Walang tulog si Henry magdamag, hinintay kasi niyang bumalik sa kwarto si Carmela ngunit hindi na ito bumalik. " Henry, gising kana para makapag-almusal. Maya-maya aalis na tayo,mahirap kapag tanghali na tayong makaalis. " narinig niyang sabi nito ng buksan ang pinto at pumasok. Nakabihis na pala ito,marahil nagdala na ito ng bihisan kagabi ng lumabas ito ng kwarto. Nananatili pa siyang nakahiga sa sofa kaya bumangon na siya para maghanda sa pag-alis nila. " Nakatulog ka ba ng maayos sa kama ko Carmela ?" tanong niya dito,kahit alam naman niya na hindi naman ito natulog doon. " H-Ha??Ah, Oo naman.." nauutal na tugon nito. " Mabuti naman, sige na. Ako na magbubuhat ng mga bag mo. Mauna ka ng mag-almusal,maliligo lang ako." sabi niya dito. " Sige. " pagkuway umalis na ito. Nagh