Mas pinili ni Carmela na pumasok sa banyo na nasa loob mismo ng pribadong silid ni Hector sa ospital. Ayaw niyang marinig ni Hector ang lakas ng iyak niya kapag nakausap na niya si Henry. Dalawang beses niya idinial ang number ni Henry bago nito sinagot iyon. Samantala sa Manila, kasama ni Henry ang kanyang ilang barkda. Nakatambay sila sa may mini park ng kanilang unibersidad. Masaya silang nagkukuwentuhan ng magring ang kanyang cellphone. Hindi niya agad ito nasagot dahil sa kalokohan ng kanyang barkada, inagaw ba naman ang kanyang cellphone. " Uyyy! Kaya naman pala matino na si Henry may Angel na pala sya!" tumatawang sabi ng umagaw ng phone niya. Napailing nalang siya. Si Carmela ang tumatawag, bakit kaya napatawag ito samantalang di nito iyon ginagawa kapag alam nito na nasa k