Kabanata 20

2505 Words

Bigla ang pagbalik sa katinuan ni Carmela, tinakbo niya ang tuwalyang nahulog kanina sa sahig. Nakita naman niyang hindi magkandatuto si Henry sa pagsuot muli ng kanyang pantalon. " Señorito?" muling tawag ng katulong. " Pakisabi hindi na ako papasok Mercy!" pagkuwa'y sagot nito. Napamulagat naman siya. " Mercy, sabihin mo sa driver na papasok si Henry. " sabat naman niya. Tiningnan siya nito na tila nakikiusap. " Sige na Mercy, sabihin mo na bababa na si Seńorito mo. Salamat." sabi muli niya. Pagkuwa'y narinig na niyang lumayo na ang katulong.. Nakatitig lang sa kanya si Henry ngunit siya ay hindi makatingin ng deritso dito. " Carme...." di na nito naputol ang sasabihin dahil binara niya ito. " Henry, bumaba kana hinihintay ka na ng driver sa baba." mahinahon niyang u

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD