Tulad ng dati ay hindi na kami pinauwi ni Tita sa bahay. Twice a month ay dito kami natutulog ni Blake sa Villa niya. May inilaan siyang kwarto para sa amin. Actually, dalawang kwarto ito. Isa para sa akin at isa ay para kay Blake. Noong una ay nahihiya akong tanggapin dahil isa lang ako sa mga empleyado niya. Noong ipinakilala ako sa kanya ni Kuya Bobby at sinabing halos kapatid na raw ang turing sa akin ay hindi siya nagdalawang isip na patuluyin ako sa bahay niya bukod sa trabaho na ibinigay. Lalo na nang malaman niya na buntis ako at mag-isang magtataguyod sa anak ko. Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin maliban lang sa tatay ni Blake. Wala naman kakaiba sa buhay ko kaya wala akong itinago sa kanya. Pati ang pamilya ko ay nakilala na rin niya nang minsan lumuwas kami sa Manila para