Chapter 11

1576 Words
Pabali-baliktad ako sa kama habang nakahiga. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksena kanina.  'Yung mga mga mata nya'ng nakatitig sa akin at 'yung mga ngiti niya. Shocks! Bakit hindi mawala sa isip ko? Tinakip ko ang unan sa mukha ko at madiing ipinikit ang mga mata. Ipinadyak ko ang mga paa ko. Naiinis ako sa nararamdaman ko ngayon. Ayokong mag-isip ng advance pero iba ang hinala ko sa sarili ko.  Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko na sakto namang pagpasok ni Ate Gena, ang roommate ko.  “Hoy, anong nangyayari sa'yo? Ang lalim nun ah!” natatawang sabi nito habang papasok. Nag-alis ako ng takip sa mukha. Kakatapos lang nitong maligo. Umupo ito sa kama niya habang tinutuyo ng towel ang buhok.  “Wala.” Bumangon ako at pinanood ko siya sa ginagawa. May gusto sana akong itanong pero hindi ko alam kung paano sisimulan. “May gusto kang sabihin?” Saglit niya akong tiningnan. “W..wala naman. May lakad ka, Ate?” “Wala. Sobrang init kase kanina, nag-field kase ako. Feeling ko ang lagkit ng katawan ko. Ayaw pa naman ni Daniel na amoy pawis ako.”  Pupunta ulit siguro rito ang boyfriend niya. Matagal na daw sila nito pero since nagtrabaho ito sa abroad kaya lately lang namin nakilala. Nagbuklat ako ng libro na nasa tabi ng unan ko. Napatingin ako sa kanya na ngiting-ngiti habang may binabasa sa cellphone niya. Natatawa ako dahil parang siyang kinikiliti sa sobrang kilig. “I love you so much Hon,” bulong nito habang tumitipa sa cellphone. Umiiling-iling ako na muling tumungo sa binabasa ko. “Oi Mon, 'wag mo kong maganyan-ganyan, ha? Kapag ikaw na inlove, mahihibang ka rin.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito na parang nakapaskil na sa mukha niya. “Uy, wala naman akong sinsabi Ate Gena, ah! Natutuwa lang ako sa'yo kase mukang truly madly in love kayo sa isa't isa. At kahit lumayo siya eh sa'yo pa rin bumalik,” tukso ko dito. Bumuntong-hininga ito. “Hindi rin. Sa limang taon namin, ang dami ko rin pinagdaanan sa lokong ‘yon. 'Di ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak. Pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko eh. Kahit ilang beses pa yata nya'ng gawin 'yun papatawarin pa rin.” “Nagloko s'ya?” gulat kong tanong. “Yes, hindi lang isa kundi dalawang beses. Una nun nasa College pa kami, pangalawa nung nasa Taiwan siya.” “Pinatawad mo pa rin kahit nagawa na niya ng dalawang beses?” Sabagay sabi nga niya kahit gawin ulit patatawarin pa rin nya. Iba talaga ang pag-ibig, nakakatanga! “Humingi naman siya ng tawad at pinapatunayan na n'ya na nagbabago na s'ya. Actually, ikakasal na kami in two months!” excited at tuwang-tuwang balita nito. I glanced at her expressionlessly. Hindi ko alam kung matutuwa ba para sa kanya o ipapakita na hindi ako sang-ayon. Pero sino naman ako para gawin yun? Besides, mas matanda siya sa'kin at mas may karanasan. “Congrats!” Tumawa ito nang malakas “Yun congrats mo malapit-lapit sa condolence ang tono.” Namula yata ako o namutla. “Ha? Sorry Ate Gena, hindi ganun ang ibig kong sabihin.” Umiling ito. “Don’t worry, hindi lang ikaw ang nagbigay ng ganyang reaction actually marami kayo.” She heaved a long sigh. “Well, I choose to take the risk. Wala naman ako magagawa, sobrang mahal ko eh. 'Yun siguro ang pagkakamali ko, sobra akong magmahal. Kung natuturuan lang ang puso eh di siguro walang tanga sa mundo. Pero hindi mo pa maiintindihan ang sinasabi ko hanggang 'di mo pa nararanasan. Kung maramdaman mo na, 'wag kang matakot subukan basta alam mo lang ang limitasyon mo. Para sa huli hindi ikaw ang talunan. 'Wag mong ibibigay ang lahat, magtira ka para sa sarili mo. 'Wag mo kong gayahin, napasobra ang bigay.” Tumunog ang cellphone nito. Maya-maya ay nagpaalam nang bababa muna dahil parating na raw si Kuya Daniel. Hindi ko akalain na behind that lovely couple na kinaiinggitan ng mga boarders ay may itinatago rin palang hindi magandang nakaraan. They seems to be perfect for each other. The way Kuya Daniel stares affectionately to Ate Gena at ganun din si Ate Gena sa kanya. Totoong makikita sa kanilang mga mata na they are deeply in love with each other. Dati akala ko sila Mama at Papa lang ang tanging perpektong nagmamahalan para sa'kin pero nun makilala ko sila Kuya Daniel at Ate Gena, naisip ko na mayroon pa pala talagang perfect love story bukod sa kanila. Pero ngayon na, mismong kay Ate Gena ko narinig ang kwento nila, bumalik lahat ng alinlangan ko sa mga lalaki. Sa dami ng kakilala ko mapa may asawa o jowa, puro failed ang relasyon. Kundi sa hiwalayan nauuwi, may isang laging talunan. Si Ate Myrna na sobrang babaero ang asawa na paulit-ulit niyang pinapatawad, si Ate Maryrose na mahal nga siya pero hindi naman kayang itaguyod ang pamilya, si Kuya Earl na niloloko ng asawa pero nagbubulagbulagan, si Kuya Robert na masyadong makasarili kahit sobrang mahal na mahal ng asawa niya at si Kuya Aerol na kahit kakampi ko sa lahat ng bagay ay hindi ko pa rin matanggap na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagseseryoso sa babae. Sa mga kapatid ko pa lang, parang isinasampal na sa mukha ko ang katotohanan ng isang relasyon. Idagdag pa ang mga pinagdadaanan ng mga lukaret kong kaibigan na bigla-bigla na lang tatawag at iiyak nang walang humpay tuwing may problema sa mga boyfriend nila.  Sabagay sabi nga nila, choice nila 'yun. Nasa atin naman kung anong pipiliin natin sa buhay. 'Yun ang pinili nila kaya siguro 'yun ang pinaninindigan nila.  Nagkibit ako ng balikat sa mga naisip. Bakit ba pumasok na naman sa utak ko ang tungkol sa mga ganun.  “Monica, may bisita ka," sigaw ni Tita Luz mula sa baba. Tiningnan ko ang relos ko, 7pm. Sino naman ang maghahanap sa'kin ng gantong oras? ”Ahh, baka classmate ko na ngayon lang lumabas.” Along the way kase ang boarding house na ito sa school namin. “Opo, sandali lang.” Pinalitan ko ng t-shirt ang suot kong sando saka bumaba. Dumiretso ako sa kusina at itinuro ni Tita Luz na nandun daw sa maliit niyang garden ang bisita ko. Nakatalikod ito pero nahuhulaan ko na kung sino ito.  “Mark?” Lumingon ito pagkatapos ay ngumiti. “Naistorbo ba kita?”  Umiling ako at sinenyasan sya'ng umupo. “Napadaan ka? Ummm, kumusta ka na?” Umupo ako malapit sa kanya. Tinitigan niya ako. “Gusto ko lang sana mag-sorry at magpaalam." Hindi ako nagsalita. Tumingin lang ako sa malayo habang hinihintay kung ano pa ang gusto niya sabihin. “Sorry Monica, sobrang mahal lang kita.. Pero wala naman akong dapat sisihin kundi sarili ko. Ewan ko ba! Ikaw lang ang laman nito at nito.” He pointed his heart and his temple at matiim na nakatitig sa mga mata ko. Nalungkot ako sa nakitang paghihirap sa mga mata niya. “Mark, alam mo naman na…” “It’s ok Monica, wala ka naman dapat ipaliwanag. Tulad ko wala ka rin naman magagawa kung iba ang gusto mo,” aniya at tuluyan nang bumagsak ang mga luha nito.  “Mark..” Pinahid nito ang luha at ngumiti.  “Don’t worry, siguro pagbalik ko wala na ang sakit na ‘to.” “Aalis ka?”  Bumuntong hininga siya saka tumango. “Isanasama na ako ni Ate sa Canada. Dun ko na itutuloy ang pag-aaral ko. Pinayagan na rin ako ni Daddy na mag-shift sa medicine.” Tumango-tango ako. “Sorry Mark, ayokong maging unfair sa'yo at alam kong naiintindihan mo naman ako 'di ba?” “Alam ko, at isa 'yun sa mga nagustuhan ko sa'yo... Sana maging masaya ka. At sana alagaan ka n'ya..” Bigla akong nakonsensya. Tama ba ang ginawa ko? Nilinlang ko siya para tuluyang lumayo sa akin. Parang ang bigat naman ng kapalit. Sobrang sama ko ba?  Tumungo ako at hindi makatingin nang tuwid sa kanya. Gusto kong sabihin na hindi 'yun totoo for the sake of our friendship. Pero para saan pa? The damage has been done. Nakapag decision na, hindi lang siya pati ang pamilya niya. Guguluhin ko pa ba? Na wala naman din akong maipapangako sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ko. “Walang magbabago sa friendship natin, ha? Magiging masaya rin ako, akala mo ba?” Kinagat nito ang labi at tumango-tango pagkatapos ay tumayo. "At..at kung paiiyakin ka lang niya, always remember that you can always count on me." Kinagat ko ang labi ko saka tumango. Magkahalong awa at lungkot ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Naging mabuti rin siyang kaibigan at alam kong totoo ang nararamdaman niya para sa'kin pero hindi ko pwedeng dayain ang nararamdaman ko para sa kanya na hanggang para sa isang kaibigan lang. “Magpahinga ka na, aalis na rin ako," paalam nito. “Kelan ang flight n’yo?” “Next week, tapos na kase ang bakasyon ni Ate. Ayaw naman na sumunod ako at baka magbago pa raw ang isip ko." Bahagyang tumawa ito. Tumayo ako at niyakap siya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. “Mark, I'm sorry. Mami-miss kita. Mag-ingat ka dun, ha? Tsaka ipagpi-pray ko ang happiness mo.” Hinigpitan niya ang yakap sa'kin at maya-maya ay kusa na rin kumalas. Ngumiti ito at nagpaalam. Pagkatapos at walang lingon-likod na naglakad palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD