Kabanata 5

2113 Words
Hindi alam ni Henry kung papano siya nakarating sa kanyang silid kahit ang mga tuhod niya ay tila nawalan ng lakas dahil sa nasaksihan. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon,parang namamanhid ang kanyang buong katawan. Humiga siya sa kama at hinayaang tumulo ng tumulo ang kanyang luha. Normal naman sa isang mag-asawa ang nasaksihan niya pero hindi niya alam na ganito pala kasakit kapag mismong makita ng dalawang mata niya na nakikipagtalik ito sa asawa nito. Tinakluban niya ng unan ang bibig niya at doon sumigaw ng sumigaw habang patuloy na tumutulo ang luha. Nais niyang mailabas ang matinding sakit na nararamdaman sa kanyang dibdib. Narinig niyang kinatok na siya ng isang katulong,sabi magbihis na daw siya at magsisimula na ang party. Hindi siya gumalaw, wala na kasi siyang balak pang umattend sa sarili niyang party. Mga ilang sandali lamang at naramdaman niyang bumukas ang pinto. Hindi siya nag-abalang tingnan manlang kung sino ang pumasok. " Henry, oi bihis kana magsisimula na ang party ikaw na lang ang hinihintay don." si Carmela ang nagsalita. Hindi siya kumibo. " Henry, hinihintay ka na ng Kuya mo at ni Papa." muling sabi nito, hindi pa rin siya kumibo. Lumapit ito at inalis ang unan sa kanyang mukha. Ngunit nanatili lamang siyang nakapikit kaya hindi niya nakita ang reaksyon nito ng makita siyang luhaan. " U-umiyak kaba Henry? Bakit?May problema ka ba?" tarantang tanong nito, ngunit hindi niya ito pinansin. Bumangon siya sa kama at walang babalang naghubad ng pang-itaas sa harapan nito. " Oi! Tinatanong kita... Bakit?" tanong muli nito. " Umalis kana! Baka naman gusto mo pa akong maghubad ng pantalon sa harap mo!" pasinghal na sabi niya dito. Ngayon lang niya ito nasinghalan ng ganon kaya parang nagulat ito. Parang gusto siya nitong pagsabihan ngunit hindi nalang itinuloy. " Okey,ayusin mo na ang sarili mo tsaka bumaba ka na ha." mahinahong sabi nito,pero di niya ito sinagot manlang. Padabog na isinara ni Henry ang pinto ng aparador ng makuha niya ang damit na isusuot. Nanibago naman si Carmela sa ikinikilos ni Henry, nag-alala siya dito ng makita itong umiiyak. Naisip niya na baka problema sa school ang sanhi o sa babaeng napupusuan nito. Napangiti siya, sa isip niya binata na talaga si Henry. Pero medyo nasaktan siya kanina ng singhalan nito, iyon kasi ang kauna-unahang pinagtaasan siya nito ng boses. Pero inisip niya na problemado lang siguro kaya nagawa nito iyon. Maya-maya lamang ay bumaba na rin si Henry. Ilang minuto din na nasa stage siya para makapagpasalamat sa mga dumalo. Pero ng matapos, nagtungo siya sa pinakasulok na lamesa at doon uminom siya ng alak kahit hindi siya sanay na uminom. Puno ng hinanakit ang mga matang nakatuon siya sa stage kung saan nakatayo ang kanyang pinakamamahal na babae,kasama ang kanyang Kuya Hector. Perpektong mag-asawa ang mga ito, bagay na bagay sila. Kahit ayaw niyang mainggit sa kanyang Kuya,hindi niya maiwasan. Muling naalala niya ang nasaksihan kanina, naluha nanaman siya. Tumayo siya sa kinauupuan. Nais niyang lumayo muna,ayaw niya munang makita si Carmela. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili,makagawa siya ng hindi tama. Lumakad siya patungo sa hardin habang dala ang isang bote ng beer,medyo sumusuray na ang kanyang paglakad dahil tumatalab na ang alak sa kanyang katawan. Napansin ni Carmela ang pag-alis ni Henry kaya nagpaalam muna siya kay Hector na may pupuntahan lang. Sumunod siya kay Henry, naabutan niya itong nakaupo sa paborito nilang upuan sa hardin. Lumagok ito ng alak tsaka narinig niya na sumigok ito tanda na ito ay umiiyak. " H-Henry.." tawag niya sa pangalan nito tsaka umupo siya sa tabi nito. Nag-angat naman ito ng mukha. Kinuha niya ang alak sa kamay nito. " Bakit andito ka? Dapat nagsasaya ka sa party mo." tanong niya dito. Hindi naman ito sumagot. Tumitig naman si Henry kay Carmela. Maliwanag ang buwan noon kaya naman kitang-kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala. " May problema ba ang birthday celebrant namin? Share mo naman sakin." malambing na sabi nito sa kanya. " Ikaw ang problema ko Carmela." mahinang sagot niya dito. " A-ako? B-bakit may nagawa ba akong mali?" takang tanong nito. " Wala." tipid niyang sagot dito. Tsaka umiwas ng tingin. Ngunit kinabig nito ang mukha niya. " Ngayon,tumingin ka sakin ng deritso at sabihin mo sakin ang totoo? Bakit ako ang problema mo? Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang mali diba?" sunod-sunod na tanong nito. Mababasa sa mga mata nito ang pagkatuliro. Medyo matagal na nagkahinang ang kanilang mga mata,hanggang sa hindi na napigilan ni Henry ang damdamin. Napadako ang mata niya sa mamula-mulang nitong mga labi at walang sabi-sabing kinabig niya ang batok nito at saka sinakop ang labing matagal na niyang pinapangarap na matikman. Nanlalaki naman ang matang tila naging tuod si Carmela, hindi siya nakakilos mula sa kanyang pagkakaupo. Hindi siya makapaniwalang gagawin iyon ni Henry, ang halikan siya. Si Henry naman, ninamnam ang bawat sandali habang sakop ng kanyang labi ang malambot na labi ng babaeng minamahal. Hindi niya napigilan ang mapaluha, walang pagsidlan ng kaligayahan ang kanyang puso. Napakalambot at mainit ang labi nito, pakiramdam niya'y nasa langit na siya. Gumalaw ang labi niya para mas malasahan ang tamis ng labi nito. Si Carmela naman ay biglang natauhan ng malasahan ang mainit at maalat na likido na alam niya kung ano iyon. " Umiiyak siya?!" gulat na bulalas niya sa sarili. Itutulak na sana niya ito ngunit kusa na nitong pinakawalan ang kanyang labi. Pero pinagdikit nito ang kanilang noo. " C- Carmela, patawarin mo ako. H-Hindi ko na kayang itago 'to ei, Mahal na m-mahal kita..." puno ng emosyong pahayag ni Henry habang patuloy na humihikbi. Tila bombang sumabog iyon sa pandinig ni Carmela. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa narinig. Bigla niya itong tinulak saka tumayo siya. " Tumigil ka Henry! Lasing ka lang kaya nasasabi mo ang lahat ng 'yan! M-Mabuti pang magpahinga ka na,tatawagin ko si Kuya Hector mo para ihatid ka nya sa kwarto mo. " matigas na pahayag niya. Hindi niya mapapayagang masira ang magandang samahan nilang tatlo, lalong-lalo na ang magkapatid. Paalis na siya ng bigla itong tumayo at yakapin siya sa likod nito,nagpumiglas siya. " Please Carmela, dito ka lang. H-hayaan mo munang ganito tayo kahit sandali lang, mahal na mahal kita. K-kahit noon pa, sobrang sakit na kasi ei,parang hindi ko na kakayanin pa. K-kahit ako alam kung mali ito, kaya please lang. Hayaan mong makasama kita kahit ngayon lang bilang isang taong umiibig. At pagkatapos nito, hindi na ulit ito mangyayari. Hirap na hirap na kasi ako ei,hindi ko na alam ang gagawin ko. " punong-puno ng pait ang boses nito habang umiiyak na nakasubsob sa balikat niya ang ulo nito. Naluha din siya, hindi dahil may nararamdaman din siya kay Henry kundi dahil sa awa dito. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito sa bawat salitang binibitawan nito. Hinayaan niyang umiyak ito ng umiyak, habang tinatapik-tapik niya ng mahina ang ulo nito. Napakatanga niya,bakit di manlang niya napansin na may iba na pala itong pagtingin sa kanya. Akala lang niya normal lang ang lahat ng kilos nito pero ngayon napagtanto na niya ang lahat. Kailangang matulungan niya itong mabura ang kung ano mang nararamdaman nito sa kanya. Ayaw niyang masira ang magandang pagtitinginan ng magkapatid. Isa pa, hindi niya hahayaang magpatuloy ang ganito. Sigurado siya pagkatapos ng gabing ito, maiilang na siyang makasama ito na sila lamang. Ayaw man niya ng ganon lalo pa't sa bawat galaw niya sa mansyon ay kasama niya ito, lalo na kapag wala si Hector. Ngayon,sasanayin na niyang lumayo dito. Hahayaan na pati niya itong makipaghalubilo sa mga barkada nito. Marahil nabuo ang damdamin nito sa kanya dahil parating sila lamang dalawa, at pinagbabawalan din niya itong maglakwatsa kasama ang mga barkada nito. Alam niya na may pagkakamali din siya, kaya gagawa siya ng paraan para maitama ang lahat. Napansin niyang hindi na ito umiiyak. Inalis niya ang pagkakayakap nito sa bewang niya at hinarap ito. Pinaupo niya itong muli sa bench na inuupuan nila kanina. " Kumusta na ang pakiramdam mo?" mahinahong tanong niya dito. " Medyo maayos na. P-patawad sa nagawa ko Carmela." mahinang sabi nito habang nakatingin sa ibaba,hindi ito makatingin sa kanya. Iniangat niya ang ulo nito at tiningnan niya ito sa mata. " Wag mo ng isipin iyon Henry, nananatili pa rin na ikaw ang baby Henry ko. Iisipin ko na lang na kiss iyon ng pilyong batang si Henry. " nakangiti niyang sabi dito, sinusubukan niyang alisin ang pagkailang ni Henry sa kanya. " Patawad dahil minahal kita kahit bawal." muling sabi nito. " Hindi iyon pagmamahal Henry, akala mo lang love yon pero ang totoo nakikita mo lang ako bilang iyong Mama. Alam ko kong gano ka nangungulila sa kanya, andito lang ako hinding-hindi mawawala. Pero mangako ka sakin na wala kang pagsasabihan ng kahit na sino ng pinagtapat mo sa akin ha. Ayokong masira ang maayos na relasyon nyo ng Kuya Hector mo." mahabang sabi niya dito. Napailing naman si Henry, hindi pa rin talaga naiintindihan ni Carmela ang kanyang nararamdaman. Pero hindi na lang siya nakipagtalo dito,mabuti na iyong maging maayos sila bago siya umalis. Nais niyang magpakalayo-layo, iyong tipong malayo kay Carmela,sa Kuya niya. Baka sakaling kapag lumayo siya mabura pa ang nararamdaman niya para dito. Ginulo ni Carmela ang buhok niya at tumawa. " Binata na talaga ang baby ko, pwedeng-pwede ka ng magkaron ng girlfriend. " natawa na lang siya sa sinabi nito. Muli siyang napatingin sa mga labi nitong kanina lamang ay nalasahan niya ang tamis. Hinding-hindi niya makakalimutan ang tamis at lambot ng labi nito. Hinding-hindi siya magsasawang halikan ito kung sana ay pag-aari lamang niya ito,ngunit hindi ei. Napakasakit man pero kailangan niyang tanggapin na pag-aari na ito ng kanyang Kuya. Medyo kumirot ang ulo niya kaya, nahilot niya ang kanyang sintido. " Masakit ang ulo mo? Dahil siguro yan sa alak na ininom mo, pasaway ka kasi hindi ka naman marunong uminom. Uminom-inom kapa dyan,ayan tuloy. " sermon nito. " Halika na,samahan na kita sa kwarto mo. Matulog kana kasi mamaya pa matatapos ang party mo, marami pa rin ang bisita ei,baka magsayawan pa ang mga yan." aya nito sa kanya. " Ayoko Carmela, dito nalang ako. Baka gusto mo pumunta ka na sa party, iwan mo na lang ako dito. " " Pwede ba naman yon? Pasaway ka,masakit ang ulo mo tapos iiwan kita dito ng nag-iisa. Halika, umunan ka dito sa hita ko at hihilutin ko ang ulo mo. " Sumunod naman siya, umiral nanaman ang pagiging Nanay-nanayan nito sa kanya, at isa ito sa mga mamimis niya dito. Umunan siya sa hita nito at pumikit, habang ito naman ay hinihilot ang kanyang sintido. Ramdam niya ang lambot ng mga kamay nito na dumadaiti sa kanyang balat,at iyon nanaman ang pamilyar na bagay. Napakasarap sa pakiramdam ang bawat pagdaiti ng balat nito sa balat niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay nito na tila ikinagulat naman nito. Ilinagay niya iyon sa ibabaw ng kanyang dibdib na kung saan napakabilis ng pagtibok,akala mo ay may mga dagang naghahabulan sa loob niyon. Alam niya na ramdam din iyon ni Carmela, napatingin ito sa kanya na tila naguguluhan. Muli niyang iniangat ang kamay nito at dinala naman niya ito sa kanyang mga labi at masuyo iyong hinalikan. Muli siyang tumingin sa mga mata nito at napansin niyang andon pa rin ang pagkalito ni Carmela. " Mamimis kita Carmela, mamimis ko lahat ng pag-aalala mo sa akin. Salamat sa pag-aalaga mo sakin kahit hindi mo naman ako kaano-ano. " " A-ano ba iyang pinagsasabi mo diyan?!" kunwa'y galit ang boses nito pero napansin niya na gumaralgal iyon. " At patawad kung muli ko itong gagawin." pagkasabi niyon, umupo siya at biglang sinakop muli ang labi ni Carmela. Tila, naging tuod nanaman si Carmela dahil hindi nanaman ito nakahuma sa kalapastanganan ni Henry. Mariin ang paraan ng paghalik ni Henry at bigla din niya itong binitiwan. Saka lang parang natauhan si Carmela. Ngunit tila shock pa rin ito dahil hindi manlang ito nakapagsalita. " Paalam Carmela." yon lang at nagtungo na sa loob ng mansyon si Henry. Naiwan namang tila hindi makapaniwala sa sarili si Carmela. " Bakit sa tuwing gagawin niya ang kalapastanganang iyon?! Bakit p-parang tumitigil ang pag-ikot ng mundo ko?!" bulalas niya sa sarili. Si Henry naman ay dumiritso sa opisina ng Amang si Don Horacio,at kung ano ang kanilang napag-usapan, silang dalawa lamang ang nakakaalam. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD