Kabanata 6

2281 Words

Tanghali na ng magising ang mag-asawang sina Hector at Carmela, kapwa sila dumulog na sa hapagkainan. " Manang, nag-almusal na po ba si Henry?" nakasanayan na niyang tanungin dito si Henry kung kumain na kapag tinanghali siyang gumising. Inabot sa kanya ni Hector ang piniritong hotdog. " Naku, señorita madaling araw pa po ng umalis si Señorito Henry. Kasama niya po ang isa nating driver at ang yaya niya." sagot ng mayordoma. Napakunot ang noo niya. " Bakit po? Saang siya pumunta?" tanong niya. " Oo nga Manang, himala maagang nagising ang isang iyon. Ei bakit daw po kasama pa ang isang driver at ang kanyang yaya?" tanong naman ni Hector. " Ang alam ko po ay sa Manila na siya mag-aaral Señorito." sagot ng matanda. " Ano po??!" gulat na tanong niya, sabay pa sila ni Hector.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD