Hindi mapakali sa pagkakahiga si Henry, hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganon siya. Pinilit niyang matulog dahil maaga pa siya bukas pero hindi talaga siya dalawin ng antok. Minabuti niyang uminom muna ng isang bote ng beer,nagbabakasakali siyang makatulong iyon. Nais niya sanang tumawag sa mansyon ngunit naisip niya na gabing-gabi na at siguradong tulog na ang mga iyon. Samantala sa mansyon. Dalawang bulto ng anino ang kanina pa may kinukutingting sa isang kotse na nakagarahe. Ang kotseng ito ay pag-aari ni Hector. " Inggo ano dika pa ba tapos diyan?! Tang*na bilisan mo at baka may makapansin pa satin dito!" sabi ng lalaki. " Teka lang! Kailangang masigurado nating tagumpay ang balak natin. Aba, hindi tayo babayaran ng buo ni boss kapag pumalpak pa ulit tayo!" sagot n