Sinalubong kami ng Tita Choleng niya na siyang nagbukas ng gate.
“Si Mama po?” tanong ni Ethan habang papasok kami. Hawak nito ang kamay ko. Hinila ko ito pero mas hinigpitan pa niya ang hawak. I gave him a sidelong glance, his lips slightly raised.
“Nasa kwarto, kanina pa nga kayo hinihintay." Sinulyapan ako ni Tita Choleng at nginitian. “Sakto lang ang dating niyo, kakatapos ko lang magluto. Maghahain na muna ako at siguradong gutom na si Florie." Naglakad ito papuntang kusina.
Nanatili akong nakasunod lang sa kanya dahil hawak pa rin niya ang kamay ko. Napansin ko na lumampas na kami sa living room nila at tinutungo na ang daan papuntang kwarto.
“Sandali. Do'n na lang ako maghihintay sa sala.”
Tumigil siya at nilingon ako. Kinamot niya ang dulo ng isang kilay. “Sabi kasi ng doctor, she needs to rest thoroughly as much as possible, rest in bed. So I won't allow her to come out dahil hindi niya maiwasang gumawa sa kusina."
Ano kayang sakit ng Mama niya? Ganun ba kalala? Tumango tango ako. “Ok.”
“But if she wants to eat with us..” Nagkibit balikat ito.
Kumatok siya sa kwarto. Pagkatapos namin marinig ang sagot nito na “come in” ay diretso na pumasok si Ethan kasunod ako.
“Ma, Monica is here….What are you doing?” gulat na tanong ni Ethan.
Pasalampak itong nakaupo sa sahig kaharap ang kung anu-nong papel. May mga nakalagay sa folder, envelop at mga photo albums.. Sa tabi nito ay ang nakabukas na maliit na steel cabinet.
Nag-angat ito ng tingin at matamis na ngumiti sa akin. “Monica, it's good you're here." Hindi nito pinansin si Ethan at dahan-dahan tumayo.
Inalalayan ito ni Ethan hanggang sa maupo sa sofa na malapit sa bintana ng kwarto. Napansin ko ang hawak nitong litrato na malungkot niyang tinititigan na siyang naabutan namin pagbukas ng pinto. Mabilis niya itong inilagay sa patong-patong na photo album.
“Ma, 'di ba sabi ng doctor hindi ka muna pwedeng magkikilos?” salubong ang kilay na tanong nito habang ang dalawang kamay ay nasa baywang. He looks pissed.
“I’m ok anak. See I was so bored for the past week. Hindi naman nakakapagod ang ginagawa ko. I was just taking a fancy look at my old stuff, nothing else,” malambing nitong paliwanag.
Inabot nito ang mukha ni Ethan at inayos ang gusot nitong noo. “Don’t worry I’m taking good care of myself. Gusto ko pang makita ang mga apo ko.”
“Ma, I'm serious.”
She knitted her brows. “I’m serious too. I will be strong enough to make me able to see my grandchildren.” Lumipat ang tingin nito sa akin at saka kumindat. I gave her a shallow smile. Pakiramdam ko ay seryoso ang sakit niya kaya ganun na lang ang pag-aalala ni Ethan.
“At saka 'wag ka ngang masungit d'yan. Baka mamaya matakot n'yan sa'yo si Monica, ikaw din!” Iniyakap nito ang isang kamay sa baywang ni Ethan na ngayon ay pareho ng nakaharap sa akin.
“Alright, have your lunch first. Magpapahatid na lang ako ng pagkain dito kay Ate Choleng,” sabi nito. “Monica pasensya ka na hindi ko kayo masasabayan sa pagkain, ha? Can you find another time to accompany me here? Kung kelan ka free," masuyong tanong nito.
“Ah..umm..sige po.”
“That's good. Sige na, tanghali na alam ko nagugutom na kayo," taboy nito sa amin. I glimpsed at her, I saw the sadness in her eyes na pilit itinatago sa pamamagitan ng mga ngiti at pagtaboy sa amin.
Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko na nagpabalik sa ulirat ko. “Let’s go?” yaya ni Ethan.
Tumango ako at sabay na lumabas.
Pagpasok namin sa kusina ay nakasalubong namin ang Tita Choleng niya na may dalang pagkain na nakalagay sa tray. “Nakapaghain na ako. Kain na kayo d'yan. Dadalhan ko muna ng pagkain si Florie. “
“Thank you Tita, sabay ka na sa'min,” alok ni Ethan.
Umiling ito at patuloy na naglakad. “Mamaya na ako, late ang agahan ko kaya busog pa ako. Kapag may kailangan kayo, tawagin mo lang ako,” pahabol nito.
Hinila ni Ethan ang isang upuan at pinaupo ako. Inabot niya ang kanin at nilagyan ang plato saka ito umupo sa tabi ko. “Anong gusto mong ulam?”
Tiningnan ko ang tatlong putahe na nakahain sa lamesa. May kare-kare, afritada at relyenong isda. I gulped, nakakagutom naman. Simpleng tanghalian lang kaya sa kanila ‘to? Sa'min kase kapag may okasyon lang nakakapaghain ng higit sa dalawang putahe.
Inabot n'ya ang kare-kare. “Try mo ‘to, my favorite.” Akmang lalagyan niya ang plato ko.
“Ako na.” Agaw ko sa serving bowl. “Kumain ka na rin.”
Sandali kaming tahimik habang kumakain. Ang awkward. Medyo nahihiya pa ako sa kanya.
Tumikhim ako. “Bakit ang dami ng pagkain? May bisita pa ba kayo?” curious kong tanong.
Nilunok muna nito ang nginunguya. “Wala, na-miss lang ni Mama itong mga paborito niya. Wala raw kaseng lasa ang mga pagkain sa hospital.” He glanced at me. "Masarap ba?” tumango ako.
Nagpalinga-linga ito saka nilapit ang mukha sa may tainga ko at bumulong, “Pero mas masarap magluto si Mama. For sure, yayayain ka nun mag-cooking session kapag totally recovered na s'ya.”
Ramdam ko ang init ng hininga niya na tumama sa mukha ko habang nagsasalita. Bakit hindi siya amoy alamang? Nilingon ko siya. Sobrang lapit lang pala ng mukha niya at ilang inches lang ang layo namin.
Ngumiti siya habang nakatitig sa akin at kita ko ang pagbaba ng mata niya sa labi ko. I consciously bit my lip and he swallowed. Oh my! Nag-init yata ang puno ng tenga ko.
Nag-iwas ako ng tingin at kinuha ang baso at nilagok ang laman nun. Siya naman ay tumuwid ng pagkakaupo at itinuloy ang pagkain.
“Ahm, ganun ba talaga ang Mama mo sa mga friends mo na babae?” Siguro sabik lang ito sa anak na babae kaya gusto niya na pumupunta ako rito sa bahay nila. Sabagay nag-iisa kaseng anak si Ethan, malungkot nga siguro 'yun. Sa'min kase kahit ganun sila Nanay at Tatay, magulo at masaya naman kapag nagkakasama-sama kami sa bahay. Pero sila, malaki nga ang bahay pero parang ang tahimik.
“Hindi.. ” seryoso nitong sagot.
Hindi na ako nagtanong pa at parang nawala na siua sa mood. Ilang minuto kaming tahimik at parang wala siyang balak magsalita. May toyo talaga yata ang lalaking ‘to.
Ang awkward lang. Tapos na kami kumain. Humarap ako sa kanya. “May problema ba? Bakit bigla ka na lang tumahimik d'yan?”
Hindi niya ako tiiningnan. “Wala, my gusto lang sana akong gawin.” Nakayuko lang siya.
“Ganun ba? Bakit hindi mo agad sinabi? Pwede ko naman sa ibang araw na lang dalawin si Tita Florie.” Tumayo ako at sinimulang ligpitan ang mga plato.
Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ako sa ginagawa. I rolled my eyes. Hindi ko maiwasang hindi mainis. Sino ba ang nagyayang pumunta dito, 'di ba siya? Huhugasan ko lang ang pinagkainan namin at magpapaalam na ako kay Tita Florie.
Kinuha ko ang sponge at nagsimulang sabunin ang mga baso ng bigla niyang agawin ang hawak ko. “Iwan mo na lang 'yan d'yan.”
“Ok lang, konti lang naman. Mabilis lang ‘to.” Minadali ko ang paghuhugas pero sinigurado kong malinis ang mga ito. Ramdam ko na nasa likuran ko lang siya at rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pagkatapos kong hugasan ng mga plato ay nagpunas ako ng kamay at humarap kahit alam kong hindi sia umaalis sa kinatatayuan niya.
Nakasuksok ang mga kamay niya sa likod ng pantalon niya at seryoso ang mga matang nakatitig sa'kin. Napalunok ako at iniawang ang mga labi.
“A..aalis na ‘ko. Pasensya ka na, hindi mo naman sinabi na may gagawin ka pala. Ummm, magpapaalam lang ako sa Mama mo.”
Akma kong kukunin ang bag na iniwan ko sa upuan nang bigla niyang hawakan ang braso ko. “Ano ba sa tingin mo ang gusto kong gawin?”
Iniangat ko ang mata ko sa kanya. “Hindi ko alam, wala ka naman binanggit sa'kin kanina.
“Gusto mo bang malaman kung ano?”
Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Kung gustong mong sabihin, sabihin mo na lang.” mataray kong sagot. “ Tsaka kung wala naman akong kinalaman dun, don’t bother yourself to--”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Hinawakan niya ako sa batok at sinalubong ng halik ang mga labi ko. Hindi ako nakahuma at nanlaki ang mga mata sa pagkabigla. Unang paglapat pa lang nito sa mga labi ko ay naghatid na ng bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang paghagod ng mga labi niya at pag-ikot ng isang kamay niya sa baywang ko.
Napapikit ako at ninamnam ang bago at kakaibang pakiramdam. It feels so good and I somehow felt some butterflies in my stomach. And my knees become weak all of a sudden.
Hindi ko alam kung gaano katagal iyon. I gasped when he finally left my lips. He widens his smile habang tinititigan ako.
I swallowed. Yumuko ako ng maramdaman ang pag-init ng mukha ko.
He chuckled. “You’re so cute when you blushed.” Bahagya pa nitong pinisil ang pisngi ko dahilan para lalo itong mamula.