Chapter 3

1924 Words
Naabutan ko sa bahay nila Noemi ang Nanay niya na si Tita Gemma. Itinigil nito saglit ang pamamalantsa at pinagbuksan ako ng pinto. "Good afternoon po Tita, si Noemi po?" "Monica, kumusta ka na? Buti naman at napadaan ka rito ngayon, ang tagal mong hindi dumadalaw dito sa'min ah." Humalik ako sa pisngi nito. "Sensya na Tita, medyo busy lang po. Si Noemi po?" Bumalik ito sa ginagawa habang iiling-iling. "Hayun, at hanggang ngayon ay nagbibihis pa rin. Akyatin mo na sa taas at baka hapunin na naman kayo." "Tsk, grabe talaga anak n'yo Tita, walang-wala sa bilis ng kilos niyo," biro ko habang paakyat sa kwarto. Since highschool ay kaklase at kaibigan ko na si Noemi. Ang bahay nila ang isa sa paborito namin tambayan kaya sanay na kami na maglabas-pasok dito. At kung may kinaiinggitan man ako kay Noemi, ito ang pagkakaroon niya ng mabait, maasikaso at malambing na Nanay. Pumasok ako sa kwarto habang tinatawag si Noemi. "Ano, matagal ka pa?" nakataas ang kilay na tanong ko. Nakatutok ang mukha nito sa salamin habang nagbubunot ng kilay. "Wait lang, sandali na lang 'to. Nagmamadali talaga?" sagot nito na hindi tumitingin sa'kin. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang magazine na nakapatong sa night table. "Sasabay kase ako kila Kuya Bobby mamaya. Susunduin daw nila ako by 3pm. Kaw ba?" pasimple kong tiningnan ang reaksyon niya. "Hala s’ya! E d saglit ka lang kila Juls? 'Kala ko ba sabay tayong babalik?" nilingon niya ako at inirapan. "Gusto mo sabay ka na rin, para libre tayo sa pamasahe. Maaga pa naman 'di ba?" suhestyon ko. Pareho kase kami na doon napiling mag-aral habang siya ay sa Tita naman niya nakatira. Tumikwas ang nguso nito, "Para lang maka-libre sa pamasahe, ipagpapalit mo kami? Minsan lang mag-celebrate ng birthday si bakla ah!" Tumayo ako at naki-sipat ng mukha sa salamin. "Paalis kase si Kuya Bobby, sa Davao na raw siya titira kaya parang pa-despedida na rin niya." Humarap ito sa akin nang bigla. "Aalis na si Bobby? Totoo? O pinagtitrip-an mo na naman ako?" Natawa ako sa hitsura niya. Highschool pa lang kase kami ay crush na niya si Kuya Bobby. "True, alam mo naman ‘yun sobrang family-oriented kaya kahit anong request ni Tito ay oo na lang ng oo. Besides super capable kaya ni Kuya Bobby kaya siya lagi ang pinagkakatiwalaan ng Daddy n’ya." She pouted her lips. "Kasama ba si Aubrey do'n?" "Parang hindi naman kaya need daw nila ng quality time together, sisingit lang ako mamaya," siniko ko siya saka kinindatan. Tumalikod ito at kinuha ang backpack na nasa ibabaw ng kama. "Ok, sabay na ako sa inyo mamaya. Tara!" Sinundan ko siya sa baba at pareho kaming nagpaalam kay Tita Gemma. Pagdating namin sa bahay ni Juls ay kumpleto na ang barkada namin. Dito na rin sila halos nananghalian kaya naman abalang-abala ang Nanay ni Juls sa kusina. Hindi na kami dumaan sa bahay nila Jen dahil nag-text na ito na nauna na raw siya'ng pumunta rito. Kwentuhan at asaran lang ang ginawa namin. Dahil madami kaming tropang bakla kaya naman hindi uso ang dull moment kapag kasama sila. Saktong alas-tres nang dumating si Kuya Bobby. Nagpaalam kami pareho ni Noemi na mauuna nang umuwi dahil sasabay kami pabalik sa San Pablo. Pumayag naman sila basta babawi kami sa sembreak. Sa Mall kami dumiretso pagkatapos namin kumain sa Manang's Restaurant. Nagpaalam kami ni Noemi kay Kuya Bobby na mag-iikot muna habang namimili sila ni Ate Aubrey. Niyaya ako ni Noemi sa bookstore. Habang nagbubuklat ng mga libro ay naagaw ng pansin ko ang grupo ng mga lalaki na maingay na nagkakantyawan sa loob ng bookstore. "Pare, si Ethan nga hinahabol-habol pa rin ni Cindy kaso iba 'tong magsawa, kahit gaano kaganda hindi na binabalikan." "Panigurado may bago na ‘yan kaya ganyan ‘yan. Tanda ko pa kung gano ka-inlove ‘yan noon halos ayaw ng pakawalan ung chicks." Nag-high five pa ang dalawa sa pinakamalakas ang boses. "Mga ulol! Tigilan n’yo nga ako," tipid na sagot ng lalaking inaasar nila. Awtomatiko akong napatingin sa kanila. Parang pamilyar ang boses. Nakatalikod ang mga ito. "Pero pare, ayaw mo na ba talaga? May bago ka na?" tanong ng isa sa mga ito na nakasalamin. "Soon pare, kaso mukang manhater eh. Pero tingin ko, s’ya na." Nagtawanan ang mga kasama nito. "Wow pare, mukang tinamaan na nga itong kaibigan natin. S’ya ba ung ini-stalk mo noong isang araw? Kaya pala lagi mong hawak ngayon ang cellphone mo?" "Eh naka-first base ka na ba? Sino ‘yon, kilala ba namin?" tanong ng isa. Umiling ito saka sumagot, " Suplada eh. Hindi nga pinapansin ang mga text ko." Muli akong napatingin sa kanila. Parang narinig ko na talaga ang boses na ‘yon, hindi ko lang matandaan. Maya-maya ay lumapit sa'kin si Noemi, bitbit ang ilang items na binili niya. "Tara na? Nag-text na ba si Bobby, Mon? Baka inuubos na ‘yon ni Aubrey, ha? Sabihin mo, tirhan naman ako!" tumawa ito nang malakas. Natawa din ako nang marinig ang biro niya. "Baliw ka talaga!" Tumunog ang cellphone ko "speaking" sinagot ko ito at kinindatan si Noemi. "Hello Kuya Bobby, tapos na ba kayo?" tanong ko. Hinila ko si Noemi palabas nang may humarang sa harap ko. "O..oo Kuya.." Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang nasa harap ko. "Yes?" tanong ko sa kanya. Ito ‘yong kaibigan ni Chelsea na muntik na akong bukulan. Napatingin ako sa ilang lalaki na hindi kalayuan sa kanya na nakamasid sa'min na lahat ay ngiting-ngiti. 'Parang sila ‘yong maingay kanina' naisip ko. "Hi, Mon!" bati nito habang napapakamot sa batok. Tipid akong ngumiti. "Bunsoy, saan niyo gustong kumain?" I came back to my senses. Nasa kabilang linya pa nga pala si Kuya Bobby. "Kahit saan Kuya Bobby, palabas na kami rito sa bookstore." "Excuse me," tiningnan ko ulit siya at diretsong lumabas hila ang braso ni Noemi. "Sa Max's. Ok, papunta na kami." Tumigil si Noemi sa paglalakad pagkababa ko ng telepono. "Mon, sino ‘yong bumati sa'yo kanina? Ang gwapo ah! Ang tangkad pa," nakangiti nitong tanong at lumingon pa. "Bakit hindi mo kinausap?" "Hindi ko ‘yon kilala, baka napagkamalan lang ako," kaila ko. Pero hindi ko naman talaga alam kung ano ang pangalan niya. Nakilala ko lang siya sa mukha. "Eh alam niya ang pangalan mo 'di ba?... OMG, bagong manliligaw mo? Swerte mo, Mon ang hot n’ya!" kinikilig ito habang takip ang bibig. "Baliw, bumati lang manliligaw agad?" Tumalikod ako at naglakad habang hila ko siya sa braso. "Tara na, hinihintay na tayo ng Prince Charming mo," tukso ko. "Nakakainis ka! Alam mo naman na nagmo-move on na ko sa hilaw mong Kuya, inili-link mo pa ko," maktol nito. "Sus, eh bakit ka sumama?" yumakap ako sa braso niya at sabay kaming naglakad. "Yaan mo na makikilala mo rin ang totoong Prince Charming mo." Ngumuso ito at tumingin sa'kin "Sana kasing gwapo no’ng humarang sa'yo." Ngumiwi ako pagkasabi nito. Pero hindi ko na lang kinontra. "As you wish." Pagdating namin sa Restaurant ay naghihintay na sa amin sila Kuya Bobby at Ate Aubrey. Umupo kami sa tapat nilang dalawa. Tinawag nito ang waiter at kinuha ang order namin. Maya-maya ay may pumasok na mga customer at umupo sa kabilang lamesa sa likod nila Kuya Bobby. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga ito hanggang sa kinurot ako sa braso ni Noemi. "Aray! Ano ba?" nilingon ko siya. Isinenyas nito ang bandang likuran ni Kuya Bobby. Sinundan ko ng tingin ang nginunguso niya at nasalubong ng mata ko ang nakatingin sa akin sa katabing lamesa. Kumunot ang noo ko. S’ya na naman? Kasama nito ang tatlo pang lalaki. Nakita ko ang pagsiko sa kanya ng katabi nitong lalaki na hindi niya pinansin. Ngumiti siya but I furrowed my brows. Iniwas ko ang tingin. 'Weird' "Bunsoy, kausap ko nga pala si Aerol kanina. Pinabibigay niya 'to. Pa-birthday daw niya sa'yo," sabi ni Kuya Bobby habang iniaabot ang isang katamtamang laki ng paper bag. Inabot ko ito at binuksan at tumambad ang isang smart phone na mukang mamahalin. "Wow! Alam n’ya na magkikita tayo ngayon?" "Yup pero kanina lang. Nag-transfer agad ng pera para raw hindi ka na makatanggi. Pinapasabi rin na itapon mo na raw ‘yong antique mong cellphone." Pang-aalaska nito. Ngumuso ako pero napangiti nang tumingin sa kanya. "Alam mo, hindi na ako magtataka kung bakit naging mag-bestfriend kayo ni Kuya. Pareho niyong goal sa buhay ang asarin ako." Ipinasok ko sa loob ng backpack ko ang box. "Anyway, thank you sa inyo ni Kuya, ha? Mahal na mahal n’yo talaga ako. Naiiyak tuloy ako," biro ko. "Ate Aubrey, ‘wag mo ng pakakawalan ‘yan ah. Kahit ganyan 'yan si Kuya Bobby, pwede mo na rin pagtyagaan," dagdag ko saka tumawa. "Ah grabe ka talaga! Pagkatapos kong mahilo paghahanap ng cellphone mo gaganyanin mo 'ko? Alam mo bang iilan na lang kami ni Aerol na super loyal at sobrang mapagmahal na boyfriend. 'Di ba Hon?" Kinuha nito ang kamay ni Ate Aubrey at saka hinalikan. Si Ate Aubrey naman ay ngiting-ngiti na hinawakan din ang kamay ni Kuya Aerol. Sa totoo lang ay sweet talaga itong si Kuya Bobby at totoong ma-swerte si Ate Aubrey sa kanya. First love nila ang isa't isa at halos limang taon na rin. Napangiti ako pero pinigilan ko nang mapalingon kay Noemi na kunwari'y masayang nakikinig. Nilapag ng waiter ang mga pagkain na in-order namin at nagsimulang kumain. "At dahil nilalaglag mo 'ko, hindi ko ibibigay sa'yo yung allowance mo.. Huh!? Tingnan natin," baling sa'kin ni Kuya Bobby habang kumakain. "May allowance na ‘ko no? Binigyan na 'ko ni Nanay." Nilabas nito ang sobre at itinapik-tapik sa palad niya. Ngumiti ako at inirapan siya. "Sabi pa naman ni utol, nakokonsensya raw siya dahil hindi ka nakapag-celebrate ng debut mo last year kaya dito na lang daw siya babawi. Pero since ayaw mo, akin na lang." Ngumuso ako at yumuko saka muling tumingin sa kanya. "Kuya, magkano ba itong cellphone? Di ba mahal 'to?" nag-aalangan kong tanong. Hindi ko pa naman kase kailangang ang gantong cellphone. Basta magagamit sa text at pangtawag ay ok na sa akin. "Bunsoy, alam mo naman na mahal na mahal ka ng Kuya mo kaya balewala sa kanya 'to," inilagay niya sa kamay ko ang sobre. "Pwede mo raw i-treat ang mga barkada mo." Nakangisi ito na itinaas taas pa ang kilay. Ngumiti ako at tumingin kay Noemi. Nag-high five kami at saka bumungisngis. Napatingin ako sa mga lalaking nasa katabing mesa dahil nagkakantyawan ang mga ito. Saktong napatingin sa akin ang kaibigan ni Chelsea. Nag-iwas ako nang tingin at nagpatuloy sa pagkain. Lumingon din si Kuya Bobby, pagkuwa'y tumango ito at nakangiting tumingin ulit sa akin. Pasado alas-otso na nang ihatid ako nila Kuya Bobby. Bago matulog ay inayos ko muna ang bagong cellphone na regalo ni Kuya Aerol. Nahihiya na ako sa dami ng naibigay sa akin ni Kuya. 'Babawi na lang ako kapag may trabaho na ako.' Nag-browse ako ng konti at nag-check ng social media account ko. May ilang friend requests sa f*******: account ko pero hindi ko muna pinansin. Tumutunog pa rin ang luma kong cellphone. Pagkatapos kong makita na galing pa rin sa makulit na anonymous sender ay hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon na basahin pa ito. Pagkatapos kong mag-message kay Kuya at nagpasalamat ay natulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD