Chapter 16

1157 Words
Imbes na umuwi sa kanila ay namasyal kami sa isang lake park na paboritong pasyalan dito lalo na ng mga kabataan. Kahit pa mainit ang araw ay marami pa rin ang mga namamasyal dito dahil sa magandang tanawin. Napapaligiran ng mga puno ang gilid ng kabuuan ng lake na siyang nagbibigay ng masarap na simoy ng hangin. Wala rin pinipiling oras ang mga taong gustong mag-jogging dito. Marami-rami na ulit ang mga nakatambay ngayon na karamihan ay mga grupo ng mga estudyante na ang ilan ay mga naka-uniform pa. May ilan din na pamilya na may kasamang maliliit na bata. Naupo kami sa isang upuan na nasa ilalim ng isang puno. Mula roon ay tanaw namin ang kabuuan ng lawa. “Madalas din ba kayo dito?” tanong ko kay Ethan. Inabot niya sa'kin ang hotdog at softdrinks na binili nito saka umupo sa tabi ko. “Minsan lang. Once a month?” “Sinong kasama mo?” curious kong tanong. Kilala rin kasi ang lugar na ito sa mga madalas puntahan ng mga magkasintahan. “Friends,” casual nitong sagot. “Oh!” Humarap siya sa'kin at nakakaloko niya akong tiningnan. “You want to know kung nakikipag-date rin ako rito?” Nagkibit lang ako ng balikat. Wala naman masama kung sakali na isa rin sila sa mga nagpupunta rito. Pero bakit parang bigla ako nainis na nalungkot habang nai-imagine ko siya na nakaupo sa isa sa mga bench dito na ibang babae ang katabi? “My answer is yes." Tiningnan ko siya saglit but he only playfully smiles at me. Ang corny din naman pala nito! Sa isip ko. Anong kayang itsura niya kapag may kasamang jowa rito? Tulad din ba nang ibang nakikita namin na sobrang intimate at do'n lagi pumupwesto sa mga sulok-sulok at kung gabi ay do'n sa mga madidilim na spots ang pinipili? “Ngayon lang. If this can call as a date," dagdag niya. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Pero nagkunwari akong hindi naintindihan ang sinabi niya at tumanaw na lang sa paligid. Naagaw ang pansin namin pareho ng isang babae at isang lalaki sa di-kalayuan sa pwesto namin. Dalawang upuan lang ang pagitan namin kaya nakikita namin at naririnig ang pinag-uusapan nila. Tumayo ang lalaki pero pinigilan ng babae habang umiiyak. Nagmamakaawa ito sa lalaki na pakinggan ang paliwanag niya. Pero walang ibang sinabi ang lalaki kundi sorry at hindi niya sinasadya. Tumikhim si Ethan na siyang nagpabalik ng ulirat ko. “Tara na?” yaya nito. Medyo napahiya ako dahil masyado yatang obvious na nakikiusyoso ako sa kanila. Maya-maya pa ay umalis 'yun dalawa. Mabilis na naglakad ang lalaki habang habol-habol ng babae na patuloy pa rin sa pag-iyak. Napailing na lang ako at nilingon muli si Ethan na sinusundan din pala ng tingin ang mga ito. “Tingin mo anong pinag-awayan nila?” tanong niya. “Tingin ko, ayaw na nun lalaki? Pero ayaw makipag-break nun babae? Siguro may iba na 'yon guy." “Mali. Yung babae ang nagloko.” Tiningnan ko ulit sila na patuloy sa paglalakad. Nakasunod pa rin ang babae at walang pakialam kahit na nakatingin sa kanila ang lahat ng madaanan. “Pero bakit 'yun boy ang nagso-sorry? At hindi raw niya sinasadya?” “Siguro dahil muntik na niyang masaktan yun babae. Mahirap nga naman tanggapin yun ginawa nun.” He clenched his jaw. Kumunot ang noo ko. “Kilala mo sila?” Tumango siya. “Let’s go.” Tahimik akong sumunod sa kanya. Why do I feel that something is not right? Bakit parang affected siya sa nakita namin? Gusto ko sana siyang tanungin kung sino ang mga 'yun but I'd rather keep my mouth shut. As usual, mukhang nawala na naman siya sa mood. Bago pumasok sa kotse ay tumunog ang cellphone ko. Nag-text si May na nasa boarding house na sila kaya nagpahatid na ako sa kanya pauwi. Habang pauwi ay tahimik at seryoso lang siya sa pagda-drive. Hindi na rin ako nagsalita dahil pakiramdam ko ay sobrang lalim ng iniisip niya. Pakiramdam ko ay may kinalaman ito sa nangyari kanina sa park. May kung anong kaba at hinala ang munti kong naramdaman pero hindi ko maintindihan kung ano iyon. Sinulyapan ko siya na seryoso pa rin ang mukha. Hindi na ako nakatiis kaya ako na ang nagsimulang basagin ang katahimikan sa loob ng kotse nyia. “May problema ka ba, Ethan? Bakit bigla na naman nagbago ang mood mo?” He only pursed his lip at madilim pa rin ang mukha. Ni hindi niya ako tiningnan. Tumango tango lang ako at dumiretso ng upo. ‘Ok, e d 'wag kung ayaw mo makipag usap.' Tinutok ko na lang ang mata sa dinaraan at hindi na muling nagtanong pa hanggang sa iparada niya ang sasakyan sa tapat ng boarding house. Bumaba na ako at nagpaalam. Tiningnan niya lang ako at tumango. At hindi na siya bumaba. Kaya diretso na akong pumasok sa loob at hindi ko na siya hinintay na umalis. Nakasalubong ko si Ate Gena na pababa ng hagdan. “ Oh Mon, buti nandito ka na. Sasama ka ba sa'min?” “Sige, join ako Ate. Anong oras ba ang alis?” walang gana kong tanong. “Actually, now na hinihintay ka lang talaga namin.” “Ah ganun ba? 10 minutes, kuha lang ako ng gamit ko.” Yun lang at patakbo na akong umakyat sa kwarto. “Dahan-dahan, bunso baka naman mahulog ka. Take your time, hindi naman nagmamadali!” rinig kong pahabol ni Ate Gena pero hindi ko na pinansin. Kumuha lang ako ng damit pampaligo, pangtulog at pampalit pag-uwi at ilang personal hygiene. Isa-isa kong padabog na isuksok sa bag ang lahat ng nakuha ko. 'Yung inis na nararamdaman ko para kay Ethan ay sa mga gamit ko yata naibunton. “Bahala s'ya, nakakainis s'ya! Ano bang meron do'n sa mag-jowa'ng 'yon at masyado yata siyang affected! Hmp!” Pagbaba ko ay naka-ready na sila Malen, Maia, Ate Gena, Kuya Dan at dalawa sa mga officemate ni Ate Gena. “Aba, himala! Ang bilis mo yayain ngayon Mon, ah! Hindi mo kami pinahirapan mamilit,” tudyo sa kin ni Maia habang inaayos nito ang braided hair niya. Naka-mini dress ito na na bumagay sa seksi nitong katawan. Si Malen naman ay hindi nagpahuli sa kaseksihan, naka maikling shorts at sando top naman ito with summer hat pa. Ako lang yata ang balot na balot na pupunta sa swimming party. Nginusuan ko lang ito. “Tara na!” tumalikod ako at akmang lalabas na. “Wait!” pigil ni Ate Gena na hinawakan ang braso ko. “Yan na talaga ang suot mo? Hindi ka na magpapalit?” “Sa resort na lang ako magpapalit Ate. Nakakahiya naman na magpahintay pa ako sa inyo.” Tumango lang sila at kita ko ang mapanuring mga mata ni Malen at Maia. Hinayaan ko lang sila sa kung anuman ang umiikot sa isipan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD