Kristoff sighed and gestured like zipping his mouth saka kumuha ng beer at tinungga ito. Muling iniharap ni Jacky ang camera sa kanya.”Anyway, hindi mo kami masisisi dahil more than four years kang hindi nagpakita..four years nga ba?” I bit my lip. Bakit naman kase sa dami-dami ng araw na pwede akong kulitin ni Macy eh ngayon pa talaga na nasa bahay pala nila ang mga ito. For sure, gisado ako sa mga ‘to ngayon. “Wait..if I heard it right, tinawag ka ni Macy na Ninang? And it seems that she is so close to you. Meaning…you and Chelsea.. Ay grabe talaga kayong dalawa. Lagi na lang akong out of the picture. I hate you both!” Humalukipkip siya at umirap. Iniabot niya ang ipad kay Chelsea na ayaw pa sana nitong tanggapin. Pinanlakihan ko siya ng mata the moment I saw her. I didn't expect na