Chapter 2

1530 Words
Maaga akong umalis ng boarding house. Dahil napaaga ang tulog ko kagabi kaya madilim pa lang ay gising na ko. Dalawang oras din ang byahe mula dito pauwi sa amin. As usual, pagdating ko sa bahay ay nakasimangot na mukha ni Nanay ang sumalubong sa akin. “Oh, mabuti naman at naisipan mong umuwi ng maaga. Magbihis ka na at tulungan mo ako sa pagluluto. Madami akong putahe na ititinda ngayon,” sabi nito na saglit lang akong sinulyapan at patuloy sa paghahalo sa kaserola. “Ang aga ko pala, sana tinanong niyo din ako kung kumain na,” bulong ko. Kunot noo itong lumingon, “Anong sabi mo?" Ngumiti ako at tumalikod. “Ah sabi ko po, kumain na ‘ko bago umalis. Sandali lang po, magpapalit lang po ako ng damit.” Diretso akong pumasok sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at pabagsak na inihiga ang likod. Hays, kelan kaya sasaya ang Nanay ko? Lagi na lang nakasimangot! Mukang problema yata talaga ang tingin niya sa 'kin? Nawala tuloy ang gutom ko. ‘’Wag na kaya akong umuwi? Kaso hindi naman ako padadalhan non ng allowance. Di bale, mabilis lang naman ang panahon, higit isang taon na lang tapos na ‘ko ng college. Konting tiis pa Monica! Baka sakali magbago ang pananaw ng Nanay mo kapag nakatapos ka.’ Bumangon ako at ipinilig ang ulo. “Parang bago ka ng bago sa Nanay mo Monica. Tsk!” Tinapik-tapik ko ang magkabilang pisngi habang nakaharap sa salamin sa ibabaw ng maliit na tokador. Nagpalit ako ng shorts at maluwag na t-shirt. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Good morning!” From unknown number. Hindi familiar ang number kaya hindi ako nagreply. Nilagay ko ito sa bulsa sa likod ng shorts ko at pinusod ko ang buhok bago lumabas ng kwarto. Tumunog ulit ang telepono ko. “Hi, kumain ka na ba?” same sender. Tumaas ang kilay ko. ”Aga-aga walang magawa? Panghuhulain mo pa ko kung sino ka. Tse!” Bumalik ako sa kwarto ko at iniwan ang cellphone sa ibabaw ng kama. Dumiretso ako sa kusina at sinimulang maggayat ng mga rekado. Hindi na rin muna ako kumain para mas mabilis matapos. Madaming putaheng niluluto si Nanay tuwing sabado dahil ito ang araw ng sweldo sa construction ng ginagawang subdivision malapit sa amin. Nandito na rin ang pinsan kong si Ate Cherry na katulong ni Nanay sa pagtitinda. At nakakatulong din minsan sa pagluluto. Pagkatapos namin magluto ay sinamahan ko muna si Ate Cherry sa pagtitinda. Maya-maya ay magliligpit naman ako ng mga ginamit sa pagluluto. Halos once a week lang naman ako makatulong dito sa bahay at sa tindahan mula nang nag-college ako kaya nilulubos-lubos ko na ang paggawa tuwing umuuwi ako. Natapos ang maghapon na hindi ko halos naramdaman ang pagod. Bukod sa kwela at masarap ka-kwentuhan si Ate Cherry eh may sense itong kausap. Pabagsak akong humiga sa maliit kong kama. Napagod pala ako sa dami ng trabaho kanina. Nakapa ko ang cellphone ko at saglit na tiningnan. Ang daming text. Wala naman akong inaasahang importanteng text kaya inihagis ko lang ang cellphone sa paanan ko. Dala ng sobrang pagod ay unti-unti na akong hinila ng antok at mahimbing na nakatulog. Malalakas na tilaok ng mga manok ni Tatay ang nagpagising sa akin. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding, wala pang 6am pero bumangon na ako. Tutulong muna ulit ako kay Nanay sa pagluluto kung sakaling magtitinda siya ngayon. Minsan kase ay hindi siya nagpapahinga kahit araw ng linggo. Samantalang si Tatay ay laging nakapahinga dahil hindi raw ito pwedeng mapagod kaya laging manok ang inaasikaso. Napailing ako sa naisip. “Kilos Monica, para makaalis ka ng maaga mamaya." Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Naalala ko ang cellphone ko na parang inihagis ko kagabi. “Lagot baka si Kuya ‘yon”. Dali-dali akong bumalik sa kwarto at hinanap ang cellphone. Nakita ko ito sa sahig at dinampot. Kawawa naman ang cellphone ko, luma na nga at mumurahin, naihahagis pa. Natatawa kong binuksan ito at saktong may pumasok na bagong text.. From unknown number pa rin. “Good morning!” “Hindi ka ba talaga marunong magreply, kahit hello lang?” “Miss Suplada!” “Gusto ko lang makipagkaibigan.” Dahil di-keypad lang ang cellphone ko kaya mabilis mapuno ang inbox ko kaya isa-isa kong binubura ang mga text na nabasa ko. Kunot noo kong binubuksan bawat isa at sige pa din ang pasok ng mga text. ‘Grabe ang kulit naman nito!’ Kahit ayaw ko sanang magreply ay napilitan na rin ako. “Sino ka ba? Kung hindi ka magpapakilala or hindi kita kilala, pwede ba ‘wag ako ang pag-trip-an mo?” “Ang aga, ang sungit agad? Hindi ba pwede Good morning din… muna?” 'Ang bilis magreply ah! Bahala ka sa buhay mo, ubusin mo load mo hindi ako sasakay sa trip mo!’ Malamang isa lang ‘to sa mga barkada ko na walang magawa. Nag-scroll pa ako ng konti para tingnan kung may iba pang nag-text. “Monica, daanan mo ko dito sa bahay ha? Sabay na tayo pagpunta kina Jen.” Text pa pala ito ni Noemi kagabi pa. “Ok after lunch. Dapat ready ka na pagdating ko,” reply ko. Sobrang bagal kase nitong kumilos at hindi pwedeng hindi ako maghihintay kapag may lakad kami. ‘Hindi na nag-reply, siguro tulog pa!’ Muling tumunog ang cellphone ko. “Miss, busy ka ba? Reply ka naman!” Nakataas ang kilay na binabasa ko ang text ng makulit na sender. “Hmp, ewan ko sayo!” Iniwan ko ang cellphone sa kama at lumabas ng kwarto. Nagpaalam ako kay Nanay pagkatapos mananghalian at binigyan niya ako ng allowance na sapat para sa isang linggo. Pero dahil hindi niya ako binibigyan ng extrang panggastos sa ibang kailangan sa school ay napipilitan akong magtipid lalo na sa pagkain para may madukot ako kapag may gastusan sa school. Kahit madalas binabanggit sa akin ni Kuya na may extra siyang ipinadala kay Nanay na pambigay sa akin bukod sa allowance. Para raw ‘yon sa pambili ko ng mga gamit ko at ibang gastusin ko sa school. Alam kase niya na dati ay hindi talaga ako binibigyan ni Nanay ng extrang pera bukod sa allowance. Pero hindi ko na lang binabanggit kay Nanay dahil para akong nagre-rewind ng audio sa mga sumbat niya. Pasakay na ako ng tricycle nang may humatak ng backpack ko. “Ay putik!” tili ko. Lumingon ako at akmang sasampalin kung sino man ang gumawa niyon. Pero mabilis nitong hinarang ang kamay ko. Namilog ang mga mata ko, “Kuya Bobby?.. Ikaw nga,” excited akong yumakap dito. “Ang daya mo. Kelan ka pa dumating?” Tinanggal nito ang braso ko na nakapulupot sa leeg niya. “Grabe ka, hoy dalaga ka na. Umayos ka! Baka upakan ako ng utol mo kapag nakita niya ‘to” natatawa nitong biro. “Na-miss kita eh. Kapatid mo din naman ako di ba…by heart?” “Oo nga pero syempre dalaga ka na. Baka mapagkamalan pa ‘kong cheater at ipinagpalit ko si Aubrey sa'yo? Na… gusgusin at pangit!” lakas ng tawa nito sa huling sinabi. Pinanliitan ko siya ng mata at sinuntok sa braso. “Hoy Kuya Bobby, ang dalaga dapat hindi na inaasar di ba? Isusumbong talaga kita kay Ate Aubrey, sisiraan pa kita. Tingnan natin kung sino ang maging gusgusin at papanget kapag iniwan ka niya!” Tumawa lalo ito ng malakas. “Sa’kin lang naniniwala ‘yon oy!” Kinuha nito ang isang bag at inaabot sa akin, “Oh bunsoy, pasalubong mo.” “Wow, may pasalubong talaga ako?” masaya kong inabot iyon “Thank you kuya Bobby pero ‘wag mo na kong tawaging bunsoy ha?” Umiiling-iling lang ito “Pabalik ka na ba sa dorm?” “Hindi pa, pupunta muna ako sa mga friends ko pero diretso na rin ako don mamaya.” “Sumama ka na lang sa'min ni Aubrey, kain tayo sa Manang's.” Napanguso ako, na-miss kong kumain don. Ito ang paborito namin ni Kuya Aerol na restaurant sa kabilang bayan. Medyo mahal nga lang ang mga pagkain dito kaya tuwing may special na araw lang kami kumakain dito o kaya ay kapag malaki ang kinita niya sa raket niya. “Pero sinabi ko na pupunta ako eh, tsaka birthday ni bakla ngayon.” “Hanggang anong oras ka ba don?” “Until 3 or 4pm lang, ayoko din kase gabihin sa byahe.” “Ok, sunduin ka namin ni Aubrey tas hatid ka na namin sa dorm mo. Tutal kelangan ko din mamili ng ilang needs sa bahay bago ako umalis.” “Aalis ka?” curuios kong tanong. “Oo, pinapupunta muna ako ni Papa sa Davao. Tutulong muna ako sa negosyo ng Tita ko. Baka matagalan ako don kaya mag-quality time muna kami ni Aubrey.” “I see. Sige, nami-miss ko na din si Ate Aubrey. Sa bahay nila Juls lang kami ah.” Nagpaalam na ako rito at sumakay ng tricycle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD