Isang magandang nakangiting babae ang sumalubong sa amin. Siguro ay nasa early 40’s na ito. Kasunod nito ang isang mas matandang babae na dumiretso sa malaking gate at binuksan ito.
Nahagip ng mata ko na bumalik si Ethan sa loob ng kotse at ipinasok ito sa garahe. Binuksan naman ng unang babaeng sumalubong sa akin ang maliit na gate at pinapasok ako. “Halika hija, Monica right? Pasok ka.”
“Thank you po.” Ngumiti ako rito at pumasok sa loob.
“Mukang mainit ang ulo ng anak ko, nag-away ba kayo?”
“Po?” gulat kong tanong. ‘Teka, Mama n'ya? Nasa bahay nila ako?’
“Ma!” biglang lumapit si Ethan at inakbayan ako. Ngumiti ito sa akin saka tumingin sa Mama n'ya. “Wag mo munang i-interrogate si Monica, ok? Ako na po muna ang bahala sa kanya.”
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. “Feel at home Monica. Natutuwa ako at nakilala na kita.” Nakaawang ang bibig ko na napatingin kay Ethan. Bahagya nitong pinisil ang balikat ko. “S..salamat po… Happy birthday po pala!”
“Salamat!.. Ipaghahanda ko muna kayo ng merienda. Hindi pa kase kami tapos magluto ng pananghalian ni Ate Choleng. Maiwan ko na muna kayong dalawa.”
Dumiretso si Ethan sa sala at umupo sa sofa. Sumunod ako rito at hinigit ang manggas ng t-shirt nito. “Hoy, ano ‘to? Akala ko ba magpapaliwanag tayo sa girlfriend mo? Bakit nandito tayo sa bahay n'yo? Hindi ba 'yun kilala ng Mama mo? Bakit parang napagkamalan n'ya yatang ako ang girlfriend mo?” sunod sunod kong tanong.
He sneered. “This is how you can repay me the same thing as you did.”
“Ano? Meaning?” nagtatakang tanong ko.
“Meaning, we have to pretend that we are in a relationship especially sa harap ng Mama ko and that way, pwede mo naman akong gamitin pangtaboy ng manliligaw mo,” casual na sagot nito.
“At bakit ko naman gagawin 'yon? Ang unfair lang, ha? Wala pang isang oras kitang pinag-pretend na boyfriend ko tapos eto ang kapalit? At saka ang usapan natin eh magpapaliwag ako sa girlfriend mo para hindi kayo magkaron ng misunderstanding. Asan na ba siya? At para makauwi na ko,” naiinis kong litanya.
He playfully stared at me na para bang pinipigilan ang sariling matawa.”Wag mo kong pag-trip-an ha? Maayos akong sumama sayo rito para magpaliwanag lang.”
“Monica, halika ka na muna rito mag-meryenda ka muna," tawag ng Mama nito na nakasilip mula sa kusina.
Lumingon ako at ngumiti. “Sige po!” Pagkatapos ay binalingan ko si Ethan na nakangisi pa rin. Inirapan ko ito at nagkusa na akong pumunta sa kusina nila. Ramdam ko na sumunod siya sa akin.
Naabutan kong naglalagay ng juice sa baso ang Mama niya habang nakangiti. Mukhang mabait ang Mama niya, simple lang pero kitang kita pa rin ang taglay na ganda kahit medyo maedad na. Eleganteng kumilos at mukhang hindi galing sa ordinaryong pamilya. Bigla tuloy akong nahiya.
“Upo ka na, ako ang nag-bake n'yan. Paborito kase 'yan ni Ethan. Pati cookies favorite n'ya, hindi nagsasawa kahit araw-araw yata akong mag-bake.”
Natakam ako sa chocolate moist cake na tinutukoy niya. Muka ngang masarap.
Umupo ito sa harap ko at ipinaghiwa ako ng cake. Si Ethan naman ay tumabi sa akin at kumuha rin ng kanya.
Hindi ko siya pinansin at sinimulan ko ng kumain. “Masarap po." Totoong masarap ang cake niya.
“Salamat,” sagot nito habang pinapanood niya lang kami habang kumakain.
Medyo naiilang ako samantalang si Ethan ay naghihintay lang yata ng kung anong susunod na mangyayari. Tumikhim ako at nag-isip ng pwedeng pag-usapan.
“Ahm, mahirap po bang mag-bake?”
Umiling ito. “Hindi naman, siguro sa akin dahil libangan ko lang naman ito. Pero kahit pa siguro gawin ko itong trabaho hindi ako mahihirapan kase masaya ako tuwing magbe-bake, lalo na kapag ganyan ang customer mo." Nginuso nito sa Ethan na tuloy lang sa pagkain. “Walang sinasayang. Minsan pinipigilan kong mag-bake kase baka masobrahan siya sa sweets mahirap na, hindi maganda sa health.”
Tumango-tango ako at sumubo ulit ng cake. “Gusto mo bang matutunan kung paano gumawa ng cake?” biglang tanong nito.
“Soon po siguro,” wala sa loob na sagot ko.
“Gusto mong turuan kita? Pwede mo ko puntahan dito anytime na wala kang klase or kapag weekend. What do you think?” suhestyon nito na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Ethan.
Tumingin ako kay Ethan para sana siya ang sumagot pero hindi ako nito pinansin. Nakakahiya naman tumanggi pero hindi naman ako pwedeng pumayag.
“Umm, may pang-hapon po kase akong klase at kapag weekend naman ay umuuwi po sa ‘min. Nagbo-board lang po kase ako."
Napansin ko ang pagbabago sa reaction nito. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o nag-a-assume lang ako, pero parang napalitan ng lungkot ang nakangiti niyang mga mata kanina.
“Ganun ba? Sige kapag nagkaron ka na ng time, welcome ka rito anytime, ha?” Ngumiti ulit ito at tumayo. “Titingnan ko lang kung ano na ang niluluto ni Ate Choleng.”
Paglabas ng Mama niya ay kinompronta ko agad si Ethan. Hinawakan ko ito sa braso at hinila palabas ng kusina. “Hoy ano ka ba? Ano bang meron? Nakakahiya sa Mama mo, hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.”
“Just be yourself," kalmado nitong sagot.
Pinanliitan ko siya ng mata. “Seryoso ka ba kanina dun sa sinabi mo?
“Yup, seryoso ako sayo…”
“Ano?” Tiningnan ko siya nang masama. “Umayos ka Ethan!”
Tumawa ito nang malakas. “Seryoso ako na kailangan mong magpanggap na girlfriend ko.”
Sasagot sana ako nang tinawag siya ng Mama niya, “Ethan, bili ka naman d'yan sa palengke ng broccoli, hindi na kase fresh ang stock ko rito.” Iniabot nito ang pera kay Ethan pagkatapos ay bumaling sa akin.
“Monica, halika rito ka muna sa loob.” Hinawakan ako nito sa braso at niyaya sa loob. Si Ethan naman ay nagkakamot ng batok at parang ayaw sundin ang Mama niya. “Ma, si Tita Choleng ba?”
Nilingon ko siya at nginiwian.
“Ikaw na, mag-motor ka na lang para mabilis. 'Wag kang mag-alala, ako muna bahala kay Monica," taboy nito sa anak.
Dumiretso kami sa dirty kitchen. Mula roon ay tanaw ang malawak na bakuran sa likod. Parang isang maliit na farm ito na may mga tanim na kung anu ano at may nakita pa akong kubo sa may kalagitnaan ng mga halamang namumulaklak.
“Masarap dun sa likod, presko ang hangin. Halika, dun muna tayo sa kubo.”
Sumunod ako rito. Namangha ako sa nakita. Napakaganda ng lugar na ‘to. Hindi mo aakalain kapag nasa harap ka ng bahay nila na may ganito kagandang tanawin na nakatago sa kanilang bakuran. Halatang alagang alaga ang mga halaman dito. May landscape at may maliit pang fishpond sa gilid na nilagyan ng tulay sa gitna. Sa gawing kanan nito ay isang katamtamang laki ng kubo. At may dalawang duyan na magkatabi sa labas nito. May tatlong lamesa rin sa labas na may kanya kanyang bubong na animoy gawa sa kahoy.
Pumasok ang Mama niya sa kubo at naupo sa terrace nito. Tumabi ako rito habang binubusog ang mga mata sa tanawin sa labas. “Ang ganda naman po rito."
“Ito ang paboritong lugar ni Ethan, mas madalas pa siya rito kesa d'yan sa bahay namin.”
Tumingin ako rito at tumango. Akala kaya niya ay girlfriend ako ni Ethan? Imposible naman siguro na hindi niya dinadala rito 'yung Cindy na 'yun. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi siya dapat maligaw sa kung anong meron sa amin ni Ethan. “Ummm, Tita tungkol po kay Ethan…”
Bumuntonghininga ito. “Alam ko, sinabi na sa'kin ni Ethan.”
“Po?” Anong sinabi nun?
“Ok na 'yun hija. Buti't nakilala na kita, nun una kase ay talagang nagalit ako dahil nakita ko ang gasgas sa katawan ng anak ko at putok sa labi nya. Buti na lang at maaga ako umuwi nang time na 'yun kundi baka kung ano nang masamang nangyari sa kanya."
Ano raw? Napa-trouble siya? Anong kinalaman ko dun? “Ano pong ibig n'yong sabihin?”
“Hindi ba sinabi sa'yo ni Ethan?” Nakakunot ang noo nito.
Umiling ako. “So hindi mo alam ang nangyari sa kanya last Tuesday?”
Umiling ulit ako.
“Tsk, ang anak ko talaga! Anyway, he got into trouble w/ Mark and his friends. Ipina-blotter ko na sila. Inabangan nila ang anak ko on his way home at pinagtulungan. Mabuti na lang at kahit papaano ay napag-aral ko ng martial arts ang anak ko dahil kung nagkataon bugbog sarado sa kanilang lima. Taga rito lang pala sa kabilang barangay ang mga batang 'yun.” I felt my face suddenly turned pale at napansin niya 'yun kaya bigla itong naging balisa. “Monica, are you ok?”
Tumango ako. “Sorry po, hindi ko alam,” I said apologetically.
Hinawakan nito ang kamay ko. “It's ok. Wala naman ibang masamang nangyari kay Ethan. At natutuwa nga ako dahil mukang nagseseryoso na siya ngayon. Natakot lang ako that time kase galit na galit siya dun sa Mark na 'yun na eventually ay napilitan na rin siang umamin kung sino 'yun.”
Napapangiti ito habang nakatitig sa akin. “He was your suitor? At nagselos naman ang anak ko.” Umiiling-iling ito habang tumatawa.” Alam mo bang ngayon lang 'yan nagsama ng girlfriend dito sa bahay?...”
“Ma,”
Sabay kaming napalingon. Tumayo ako at humarap sa kanya.
Ang Mama naman n'ya ay nagpaalam na magluluto muna. Lumapit sa ‘kin si Ethan na tila may gustong sabihin. “Anong pinag usapan n''yo ni Mama? May sinabi ba siya sa'yong hindi maganda?” alanganing tanong niya.
I swallowed. Hindi ko expected na matutuloy sa away ang pagpapanggap ko na may boyfriend na ako para lang tigilan ako ni Mark. Ang masama pa ay may nadamay na ibang tao.
“Ano kase… ahh..” Napakamot ako sa noo dahil nahihiya ako sa nangyari. “Sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na seseryosohin ng husto ni Mark 'yung sinabi ko. Hindi lang ikaw ang nadamay, ngayon pati ang Mama mo. Hayaan mo kakausapin ko si Mark na---"
“No need, naayos na namin.” Umiling ito at humarap sa fishpond. “Gusto mong linawin sa lalaking 'yun na hindi mo ako boyfriend? After all of these?” galit nitong tanong.
“Hindi naman. Kaso baka mas lumaki pa ang gulo. Ayoko naman na maistorbo pa kayo ng Mama mo just because of my silly idea.” Tinapik-tapik ko ang ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa isipin na umabot sa sakitan at kailangan pang may ipa-blotter.
“No worries, sabi ko nga naayos na namin 'di ba? Humingi na rin ng pasensya ang mga gunggong na 'yun.” Seryoso pa rin ang mukha nito kaya hindi ko maiwasang kabahan sa reaction niya. “So pa'no ako makakabayad sa atraso sa'yo?”
“Do what I said," malayo ang tingin na sagot nito.
“Huh?!”
Humarap ito sa akin na parang inis na inis. “Alam mo bang may sakit ang Nanay ko at halos himatayin nun nakita na puro gasgas ako at putok ang labi. At baka inatake pa sa puso 'yun kung napuruhan ako ng mga sira ulong yun. Nagwala si Mama at gusto silang idemanda. Nakiusap ako na 'wag ng palakihin. Ayaw pumayag ni Mama na wala akong maibigay na dahilan para hindi sila idemanda kaya sinabi ko na away magkaribal lang 'yun para kumalma siya.”
Napaawang ang labi ko at napalunok. Naiiyak na ako. Hindi ako makapaniwala na ganun kalaki ang impact ng katangahan ko. My Gosh! Anong gagawin ko?
“So sinabi mo sa Mama mo na tayo? Kaya ganun ang treatment niya sa'kin? Pero hindi ba dapat sa'kin siya magalit? Pero ang bait pa n'ya?” pabulong kong tanong na halos ako lang makarinig.
Nilingon niya ako at biglang nawala ang kunot sa noo niya. “Dahil siguro magaan ang loob n'ya sayo. Saka dati pa niya akong kinukulit na magdala ng girlfriend rito kaso…” He paused. “Dahil iba ang ugali ni Mama eh natatakot ako na hindi niya magustuhan or makasundo.” Nakatitig ito sa akin habang nagsasalita. This time, kalmado na ulit ang expression ng mukha niya.
So ayun pala ang dahilan kaya hindi niya isinasama ang girlfriend niya rito dahil natatakot siya na hindi i-trato nang maayos ng Mama niya. Tapos ako basta na lang kinaladkad dito. Kung sa sundalo, ako 'yung frontliner, pangsabak sa gyera? Taga salo ng bala? Bigla akong nahirapang lumunok. 'Yung saya na sandali kong naramdaman kanina nang malamang ako ang una niyang pinakilala sa Mama niya napalitan ng pait agad agad. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa naglalaro sa isip ko.
“So what can you say? Ok lang ba sa'yo na magpanggap na girlfriend ko hanggang sa…maka-get over si Mama sa nangyari.”
Tumango tango ako. “I see.”
Tumikhim ito at saka ako tinitigan. “ So it’s a yes?” he chuckled.
Inirapan ko siya. Akala mo naman, totoong nanliligaw. Batukan ko ‘to eh. Nagpa-practice pang umarte.
“May magagawa ba ako? Kesa naman gerahin ako ng Mama mo.”
“It’s a deal, wala ng bawian ha?” Ngiting ngiti itong nakatitig sa ‘kin. Kung kakalimutan ko siguro ang katatapos lang naming usapan, baka maisip kong totoong nagliligaw ‘to. Lakas ng trip eh! 'Pero kinikilig ka naman Monica!' bulong ng isip ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Sure my instant boyfriend, hanggang maka-recover lang naman ang Mama mo 'di ba?”
Natigilan ito. Napikon yata. Tumawa ako na lalong ikinasimangot niya. Humawak ako sa braso niya at bahagyang dumikit dito.
“Ang galing umarte ng boyfriend ko ah. Nadadala ako alam mo ba 'yun?” Nilambingan ko ang pagsasalita para sana lalong inisin siya. Tiningnan niya ako at nakita ko ang paglunok niya. Huli na nang mapansin ko na sobrang lapit na pala namin sa isa't isa.
Aalisin ko na sana ang hawak ko sa braso niya pero hinawakan nito ang kamay ko. Ngumisi ito. “Sige babe, you can start now to practice your position as my lovely girlfriend." At lalo pa niyang inilapit ang mukha sa mukha ko.
Biglang tumambol ang dibdib ko habang tinititigan siya. Hindi ko kinaya. Nagbaba ako ng tingin at hinampas siya sa tiyan para hindi niya mahalata ang pagkabog ng dibdib ko. “Muka mo!"
Nasa ganun kaming posisyon na may narinig kaming tumikhim sa likuran. Sabay kaming napalingon at bigla akong kumalas sa pagkakahawak niya.