Nagmamadaling lumabas ng mansyon si Henry. Sumakay siya sa kanyang motor bike para mas madali siyang makarating sa bahay ng kanyang Lolo at Lola ang mga magulang ng kanyang Papa. Magbabakasakali siyang kausapin ang kanyang Lolo, isa ito sa hukom na magpapataw ng parusa kay Carmela. Baka maawa ito sa kanya, o kaya may makuha siya ditong impormasyon para mapigilan niya ang nakatakdang maganap kay Carmela. Halos isang oras lamang na pagdadrive narating agad niya ang mansyon ng mga ito. Nasa karatig bayan lamang ang mga ito kaya madali lang niyang napuntahan. Ito ang pinakamayaman sa bayan na iyon,katulad din ng kanilang Papa napakabuti at matulungin sa kapwa ang kanyang Lolo Honor. Kanina habang kausap niya ang kanyang Lola Luisa, napakasaya nito dahil naisip niyang magpasyal doon. Na