Isang linggo ang lumipas mula ng gabing puntahan ako ni Mark. Ka-klase ko siya sa Math subject pero hindi niya ako pinapansin tuwing magkikita kami. Minsan nahuli ko siyang nakatingin sa akin na bahagya lang ngumiti. Tinanguan ko lang siya at siya mismo ang nagbawi nang tingin. Mula noon ay pansin ko ang pag-iwas niya.
Nakahinga ako nang maluwag dahil wala ng laging nakasunod sa akin. Tumigil na rin sa pagte-text ang makulit na mysterious sender.
Kakatapos lang ng Accounting subject ko at palabas na ng classroom ng sinalubong ako ni Chelsea. Galing s'ya sa major subject n'ya. “Girl, tanda mo si Ethan? Birthday kase ng Mama niya sa Sunday, nag-i-invite."
“Ha? Wait, may text yata.” Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Napataas ang kilay ko nang makita kung sino ang nagt-ext. Mula na naman ito sa makulit na sender. “Buhay pa pala ‘to," bulong ko.
“Sino?” awtomatikong nakisilip ito sa cellphone ko.
“Hindi ko nga kilala eh.” Binuksan ko ang message. Two words lang ang laman…“Payback time.”
Tumikwas ang nguso ko. “Wrong sent siguro,” bulong ko saka inilagay ang cellphone sa bulsa. “Ano nga ulit sabi mo?”
“Sigurado ka bang wrong sent 'yan?”
Ngumuso ako. “Eh wala naman ako pinagkakautangan 'no?! May klase ka pa, meryenda tayo?”
“Tara!” Kinawit niya ang braso ko at sabay kaming naglakad papunta sa canteen. Pareho kaming bumili ng spaghetti at softdrinks. Naupo kami sa bandang dulo ng canteen.
Halos isang oras ang vacant time kaya matagal kaming makakapag-chickahan ni Chelsea. Matagal kaming hindi nagkita dahil busy ito sa internship niya sa isang hospital. Hindi ko pa rin nai-kwento rito ang tungkol sa ginawa kong instant jowa ang kaibigan niya. Pero since mukha naman tahimik si Ethan eh hindi ko na lang din sinabi sa kanya. Dahil masyado itong matanong at baka mahirapan lang akong ipaliwanag sa kanya. Besides, tapos na at maayos naman na lahat.
Pagkaupo nito ay inulit ang sinabi nya. “Yun nga, Mon sama ka sa'min sa Sunday kila Ethan.”
Muntik na 'kong mabulunan nang narinig ko ang pangalan nito. “Bakit?” tanong ko pagkainom ng softdrinks.
“Kase nga birthday ni Tita Florie, 'yung mama n'ya.”
“Hindi pwede. I mean, pauwi ako sa saturday sa amin baka sa Monday na ako babalik.," palusot ko.
Ang totoo ay hindi talaga ako uuwi dahil pupunta raw ng Bicol sina Nanay at Tatay, isang linggo raw sila doon kaya binigyan na nila ako ng allowance para sa dalawang linggo.
Ngumuso ito. “Sayang naman. Magpaalam ka kaya? Minsan ka lang naman hindi uuwi 'di ba?”
“Hindi pwede. Wala akong allowance." Tuloy ang subo ko ng spaghetti.
“Eh di papahiramin na lang muna kita.”
“Ayoko baka isipin ni Nanay marami pa akong tirang pera. For sure, hindi nun papalitan ang allowance ko for next week."
Magsasalita pa sana ito ng tumunog ang ringing tone ng cellphone ko. Save by the bell. May alibi ako para hindi na kulitin ng babaeng ‘to. “Excuse me ha, sagutin ko lang ‘to." Tumayo ako at lumayo ng konti sa kanya.
Nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang tumatawag. ‘Anak ng…akala ko pa naman ay kung sino.’
Ito ung makulit na sender na hindi nagpapakilala pero ngayon ay tumatawag na. Sasagutin ko ba? Napatingin ako kay Chelsea na pinapanood pala ako. Ngumiti ako ng hilaw dito pagkatapos ay tumingin sa cellphone ko. No choice, sasagutin ko na lang ito kesa pilitin ako ni Chelsea na sumama sa kanila sa Sunday. “Hello?”
Tumikhim ang nasa kabilang linya pero hindi ito nagsalita. “Magsasalita ka ba o hindi? Ibaba ko na ‘to,” naiinis kong tanong. Pasalamat ka at ngayon ka tumawag. Kundi malabo kong sagutin ang tawag mo.
“It's me,” mahina nitong sagot sa kabilang linya.
“Of course, it's you. Eh sino ka nga?” mataray kong sagot.
“I’ve already texted you, it's payback time. Don’t you remember you owe me something?
Ilang minuto bago nag-sink in sa utak ko ang sinasabi ng kausap ko. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig. So, si Ethan ang makulit na text ng text sa akin dati?
“Ikaw ung nagte-text sa'kin?” I still asked dahil baka nagkakamali lang ako ng tingin sa number. Baka may magkaiba lang na digit sa number nila.
“Yes..dati.. ako nga," kalmado nitong sagot.
“Oh….” bigla akong nawalan ng maisip na pwedeng sabihin sa kanya. Dahil hindi ko in-expect na siya pala iyon. Kung ganun, kanino niya nakuha ang number ko?
Napatingin ako kay Chelsea na itinuturo ang relo sa braso niya. Tumango ako at sumenyas na maghintay sandali.
“Ite-text kita kung kelan. Be prepared!"
“Ha?... Teka , 'di ba ok na? A..akala ko tapos na 'yun,” nahihiya kong sagot.
“Well, good for you na tinigilan ka na nun Mark na 'yon but not me.”
Hinaplos-haplos ko ang mahaba kong buhok na para bang dun ako makakahanap ng maidadahilan sa kanya. Muli akong tinawag ni Chelsea. This time ay sumigaw na siya, “Mon, male-late na tayo!” Tumingin ako sa relos ko, may 30 mins. pa naman. OA talaga ang babaeng ‘to. Pero napangiti ako dahil may alibi na 'ko.
“Wait lang,” sinadya kong laksan ang boses para mas marinig sa kabilang linya.
“Sige ha? Late na talaga ko eh.. Bye!” hindi ko na siya hinintay na sumagot at binaba ko agad ang telepono at bumalik sa upuan.
.”Sino 'yun?” tanong ni Chelsea.
“Ahh, wala.. 'Yong barkada ko sa'min, may chinika lang.”
“So, ano sasama ka na sa Sunday?”
“Ang kulit mo rin 'no? Hindi nga pwede, next time na lang promise!” Tinaas ko ang isang kamay na parang nanunumpa.
She sneered. “Hmp..minsan lang eh!”
“Eto naman, minsan lang din naman ako hindi makakasama. Tska hindi naman ako kilala nun celebrant.”
Hindi ito sumagot at tuloy sa pagkutingting sa cellphone niya. Alam kong nagtatampo ito pero ayoko talagang sumama. Hindi ko pa masyadong ka close ang cricle of friends niya at isa pa karamihan dito ay puro mga lalaki. Sila lang ni jacky ang babae.
Napatingin ako sa cellphone na hawak niya. “Chel, may binigyan ka ba ng number ko?”
Iningat nito ang tingin mula sa cellphone. “Oo, si Ethan. Kinuha niya nun nun pag alis mo galing clinic. Magso-sorry daw sya sa'yo kase mukha daw na badtrip ka.”
Biglang lumiwanag ang mukha nito. “Tinext ka ba niya? Anong sabi? Feeling ko bet ka nun,” tila kinikilig na sabi nito. ”Anong sabi? Nagte-text pa rin ba siya ngayon? In-invite ka niya?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Sira, isang beses lang. Nag sorry lang. 'Yun lang,” kaila ko.
Ngumuso ito. “Ahh, akala ko pa naman may something.”
“Something ka d'yan! Tara na, balik na tayo?” Tumayo na ako.”Tsaka pala next time, kung sakali lang naman na may humingi ng number ko, pwede ba 'wag mo basta basta ibigay, ha?”
“Hoy si Ethan kaya 'yun. Alam mo bang ang daming nagkaka-crush dun nun highschool kami. Actually si Tommy talaga ang tropa niya kaya ahead sa’tin ng two years yun. Tingnan mo ha bukod sa gwapo na, matangkad, magaling pa maglaro ng basketball at mabait pa. Tsaka sobrang mahal na mahal nun ang Mama niya. Kaya for sure swerte ang babaeng mamahalin nun.”
“So isa ka sa may crush sa kanya?”
“Gaga, tropa kami nun 'no? Syempre kahit gaano siya ka-gwapo hindi ko pa rin ipagpapalit ang honey ko!” Humawak ito sa braso ko habang naglalakad kami sa corridor.
Tumigil kami sa tapat ng classroom ko at tumambay muna. Wala pa ang Prof ko. Dito raw muna siya habang hindi pa nagri-ring ang bell dahil lagi naman daw late ang Prof nila. Sa kasunod na building ang sunod niyang klase.
“Ikaw ba Monica, umamin ka nga. Tibo ka ba?” Nanlaki ang mga mata ko na napalingon sa kanya.
“Ay grabe, ha?”
“Eh bakit hindi ka pa nagbo-boyfriend? One year na lang graduate na tayo tas never ka pa nag-boyfriend tapos hindi ka pa yata nagka-crush.” Tumawa ito ng malakas.
“Yun lang, tomboy agad? Hindi ba pwedeng hindi ko pa nami-meet 'yong taong para sa'kin?.. Tsaka wala akong tiwala sa mga lalaki. Magaling lang ang mga 'yan sa una. Kapag nakuha na nila ang gusto nila, hindi ka man nila iwan, babalewalain ka naman. At the end, babae ang laging kawawa.”
She rolled her eyes. “Ang bitter naman nito. Kaya pala kahit si Mark eh mukang sumuko na sa'yo. Sayang din yun, boyfriend material. Alam mo part daw talaga ng love ang masaktan. Tsaka masarap kayang ma-inlove. 'Wag puro nega, hindi ka magiging masaya.”
Hindi ako interasado sa mga gantong usapan kaya nagkibit balikat na lang ako. Nagpaalam na rin siya nang makitang parating na ang Professor namin.
Nakahiga ako sa kama habang nagbabasa. Alas-otso pa lang kaya hindi pa ako inaantok. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Eto na naman, nag-text na naman si Ethan. Hindi pa ba tapos ‘to? Sige na nga, once and for all para wala na ako utang sa kanya.
FB : “I’ll pick you up on Sunday 10am.” Ha? Bakit sa Sunday e 'di ba birthday daw ng Mama niya 'yun? Bumangon ako at umupo at pinag-cross ang mga paa. Tawagan ko kaya? Saktong nag-ring ito, tumatawag ulit.
“Hello?” mahina kong sagot.
“Wala kang planong mag-reply sa text ko?” Bakit parang kinabahan ako nang marinig ang seryosong boses nito tulad ngayon.
“A..actually, nagta-type na nga ako bigla ka naman tumawag."
Narinig ko ang buntong-hininga nito sa kabilang linya. “Ummm, tungkol dun sa napag-usapan natin, pwede ba siya bukas or kahit sa Saturday ng maga makausap?”
Hindi ito sumagot. “Ethan, galit ba siya? Na-explain mo ba sa kanya ang eksaktong nangyari?” Gusto ko sanang itanong kung saan ito nag-aaral para kahit dun ko na lang kakausapin.
Ewan ko ba naman kase, hindi naman kami nagpanggap sa maraming tao, kay Mark lang pero dahilan ba 'yun para magalit sa kanya 'yun girlfriend niya o maging issue pa 'yun? Hindi ko naman hiniram talaga ang boyfriend niya. Kainis!
“Galit oo, dahil nakita n'ya 'yong pasa sa pisngi ko," tila inis nitong sagot.
“Sorry.. Ok, sa Sunday.”
“Ok,” 'yun lang ang narinig ko at naputol na ang linya.
Mabait daw, parang ang sungit. Ok, para matahimik kayo. Kala mo naman mamahaling krystal 'yong boyfriend niya. Konting pasa lang naman nagalit agad. Hindi rin masyadong pabebe ang babaeng 'yun 'no? Si Kuya Aerol nga, madalas umuwing may pasa, hindi ako nagagalit. Natawa ako sa naisip.
Kinabukasan ay hinintay ko si Chelsea sa labas ng classroom nila. Sasabihin ko rito ang tungkol sa nangyari sa pagpapanggap namin ni Ethan para makakuha na rin ng idea tungkol sa girlfriend nito. Pero mukhang wala ito sa mood nang makita ako.
“Oh bakit?” mataray nitong salubong sa'kin.
Siniko ko ito. “Girl, meron ka? Ang sungit mo!.. May sasabihin sana ako sa'yo,” biro ko rito.
Tiningnan niya ako ng pairap saka umupo sa sa isang silya sa loob ng classroom nila. “Ano 'yun? Sasabihin mo na may boyfriend ka na?”
“Baliw, kahit wala ka sa mood naisisingit mo pa rin talaga ang idea na magka-love life ako 'no?!”
“Tigilan mo nga ako Monica. Nakasabay namin ng mga pinsan ko kagabi sila Mark at mga kaibigan niya sa Cyclos. Ayun, langong-lango sa alak. Sinundo ng kapatid n'ya.”
Tumaas ang kilay ko. “So? Anong connect?.. D'yan sa attitude mo ngayon? At.. At anong kinalaman ko dun?” naguguluhan kong tanong.
She rolled her eyes. “Sa sobrang kalasingan yata ni Mark ay hindi niya ako nakilala hanggang sa sinundo na siya ng kapatid niya, kahit magkatabi lang kami ng table. Narinig ko ang pangalan mo kaya na-curious ako kung anong pinag-uusapan nila. Sabi niya hindi raw n'ya matanggap na, “you just dropped him like a hot potato”, nag-quote pa ito. “At ang bilis mo raw nagtiwala sa Ethan na 'yun samantalang s'ya na halos tatlong taon mong kasama ay hindi mo binigyan ng chance. Sinong Ethan Monica? Imposible naman na ibang Monica ang tinutukoy n'ya 'di ba? Dahil alam ng lahat na lagi 'yung nakabuntot sa'yo mula pa nang first year tayo.”
Napalunok ako at hindi agad nakapagsalita. Ganun ba ang epekto nito kay Mark? Masama pa rin pala ang loob niya sa akin hanggang ngayon? Akala ko ok na kami. Gusto ko naman siya pero hanggang kaibigan lang talaga.
“So, ano na? Silence means, totoo ang narinig ko?”
I heaved a sigh. “Kaya nga kita hinahanap dahil dun--"
“Totoong kayo na ni Ethan?” nanlalaki ang mga mata na tanongnito na hindi muna ako pinatapos sa sasabihin ko.
Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya. “Wag kang OA, ha? Patapusin mo muna kase ako. Medyo mahabang kwento kaya makinig ka.”
Ikunwento ko rito mula sa umpisa hanggang sa napag-usapan namin ni Ethan sa telepono. Pero hindi ko na binanggit na nag-text ito bago pa mangyari iyon.
Tumango tango ito. “Ahh, so sila pa pala ni Cindy. Akala ko matagal na silang wala. Pero sobra ka kay Mark. Heartless!”
“Yaan mo na, makaka-move on din 'yun. 'Di lang siguro matanggap ng ego nun na na-reject siya. Gwapo naman siya at mayaman 'di ba? Madali lang s'ya makakakita ng ipapalit sa'kin," bale wala kong sagot.
Naniningkit ang mga mata nitong tinitigan ako. “Grabe ka talaga. Man hater ka ba?”
“Hindi naman, marami akong friends na lalaki 'di ba? Masarap nga silang kasama eh! Kaso pang friendzone lang talaga ako.”
Ngumuso ito saka tumayo. “Bahala ka,opinion mo 'yan eh. So pano, isasama ka ni Ethan dun sa maarte niyang jowa. Baka hindi na lang ako pumunta dun unless sasama ka sa bahay nila after niyong paliwanagan ang bruha!"
Napangiti ako.“Ikaw yata d'yan ang bitter eh. May galit lang sa jowa ni Ethan?”
Tumawa ito. "Hndi naman. 'Di ko lang siya feel para kay Ethan." Tumigil ito bigla at tinitigan ako. “Parang mas feel ko kung kayo talaga ni Ethan. Mas bagay kayo girl!” kinikilig na sabi nito habang niyuyugyog ang braso ko.
“Baliw! Tara, libre mo na lang ako ng meryenda.”
“Kaw kaya ang manlibre. Ikaw ang nagkaron ng instant boyfriend 'di ba?”
“Oo nga 'no, pa-libre na lang tayo sa instant boyfriend ko?”
“Oh sige tatawagan ko lang.” Kinuha nito ang cellphobe niya at mukang tatawag nga. Bigla kong inagaw ito at itinago sa kamay na nasa likod ko.
“Ay walang ganyanan!” Pareho kaming nagtatawanan habang naglalakad sa corridor na parang mga batang nag-aagawan sa cellphone niya.