“What..is..the meaning of…this?” Nakapameywang na si Chelsea ang una kong nakita. Nakasimangot ito na hindi naman mukhang galit. Katabi nito si Tommy at Jacky. Kasunod nila sila Vince at Kristoff na naging kaibigan ko na rin dahil tropa sila ni Chelsea at Jacky mula pa nang highschool.
I bit my lower lip. Tiningnan ko si Ethan na nagkakamot ng ulo habang natatawa.
Pati ako ay natatawa sa reaction nito. “Well, let me explain--”
“There's no need to explain,” putol ni Ethan sa sasabihin ko. "Bro, napaaga yata kayo?” Lumapit ito sa mga boys at nakipag-peace bump.
“Very disappointed Ethan?” biro ni Vince, ang pinaka-playboy at makulit sa kanilang apat.
Tumuloy sila sa kubo habang kaming mga girls ay naglakad papunta sa fishpond. Narinig pa namin ang mga biruan nila. Topic nila ngayon si Ethan pati na rin ako.
“Ano pare, worth it naman pala ang pagputok ng labi,” tukso ni Tommy
“ Gago! Missing in action kayo lagi!”
“ Kayang kaya mo naman ah. Balita ko, nasapol mo sa mata 'yun karibal mo?"
“At ito pa pare, si Ethan pa yata ang gustong i-demanda ni Dexter dahil muntik ng mabasag ni Ethan ang mukha n'ya,” sabi ni Kristoff.
“Iba talaga ang nagagawa kapag tinamaan ng pana ni kupido. Handang manakit at masaktan para sa taong minamahal,” sumasayaw sayaw pang tukso ni Vince habang itinuturo ang dibdib.
Ang lakas nang tawanan nila habang si Ethan naman ay nakayuko lang at nakangiti. Maya-maya ay napatingin siya sa amin at nahuli akong nakatingin sa kanila. Tumayo ito at hinampas sa t’yan si Vince.
Samantalang sina Chelsea at Jacky naman ay pinapanood pala ang kilos ko. Natatawa ako sa reaction nila. “Pwede bang 'wag n'yo muna akong i-judge? Hindi ganun ang ibig sabihin ng nakita n'yo.”
“Hoy Monica, ano 'yun ganun ka-sweet pero hindi ganun? Sige nga?”
“Tsaka kitang-kita ang mga mata nyong nagsa-shine,” dugtong ni Jacky na kinikilig.
“Ang swerte mo Mon. Boyfriend material talaga 'yan si Ethan.”
Umupo ako sa isang upuan malapit sa fishpond at ngumuso. “Hindi nga kase ganun 'yun. Remember Chel, yun na-kwento ko sa'yo na nangyari sa'min?”
“OMG, may nangyari agad?” exaggerated na bulalas ni Jacky.
“Eh kung itulak kaya kita d'yan sa pond para sa'yo may mangyari?”
Lumabi ito. “Eh bakit kay Chelsea mo lang sinasabi?”
“Busy ka last week 'di ba? Hindi ka namin mahagilap."
“So, ano na nga? Explain mo na 'yun nakita namin kanina,” naiinip na utos ni Chelsea.
Kinwento ko sa kanila ang deal namin ni Ethan dahil sa nangyaring trouble sa kanila ni Mark.
Pagkatapos ay palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil magkaibang-magkaiba ang reaction nila. Si Jacky ay may kung anong nilakbay yata ang imahinasyon at kinikilig pa rin kahit nalaman na niya ang totoo. Si Chelsea naman ay malalim ang iniisip habang nakapangalumbaba.
“Alam n'yo hindi ako sang-ayon d'yan sa deal n'yo. Paano na lang kung may ma-develop sa isa sa inyo? Paano kung hindi na kayo pareho ng nararamdaman sa isa't isa. Ngayon deal lang 'yan for Tita Florie's sake pero pano kapag---"
“Alam mo din ang kj mo?” putol ni Jacky sa sinasabi ni Chelsea. “Yaan mo na kung eventually eh may ma-develop, for sure hindi lang naman isa ang made-develop kundi pareho sila. Can't you see and feel the chemistry?
“Anong chemistry ka d'yan? Magtigil ka nga. Alam mo 'yan mga lalaking katulad ni Ethan….” lumingon ako sa kubo kung san malakas pa ring nagtatawanan ang mga ito. “Gwapo nga pero mukang malakas ang sayad.”
“Ang sama neto!” nakangusong umupo sa tabi ko si Jacky.
Tumawa ako. “Joke lang. Well, hindi kami bagay. Dukha ako at siya mukang mayaman. Tsaka, alam ko ang mga tipo ng mga ganyan. Yung mga sexy, maganda, pang model ang datingan, 'yun pang-balandra ang ganda at katawan. Yun, ganun ang mga tipo nila at bagay sa ganyan. Samantalang ako ay hamak na pangkasambahay lang ang taglay na ganda at walang maipagmamalaki."
Kunwari'y humikbi ako at nagpunas pa ng luha habang nakatingala. Sabay kaming nagtawanan ni Jacky at nag-high five.
Samantalang si Chelsea ay seryosong seryoso. “Ewan ko sa inyo. Ngayon tawa-tawa ka d'yan. Kapag hindi n'yo agad tinapos 'yan deal na yan, don’t blame me na hindi kita pinaalalahanan.
“Opo, Nay," biro ko na siyang inilakas lalo ng tawa ni Jacky.
Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan pagkatapos ay tinawag na kami ng Mama ni Ethan para mananghalian. Hanggang sa pagkain ay maiingay pa rin sila at parobito nilang asarin si Jacky. Ako ay tahimik lang na nakikiramdam. Minsan ay binibiro nila ako at nakikisakay lang.
Asikasong asikaso kami ng Mama ni Ethan lalo na ako kaya hindi ko maiwasan ang mailang.
Tama nga si Ethan, sa nakikita ko magaan ang loob sa akin nito. Siguro dahil sa wala siyang anak na babae. Solong anak lang daw kasi si Ethan. Nasaan kaya ang Tatay niya? Hindi ko pa narinig kahit minsan na binanggit niya o ng mga kaibigan namin ang tungkol sa Tatay nito. Nasa ibang bansa siguro. Naisip ko.
Hapon na nang maisip kong magpaalam. Magpa-plantsa pa ako ng mga uniforms ko na hindi ko nagawa kanina. Mauuna na ko tutal mukhang nagkakasarapan pa sila sa inuman. Pumayag si Tita Florie na uminom sila pero tigi-tig isa lang daw silang bote ng beer dahil may mga dala silang sasakyan. Tinext ko si Ethan dahil sa kubo sila nag-iinom at kami naman ay nasa loob ng bahay at nagvi-videoke.
“Ethan, uuwi na ko." Text ko.
Naghintay ako ng reply pero hindi tumutunog ang cellphone ko. “Girls, uuna na ko sa inyo, ha? 4 o'clock na pala. May gagawin pa ko,” paalam ko sa dalawa na huminto sa pagkanta.
“Hindi ka ba ihahatid ni Ethan?” tanong ni Chelsea.
“Baka hindi na, nagkakasarapan pa sila dun. Tsaka, may jeep na d'yan sa kanto 'di ba?”
“Sumabay ka na lang sa'min ni Tommy. Dala niya ang kotse ng Daddy niya, sa'min din sasabay si Jack. Maaga pa naman,” alok ni Chelsea.
Tumayo ako at umiling. “Ayoko, baka gabihin kayo. May gagawin pa pati ako. Magpapaalam lang ako kay Tita Florie, ha?” Naglakad ako papuntang kusina.
Nadatnan ko si Tita Florie na nagbubudbod ng cheese sa cupcake na ginagawa. Nag-angat ito ng tingin nang maramdaman na lumapit ako. “Oh hija, may kelangan ka?” nakangiti nitong tanong na ipinagpatuloy ang ginagawa. “Gusto mo bang panoorin kung paano mag-bake?”
Kinagat ko ang labi ko. Gusto niya rin matutunan ko ang ginagawa niya siguro dahil naniniwala talaga siyang may relasyon kami ng anak niya. “Gusto ko po sana Tita kaso kelangan ko na pong umuwi.”
Tumingin ito sa akin. “Uuwi ka na?”
“Opo, may gagawin pa po kase ako tsaka hapon na rin naman po.”
Tumango ito. “Sabagay. S’ya mag ingat kayo, ha?”
Ngumiti ako. “Salamat po Tita. Happy birthday po ulit!"
Ngumiti rin ito at tumalikod para ilagay ang baking pan sa oven. Ako naman ay bumalik sa sala para magpaalam kila Chelsea at Jacky. Kinuha ko ang bag ko na nasa sofa at isinabit sa balikat. “Uuna na ko sa inyo. Pakisabi na lang sa kanila na umuwi na ko, ha? Nagpaalam na ko kay Tita Florie.”
Pinigilan ako ni Jacky sa braso. “You mean hindi alam ni Ethan na uuwi ka na? Hindi ka nagpaalam sa boyfriend mo?” may halong pang-aasar na tanong nito.
Kumunot ang noo ko. Eh ano naman kung hindi ako magpaalam dun. Ganun naman kami kapag nagkikita -kita. Laging nakahiwalay ang mga boys kaya kapag may nauunang umuwi ay hindi na nagpapaalam sa mga ito.
“Hay naku, asa ka pa. Syempre hindi niya alam ang pagkakaiba ng kaibigan sa boyfriend. 'Di ba nga?” nanlalaki ang mga matang paliwanag ni Chelsea.
I rolled my eyes. “Whatever. Bye!!” Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas.
Naglakad ako hanggang kanto kung saan dumadaan ang jeep pabalik ng bayan. Sampung minuto na yata akong naghihintay pero wala pa rin dumadaan. Tumunog ang cellphone. Kinuha ko ito at sinagot nang makitang si Ethan ang tumatawag.
“Where are you?” galit na tanong nito. Inilayo ko sandali ang cellphone sa tenga ko dahil hindi ko inaasahan ang tono ng pagtatanong niya.
“Mamaya pa raw sila uuwi kaya umuna na--”
“Nakasakay ka na ba?” putol nito sa sasabihin ko.
“Nag-aabang pa lang, pero may padating ng jeep.”
“Wag kang sasakay. Hintayin mo ko d'yan” utos nito na parang nagmamadali pagkatapos ay pinatay na nito ang cellphone. Wala pa naman talagang parating na jeep. Sana sinabi ko na lang pala na nasa byahe na ako.
Ibinalik ko ang cellphone sa bag nang biglang tumigil ang itim na sasakyan sa tapat ko. Bumaba ang tinted na salamin nito at sumilip ang driver nito na gusot ang mukha. “Get in the car."
I swallowed. Bakit galit na naman yata. Tiningnan niya ako at sineyasan na pumasok. Sumakay ako at isinuot ang seatbelt. I gave him a sidelong glance. Seryoso pa din siya. “Nag-text ako sa'yo na uuwi na 'ko. Hapon na kase.” Why do I need to explain? Nakakainis!
“Hindi ko nabasa ang text mo. Buti na lang sinabi sa'kin ni Mama. Nagtataka siya na hindi ko alam na umalis ka kaya nag-conclude agad na may ginawa ako para magalit ka.”
Bigla akong napalingon sa kanya. “ Huh? Bakit naman niya naisip na galit ako? Maayos naman 'yun paalam ko sa kanya.”
“Never ka pa ba talagang nagka-boyfriend?” tanong nito.
Kumunot ang noo ko. Bakit bigla niyang binabago ang usapan? Tumango na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang pinag-uusapan namin. Tiningnan ko siya dahil hindi na siya sumagot. Nagulat ako dahil nakangiti na siya ngayon. Parang nagkatotoo yata ang sinabi ko kanina kay Jacky na may sayad ito. “Anong ngini-ngiti mo d'yan?”
Ngayon ay medyo tumatawa na ito. “Kailangan yata kitang turuan kung paano kumilos bilang may boyfriend.”
I furrowed my brows again. “Bakit? May susunod pa bang eksena? Sa Mama mo lang naman tayo kelangang mag-pretend 'di ba? Don’t tell me, hindi mo sinabi ang totoo kila Vince,” akusa ko.
“Why should I tell them? It's personal. Sinabi mo ba kina Chelsea ang totoo?” ganting tanong nito.
I pouted my lips. “Oo, bakit ko naman hindi sasabihin sa kanila?”
Itinabi nito ang sasakyan at humarap sa akin. “Bakit mo sinabi? Didn't I made myself clear na tayo lang dapat ang makaalam?” ipinatong nito ang kaliwang braso sa manibela at ang isa ay nakatuon sa upuan.
Nakipagtitigan ako sa kanya.”At bakit hindi?” mataray kong tanong.
Kumakabog na naman ang dibdib ko. Ang dami ko naman kaibigan na mga lalaki pero bakit sa kanya ko lang naramdaman ang sobrang kaba sa dibdib tuwing tinititigan niya ako.
I lowered my eyes. “Hindi naman sila madaldal ah tsaka sinabi ko rin sa kanila na hindi dapat 'yun makarating sa Mama mo.”
Matagal siya sa ganung posisyon habang tinititigan ako. Napapalunok na 'ko dahil sa sobrang kaba. s**t! Ano ba ‘to?
“You blushed.” He chuckled.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi at ramdam ko ang pag-iinit nito. Inirapan ko siya. “So? Anong sinasabi mo?”
Dumiretso siya nang upo na nakangiti pa rin. “Hindi ko alam, baka gusto mong sabihin kung bakit ka nagba-blush.”
Kinagat ko ang labi ko. Naiinis ako. Kailangan bang ganun siya ka-prangka? Nakikita na, sinasabi pa. Gusto ko tuloy takpan ang mukha ko.
“Ewan ko sa'yo” Inirapan ko siya at tumalikod sa kanya. 'Kahit magka-stiff neck ako, hindi kita lilingunin.'
Hanggang sa nakarating kami sa boarding house ay hindi ko siya kinakausap. Bumaba ako ng sasakyan at hinintay na umalis siya.
Akala ko ay aalis na siya pero pinatay niya ang makina at bumaba ito ng sasakyan at may kinuha sa likod ng kotse. Paglabas nito ay may hawak ng paper bag at isang maliit na box. Lumapit siya sa'kin at iniabot ang box. “Pinadala ni Mama, ang bilis mo raw kasi umalis kaya hindi na niya naibigay sa'yo.”
Napangiti ako nang makita ang laman nito. Ito 'yun ginawa niyang cupcake kanina. “Nakakahiya naman sa Mama mo. Pakisabi salamat, ha?”
Tumango lang ito. Hindi ako umaalis sa harap ng gate at hinihintay ko siyang magpaalam. My lips kept on moving. Pareho kaming nagpapakiramdaman. He cleared his throat. “Hindi mo ba ako papasukin?”
“Ummm, 'di ba may bisita ka pa? Siguradong hinihintay ka na nila.”
Ngumiti ito. “For sure, nakauwi na rin sila.”
“Hindi ka ba busy? 'Di ba may pasok ka pa din bukas?” I urged him.
He slightly raised his eyebrow. “May pinabibigay kasi si Mama kay Tita Luz. Pwede ko ba siyang puntahan?” Itinaas niya ng bahagya ang paper bag na dala.
“O..ok.” Binuksan ko ang gate at pinapasok siya.
Sinamahan ko siya hanggang sa sala. “Maupo ka muna, tatawagin ko lang si Tita Luz.” Tumalikod ako at iniwan siya.
Nasa kusina sila Tita Luz at Maia. Wala pa yatang bumabalik na boarders dahil tahimik pa sa buong bahay. “Tita Luz, nandito po si Ethan. Nasa sala po, hinahanap kayo.”
“Sino 'yun?” tanong ni Maia na nagkakape.
“Admirer ni Tita Luz.” Tumawa ako at inilagay sa lamesa ang hawak na cupcake.
“Tita, 'kaw na ang bahala sa kanya, ha? May ibibigay lang naman daw po sa inyo. Uuwi na rin po 'yun,” paalam ko pagkatapos ay umakyat na sa kwarto ko.