Nagising ako sa ingay sa paligid ko. Pagmulat ko ay nahagip ng mga mata ko ang naka-swimsuit na sina Maia at Malen na parehong nakaharap sa salamin. “Morning Mon, ang sarap ng tulog mo ah! Palibhasa, and'yan si Prince Charming. Ok na ba kayo?” tudyo ni Maia. Napangiti ako nang maalala si Ethan. Pero mabilis kong binawi at inirapan siya. “Magsu-swimming na agad kayo?” Pag-iba ko sa topic. “Yup, sayang ang oras. Tsaka ang dami ng boys do'n oh!” kinikilig na sagot nito. “Kaw talaga! Maghahanap ka na ulit ng bagong boyfriend kaka-break nyo lang ni Joel no'n isang araw.” Siniko ni Malen si Maia. “Eh ano naman? 'Yun gago ngang 'yun, kami pa naghanap na agad. Sira ulo'ng yun,” biglang umasim ang mukhang sagot nito. Napapailing na tumayo ako at nagtungo sa banyo. Mula roon ay rinig ko pa rin