Chapter 1

2420 Words
Chapter 1 Sa wakas, nakapag-enroll din ako sa University na gusto ko kahit hindi nakakuha ng scholarship. Kung si Nanay lang ang tatanungin, hindi niya na ako pag-aaralin. Nadala na raw siya sa dalawa kong ate na pagkatapos pag-ipunan at i-ready ang mga kailangan sa pagkokolehiyo ay mas pinili pa ang pag-aasawa. Si Ate Maryrose na magmi-midwife sana ay biglang nag-backout bago ang araw ng pagluwas niya papuntang Maynila para mag-aral dahil mag-aasawa na lang daw siya at si ate Myrna naman ay nagtanan isang linggo pagka-graduate niya ng highschool. Saksi ako sa hirap na dinaranas nila ngayon at ramdam ko ang pagsisisi nila sa kalagayan nila. Ito ang ultimate reason ko kung bakit pursigido akong makatapos ng pag-aaral. Ayoko silang gayahin at ayokong hanggang sa pagtanda ay ganitong buhay pa rin ang dadanasin ko. Ang tatlong kuya ko naman ay nagkanya-kanya din ng layas pagkatapos ng highschool. Bunso ako sa anim na magkakapatid. At dahil sa mga pagkakamali ng mga Ate ko at tigas ng ulo ng mga Kuya ko, ako yata ang sumalo ng lahat ng sama ng loob ng Nanay ko. Si kuya Aerol, pang-apat sa amin, ang pinakapaborito kong kapatid kahit siya ang pinaka blacksheep ng pamilya, dati. Sa kanilang lahat, siya lang ang kakampi ko at totoong nagmamahal sa akin kahit pa ako din ang paborito n’yang asarin at paiyakin. At siguro dahil sa hirap ng buhay na pinagdadaanan namin ay unti-unti siyang nagbago. Sa awa ng Diyos at sa pagsisikap ni Kuya na magbago ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang bansa. Dalawang buwan na lang at lilipad na siya papuntang America. Siya na raw ang sasasot ng pag-aaral ko kaya napilitan na si Nanay na ako ang masunod kung saan ko gustong pumasok. Private university ang napili ko pero hindi naman gaano kamahal ang tuition dito. Sakto lang din na kahit hindi mag-abroad si Kuya ay kaya pa rin itong tustusan ni Nanay. Gusto sana ni Nanay na sa kapatid niya ako makitira dahil paborito naman daw ako ng Tito ko at 15mins lang ang layo nito sa school ko pero hindi pumayag si Kuya dahil hindi raw maganda ang ugali ng asawa nito kaya siya na mismo ang naghanap ng boarding house na malapit sa school namin. Masaya ako sa mga unang araw ko as freshman. May ilan agad akong mga naging kaibigan at isa na roon si Chelsea na paborito kong kasama. Ilang buwan ang lumipas at naging maayos naman ang lahat at madali akong nakapag-adjust. Dumating na rin ang araw ng pag-alis ni kuya papuntang America. Nalungkot ako dahil mami-miss ko siya pero masaya dahil sa wakas ay mababago na rin ang buhay niya. Mula sa pagiging black sheep at literal na sakit ng ulo ng mga magulang namin, ngayon ay pinipilit ng baguhin ang sarili. Mabilis na lumipas ang panahon at ngayon ay 3rd year college na ako. Malapit na ang sembreak kaya madalas kaming abala sa mga project at activities sa school. “Mon, pakopya mamaya, ha? Hindi kase ako nakapag-review,” sabi ni Chelsea habang nagme-meryenda kami sa canteen sa labas ng school. Breaktime namin ngayon at naghihintay lang ng oras para sa susunod naming subject. I rolled my eyes, as usual alibi niya lang ‘yon since hate na hate niya ang Math. “Ok, basta ‘wag mo ‘kong iistorbohin, ha? Gaya ng dati.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Ang tamad mo talaga sa Math ‘no?” Natatawa ako habang sinesermunan siya. Sanay na kami sa isa't isa na prangka. Kami yata ung pwedeng tawagin na literal na frenemy. “Oo na, basta lakihan mo ang sulat, ha?” pakiusap nito na hindi ko pinansin “Oy, sige na!” Ngumuso ako. “Oo na,” tipid kong sagot. Tumayo ako at hinila ito sa isang kamay. “Tara na, 5mins na lang oh,” yaya ko rito at sabay kaming nagpunta sa Math subject namin at last subject for today's exam. Pagkatapos ng exam ay dumiretso kami sa library. Since maaga pa naman ay tatapusin ko na rin ang isang research namin sa literature. “Mon, samahan mo nga ako saglit sa labas. May kukunin lang ako sa friend ko,” bulong nito habang nagbubuklat ako ng libro. “Ikaw na lang, hindi pa ako tapos eh.” “Tara na, saglit lang naman.” “Ang liwa-liwanag hindi ka makapag isa,” biro ko dito at tuloy pa rin sa pagbabasa. Humalukipkip ito at ngumuso. “’Wag na nga, ‘wag ka din magpapasama sa'kin, ha?” Nilingon ko ito at natawa ako sa hitsura nito na nagkakanda-haba ang nguso. Tiningnan ako ng library assistant at sinenyasan na huwag maingay. “Sige na nga, kainis ‘to. Lagi mo na lang akong iniistorbo.” Biglang nagbago ang ekspresyon nito at biglang tumayo. “Yes, the best ka talaga Mon!” Inirapan ko lang ito at kinuha ang mga gamit pagkatapos ibalik ang mga libro. Sabay kaming lumabas ng library at naglakad papunta sa gate kung saan daw naghihintay ang friend niya na sa kabilang University nag-aaral. “Asan na?” tanong ko habang umiikot ang paningin sa mga taong nasa labas. Wala namang ibang nakasuot ng ibang uniform dito kaya malamang wala pa ‘yong kaibigan niya. Busy ito sa pagta-type sa cellphone niya na tumingin saglit sa akin. “Wait, tatawagan ko lang siya.” Maya maya ay may kausap na ito sa telepono. “Sige, pakibilisan ha?” Nakalipas ang 15 minutes ay wala pa rin ito. “Matagal pa ba? Saan pa ba ‘yun manggagaling? Sa Mars?” inis kong tanong. “On the way na ‘yon, sandali na lang.” Umupo ako sa harap ng isang canteen. Mabuti na lang at walang masyadong tao kaya may bakante na mauupuan namin habang naghihintay. Binuksan ko ang journal ko para malibang at ma-remind na din sa mga kailangan kong gawin. Si Chelsea ay umupo sa tabi ko habang naglalaro sa cellphone niya. Lumipas ang dalawampung minuto ay wala pa rin ang kaibigan niya. “Chel, mukang in-injan ka na ng friend mo. Hindi ka pa ba uuwi? Mauna na ko, ha? May gagawin pa ko.” “Oh, ayan na pala!” turo nito sa likod ko, saktong napalingon ako habang tumatayo and that was when I bumped into someone. Tumama ako sa dibdib nito na may kung anong matigas na bagay ang sumapol sa mukha ko. “Ouch!” napahawak ako sa noo ko at tumingin sa kaharap ko. “Ano ba? Bulag ka ba?” napatitig ako sa kanang braso nito na may relo at nakahawak pa sa kaliwang balikat. Dito yata tumama ang noo ko kaya sobrang sakit. ‘Baka bumukol ‘to!’ “Sorry Miss, hindi ko kase alam na tatayo ka bigla,” hinging pasensya nito na hinawakan ang noo ko. “’Wag mong hawakan!” irap ko rito. Bigla nitong ibinaba ang kamay niya. “Hala, Mon baka bumukol yan! Tara sa clinic,” nag aalalang suhestyon ni Chelsea. “Ethan naman kase!” Kinuha ko ang maliit na salamin sa bag ko at sinipat ang noo ko. Baka nga bumukol, nakakahiya. Napatingin ako sa kanilang dalawa. "So ito pala ang hinihintay namin. Napakapaimportante! Bukulan ko rin kaya ‘to, kainis!” bulong ko sa sarili at muling inirapan ko ito. Napakamot ito sa batok at bahagyang ngumiti. “Sorry, hindi ko talaga sinasadya. Pano ba ‘ko makakabawi? Diyan…, “ nguso nito sa noo ko, “at sa paghihintay n’yo sa'kin.” Hinila ako ni Chelsea sa isang kamay. “Tara samahan mo muna kami sa clinic at mamaya ka magpaliwanag,” aniya dito. Hinila ko pabalik ang kamay ko. “Wag na, uuwi na ko. Lalagyan ko na lang ng malamig pagdating sa bahay.” Napatingin ako sa kaibigan ni Chelsea na hindi ko alam kung nag aalala o natatawa. "Kapag hinintay mo pang makauwi ka, malala na yan. Ilang minutes lang eh bubukal na ‘yan,” pananakot nito na nakatitig sa mukha ko. Why do I feel na parang pinagtatawanan pa ako nito kahit seryoso siya sa pagsasalita? Inis kong kinapa ulit ang noo ko, may konting gasgas lang naman ito pero mabuti na rin na mabigyan ng tamang gamot. ‘Baka nga bumukol, nakakahiya. Baka hindi pa ako makauwi bukas sa amin.’ Inirapan ko siya at nauna nang bumalik sa loob ng school. Si Chelsea ay sumunod lang kasabay ang kaibigan niya. Narinig ko pa ang batian nila ng guard namin at nag-high five pa ang dalawa. Mukhang kilala siya rito. Nasa labas kami ng clinic ng bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang babaeng freshman na umiiyak kasunod ang isang lalaking mukhang kaklase nito na ngumingisi. Kumatok ako bago pumasok sa nakabukas ng pinto. Tumingin sa amin ang babaeng nurse habang nag-aayos ng mga alcohol at tissue sa cabinet. “Oh anong nangyari d'yan? Na-bully ka rin? Halika ka na at magamot nang makadiretso na rin kayo sa Guidance.” Pagkasabi niyon ay lumabas ang isang lalaking nurse mula sa CR. Intern siguro ito base sa nametag na naka-sukbit sa uniform nito. Tumingin ito sa amin ni Chelsea pagkatapos ay sa kaibigan nito. “Ethan anong gingawa mo rito? Bawal outsider dito oy!” “Maka-outsider ka. Produkto ako ng school na ‘to di ba?” Nag-peace bump ito sa nurse at saka hinila ang upuan malapit sa amin saka umupo at matamang pinanood ang pagpapahid ng ointment sa noo ko. “Girlfriend mo?” tanong ng nurse na sinulyapan ako. “Hindi po, siya lang naman ang may gawa nito kaya nandito ‘yan,” mabilis kong sagot sa nurse. Ngumisi ito na lalo kong ikinainis. “Hindi ko naman sinasadya at nag-sorry na din ako sa’yo, Mon?” “Hindi Mon ang pangalan ko,” inirapan ko siya at nagpasalamat sa nurse. “Nurse, ok na po ba? Hindi kaya bubukol ‘to?" nag-alala kong tanong pagkatapos niyang lagyan ng plaster ang gasgas. Ngumiti ito at iniabot sa'kin ang maliit na piraso ng ointment. “Hindi na, basta ipahid mo lang ‘yan twice a day hanggang mawala ang pamumula.” Tumayo ang mokong at inakbayan ng lalaking intern. “Dude mag-ingat, ha? Baka mamaya ibang disgrasya na ang magawa mo,” tumawa ito at kumindat pagkuwa'y tumingin sa akin. “Gago!” sinuntok nito ng mahina sa tiyan ang nurse pagkatapos ay tumingin sa akin. Ngumuso ako at tinaasan siya ng kilay. “Mon, ok ka na? Gusto mong kumain muna, my treat!” yaya ni Chelsea habang papalabas kami ng clinic. “It’s on me. Pambawi?” singit ng mokong habang napapakamot sa batok. Saglit ko siyang tiningnan. “Ok na ko Chel, at hindi na. Baka kung ano pa ang mangyaring hindi maganda sa'kin. Uuwi na ko.” “Wait, Monica!” pigil ni Chel. “Bye, see you next week!” Hindi ko pinansin ang pagpigil nila at itinaas na lang ang isang kamay habang naglalakad palabas. Pagdating sa boarding house ay nagbihis agad ako at kinuha ang lahat ng labahin. Maaga pa naman, kaya pa ‘to. Bumaba ako sa laundry area at nagsimulang magkusot ng mga damit. Solo ko ang labahan ngayon dahil every Saturday malimit maglaba ang mga boarders. Pasado alas-6 na nang matapos ako. Napagod ako at nagutom kaya magbubukas na lang ako ng de-lata. Pagpasok ko sa kusina ay sinalubong ako ni May. “Monica may deliver ka,” sabi nito. “Ha? Anong deliver?” “Food yata. Ulo lang ung nasilip ko eh. Hahaha!” “Luka!” naiiling kong sagot. Pumunta ako sa gate at sumilip muna bago buksan ito. “Kay Ms. Monica Castillo po?” tanong ng delivery boy. “Ako po ‘yon. Pero wala naman po akong in-order na kahit ano. Baka po kapangalan ko lang,” sagot ko habang umiiling. Tutal madami naman ang may surname na Castillo, baka may katokayo ako dito sa malapit. Naisip ko. Kinuha nito ang papel at ipinakita sa akin, “Ito po ba ang address dito? “Oo eto nga. Pero Kuya hindi nga po ako um-order niyan. Alam ko po, na sa inyo icha-charge ‘yan, pero gustuhin ko man po na kunin ‘yan para matulungan kayo wala po akong pambayad. Paki-tawagan na lang po ‘yong um-order sa inyo.” Sakto sana dahil gutom na ako pero mukhang madami ang dala niya at siguradong hindi ko kayang bayaran lahat ‘yon. “Eh mam, bayad na po ito. For delivery lang po.” “Ho?” Namilog ang mga mata ko. “Kanino raw po galing?” “Hindi ko po alam eh, taga-deliver lang po ako.” Kumunot ang noo ko na nakatingin lang sa kanya. “Mam, pakipirmahan na lang po ito,” iniabot nito ang resibo at ballpen. “Sorry Kuya, hindi ko kilala kung sino ang bumili n’yan. Pakibalik na lang.” “Mam, sige na po kunin n’yo na. Masasayang lang po ito dahil hindi naman pwedeng i-return ito sa amin. Mapapagalitan pa po ako at baka ako pa ang pagbayarin.” Mukhang pagod na si Kuya, nahiya naman ako na makipagtalo pa sa kanya. Kinuha ko ang papel at pinirmahan ito at saka niya iniabot ang tatlong brown bag na dala nito. Pagpasok ko sa loob ay nasa kusina na ang ilan kong kasama sa bahay. Inilapag ko sa mesa ang mga bag at isa-isang inilabas ang laman ng mga ito. “Aba, galante!” bulong ko. “Birthday mo Mon?” tanong ni Maia na nakaupo sa mesa at naghihintay ng pancit canton na niluluto nito. “Tapos na 'di ba? May nagpa-deliver daw. Hindi naman alam ni Kuyang nag-deliver kung kanino galing.” Isa-isa kong binubuksan ang mga box. May spaghetti, chicken, lasagna, rice at may slice pa ng cake na tig-tatlong order bawat isa. “Wow, ang bongga! Secret admirer?” nakangiting tanong ni Zandra. Napaisip ako kung sino kaya ang posibleng nagbigay nito. Umiling ako, “Ah baka si Kuya kase wala siyang regalo sa'kin. Birthday ko last week di ba? Umupo ako at nagsimulang kumain. “Tara, kain na tayo. ‘Wag na kayong magluto. Kasya na siguro sa'tin ito.” Magte-text na lang ako kay Kuya mamaya para magpasalamat. Pagkatapos naming pagsaluhan at ubusin ang natanggap na pagkain ay naglinis na ako at umakyat sa kwarto ko. Nagbasa-basa lang ako ng konti pagkatapos ay nagtext kay Kuya. “Kuya, thank you sa food. Ingat ka d’yan lagi.. Good night!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD