Chapter 19

1634 Words

Pumasok si Ethan sa loob ng kotse niya. Na-start na nito ang makina nang makalapit ako rito. Bumaba ito ng sasakyan at nakangiting lumapit sa akin. “Babe, akala ko hindi mo na talaga ako kakausapin. Galit ka ba?” Nakangisi ito at niyakap ako. Inirapan ko siya at bahagyang itinulak. Naamoy ko ang alak sa mainit niyang hininga na tumama sa pisngi ko. Medyo namumula rin ang mukha nito. “Anong babe? Tsaka bakit ka magda-drive pagkatapos mong mag-inom?” naiirita kong sermon. Hindi ko mapigilan ang inis lalo nang makita ko ang kislap ng mata niya. ‘Loko ‘to, parang ang saya-saya pa pagkatapos niyang sabihin na ayaw na n'ya. “Wala naman akong matutulugan dito dahil fully booked na raw lahat ng rooms. At..ayaw mo rin akong kausapin kanina.” Nakayakap pa rin ito at isubsob ang mukha sa leeg ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD