“Monica, sama ka ba sa summer outing?” tanong ni Annie, isa sa mga malalapit kong classmates sa ilang subjects. Kakatapos lang namin mag-submit ng final project sa Managament. Naka-PE uniform pa kami dahil ngayon din ang final exam namin sa PE.
“Hindi eh, uuwi na ‘ko sa amin sa Monday. So hindi na aabot. Hindi na ako papayagan ni Nanay.”
“Sayang naman, minsan lang 'yun ah. Next year baka busy na tayo."
Sabay kaming nagpunta sa gym. Umupo muna kami sa tabi habang hinihintay matapos ang una at pangalawang batch ng mga estudyante na naglalaro ng volleyball. Eto ang magsisilbing final exam namin.
“Malayo kasi, baka hindi ako payagan kapag nakauwi na ako.”
“Eh di 'wag ka na muna umuwi. Mag-stay ka muna ng one week dito… Ay, sayang!” napapalatak ito habang nanonood ng mga naglalaro.
“Hindi pwede, alam ni Nanay na hanggang ngayon na lang ang klase natin," sagot ko na nakatingin din sa mga naglalaro. Ang lakas ng sigawan at kantyawan sa buong court.
“Woooooh!” Sabay kaming napatayo nang biglang mag-spike ang MVP naming ka-klase na isang campus crush.
“Mon, tingnan mo ang galing talaga ni Mike. Kahit pawisan mukang mabango pa rin oh! Ang gwapo talaga!” Kinikilig ito habang sinusundan ng tingin ang tinutukoy.
Itinulak ko siya sa harap. “Go girl, puntahan mo na. Punasan mo ng pawis. It's your time to shine,” biro ko rito na nakakapit sa braso ko.
“Hay naku, kung wala lang dito 'yung jowa nya'ng mukhang paa lalapitan ko talaga 'yan.” Nakanguso itong tumingin sa isang estudyanteng makapal ang make up na walang humpay sa pag-cheer.
Kung nakakamatay lang ang irap, malamang bumagsak na ang babaeng 'yun sa sama ng tingin ni Annie.
“Hoy, ang sama mong maningin!” Binatukan ko ito ng mahina.
Umupo ito at sumimangot. “Bakit kase ganyan ang taste ni Mike sa babae? Kung mga level man lang sana ng beauty mo ang girlfriend niya, matatanggap ko pa pero 'yun ganyan?” Nginuso niya ang bandang kinatatayuan ni Mike at ng girlfriend nito na abala sa pagpupunas ng pawis nito.
Next batch na ngayon ang nakasalang. “Grabe, paano n'ya nasisikmura 'yan?” Maktol pa rin nito habang pinapanood ang dalawa.
I rubbed her back in a teasing way. “Relax! Mag-jowa pa lang naman sila. Malay mo..” Napatigil ako saglit.
Parang ang bad ng naisip ko. “Malay mo, on the way na pala 'yun the one mo na mala Mike rin ang datingan. Kaya chill ka lang. Darating din 'yun. For now, hindi na available si Mike kaya, 'wag mo na sya'ng pansinin.”
“Hmp..palibhasa fafables ang mga nanliligaw sa'yo kaya madali mo ng nasasabi 'yan eh!” Lalong ngumuso ito.
“Luka luka, pareho lang tayong walang jowa, 'no?" Ipinusod ko ang buhok ko at inirapan ito.
Nag-ayos din ito ng buhok at naglagay ng polbos at nag-lipstick. “Uy girl, balita ko umalis na si fafa Mark ah!" pa-bakla nitong usyoso.
Tumango ako. “Yup, nagpunta na sa Canada. Dun na daw siya mag-aaral.”
Umarko ang kilay nito. “Dahil ba sa'yo kaya umalis 'yun? Binasted mo?” Hindi ko siya pinansin at pinanood lang siya habang sinisipat ang mukha sa maliit na salamin. “Bakla, bakit pinakawalan mo pa? Boyfriend material din 'yun ah. Sayang!” Naiiling ito.
Natigil ang kwentuhan namin nang tawagin na kami ng professor namin at pinahanay kami. Maya-maya pa ay kami na ang nasa loob ng volleyball court.
Halos isang oras din kaming naglaro at pawisang pawisan pagkatapos.
“Mon, nice game!" Tumakbo sa tabi ko si Annie at nakipag-high five.
“Nakakapagod!” Nakayuko ako saglit habang nakatuon ang mga kamay sa tuhod.
Bumalik kami sa upuan kung saan nakalagay ang mga gamit namin.
“Sabay na tayong maglunch,” yaya nito sa akin na sinang-ayunan ko.
Kinuha ko sa bag ang tubig na baon ko at nilagok ito. Maya-maya ay may inginuso si Annie sa bandang likuran ko. “Bakla, mas nakakapanglambot yata kesa maglaro ng volleyball kung ganto ang haharapin mo at tititig sa'yo!” Tila kinikilig na naman ito.
Natatawa akong tinitigan siya habang nilalagok ang tubig sa boteng hawak ko. Head over heels talaga ito kay Mike. Kanina lang akala mo'y bigong-bigo pero ngayon kilig na kilig na naman.
“Hi, babe!” bigla akong nasamid nang marinig ko ang familiar na boses na 'yun. Bahagya akong napayuko habang hawak ang dibdib ko. Ramdam ko ang sakit sa lalamunan na hindi mapigilan ang ubo.
“Monica, ok ka lang ba?” Hinagod nito ang likod ko na kahit papaano’y nakadagdag naman ng ginhawa sa pakiramdam ko.
Gulat at nakakunot noong palipat lipat ang tingin sa'min ni Annie ng mahimasmasan ako. “Babe?”
Tumikhim ako at umiling. Pagkatapos ay tiningnan si Ethan. “Anong ginagawa mo rito?” Walang emosyon kong tanong.
Si Annie naman ay napangisi kay Ethan. “Owww… Mon, una na ko, ha?”
“Nagyaya kang mag-lunch 'di ba?”pigil ko rito.
Isinukbit nito ang bag sa likod at ngumiti kay Ethan at inilahad ang kamay nito. “Im Annie, Monica's friend," sabi nito. “Ako na nagpakilala sa sarili ko ha?” Lingon nito sa'kin pagkatapos abutin ni Ethan ang kamay niya at nagpakilala rin ito. Binalik niya ang tingin kay Ethan at ngumiti. “Kanina pa gutom 'yan Ethan pero ngayon siguro busog na,” makahulugan nitong sabi.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinansin. Sa halip ay mas ngumisi pa lalo ito at sinulyapan ako na parang nakakaloko.
“Bye Mon, try mo sumama sa outing, ha? Paki-convince naman siya Ethan, at sumama ka na rin." She winked at him at tuluyan nang umalis.
Kinuha ko ang bag ko at diretsong naglakad palabas ng court. In my peripheral vision, amused itong nakatingin sa'kin pagkatapos ay nagkamot ng kanyang batok.
“Babe, sandali!” habol nito.
Babe mo'ng mukha mo! Ang tagal mong hindi nagpakita kahit text wala. Tapos sa'yo parang wala lang. Ang unfair, ha? I thought. Hindi ko siya pinansin at tuloy sa paglalakad.
Nilingon ko siya nang hinawakan niya ang wrist ko. “Anong meron Ethan? Napadaan ka?” casual kong tanong na pilit itinatago ang pagkainis.
“Hindi ako napadaan lang. Gusto kitang makita."
Inirapan ko ito. “Para kang kabute, bigla kang sumusulpot…bigla ka rin nawawala.” Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa himig tampo ng huli kong sinabi.
Lalong lumapad ang ngiti nito at dinunggol ang braso ko “Na miss din kita.”
Tiningnan ko siya nang masama. “May sinabi ba ‘kong na-miss kita?”
Nagkibit balikat lang ito na lalo kong ikinainis. “Babe, may towel ka ba?” Hindi ako sumagot.
Nagulat ako ng kinuha niya ang bag ko at binuksan ito. Kinuha niya ang maliit na towel na baon ko at pagkatapos ay ipinihit ako patalikod sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng pinunasan niya ang likod ko.
“Ethan, anong ginagawa mo?”
“Wag kang malikot. Basang-basa ka ng pawis. Magkakasakit ka n'yan.”
Napatingin ako sa paligid, mabuti na lang at wala ng masyadong dumadaang estudyante. Naramdaman ko ang banayad na hagod sa likod ko na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa buong katawan ko. Saglit itong natigilan, maya-maya'y naramdaman ko na inayos niya ang pagkakalapat ng towel sa likod ko at iniwan doon.
“Done," bulong nito.
I swallowed. Humarap ako sa kanya. Napansin ko ang malalamlam nitong mga mata and his gloomy face. “May…may problema ba?”
Mataman siyang nakatingin sa akin at bumuntong hininga. “Kakalabas lang ni Mama sa hospital. More than a week siyang na-confine. Kaya matagal kitang hindi napuntahan. Pasensya ka na.”
Biglang may bumalot na lungkot sa dibdib ko nang makita ang bigat at lungkot sa gwapo nitong mukha. “O.. Ok na ba ang Mama mo? Kumusta na siya?”
“She’s recovering now. Na-discharged na kahapon."
I feel guilty. Nagkasakit pala ang Mama niya at paniguradong siya ang nagbantay sa hospital kaya hindi siya nakapunta rito nang matagal, idagdag pa na kasabay ng final exam nila. Nainis pa ako sa kanya at hindi man lang muna kinumusta.
“Sorry,” halos pabulong kong sabi.
“For what?”
Ngumiti ako at umiling. “Uuwi na ako sa Monday, last day na kase namin today. Pwede ko bang dalawin ang Mama mo?”
He furrowed his brow. Hindi ko mabasa kung anong ibig sabihin ng reaction niya. Tumalikod ako para hindi masyadong mapahiya kung ano ang isasagot niya. Masyado yata akong nag-feeling.
Tumabi siya sa ‘kin at bumuntong hininga. “Alam mo bang lagi ka nya'ng hinahanap sa'kin? Hindi ka na raw niya nakikita. Hindi naman kita maistorbo dahil alam kong final week niyo rin.”
Tumango-tango ako. “Ok lang ba puntahan ko siya?.. Kahit bukas?”
Umiling ito na ikinakunot ng noo ko. “Ah ok. Ikumusta mo na lang ako sa kanya. I'll pray for her fast recovery.” Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. Eh di wag! Bakit pa niya sinabi na hinahanap ako tapos ayaw naman pala niya akong papuntahin.
Hinabol niya ako at sumabay paglalakad. “What I mean is, you are very much welcome anytime sa bahay. Di ba 'yun ang sinabi sa'yo ni Mama last time?”
Diretso akong lumabas ng gate pagkatapos ay lumiban ng kalsada. Sumunod lang ito sa'kin hanggang sa makarating sa nakaparada niyang kotse.
“Actually, pinapa-invite ka sa'kin ni Mama na sa bahay mag-lunch, ok lang ba?” Nagkamot ito ng ulo. “Please?”
He looked into my eyes na parang pinipigilang mapangiti. Nagpapa-cute ba ‘to? Tinaas-taas pa nito ang kilay. “Sige na. Remember may deal pa tayo?”
“Oo na, sige na." I pouted my lips
“Yesss! Totoo, tayo na talaga?” Nakangisi itong akmang lalapit sa akin.
Umarko ang kilay ko. “Loko loko, sa mental ka ba nagbantay kaya ka nagkaganyan?”
Bahagyang tinabig ng braso niya ang braso ko. “Ikaw talaga, kj din. Joke lang pero pwede mong totohanin.” He showed his playful side again.
“Ewan ko sa'yo. Daanan mo na lang ako, magpapalit lang ako ng damit sandali.”
“Babe, sakay ka na. Mainit oh!” Tumingala pa ito at itinaas pa ang isang kamay.
Diretso akong naglakad. “ Ang lapit na ng dorm," sabi ko na nilingon siya saglit. “Hintayin mo na lang ako dun sa labas.” Turo ko sa gate ng dorm.