Matapos ang isang linggo. Idinaos ang simpleng kasal nina Carmela at Henry. Simpleng salo-salo, ngunit andoon ang lahat ng angkan ng dela Merced, ilang mga tauhan at syempre ang kanyang Inay. Ayaw sana nitong pumayag na muli siyang ikasal sa anak ng angkan ng mga ito ngunit wala naman itong magawa dahil alam na nito ang lihim ng pamilya. Magulo ang kanyang isipan, hindi niya maintindihan ang nararamdaman habang nakikipagpalitan ng " I do " kay Henry. Hindi pumapasok sa kanyang sistema ang mga nagaganap, tila lutang ang kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Ni hindi niya naisip manlang na maikasal ng dalawang beses lalo pa at kapatid ng una niyang asawa ang kanyang magiging pangalawang asawa. Siya ang halos nagpalaki dito at bilang isang tunay na kapatid ang turing niya dito. Pakira