalagay sya sa bubong ng kotse ko malapit sa harapang salamin ng kotse. "Yeah. She's Libby Esmeralda." "Ang cute naman.. Mana sa'yo." Natawa ako at napailing, "It's obvious, Kesha." sabi ko. "Huh?" Napailing muli ako at hininto na ang kotse sa tapat ng bahay namin. Tumingin ako kay Kesha at ngumisi. "Buhok palang mana na sa asawa ko. Kaya hindi sa akin nagmana iyon. Kapag narinig ka ni Nyebe baka magtampo 'yon." Natahimik sya kaya ngumiti ako at bumaba na. Napangiti na umikot ako at tumingin kay Kesha. "Sandali lang at hintayin mo ako rito. Kukunin ko lang ang anak ko." Tumango sya kaya tumuloy na ako sa bahay. Patakbo na pumasok ako sa loob at pagpasok ko palang ay rinig ko na ang hagikhik ni Libby kaya napangiti ako. "Baby, I'm here!" Napalingon sila Mom and Dad sa akin. Nakita ko na hinaharot ni Daddy si Libby. "Oh, uwian nyo na pala. Ang bilis naman." sabi ni Mom na bitin na bitin pa. "Alam nyo naman na two subject lang ako ngayon, Mom." Kinuha ko si Libbby at hinalikan ito sa noo. Agad na napahawak ito sa mukha ko at nilamukos kaya natawa ako. "Dito muna kayo, Anak. Wala pa naman si Nyebe." Sabi ni Mom. "May bisita ako, Mom. Kaya iuuwi ko muna si Libby. Mamaya pagkatapos naming gumawa ng project ay pupunta kami rito." "Oh, ganun pala, e.. Edi, iwan mo muna si Baby Libby dito. Please, anak.." Nagkatinginan kami ni Dad at parehong napailing dahil masyado ng malapit si Mom kay Libby. "Okay." Napangiti si Mom kaya hinalikan ko pa ng isang beses si Libby at tsaka binigay muli kay Mom. Kaya lumabas ako ng bahay at nakita ko si Kesha na nakatingin sa bahay namin. "Tara sa kabila." Tumango ito kaya napailing ako dahil masyado syang mahinhin. Binuksan ko ang gate dahil tiyak na wala si Papa ngayon at kasama ni Nyebe. "Ito ba ang bahay nyo ni Nyebe?" Lumingon ako sa kanya habang patungo sa main door ng makapasok kami sa maliit na gate na mismong garden na rin.. "Yeah. Pero bahay talaga ito nila Nyebe, dito lang kami tumira dahil ganun din naman at mag-isa lang din si Papa." "You mean.. Mag kapitbahay kayo ni Nyebe?" "Yup." Binuksan ko ang pinto at pinapasok sya. Kinuha ko ang phone para tawagan si Nyebe. "Maupo ka muna sa sofa at magpapalit lang ako ng damit." "Sige." Tumalikod na ako at humakbang habang dinadial ang numero ni Nyebe. Umakyat ako ng hagdan habang nakatapat sa tenga ko ang phone ko. "Hello, Wife." (Oh, napatawag ka? Nakauwi ka na ba?) "Yes." (Pupunta ba kayo rito ni Libby?) Napahimas ako sa batok ko at pumasok ng kwarto habang hindi ko alam saan magsisimulang sabihin na may bisita ako. "Hindi, Wife." (Huh?) "Kasi Wife, may project ako na kailangan na matapos na ngayon, kaya may bisita ako sa bahay natin. Na kela Mommy muna si Libby." (Sino naman ang bisita mo?) "Si Kesha. Naalala mo pa sya nung high school tayo." (Sino pa kasama mo?) Napakagat ako ng labi dahil halata na sa pagtatanong nya na tila naninigurado. "Sya lang. Partner kasi kami sa project kaya kami lang." (Ano? Edi kayong dalawa lang sa bahay?) "Wife, don't over think. It's not what you think. Hindi kita kayang pagtaksilan." (Wala naman ako sinasabi, ha?) Ngumisi ako, "So, okay? Nagpaalam lang ako sa'yo para naman hindi ka magulat." (Okay.) Binabaan nya agad ako kaya napahalakhak ako dahil obvious naman na nagseselos sya. Hinagis ko sa kama ang phone ko at tumungo ako sa closet para kumuha ng pamalit. Black shirt na tapyas ang manggas at white short. Bumaba na ako at naabutan ko si Kesha na tumitingin sa mga litrato namin ni Nyebe at nang pamilya. "Let's start." Napalingon sya sa pagkabigla at agad na lumakad patungo sa sofa. Naupo ako sa isang sofa at nagde-kwatro habang mga braso ko ay nakasampay sa sandalan ng sofa. "A-Ah, kailangan natin na mag-drawing na isang halimbawa ng inspirasyon, tapos ang mismong word ang ipang-shade natin gamit ang ballpen or lapis." Napatango ako, "Okay. But drawing is not my passion." "A-Ah, don't worry, I know how to draw." "Okay." Masyado syang tense at parang hindi mapakali. Hindi ko na pinansin at nag-isip ako ng pwedeng i-drawing na inspirasyon. "What about the pregnant women?" suggest ko. "Nyebe na naman." bulong nya na hindi ko narinig. "Anong sabi mo?" Ngumiti sya at umiling, "Wala. Wala bang iba? Masyado ng gamit iyon." Napatango ako at nag-isip muli, "Hmm, what about a baby?" Umiling sya kaya nag-isip pa ako, "A mother?" Umasim ang mukha nya tila ba inis at umiling muli sya. "A wife?" Umiling sya. "A lady?" Ngumiti sya at tumango. Lihim na napaasik ako at napailing ng mag drawing na sya. Napahikab ako dahil ang boring nitong ginagawa namin. Tumingin ako sa oras. Mag aalas singko na pala. "So, anong mga word ang pwede nating i-shade?" tanong nya pagkatapos mag drawing. "Cute." Ngumiti sya at sinulat ang suggestion ko. Ano pa ba? "Kind." "Beautiful." suggest nya kaya tumango ako. "Elegant." suggest ko. "Smart." suggest nya. "Sexy." ngumisi ako ng makita ang paghinto nya sa pagsusulat. "Benj, what about sophisticated?" "Okay." Napahinga ako ng malalim at nababagot na ako sa ginagawa namin, "Ilang word nalang ba?" "Marami pa." aniya. "Ikaw na ang mag-isip ng iba at kukuha lang ako ng meryenda." "Teka, Benj!" tumayo sya at lumapit sa akin. Napatayo na rin ako at na-out balance sya kaya agad ko syang sinalo kaya napaupo muli ako at napaupo sya sa akin. Nagkatinginan kami at napakuno't noo ako dahil ayaw pa nyang umalis. "Ahem!" Napatingin ako sa pinto at agad kong naitulak si Kesha ng makita ko si Nyebe na matalim ang tingin sa akin. Tumayo ako habang ngumiti kay Nyebe. "Awts!" daing ni Kesha kaya wala akong choice kundi itayo sya. "Iyan na ba ang uso sa paggawa ng project, Benj? Hindi ba kayo magkaintindihan kaya dapat ganun kalapit?" Lumapit ang asawa ko sa amin kaya agad akong lumapit rito. "Mali ka ng iniisip, Wife. Na-out balance sya at sinalo ko lang." Kinurot nya ako sa tagiliran kaya natawa ako na napadaing. "Okay. Ano ba yang project na iyan?" tanong nya at naupo sa sofa habang nakacross leg at nakahalukipkip na tumingin kay Kesha na nakaupo na rin. "Tungkol lang ito sa nakakapagbigay ng inspirasyon sa mundo." tugon ni Kesha habang nakatingin sa illustration board kung saan sya nag-drawing. Tumabi ako kay Nyebe at yumakap sa bewang nya. Tinulak nya ang noo ko para alisin sa balikat nya ang mukha ko. Pero hindi ako umalis. "Ano bang example nyo?" tanong ni Nyebe. "Babae.." tugon ko kaya napatingin sya sa akin. "Babae? Madali lang iyon lalo na sa part mo, Kesha. Babae ka kaya tiyak na madali mo ng magagawa iyan." "Syempre kailangan ng participation ni Benj dahil grade namin pareho ito." tugon no Kesha. "Okay, I'll help you. Magagabi na kasi at baka hanapin ka na sa inyo." Nabigla ako ng padabog na tumayo si Kesha at kinuha ang mga gamit nya. "Sa bahay ko nalang ito gagawin, Benj. Aalis na ako." Nakiba't-balikat ako at tumango kaya nagmarcha sya palabas. to be continued......

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD