Chapter 17

1262 Words
Kakatapos lang namin mag-swimming ng magyaya si Malen na uminom sa bar ng resort na nirentahan ng company branch nila Ate Gena. Dahil may labindalawang empleyado lang sila ay hindi restricted mag-invite ng outsiders. Bawat empleyado ay may kanya kanyang bisita, ganun din si Malen na isinama ang boyfriend niya sa pamimilit na rin kay Ate Gena, since ito naman ang Branch Manager. “Sige na, beer lang naman ang iinumin natin eh. Tsaka hiwalay naman tayo sa mga boys oh!” turo nito sa mga kasama naming mga lalaki na nasa isang cottage at sama samang nag-iinuman. 'Yun iba ay lasing na habang ang ilan ay nagvi-videoke na halata sa boses ang kalasingan. “Late na kase, anong oras pa tayo makakatulog n'yan?” sagot ko. “Ano ka ba? Hindi naman tayo dumayo rito para lang matulog 'no? Ang kj mo, Mon. Nag-away ba kayo ni Ethan? Parang kanina ka pa wala sa mood.” Kumunot ang noo ko  “Ano naman kinalaman dito no'n?” sabi ko na inirapan siya pagkatapos ay humakbang ako patungo sa bar na sinasabi nila. “Sige, tara na nga! Sagot din ba nila ang alak?” nakangiti ko nang tanong. Dali-daling sumunod ang dalawa sa'kin at magkapanabay na isinukbit ang mga braso nila sa magkabila kong braso. “Good girl! Yesss! Let’s have fun!!” cheer ni Maia. Umupo kami sa isang table sa gilid ng bar. Masarap daw ang hangin dito kaya ito ang napili nilang pwesto namin. Pero alam kong dahilan lang nila 'yon. Dahil napansin ko ang grupo ng mga gwapong lalaki sa di kalayuan sa pwesto namin. “Mon, ano sa'yo? Eto 'yon coupons na binigay ni Ate Gena, eto raw ibigay natin pagkuha ng drinks. ” Inilahad ni Maia ang mga coupons na binanggit nito. “Sanmig lang, 'gang two bottles lang ako, ha?” warning ko rito. Ayokong malasing kapag hindi sa boarding house o sa bahay ng mga friends ko nag-iinom. Mahirap na lalo na't mukhang lasing na rin ang mga kasama namin. “Umm, pwede na rin. Order lang ako, ha? Samahan mo ko Malen.” Maya-maya ay bumalik ang dalawa na may bitbit na ilang bote ng beer. “Walang pulutan?” Natatawa kong kinuha ang isa sa mga bote. “Meron, ihahatid na lang daw dito. Buti may natirang pang san mig kundi baka mag-empi rin tayo,” sabi ni Malen. Tahimik lang akong umiinom at paminsan minsan ay nakiki-ride sa mga jokes at kakengkoyan nila. Puro mga boys at jowa nila ang kalimitan nilang topic. Tapos ko nang inumin ang dalawang bote ng beer ay ramdam ko na ang pag-init ng mukha ko. Lumalakas ang tawanan namin tatlo nang tumunog ang cellphone ko.  Binasa ko lang saglit ang message at ipinatong na ulit sa table ang cellphone. Maya-maya ay nagri-ring na ito. Hindi ko pinansin at patuloy kami sa pagkukulitan. Hindi na nakatiis si Malen nang muntik niya nang sagutin ang tumatawag sa telepono ko. “Wag!” saway ko sabay agaw sa hawak na niyang telepono ko. Namumungay ang mga mata nito na nakatitig sa akin at nakapangalumbaba. Halata na ang kalasingan nito. “Bakit ayaw mong sagutin? Siguro nag-away kayo ni Ethan, 'no? O baka gusto ng manligaw tapos iniiwasan mo na naman. Lukaret ka talagang babae ka! Ang ga-gwapo ng nanliligaw sa'yo tapos hindi mo binibigyan ng chance.” I pouted my lips habang napabuntong hininga. Gusto ko sana sabihin na gusto ko na rin subukan ang lagi nila sinasabi na bigyan ko rin ng chance ang sarili ko kapag may nagustuhan ako. At ngayon nga na ramdam ko na hindi lang kaibigan ang gusto ko kay Ethan ay saka naman ako nag-aalinlangan. “OMG, tibo ka?”exaggerated na sigaw ni Maia. Napalakas ang tawa ko sa reaksyon nito na parang biglang gustong umiwas sa'kin. “Gaga, bakit lahat kayo ganyan ang sinsabi sa'kin. Ewan ko sa inyo!” tumayo ako at saka hinigit ang buhok ni Maia. “Ouch!" sabi nito na hinila pabalik ang buhok niya. “Monica naman eh!" "S'ya nga pala, Mon. Kakilala pala ni Art si Ethan pati na rin 'yun dati raw no'n jowa. Cindy yata ang name, not so sure about the name," singit na kwento ni Malen. Bumalik ako sa kinauupuan ko at na-curious sa sinasabi nito. "High School classmate raw niya 'yun dalawa. Akala raw niya ay sila na ang magkakatuluyan. Sikat daw ang mga 'yon sa school since good looking couple. Laging partner sa lahat ng events and competitions. But one day, nahuli raw ni Ethan itong si girl na may kahalikang iba at ang mas masakit ay pinili iyon ni girl over Ethan," naiiling na kwento nito na nakatunghay sa kanya.  "Ahhh, gano'n pala," tanging sagot ko.  Naalala ko ang naging reaksyon nito sa nasaksihan namin drama sa lake kanina. Kaya siguro ganoon na lang ang ang naging reaction at kawalan nito sa mood dahil naalala niya ang ex niya. Dahil alam niya ang kwento ng mga ito dahil sabi nga niya ay kilala raw niya ang mga ito at malamang ay bumalik ang sakit nang makita sa iba ang eksaktong pinagdaanan.  Napabuntong hininga na lang ako dahil parang biglang sumikip ang dibdib ko. Kung gano'n pala ay mahal pa siguro nito ang babaeng 'yon dahil naaapektuhan pa rin siya. "Tapos before daw graduation nila ay nag-sorry 'yong girl kay Ethan sa mismong stage, ha? During rehearsal nila at inamin ang panloloko niya at nag-confess ng love, na si Ethan daw talaga ang mahal niya," dagdag nito na umiling-iling pa. "How romantic and pathetic at the same time." "Tapos? Tinanggap ulit ni Ethan si Ate girl?" curious na tanong ni Maia. "Syempre…" "What?!" halos panabay namin tanong pero si Maia lang ang may kakayahan na ibulalas iyon. I silently outburst the question. Baka mahalata nila na masyado akong dismayado. Tumawa si Malen at nakangising tumingin sa akin. "Syempre raw, hindi. Kaya ayon, napahiya si girl." Tumawa pa ito. "Sabi ni Art, madalas daw kapag ang lalaki ang umayaw kahit anong gawin ng babae, ayaw talaga. Unlike sa atin mga girls na pwede pa suyuin kapag may ginawang kasalanan ang boyfriend natin, konting lambing, konting haplos suko na ulit ang bandera. Tsk, tsk! Guilty as charged," iiling-iling na sabi nito na humawak pa sa dibdib. 'Yon nga kaya ang totoong nararamdaman ni Ethan? Paano kung kinakain lang siya ng pride dahil sa hayagang panloloko nito sa kanya? Ipinilig ko ang ulo. Wala naman akong karapatan na quetion-in siya at alamin kung ano ang totoo. Napayakap ako sa mfa braso ko ng umihip ang hangin. “Kukuha lang ako ng towel at nilalamig na ko riito.” Nakatalikod na ako ay rinig ko pa rin ang pagmamaktol ni Maia dahil sa ikinwento ni Malen. Dapat daw hindi na ipinaalam sa akin ang nakaraan na. Na ipinagkibit ko lang ng balikat. Wala naman kaming relasyon ni Ethan at hindi rin naman ito nanliligaw sa akin kaya wala akong nakikitang problema doon pero hindi ko maitanggi ang biglang pagpait nf pakiramdam ko. Pagbalik ko sa kwarto namin ay nakita ko sa balkonahe ng katabi namin kwarto ang dalawang lalaki na naghaharutan habang nag-iinom. Hindi ko mapigilan ang pagmasdan sila sandali. Pareho silang gwapo, ang isa ay moreno at matipuno ang katawan samantalang ang isa ay maputi at mukhang mayaman. Kapansin-pansin ang lagkit ng tingin nito sa lalaking moreno. Pero parang hindi alintana ng lalaking moreno ang atensyon na ibinibigay sa kanya ng kasamang lalaki. Naiiling akong pumasok sa kwarto namin. Bakit ba ang daming lalaki ngayon na lalaki rin ang gusto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD