“Good morning, love!” matamis na ngiting bungad sa akin ni Ethan. “Good morning, love!” sagot ko na humalik naman sa pisngi niya. Biyernes ng umaga at sabay na naman kaming papasok sa trabaho. Ito na ang routine namin sa loob ng isang taon ko sa trabaho. Araw-araw niya ako sinusundo at inihahatid sa opisina bago siya pumasok sa trabaho. Pagka-graduate ko ay hiniling niya na dito na rin ako magtrabaho para daw palagi rin kaming magkasama. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang accounting firm at siya naman ay sa isa sa pinakamalaking construction company dito sa San Pablo. Kahit pa may offer sa kanya sa ibang bansa ay hindi niya tinanggap. “Love, baka hindi kita masundo mamaya, ha?” sabi niya pagdating namin sa harap ng building ng opisina namin. Tinanggal ko ang seatbelt at inayos an