Mag-iisang linggo ng nailibing si Hector ngunit hindi pa rin makausap ng maayos si Carmela. Masyado siyang naapektuhan sa pagkawala ng kanyang asawa. Si Henry naman ay may kung anong pinagkakaabalahan, hindi na rin ito bumalik ng Manila kaya hindi na ito nakaattend sa graduation ceremony nito. Maging ang matikas na Don ay hindi rin halos makausap, palagi rin itong nasa kwarto o kaya ay nasa library nito. Parang nais na niyang umuwi sa kanilang bahay, napakarami kasing ala-ala ang iniwan ni Hector sa kanilang kwarto. Samantala sa library ni Don Horacio. Nahulog siya sa pag-iisip dahil sa katatapos lang na tawag ng pinuno ng kanilang angkan, ito ang nagsisilbing pinakamataas na hukom ng angkan ng Dela Merced. Ibinigay nito ang takdang araw ng paghuhukom kay Carmela. Sumasakit na