Chapter 6

1423 Words
Um-attend muna ako ng misa sa Cathedral na walking distance lang ang layo sa boarding house namin. Pang alas-otso ang naabutan kong misa kaya past nine na nang ito ay matapos.  Bumalik agad ako pagkatapos ng misa para makapag-palit ng damit at makapag-plantsa ng uniform kung sakaling tuyo na ang mga nilabhan ko kahapon. Maaga pa naman, alas-10 pa ang usapan namin ni Ethan. Mabuti na lang at susunduin daw n'ya ako. Magpapalit na lang ako ng damit na komportableng isuot pag-angkas sa motor niya. Pagdating ko ay may nakaparadang itim na kotse sa tapat ng gate ng dorm. Tuloy-tuloy akong pumasok. ‘May bisita siguro si Tita Luz.’ Narinig ko na may kausap si Tita Luz sa bandang sala kaya sa likod ako dumaan para hindi ako makaistorbo.  Hindi pala ako makakapag-plantsa dahil may bisita. Doon kase kaming lahat na boarders nagpa-plantsa sa sala dahil doon maaliwalas. Para tipid na rin sa ilaw at electric fan. Dumaan muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Sobrang init sa labas kahit pa nga maaga pa. Paakyat na ako nang tawagin ni Tita Luz na mukhang kakapasok lang sa kusina. “Monica, kanina ka pa ba nakabalik?” tanong nito. “Kadarating ko lang po pero paalis din po ako maya-maya. May lakad lang po saglit. Bakit po?”  Bumaba ako sa hagdan at muling pumasok sa kusina. “May lakad ka?”  “Opo, pero saglit lang naman po. Baka rito na rin ako mag-lunch. Magpapasama po ba kayo?” tanong ko habang pinupusod ang buhok.  Bahagya akong sumilip sa sala habang nagsasalita. “May bisita po kayo?” tanong ko na muling ibinalik ang tingin sa kanya. Nakatalikod na nakaupo sa sala ang bisita nito. Ngumiti ito at hinila ako sa loob. “Oo, may bisita nga tayo.”  I furrowed my brows. ‘Kinikilig talaga Tita Luz?’  Natatawa ako sa reaction nitong parang kinikiliti kung makahagikhik.  Tumayo ang bisita niya nang marinig kaming lumapit. Laking gulat ko nang humarap ito sa'kin. Bigla kong naitikom ang nakanganga ko pang bibig pagharap niya. Bakit andito s'ya sa loob? Magkakilala sila ni Tita Luz? “Hi Monica, pasensya ka na napaaga ako. May ipinabili kase si Mama d'yan sa mall kaya naisipan ko na rin dumiretso na rito. Baka kasi hindi ako makabalik ng 10am kung uuwi pa ako,” hinahaplos nito ang batok habang nagsasalita na parang nahihiya.  Naka-faded jeans ito at grey na t-shirt na tinernuhan ng mukhang mamahaling rubber shoes. Ang buhok nito ay maayos ang pagkakasuklay. Ang fresh lang tingnan.  “Ok lang ba?” Siniko ako ni Tita Luz na nagpabalik ng diwa ko. “Uy, kung ok lang daw ba?” nakangising tanong nito. “Ho? O.. Ok lang po.. I mean, ok lang naman," sagot ko at simpleng ngumiwi.  Tumikhim ako para bumalik sa dati ang nabulabog kong utak at pati yata dibdib.  “Mas ok nga 'yong maaga tayong makaalis para makabalik din ako ng maaga.”  Pagkatapos ay binalingan ko si Tita Luz. “May lakad din kase si Tita Luz mamaya. Nagpapasama kayo 'di ba, Tita?” Pasimple ko siyang kinindatan para sumang-ayon. Ngunit kumunot ang noo nito at pagkuwa'y ngumiti kay Ethan. “Parang tinatamad nga akong umalis ngayon. Parang ang sarap lang humiga maghapon. Pero 'wag kang mag-alala kase kung matuloy man ako ay kila Maia na ako magpapasama, ha?” Kinuha nito ang remote ng TV pagkatapos ay umupo sa inupuan ni Ethan at binuksan ang TV. “Sige na at baka ma-traffic pa kayo. Ethan hijo, ingatan mo si Monica namin, ha? Pakisabi na rin sa Mama mo, happy birthday kamo.” “Makakarating po. Salamat po!” tugon nito. 'Close sila? Pati birthday ng Mama niya, alam nito?' I bit my lips. Niyaya ko siya palabas.”San pala natin siya ime-meet?” tanong ko na akmang palabas na ng pinto nang biglang mapahinto. Naalala ko na basta ko na nga lang pala ipinusod ang buhok ko, bigla tuloy akong na-conscious sa hitsura ko. s**t! Ano ba yan? “Ah, sandali lang, upo ka muna d'yan. May kukunin lang ako sa kwarto.” Tumango ito. Mabilis akong tumalikod at muntik ko pang mapatid ang paa ng kabayo ng plantsa paglabas ko ng sala. Anong nangyayari Monica? At parang aligaga? Mabilis akong nagsuklay at inayos ang pusod ng buhok ko. Naalala kong may motor ito, nakakahiya naman kung magmukha akong bruha pagkatapos ng byahe. Naglagay lang ako ng polbo at nagpahid ng manipis na lipstick.  Hindi na ako magpapalit ng damit tutal saglit ko lang naman isinuot ito. At baka isipin pa niya ay masyado pa akong nag-abala. Girlfriend niya lang naman ang pupuntahan namin. ‘Bakit parang may pait sa lalamunan?’ Pagbaba ko ay tumayo agad ito. “Tara na?” Tumango ako at naunang lumabas. Hinanap ko ang motor niya pero siya ay dumiretso sa driver seat ng kotse sa tapat at binuksan ito.  “Sandali lang, palalamigin ko muna sa loob. Nababad kase sa init,” nakangiting paalam nito.  Hindi ako nagkamali, base sa pananalita at kilos nito ay mukhang may kaya sila sa buhay. Pinaandar niya ang kotse at maya-maya lang ay lumabas at binuksan ang pinto ng passenger seat. ‘Oh! Gentleman naman pala.’  Sumakay ako at biglang nanlamig sa sobrang lakas ng aircon. In fairness ang linis ng sasakyan at ang bango. Pagpasok nito ay sinalubong ako ng ngiti. “Ok lang ba? Masyado bang malamig?” tanong nito na nakatitig sa akin. Bigla na naman akong na-conscious the way he looks at me. At parang mas kinabahan ngayong katabi ko na siya. “Umm, medyo malamig nga,” sagot ko na iniwas ang tingin at idineretso sa harapan ang mga mata. Nakita ko na hininaan niya ang aircon. “Ok na ba? Sabihin mo lang kapag nalalamigan ka pa. Malakas talaga kasi ang aircon nito.” Tumango lang ako. Tahimik kami habang byahe. I gave him a sidelong glance from time to time. Mukha naman hindi siya seryoso ngayon tulad ng nararamdaman ko na kausap ko siya sa telepono. Parang chill lang at mukhang masaya. Siguro dahil mawawala na ang worries ng girlfriend at maayos na ulit sila.  “Kumusta ka na? Ginugulo ka pa ni Mark?” Napakislot ako nang bigla siyang magsalita. “Hindi na, at hindi na rin niya ako pinapansin. And thanks to you!" masigla kong sagot. “Ayaw mo talaga sa kanya?” “Hindi naman, pero wala kase akong nararamdamang kahit ano sa kanya bukod sa kaibigan.”  Tumingin ito saglit sa akin at ibinalik ang tingin sa kalsada. “I see.. Kaibigan mo siya?” “Oo from first year, tropa ganun.” “Tapos ngayon, wala na 'yung friendship, ok lang sa'yo?” Ngumuso ako. “Siya naman kase eh.. Kesa naman i-keep ko 'yung friendship namin at patuloy siyang aasa. Mas mabuti na 'yun alam niya kung hanggang saan lang kami pwede. Para hindi na rin masayang ang panahon niya sa'kin 'di ba?” “Heartless,” bulong nito. “Narinig ko 'yun ah, hindi ako heartless 'no?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Nagpapakatotoo lang. Ikaw ba, ok lang sa'yo at hindi sasama ang loob mo sa babaeng niligawan mo nang matagal pero pinaasa ka lang?” “Syempre badtrip 'yon." “See? Dapat kapag ayaw, sabihin agad para walang masayang na oras.” “Ano bang ayaw mo sa kanya?” “Nothing in particular. Mabait naman 'yon, masipag mag-aral, matalino at..mayaman.” “Ayaw mo sa mayaman?” “Uhm, hindi naman. Basta, hindi pa lang siguro ito 'yung right time at right person." “So anong gusto mo sa lalaki?” Napaisip ako. Ano nga bang gusto ko sa lalaki? Nagkibit balikat ako. “Wala akong maisip eh. Ang alam ko lang, sabi nang nag-iisang taong kilala ko na successful ang love life, mararamdaman ko raw 'yon sa unang pagkikita pa lang kung siya na ang itinakda para sa'kin… At hindi ako magbo-boyfriend hangga’t hindi ko nararamdaman 'yon.” “Naramdaman mo na ba 'yong sinasabi niya?” he asked and glanced at me. Saglit akong nag-isip. “Hindi pa. Kaya nga…ay putik!” tili ko dahil bigla siyang nagpreno. I saw his face darkened. “Sorry may tumawid na aso," nakasimangot na dahilan niya. “O..ok lang."  Nakakunot na ang noo nito at naging seryoso na ulit. Ganto ba talaga ‘to? Ang bilis naman magbago ng mood. Hindi na ulit ito nagsalita hanggang sa ipinarada niya ang sasakyan sa harap ng isang bungalow house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD