Katulad ng balak ni Henry,isinama niya si Bianca sa mansyon nila. Maaga pa ng umalis sila mula sa Pasay. Kasama din niya ang kanyang yaya na noo'y nakaupo sa tabi ng driver. Mahahalata ang pagkainis sa mukha nito dahil hindi nito nagugustuhan ang ugali ni Bianca. Kahit kasi nasa harapan nila ito, sige ito sa panghaharot sa kanya,hinahayaan na lamang niya ito dahil ukopado ang kanyang isipan sa muli nilang pagkikita ni Carmela. Malapit ng magtanghali ng makarating sila sa mansyon. Manghang dumungaw sa bintana si Bianca. " Oh my G! Ganito ka pala kayaman Henry?! Wow! Hasyendero ka pala! Gosh! Ang swerte ko naman sa babes koooo, i love you babe! " bulalas nito. Hindi lang ito pinansin ni Henry. Nakakunot noo namang tiningnan ito ng kanyang yaya. Naging malikot ang kanyang paning