Mabilis na lumabas ng kwarto si Carmela para alamin kung ano ang nangyari, sobrang lakas ng kaba niya sa dibdib at hindi niya maiwasang maisip ang asawang kaaalis lang. Nagkagulo ang mga tao sa hasyenda. Si Don Horacio na noo'y nagpapahinga sa kanyang library ay napalabas din,maging ang mag-asawang Havier at Guada at mga katulong. " Solomon! Alamin mo nga ang nangyari, alamin mo kung ano ang sumabog na iyon!" utos ng Don sa isang tauhan,mababakas ang pag-aalala sa mukha nito. Tumalima naman ang hardenero nila na si Mang Solomon. " Havier! Tumawag ka sa police station at ipaalam mo na may sumabog sa parte ng hacienda! Bilisan mo!" utos nito sa anak na panganay. Taranta namang sumunod ito. Abo't-abot naman ang kanyang panalangin na sana'y okey lang si Hector. Ngunit ang kabang ka