Chapter 13

1065 Words
Nagpalit ako ng maong pants, pink blouse na tinernuhan ko ng flat shoes. Sinipat kong maigi ang hitsura sa salamin. Konting polbo at lipstick, ok na.  Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa salamin. Na-e-excite ako na hindi maintindihan. ‘Si Tita Florie naman ang nag-i-invite sa'yo at hindi si Ethan 'di ba?’ Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. I pursed my lips. Ayoko man tanggapin pero may iba na akong nararamdaman para kay Ethan. Natatakot ako pero hindi ko mapigilan na maging masaya kapag kasama ko siya.  And no one knows how much I missed him sa mahigit isang linggong hindi ko siya nakita. Naalala ko pa na gustong gusto ko nang mag-initiate na tumawag o i-text man lang para mangumusta pero kinakain ako ng hiya at pride. Excited akong lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko si Loisa na isa rin sa mga boarders. “Uy si Mon, blooming! Mukang may date ah!” Tinikom ko saglit ang bibig at pinigil ang ngiti. “Hindi 'no, dadalaw lang sa Mama ng friend namin. Kakalabas lang sa hospital,” paliwanag ko. “Ok, sabi mo eh. Enjoy!” Kinindatan niya ako at binigyan ng nakakalokong ngiti. Tinaasan ko siya ng kilay. “Tse!. Ewan ko sa'yo.” Napakagat ako ng labi pagtalikod at saka pinigilan ang mangiti. Pagdating sa baba ay malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pinilit maging casual ang mukha.  Pumasok muna ako sa kusina para magpaalam kay Tita Luz. Pero naabutan ko ito at si Ethan na nagtatawanan. I was suddenly fascinated the way he smiles. Kumakabog ang dibdib ko kahit ang matanawan lang siya. But I can't help but smile.. Ooops! I poked my head. Malala ka na Monica! I thought. “May problema ba, Monica?” Nagulat ako ng iangat ang mukha at makitang pareho silang nakalingon sa'kin. “Masakit ba ang ulo mo?” dagdag na tanong ni Tita Luz.  Tumayo si Ethan at matamang nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at sumagot kay Tita Luz, “Hindi po, may nakalimutan lang po akong gawin," pagdadahilan ko. Bahagyang kumunot ang noo ni Ethan. Bigla akong nataranta dahil alam kong na-misinterpret iyon ni Ethan. “Ummm, pwede….ko naman gawin bukas. Oo tama..bukas na lang,” nauutal kong paliwanag. Nawala ang kunot sa noo nito at tumango. Napahawak ako ng mahigpit sa lace ng bag na gamit ko. Nilingon ko si Tita Luz. “Tita, aalis po muna ako. Sandali lang naman po,” paalam ko rito. Umiling iling ito at itinaas pa ang kamay habang nakangisi. “Naku, Mon wala ka naman gagawin dito kaya ok lang kahit matagal ka dun.” I swallowed. Si Tita Luz talaga, hindi naman halatang ibinebenta na ako nito.  “Isa pa baka wala kang makasama mamaya d'yan sa taas. May company outing sila Gena, sasama raw sila Maia at Mayen 'yun iba naman ay may kanya-kanya rin lakad. Lulubusin na raw nila bago magsiuwi. Yayayain ka raw nila Gena pero ako na ang magsasabi sa kanila na may lakad ka.” “Po? Anong oras daw po ba ang alis nila? Saan daw po?” nag-aalala kong tanong. Ayokong maiwan mag-isa rito mamaya. “Sa batangas daw, hindi ko lang alam kung anong oras ang alis. Bakit sasama ka ba?” Bahagya nitong iniangat ang salamin sa mata habang sinisipat ako. I subconsciously glanced at Ethan na nakikinig lang. Humakbang ako palapit sa pinto. “Ite-text ko na lang po sila. Mamaya pa naman po sigurado sila aalis. After work pa siguro.” Nilingon ko si Ethan. “Tara na?” “Bye Tita Luz. Babalik din po ako agad.” “Maanong tulungan mo rin si Ethan pag-aalaga sa Mama niya, hindi pa pala masyadong magaling.” Natigilan ako. Close na talaga sila at alam niya ang kalagayan ng Mama nito? Tumango lang ako para hindi na humaba ang usapan. “Sige po, Tita. Sama ko po muna si Monica.” “Ok Ethan, mag-ingat kayo. Ingatan mo 'yan si Monica.” “Wag po kayong mag-alala iingatan ko po si Monica. Pero baka nga po mas ingatan pa niya ako eh!” Tumingin ito sa akin at saka kumindat. Tinaasan ko siya ng kilay. “Muka mo! Tara na.” Paglabas namin sa gate ay muli niya akong pinaghintay sa may gate. Mainit pa raw sa loob ng kotse.  Ilang minuto lang ay lumabas na ulit ito at binuksan ang pinto ng passenger seat. Pumasok ako. Isasara ko na sana ang pinto ng agawin niya “Ako na.” Nagulat ako ng hatakin niya ang seatbelt at ikabit sa buckle nito. “Ako na,” agaw ko. “Ako na.” Seryoso ito at diretso sa paglalagay ng seatbelt. Nanigas ang katawan ko at biglang napigil ang hininga. I bit my lower lip. Saglit lang naman 'yun pero bakit parang tumigil ang mundo ko. Iniwas ko ang tingin dahil nahihiya akong mapansin niya ang pagkabalisa ko. Pagkatapos niyang ilagay ay tumingin siya sa'kin pero nanatili pa rin nakahawak sa buckle ng seatbelt. “Para sure, baka biglang magbago pa ang isip mo at maisipan mong biglang tumalon.” He chuckled at hindi pa rin umaalis sa harapan ko. Napadiretso ako ng tingin sa kanya. “Ano ako baliw? Bakit naman ako tatalon? Wala ka naman magagawa kung magbago ang isip ko.” I smirked. “So nagbabago na ba ang isip mo?” He gave me a flirtatious smile. Sinalubong ko ang tingin niya. Kinakabahan ako sa sobrang lapit niya sa'kin. I smell his manly scent na napakasarap sa pang-amoy. Ilang beses din tumama ang hininga niya sa mukha ko. Yung puso ko ay parang humahampas na sa sobrang kaba. My Gosh! Pero hindi ko pwedeng ipahalata iyon.  Tinaasan ko siya ng kilay. “Kapag hindi ka pa titigil d'yan, talagang bababa na ‘ko.” Tumawa ito nang malakas pagkatapos ay tumuwid ng tayo. “Ok, you're my boss,” sabi nito saka isinara ang pinto sa tapat ko pagkatapos ay umikot sa harapan at naupo sa driver seat. Sa byahe ay panay ang biro nito na madali ko naman nasasakyan. Hindi ko mapigilan ang matawa sa bawat hirit niya ng mga kalokohan nila kapag kasama sina Vince, Kristoff at Tommy.  Akala ko nun una ay mahirap itong pakibagayan. Siguro dahil hindi maganda ang unang beses ng pagkakakilala namin. Pero kwela rin pala ito at sobrang palabiro. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD