“Good morning, Mam Nica. Naghihintay po sa loob si Sir Eric.” Papasok na sana ako ng lobby nang napalingon sa guard na bumati sa akin. Nangunot ang noo ko nang marinig na nandito ang isa sa makulit namin kliyente. Tumango ako at bahagyang ngumiti. Dumiretso ako sa opisina at nadatnan na nakaupo sa harap ng table ko si Eric. Bigla itong tumayo nang makita ako. “Good morning, Nica!” Iniabot nito ang bulaklak na hawak. Lumapit ako at umupo sa tapat niya. Inilapag ko sa table ang bulaklak na binigay nito. “Ang aga mo ah! Akala ko nakaalis ka na?” casual kong bati at tanong. Si Eric ang may ari ng Precious Events na isa sa mga malaki at kilalang event organizer dito sa Davao at Cebu. Nang dumating ako rito ay consistent client na sila ni Tita Suzette sa mga hotel at resort nito. “What a c